You are on page 1of 8

DMC College Foundation Inc.

A De La Salle Supervised School


Integrated School
Fr. Patangan Road, Sta. Filomena, Dipolog City

Daily Learning Plan


Instructor: Beneflor M. Tayrus
Subject: Araling Panlipunan 8
Date:
Quarter and Week:
Subject Matter/Topic: Manoryalismo

Pangunahing Layunin
Pagkatapos ng araling ito, ang mga mag-aaral ay naitaguyod nang kasanayan
sa:
● pag-usbong ng Europa

Tiyak na Layunin
Sa araling ito ay may naitaguyod nang kasanayan sa:
1. relasyon ng panginoon at ng mga serf, at
2. pamumuhay sa loob ng manor.

Paksang Aralin

A. Paksa
Manoryalismo

B. Kagamitan
●Laptop
● Presentation Slides
● kagaminatang panturo

C. Sanggunian
● Quipper Study Guide AP8 U10, Aralin 10.1, Manoryalismo

Pamamaraan
A. Panimulang Gawain

Pagganyak
1. Ipakita ang larawan. (Slide 4)

2. Itanong.
 Batay sa larawan, ano ang manoryalismo?

B. Pagtatalakay
1. Ipakita ang larawan. (Slide 3)
2. Headline
Sa gawaing ito, magbibigay ang bawat mag-aaral ng isang headline na titimo sa isip
tungkol sa isang tiyak na paksa. Ang bubuuing headline ay dapat makatawag-pansin at akma sa
wika ng kasalukuyang henerasyon.
3. Iproseso ang mga nabuong output upang mas mapatibay ang paksang aralin.

Paglalapat
1. Ipakita ang larawan. (Slide 10)
2. Itanong.
 Bilang maliliit na manggagawa at salat sa mga pangangailangan at kung minsan ay
napagkakaitan pa ng hustisya, paano nating matutulungan ang mga nasa ganitong uri o
kalagayan?
 Ano ang maaari mong ipanukala sa mga nasa kapangyarihan at pamahalaan upang
matugunan ang isyung ito?
3. Hayaang sagutin ng klase ang mga tanong.
4. Iproseso at patibayin ang mga sagot.

C. Pangwakas na Gawain

Pagpapahalaga
Itanong: (Slide 18)
Sa iyong palagay, angkop pa rin ba ang manoryalismo sa kasalukuyan? Alin sa mga konsepto
nito ang dapat gayahin o panatilihin at alin naman ang hindi? Bakit?

Pagtatasa
Panuto: Isulat sa patlang kung TAMA o MALI ang bawat pangungusap o pahayag.
DMC College Foundation Inc.
A De La Salle Supervised School
Integrated School
Fr. Patangan Road, Sta. Filomena, Dipolog City

Daily Learning Plan


Instructor: Beneflor M. Tayrus
Subject: Araling Panlipunan 8
Date:
Quarter and Week:
Subject Matter/Topic: Piyudalismo

Pangunahing Layunin
Pagkatapos ng araling ito, ang mga mag-aaral ay naitaguyod nang kasanayan
sa:
● pag-usbong ng Europa
● manoryalismo

Tiyak na Layunin
Sa araling ito ay may naitaguyod nang kasanayan sa:
1. mga piyudal na relasyon, at
2. mga kabalyero (knights).

Paksang Aralin

A. Paksa
Piyudalismo

B. Kagamitan
●Laptop
● Presentation Slides
● kagaminatang panturo

C. Sanggunian
● Quipper Study Guide AP8 U10, Aralin 10.2 Piyudalismo

Pamamaraan
A. Panimulang Gawain

Pagganyak
1. Ipakita ang mapa. (Slide 4)

2. Itanong.
 Kailan nabuo ang sistemang piyudal? (Pagbagsak ng imperyo ni
Charlemagne)
 Saang mga bansa nabuo at lumaganap ang sistemang piyudal?
(Inglatera, Alemanya, Italya, at Gitnang Europa)
 Ano ang ipinahihiwatig ng ganitong sitwasyon? (Walang iisang sistemang
piyudal; magkakaiba ang katangian.)

B. Pagtatalakay
1. Ipakita. (Slide 6)
2. Acrostic
Sa gawaing ito, ang mga titik na bumubuo sa salita ay bibigyan o lalagyan ng
mahalagang salita, impormasyon, o konsepto.
3. Iproseso ang mga nabuong output upang mas mapatibay ang paksang aralin.

Paglalapat
1. Ipakita ang larawan. (Slide 10)
2. Itanong.
 Ganito pa rin ba ang paniniwala at kapalaran ng mga tao? Ano ang ipinahihiwatig nito?
 Paano ito nabago? Ano na ang kasalukuyang paniniwala at katupara nito?
 Ano ang katotohanan tungkol sa kalagayan ng bawat tao sa lipunan?
3. Hayaang sagutin ng klase ang mga tanong.
4. Iproseso at patibayin ang mga sagot.

C. Pangwakas na Gawain

Pagpapahalaga
Itanong: (Slide 12)
Pagnilayan ang pamumuhay ng mga tao noong panahon ng piyudalismo. Ano ang mabubuti at
di-mabubuting dulot sa mga tao ng pamumuhay sa loob ng isang sistemang piyudal?

