You are on page 1of 7

Reyes, Dominic Lagare

AB History 4A

Detailed Lesson Plan

Subject: Araling Panlipunan Grade 10 (Ekomomiks)


Time: 3:00pm to 4:00pm (Monday to Friday)
Section: 10 Galaxy
Room: SHS 6

A. Layunin:
Sa pagtatapos ng 40 minutong klase, ang mga mag-aaral ay inaasahan na:
1. Maipaliwanag kung ano-ano ang mga Konsepto ng Pag-unlad ayon sa kanilang
nabasa,
2. Maipakita ito sa pamamagitan ng DAYAGRAM,
3. Maisabalikat ang mga konseptong ito upang maging isang maunlad na Pilipino.

B. Paksang Aralin
1. Paksa: Konsepto ng Pag-unlad
2. Sanggunian: Ekonomiks: Araling Panlipunan
3. Mga gagamitin: Cartolina, Pentel pen.
C. Pamamaraan

Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral

1.Paunang Gawain

1.1 Panalangin
Ngayon sisimulan natin ang ating klase sa
pamamagitan ng isang Panalangin.(Tumawag ng
isang mag-aaral upang manguna sa pagdarasal)
(Tumayo ang lahat upang magdasal.)

1.2 Pagbati
Magandang hapon sa inyong lahat Grade 10
Galaxy. Magandang hapon din, Ginoong
Reyes.

1.3 Pagsisiyasat sa Kapaligiran.


Bago kayo magsi-upo maari bang pulutin ninyo
ang mga basurang nasa ilalim ng inyong mga upuan.
At ayusin ng maayos at pantay at pantay-pantay ang
inyong mga upuan.

(Ang mga mag-aaral ay nagpulot at


nag-ayos ng kanilang mga silya. At
umupo na ang lahat ng maayos.)

1.4 Pagtatala ng Liban


Mayroon ba kayong mga kamag-aral na lumiban
sa klase?
Wala po, Ginoong Reyes.

Magaling, dahil walang lumiban sa inyong mga


kamg-aral, bigyan ninyo ng limang palakpak ang
inyong mga sarili.
(Pumalakpak ang mga mag-aaral.)

2. Pagbabalik- aral
a. Ano-ano ang mga bumubuo sa Sektor ng
pananalapi?
Sir! Institutusyong Bangko, Di-
Bangko, at ang Regulator.
Mahusay.

b. Magbigay ng mga halimbawa ng mga


Regulator na natutukoy sa aklat.

Sir! Ang Bangko Sentral ng Pilipinas


(BSP), Philippine Deposit Insurance
Corporation (PDIC), Security and
Exchange Commission (SEC) at
Insurance Commission (IC).
Magaling.

c. Ano ang layunin ng Philipine Deposit


Insurance Corporation?

Sir! Ang layunin ng PDIC ay; bilang


tagaseguro ng deposito, at bilang
receiver at liquidator ng nagsarag
Bangko
Napakahusay, lubos akong nagagalak at kayo ay
may natutunan sa ating nakaraang leksyon.
Ngayon ay dadako na tayo sa ating bagong aralin.
Buksan ang inyong mga libro at dumako kayo sa
pahina 340.
(Binuksan ng mga mag=aaral ang
kani-kaniyang libro nila.)

3. Pagtatalakay
Basahin gamit ang inyong mga mga ang mga
konsepto ng Pag-unlad ayon sa mga iba’t ibang
awtor at libro. Bibigyan ko kayo ng sampung minute
upang unawaiin at basahin and nilalaman.

(Nagbasa ng tahimik ang mga mag-


(Pagkaraan ng sampung (10) minute. aaral.

Ngayon ay dumako na tayo sa ating aralin.


3.1 Batay sa inyong pagbabasa, Kailan masasabing
maunlad ang isang bansa?

Sir! Batay sa aklat ni Feliciano Fajardo


na Economic Development, masasabi
nating maunlad ang isang bansa kung
mayroong pag usbong sa sekto ng
ekonomiya, agrikultura at mga
Mahusay. inspraktura.

