You are on page 1of 14

BENGUET STATE UNIVERSITY 7

PAARALAN BAITANG
SECONDARY LABORATORY SCHOOL
GURO James Saliquio Sawad ASIGNATUR AP 7
MASUSING A
BANGHAY ARALIN
PETSA AT ORAS
NG MARKAHAN 3
PAGTUTURO

I. MGA LAYUNIN
A. Pamantayang Ang mag-aaral ay…
Pangnilalaman Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa pagbabago, pag-unlad at pagpapatuloy sa Timog at
Kanlurang Asya sa Transisyonal at Makabagong Panahon (ika-16 hanggang ika-20 siglo)
B. Pamantayan sa Ang mag-aaral ay…
Pagganap Nakapagsasagawa ng kritikal na pagsususri sa pagbabago, pag-unlad at pagpapatuloy sa Timog at
Kanlurang Asya sa Transisyonal at Makabagong Panahon (ika-16 hanggang ika-20 siglo)
C. Mga Kasanayan sa Nasusuri ang mga anyo at tugon sa neokolonyalismo sa Timog at Kanlurang Asya.
Pampagkatuto
D. Mga Tiyak na Layunin Pagkatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:

a. Nakapagtatala ng mga epekto ng neokolonyalismo.

b. Nakapagbibigay ng maaring solusyon sa epekto ng neokolonyalismo.

c. Nakapagbibigay ng ideya ukol sa mga tugon ng Timog at Timog-Kanlurang Asya sa


neokolonyalismo
II. NILALAMAN Mga uri, anyo, epekto at tugon ng neokolonyalismo sa Timog at Kanlurang Asya.
III. MGA KAGAMITAN
A. Sanggunian
1. Mga Pahina sa
Gabay ng Guro
2. Mga Pahina sa
Kagamitang
Pangmag-aaral
3. Mga Pahina sa
Teksbuk
4. Mga Karagdagang PPT, LCD projector, laptop
Materyal (online, https://depedtambayan.net/wp-content/uploads/2022/01/AP7-Q3-MODYUL8.pdf
atbp.)
IV. PAMAMARAAN GAWAIN NG GURO GAWAIN NG MAG-AARAL
A. Pagbabalik-aral o Magandang araw mga mag-aaral. Magandang araw po, Sir James.
Pagpapakilala ng
Bagong Aralin Bago tayo mag-umpisa maaari bang ayusin ninyo ang mga Opo.
upuan at pulutan ang kalat sa paligid.

Mayroon bang lumisan sa klase ngayon? Wala po.

Noong nakaraan ano ang ating tinalakay Kenn? Ang ating tinalakay noong nakaraan
ay tungkol sa bahaging ginampanan
ng relihiyon s iba’t ibang aspekto ng
pamumuhay.

Magaling! Mukhang handa na kayo para sa bagong aralin.


B. Paglalahad sa mga Bago ito,alamin natin ang mga layunin natin ngayong araw
Layunin ng Aralin na ito. Pagkatapos ng talakayan kayo ay inaasahang:

a.Nakapagbibigay ng ideya ukol sa mga tugon ng Timog at


Timog-Kanlurang Asya sa neokolonyalismo.

b.Nakapagtatala ng mga epekto ng neokolonyalismo at


naipapaliliwanag kung paano ito nangyayari.

c.Nakapagbibigay ng saloobin na nagpapakita ng maaring


solusyon sa epekto ng neokolonyalismo.

Ngayon handa na ba kayo? Opo, Sir!


C. Motibasyon Upang magkaroon kayo ng ideya sa ating tatalakayin, tayo Opo Sir James!
ay maglalaro. Paunahan kayong maayos ang mga jumbled
o nagulong letra upang makabuo ng mga salita na may
kinalaman sa ating tatalakayin. Ang mauunang
makapagtaas ng kamay ang siyang sasagot at makakakuha

(Ifaflash sa screen gamit ang powerpoint presentation ang


mga jumbled word isa isa sa harap.)

1.tukulral
(Nagtaas ng kamay si Rafael)
Rafael ano ang sagot sa number 1?
Kultural,sir.
Tama!

2.fo ssol edirp

Mhike sa number 2?
Loss of Pride po.
Tama!

3.btde part

Ben,number 3?
Debt Trap po.
Tama!