Pagtatasa
Panuto: Isa-isahin ang kailangang sagot.
DMC College Foundation Inc.
A De La Salle Supervised School
Integrated School
Fr. Patangan Road, Sta. Filomena, Dipolog City

Daily Learning Plan


Instructor: Beneflor M. Tayrus
Subject: Araling Panlipunan 8
Date:
Quarter and Week:
Subject Matter/Topic: Pag-usbong ng mga Bagong Bayan at Lungsod

Pangunahing Layunin
Pagkatapos ng araling ito, ang mga mag-aaral ay naitaguyod nang kasanayan
sa:
● pag-usbong ng Europa
● manoryalismo
● piyudalismo

Tiyak na Layunin
Sa araling ito ay bibigyan pansin ang:
1. rebolusyong agrikultural sa Gitnang Panahon,
2. muling paglago ng kalakalan, at
3. pag-usbong ng mga bayan at lungsod.

Paksang Aralin

A. Paksa
Pag-usbong ng mga Bagong Bayan at Lungsod

B. Kagamitan
●Laptop
● Presentation Slides
● kagaminatang panturo

C. Sanggunian
● Quipper Study Guide AP8 U10, Aralin 10.3, Pag-usbong ng mga Bagong Bayan at
Lungsod

Pamamaraan
A. Panimulang Gawain

Pagganyak
1. Ipakita ang larawan. (Slide 4)
2. Itanong.
 Ano ang nakalarawan? (Bagong bayan noong High Middle Ages)
 Paano kaya nagkaroon ng ganitong bayan ang mga tao mula sa simpleng
manor noong Middle Ages?
 Ano ang mga pangyayaring nagbunsod at ano ang ibinunga nito?
(Halimbawa, sumigla ang kalakalan; umusbong ang maraming bagong
bayan at siyudad.)

B. Pagtatalakay
1. Ipakita. (Slide 6)
2. Entrance Slips
Pasulatin ng sagot sa loob ng isang minuto ang bawat mag-aaral tungkol sa isang tiyak na
tanong, maaaring ito ay maging paglalahat (generalization).
3. Itanong.
“Anong pinakamahalagang bagay ang natutuhan mo sa tiyak na paksa?”
4. Iproseso ang mga nabuong output upang mas mapatibay ang paksang aralin.

Paglalapat
1. Ipakita ang larawan. (Slide 10)
2. Itanong.
 Ano ang katumbas nito sa ating panahon?
 Paano higit na makatutulong ang ganitong samahan para maitaguyod ang kapakanan ng
mga nangangailangan?
3. Hayaang sagutin ng klase ang mga tanong.
4. Iproseso at patibayin ang mga sagot.

C. Pangwakas na Gawain

Pagpapahalaga
Itanong: (Slide 12)
Gaano kalaki ang papel na ginampanan ng mga perya sa panunumbalik ng masiglang kalakalan
sa Europa? Ano ang katumbas nito sa ating panahon? Bakit?

Pagtatasa
Panuto: Isa-isahin ang kailangang sagot.
DMC College Foundation Inc.
A De La Salle Supervised School
Integrated School
Fr. Patangan Road, Sta. Filomena, Dipolog City

Daily Learning Plan


Instructor: Beneflor M. Tayrus
Subject: Araling Panlipunan 8
Date:
Quarter and Week:
Subject Matter/Topic: Ambag ng Europa sa Daigdig

Pangunahing Layunin
Pagkatapos ng araling ito, ang mga mag-aaral ay naitaguyod nang kasanayan
sa:
● pag-usbong ng Europa
● manoryalismo
● piyudalismo
● pagsibol ng mga bayan

Tiyak na Layunin
Sa araling ito ay bibigyan pansin ang mga ambag ng Europa sa daigdig sa larangan ng:
1. pulitika at batas,
2. arkitektura, at
3. sining.

Paksang Aralin

A. Paksa
Ambag ng Europa sa Daigdig

B. Kagamitan
●Laptop
● Presentation Slides
● kagaminatang panturo

C. Sanggunian
● Quipper Study Guide AP8 U10, Aralin 10.4, Ambag ng Europa sa Daigdig

Pamamaraan
A. Panimulang Gawain

Pagganyak
1. Ipakita ang larawan. (Slide 4)
2. Itanong.
 Pamilyar ba kayo sa nasa larawan? Ano ito? (Lumang kastilyo)
 Sino ang mga gumawa sa mga kastilyo at saan ito karaniwang
matatagpuan? (Mga serf; nasa gitna ng manor)
 Maituturing ba itong ambag? Bakit mahalaga sa kasalukuyan ang
ganitong mga ambag o kontribusyon? (Opo. Nababakas mula sa mga
ito ang kasaysayan.)

B. Pagtatalakay
1. Ipakita. (Slide 6)
2. Personal Experience
Sa gawaing ito, ang bawat mag-aaral ay mag-iisip o magmumuni-muni ng kaniyang
natatanging karanasan sa buhay, na may kahalintulad o kaugnayan sa paksa.
3. Iproseso ang mga nabuong output upang mas mapatibay ang paksang aralin.

Paglalapat
1. Ipakita ang larawan. (Slide 9)
2. Itanong.
 Paano tayo nakikinabang sa “paglagda” ng hari?
 Sa anong tiyak na pangyayari o sitwasyon naranasan o napakinabangan mo ito?3.
Hayaang sagutin ng klase ang mga tanong.
4. Iproseso at patibayin ang mga sagot.

C. Pangwakas na Gawain

Pagpapahalaga
Itanong: (Slide 11)
Alin sa mga kontribusyon ng mga Europeo simula noong Gitnang Panahon ang
pinakamahalaga sa sangkatauhan magpasahanggang ngayon? Bakit?

Pagtatasa
Panuto: Isa-isahin ang kailangang sagot.

You might also like