3.2 May pagkakatulad ba ang pagsulong at ang


pag-usbong?
Sir! Batay pa rin kay Fajardo ang
depenisyon ng pagsulong para sa
kanya ay nasusukat at nakikita
halimbawa nito ay ang mga daan,
kabahayan at mga gusali. At ang mga
pagsulong na ito ay bunga ng isang
Pag-unlad.

Napakahusay na paliwanag.
3.3 Sa inyong palagay, sang-ayon ba kayo kay
Todaro na ang pag-unlad ay dapat na kumatawan sa
malawakang pagbabago sa buong sistemang
panlipunan? Pangatwiranan.
Sir! Opo, ako po ay sang-ayon sa
ideya ni Todaro na masasabi nating
maunlad ang isang bansa kung ang
malawakang pagbabago ay
nararamdaman ng lahat mula sa
mababang antas ng lipunan
hanggang sa rurok nito.
Magaling.

4. Pangwakas na Gawain

Ngayon para sa huling Gawain bumuo ng apat (4)


na grupo at subukang kompletuhin ang dayagram na
nasa Cartolina. At ito ay ipepresenta ninyo sa buong
klase. Kayo ay may-roog lamang ng 10 minutu para
sa Gawain na ito.

Tumayo at nahanap ng mga kagrupo


ang mga mag-aaral at umupo upang
masimulan ang kanilang mga Gawain.

Bago kayo magsimula bibigayan ko kayo ng rubriks


kung papaano ko bibigyan ng grado ang inyong mga
ginawa.
4.1 Rubriks

Very
Good Good Need
Krayterya at (5 (4points Improvement
lebel points) ) (2 points) Score
Accuracy ng
Impormasyon

Pagpapaliwanag
Presentasyon
Pakikiisa ng
mga miyembro
Total

4.2 Dayagram

Pagkatapos ng sampung (10) minute.

Maari ng magpresenta ang mga unang grupo.

Pumunta sa harapan ang mga unang


grupo at ipinaliwanag ang kanilang
mga impormasyon sa harap ng klase.

Napakahusay mga unang grupo naipaliwanag niyo


ng maayos ang inyong dapat na ireport. Bigyan sila
ng limang palakpak.
Pumalakpak ang mga mag-aaral.

Ikalawang grupo kayo na ang susunod.


Tumayo ang ikalawang grupo.At
inumpisahan nila ng maayos ang
kanilang nagawa.
Mahusay rin ang inyong ipinakita at ipanilawanag,
maari na kayong umupo at bigyan din sila ng limang
bagsak na palakpakan.
Pumalakpak ang mga mag-aaral.

Susunod na grupo.
Inumpisahan nila ng maayos ang
kanilang report.

Napakahusay rin ang inyong nagawa ikatlong grupo


isa talaga kayong mga lodibells na mag-aaral, bigyan
din natin sila ng limang palakpak
Nagsipalakpakan ang lahat.

Susunod, huli man daw sila ay hindi naman sila


magpapahuli sa kagalingan. Magsitayo na kayo ika-
apat na grupo.
Tumayo at maayos na naipresenta
ang kanilang mga ginawa.

NApakahusay ninyong lahat. Bigyan ninyo ang


inyong mga sarili ng Sampung palakpak dahil sa
inyong mga nagawa.
Pumalakpak ang lahat at nagsaya.

Ngayon magsibalik na kayo sa mga dati ninyong mga


puwesto.
Tumayo ang lahat at bumalik sa
kanilang mga Seating arrangement.

5. Kasunduan
Sagutan ang Gawain 6 sa pahina 345 at ilagay sa
inyong mga kwaderno.

Magpapaalam.

Magandang hapon ulit at magkita kita tayo ulit


bukas. Paalam.
Paalam din Ginoong Reyes.
Reference Book:
Araling Panlipunan Ekonomiks Grade 10
Pahina 340

You might also like