4.nuedticon slaveenment

Nekojay ano ang sagot sa 4?


Continued Enslavement po.
Tama!

5.milipangtar

Daniela,number 5?
Pangmilitar po.
Tama!

6.revodepedence

Ano ang sagot sa number 6 Ton?


Overdependence.
Tama!

7.vertco rationope

Niko ano sagot sa number 7?


Covert Operation.
Tama!

8.tikalpoli

Ninz sa number 8, ano ang sagot?


Politikal po.
Tama!

9.hangdayu utangpa

Nash ano ang sagot sa number 9?


Dayuhang Pautang po sir.
Tama!

10.nomikoeko

At huli, ano ang sagot sa number 10 Yhaky?


Ekonomiko Sir James.
Tama!

Magaling malalaman ninyo kung ano ang mga kinalaman


ng mga iyan sa ating aralin kaya naman simulan na natin
ang talakayan.
D. Pagtalakay sa Bagong May nakakaalam ba o nagbasa ng ibig sabihin ng
Aralin neokolonyalismo? (Nagtaas ng kamay si Josh.)

Yes Josh? Ang neokolonyalismo ay ang


makabagong pananakop ng mga
malalakas o makapangyarihan na
bansa sa mga ibang maliliit na bansa.
Tama! Mahusay Josh!

Ito ay ang pananatili ng control ng isang dating


kolonyalista sa dati nitong kolonya.

Maraming bansa ang naging alipin ng mapagsamantalang


mga bansa na ang ginusto lamang ay maging tanyag,
kinatatakutan, at yumaman. Ilan dito ay ang tinatawag na
Super Powers na bansa (Russia at United States).
Maraming nag-akala na sa kanilang paglaya ay tuluyan
nang makakamit ang kapayapaan ngunit sila ay nagkamali.
Ang mga bansang sinakop ay hindi nagtamo nang ganap
na kalayaan. Naglayon ang pananakop na patatagin ang
pamumuhunan ng kolonyalistang bansa, mapigilan ang
pagkamit ng tunay na kalayaan at makuha ang mas
malaking kita ng negosyo.

Ang neokolonyalismo ay isang uri ng suliraning


pampolitika at pang-ekonomiya na ang lahat ng estado
mayaman man o mahirap ay maaaring masangkot.
Madalas, ang mga bansang kabilang sa Third World ang
nakararanas nito dahil na rin sa pagkakaroon ng mahinang
ekonomiya. Makikita ito sa pag-asa o pagdepende ng mga
mahihinang bansa sa mga bansang kabilang sa First World
o ang mga bansang may maunlad na ekonomiya at
industriya. Naglalayon ang malalaking bansa na patatagin
ang pamumuhunan, pigilin ang pagkamit ng tunay na
kalayaan, at makuha ang mas malaking kita mula sa
negosyo.
Nag-unahan ang mga Kanluranin na sakupin ang iba’t
ibang bansa sa Timog-Kanluran.

Bakit kaya sa tingin niyo maraming may gusting sakupin (Nagtaas ng kamay si Migui.)
ng mga malalakas na bansa ang mga timog-kanlurang
bansa?

Migui? Sir dahil sa yaman nitong taglay sa


petrolyo at langis.
Tama!

Ang mga bansa sa nasabing rehiyon tulad ng Saudi Arabia,


Kuwait, at Iraq ang may hawak ng malaking reserba ng
langis sa daigdig. Hindi lingid sa kaalaman ng bawat isa
ang kahalagahan ng petrolyo at langis. Kasama rin ang
tatlong bansang ito sa Organization of the Petroleum
Exporting Countries o OPEC na siyang nagkokontrol ng
presyo ng langis sa buong pandaigdigang kalakalan.

Ngayon naman ating tignan ang mga uri ng


neokolonyalismo na aking ipapakita sa ating powerpoint.
Unang uri ay ang Ekonomiko, ito sa pagbibigay
kunwari ng tulong at pagpapautang para sa pagpapaunlad
ng isang bansa subalit ang totoo ay itinatali lang nito sa
mga patakaran na pabor sa kaniya.

Sunod ay ang Kultural,dito naman ipinakikita ng mga


dayuhan ang kanilang mga musika, sayaw, palabas,
babasahin, at iba pa na mas pinahahalagahan ng tao kaysa
kanilang mga sariling gawa.

