You are on page 1of 3

Mala-masusing Banghay Aralin sa FIL M16- Paghahanda at Ebalwasyon ng

Kagamitang Panturo

I. Layunin
Pagkatapos ng talakayan ang mga mag-aaral ay inaasahang:

a. Naipaliliwanag ang mga katangian ng mabuting tanong.


b. Napahahalagahan ng mga mag-aaral ang mga katangian ng mabuting tanong.
c. Nakabubuo mg mga mabuting tanong.
d.
II. Paksang Aralin
A. Paksa: Talahanayan ng Ispesipikasyon: Mga Katangian ng Mabuting
Tanong
B. Sangngunian: Davenly Talfan (2018). Katangian ng Mabuting
Tanong. Retrieved from: https://www.scrib.com/document/katangian
ng Mabuting Tanong on Nov. 6, 2023
C. Kagamitan: laptop, projector

III. Pamamaraan
A. Panimulang Gawain
1. Panalangin
2. Pagbati
3. Pagtatala ng liban
4. Pagbabalik Aral
Sa nakaraang talakayan, natalakay ni G. Eito ang tungkol sa
talahanayan ng Ispesipikasyon na kung saan ayon dito, ang
talahanayan ng ispesipikasyon ay unang hakbang sa paggawa ng
pagsusulit o ito na ang sinasabing test questions.

A. Pagganyak
Sa larong ito, pagpapangkatin ng guro ang mga mag-aaral sa dalawang grupo sa
pamamagitan ng paghahati sa dalawa kung ilan silang lahat. May limang(5) jumbled
letters na ibibigay ang guro bawaat grupo. Ang gagawin lamang ng mga mag-aaral ay
ayusin ang mga letra ayon sa kanilang pagkakaintindi. Paunahan ang larong ito. Sa
loob lamang ng tatlumpong(30) segundo kailangang matapos ang gawain. Pagkatapos
ay ilahad ang sagot sa unahan at ikumpara ang sagot ng dalawang grupo sa loob
lamang ng isang(1) minuto. Ang limang letra ay ang sumusunod:
1. YATIK- TIYAK
2. ILKIMA- MAIKLI
3. TAPAS- SAPAT
4. KHAINAPAR- KAHIRAPAN
5. NARUTIW- TUWIRAN
B. Paghahanda sa Aralin
a. Ipagamit sa paraang pagtatanong ang mga salitang nasa unang
gawain.
1. Dapat ba na tiyak ang gagawing tanong?
2. Dapat bang maikli lang ang mga tanong?
3. Sapat na ba ang iyong kaalaman tungkol sa mga katangian ng
mabuting tanong?
4. Kailangan bang may kahirapan ang gagawing tanong?
5. Dapat bang tuwiran at hindi maligoy ang gagawing tanong?

C. Paglalahad ng Aralin
a. Ilahad ang aralin sa pamamagitan ng pagbanggit sa paksa at mga
layunin.

D. Panlinang na Gawain
a. Ipagamit sa pangungusaap sa paraang pagtatanong ang mga
sumusunod na salita: (mula sa ikalawang gawain)
1. Tiyak
2. Maikli
3. Sapat
4. Kahirapan
5. Tuwiran

E. Pagsusuri
Susuriin ang ginawang gawain sa pamamagitan ng pagkakaroon ng tanong-sagot
hinggil dito.
1. Kamusta ang gawain?
2. Madali o mahirap?
3. Anong salita ang nahirapan kayong gamitin sa paraang pagtatanong?
4. Ano ang inyong napagtanto? Nararapat bang pag-aralan ang at alamin ang
mga katangian ng mabuting tanong sa paggawa ng mga tanong?

F. Paglalahat
1. Sa madaling salita, ang mga katangian ng mabuting tanong ay mga gabay sa
pagbuo ng isang epektibo’t tiyak na mga tanong.
2. Mga katangian ng mabuting tanong
a. Tiyak
b. Maikli at tuwiran (hindi maligoy)
c. May sapat na kahirapan upang hamunin ang kakayahan ng mga mag-
aaral
d. Hindi nasasagot ng “OO” o “HINDI” o open ended question
e. Hindi nasasaad sa tiyak na pananalita ng pagkakapahayag sa aklat.
f. Nakalilinang ng kakayahang makapagtimbang-timbang.
g. May sapat na kalinawan.
h. Nagsisimula sa “Bakit”, “Paano”, o mga tanong na nakatutulong sa
paglinang ng malikhaing pag-iisip.
i. Kakayahang magpaliwanag, magtuwid, o magbigay ng palagay o
opinyon.
j. Nakapupukaw ng pag-iisip at nakagigising ng kawilihan.

G. Paglalapat
Bumuo ng dalawang(2) mabuting tanong tungkol sa natalakay.
1.
2.

IV. Pagtataya
1. Ipaliwanag ang katangian ng mabuting tanong.
2. Paano mo napahahalagahan ang katangian ng mabuting
tanong?

V. Gawaing Bahay
Maghanap o magsaliksik ng limang(5) tanong at surrin kung taglay ba nito ang
katangian ng mabuting tanong.
VI. Mg Puna at Pagninilay

Inihanda ni:
Ritchel B. Monsalod
Gurong Mag-aaral

Inaprobahan ni:
Ronaldo. N. Verano
Propesor

You might also like