Pangatlo ang Politikal na Sa pamamagitan ng tahimik na


paraan, nagagawa ng makapangyarihan na kontrolin ang
pamamahala sa bansang mahihirap tulad ng eleksyon.

At ang panghuli ay ang Pangmilitar, ito ang pagtulong ng


Kanluraning bansa sa mga dating kolonya na nanganganib
na sakupin o lusubin ng ibang bansa.

May katanungan ba sa mga uri? Wala po,Sir James.


Kung gayon dumako naman tayo sa anyo ng
neokolonyalismo sa timog at timong-kanlurang asya.

Una na rito ang Dayuhang Pautang (Foreign Debt),

Sino sa inyo ang may ideya tungkol dito base sa inyong


pagkakaintindi?

Josh? Sir ito ang pagpapautang ng isang


malakas na bansa sa mga
pandaigdigang organisasyon o kaya
naman ay sa isang mahirap na bansa.

Tama, kadalasan, may mga itinakdang kondisyon bago


makautang ang mga bansa. Tinutukoy din dito ang Debt
Trap o ang hindi pagkaahon ng mga mahihirap na bansa sa
kanilang pagkakautang.

Pangalawa naman na anyo ay ang Covert Operation,


Karaniwang ito ay kadahilanang pampolitika o
pangmilitar.

Itaas lamang ang kamay kung may katanungan.

Maliban sa uri at anyo ng neokolonyalismo mayroon din


itong epekto.
Una ang Overdependence o labis na pagdepende sa iba. Overdependence o labis na
Maari bang pakibasa ito London? pagdepende sa iba. Ang mga tao ay
labis nang umasa sa mayayamang
bansa.
Okay, lalong-lalo na sa may kaugnayan sa United States.

Sunod,Loss of Pride o Kawalan ng Karangalan. Pakibasa Loss of Pride o kawalan ng


Mark. karangalan ay epekto ng
impluwensiya ng mga mananakop
ang pagbuo sa isipan ng mga tao ng
lahat ng galing sa kanluran ay mabuti
at magaling,

SalamatMark.Kung kaya’t ito ay naging dahilan ng


pagkawala ng interes sa sariling kultura at mga produkto.

Panghuli,pakibasa Jefferson Continued Enslavement o patuloy na


pang-aalipin,ito ay ang patuloy na
pamamayagpag ng mga kanluranin,
ang tunay na kahulugan ng salitang
kalayaan ay - ang malilit na bansa ay
patuloy pa rin ang pagtalima at
pagkatali sa makakolonyal at
makakapitalistang interes ng
kanluranin.

O sa madaling salita binabayaran ng maliliit na bansa ang


kanilang mga utang ng kanilang kalayaan.

Naintindihan ba? Opo,Sir.

Panghuling na ating tatalakayin ay ang mga tugon sa


neokolonyalismo ng mga bansa sa timog at timog-
kanlurang asya.
Ang iba sa mga bansa sa Timog at Timog-Kanlurang Asya
ay tumanggap ng mga tulong pinansiyal na ginamit upang
muling makabangon ang kanilang ekonomiyang dati ay
nalugmok dahil sa digmaan.

Anong bansa ang maaring halimbawa sa tugon na ito?Yes Sir Turkey po,sila ay tumatanggap ng
Genie. tulong pinansyal mula sa Estados
Unidos noon.

Tama.Kasabay niyan ay ang pagpayag sa pangekonomiya


at pangmilitar na pakikipagkasundo ng magkabilang panig.
Kinakitaan ng pag-unlad ang Turkey dahil na rin sa
liberalismong pang-ekonomiyang patakarang ipinatutupad
nito at patuloy na pagtanggap ng dayuhang tulong mula sa
Estados Unidos.

Sa kabilang dako nagkaroon din ng pagkakasundo ang


Saudi Arabia sa pamumuno ni Haring Ibn Saud sa Arabian
American Oil Company (ARAMCO) upang ang 50% kita
ng nasabing kompanya ay maibigay sa Saudi Arabia upang
magamit sa pagpapataas ng kita ng bansa. Bukod pa rito,
kapalit ng tulong teknikal at pagpapahintulot ng pagbili ng
armas sa ilalim ng Mutual Defense Assistance Act ay
patuloy na pinayagan ang Estados Unidos sa paggamit ng
base militar sa Dharan.

Sa kabila na ang ibang bansa ay tumanggap ng tulong


mula sa Kanluranin, ay mayroong mga bansa naman na
bumuo ng samahan at nagpakita ng kanilang pagiging
makabayan.

Ano ang itinuturing na terorista ng mga Israeli Kiehl? Sir PLO po o ang Palestenian
Liberation Organization.

Tama,ang samahang ito ay kinilala ng mga Arabo bilang


isang makabayang samahan.
May katanungan ba o kadagdagan? Wala po,Sir James.

E. Paglinang sa Ngayon naman upang mas malinang ang iyong kaalaman,


Kabihasaan sa pamamagitan ng graph inyong itala ang mga epekto ng
neokolonyalismo at ipaliwanag kung paano ito
nagyayari.Gawin ito sa 1 buong papel. Mayroon lamang
kayong sampung minute upang sagutan iyan.

Naintindihan ba? Opo, Sir James.

(Pagkatapos ng sampung minute)

Ipasa ang inyong mga papel sa harap.


F. Paglalapat ng mga Bago tayo magpatuloy mayroon akong tanong para sa
Konsepto sa Pang- klase. Alin sa mga uri ng neokolonyalismo ang sa tingin
araw-araw na Buhay ninyo ang kayang solusyunan ng isang estudyante katulad
ninyo?

Joseph? (Sasagot si Joseph)

Paano mo ito nasabi? (Sasabihin ni Joseph ang kanyang


dahilan)

G. Paglalahat at Para sa ating susunod na gawain,kayo ay bubuo ng tatlong


Abstraksiyon grupo.

Bawat grupo ay magkakaroon ng isang kinatawan bilang


tagapagsalita. Bibigyan ko kayo ng 3 minuto upang mag-
isip,pagkatapos ng 3 minuto mabibigyan ng 2 minuto ang
mga kinatawan upang ibahagi ang napag-usapang sagot.

Magbigay ng isang maaaring solusyon sa napiling epekto


ng neokolonyalismo.Maaaring magbigay ng kongretong
halimbawa sa naisip na solusyon.

(Pagkatapos ng tatlong minuto)

Ang unang grupo na mag-uulat ay ang grupo ni


Anna,susunod ang grupo ni John at ang panghuli ay ang
grupo ni Jason. Simulan niyo na Anna. (Nag-ulat ang isang kinatawan mula
sa grupo ni Anna)

(Sumunod na nag ulat ang kinatawan


mula sa grupo ni John)
(Nag-ulat ang kiatawan mula sa grupo
ni Jason)
Maraming salamat sa lahat ng mga nag-ulat. Mahusay ang
bawat grupo, ako’y natutuwa sa inyong mga sagot.
H. Pagtataya ng Ngayon naman para sa ating huling gawain, ang bawat
Pagkatuto grupo ay maglabas ng isang buong papel at gamit ang
isang graph magbigay ng tatlong kahalagahan sa bawat
tugon na ginawa ng mga timog at kanlurang bansa sa
neokolonyalismo. Kayo lamang ay mabibigyan ng Opo, Sir James.
sampung minuto upang sumagot.Naintindihan ba?

TUGON NG TIMOG AT
KANLURANG ASYA SA KAHALAGAHAN
NEOKOLONYALISMO

(Pagkatapos ng sampung minuto.)

Pakipasa sa harap ang inyong mga papel. Opo, Sir James.


I. Takdang-aralin Para sa inyong takdang aralin, magbasa tungkol sa Opo Sir James.
kontribusyon ng Timog at Kanlurang Asya sa kulturang
Asyano.
J. Karagdagang Gawain Para sa mga estudyante na nakakuha ng mababang marka
para sa Aplikasyon o noong nakaraang pagsusulit, gumawa kayo ng isang poster
Remediation na nagpapakita ng anyo,uri,epekto at tugon
neokolonyalismo. Gawin ito sa short coupon bond at ipasa
bukas ng umaga bago tayo magsimula sa ating klase. Opo ,Sir James.
V. MGA TALA

VI. PAGNINILAY

Inihanda ni: Binigyang-pansin ni:

James Saliquio Sawad Alicia B. Balongyad

You might also like