You are on page 1of 9

Republic of the Philippines

REGION XII
UNIVERSITY OF SOUTHERN MINDANAO
Kabacan, Cotabato

COLLEGE OF EDUCATION

GRADE 1 School UNIVERSITY OF SOUTHERN MINDANAO Grade Level 6


to 12 Teacher MA. LEZEL P. PATARAY Learning Area ARALING PANLIPUNAN
DLP/HLP Teaching Dates and Time MARCH 11, 2024 Quarter 4

PANG ARAW-ARAW NAMASUSING BANGHAY-ARALIN

I. LAYUNIN
A. Pamantayang Naipamamalas ang pag-unawa sa ilang mga hamong pampolitika,
Pangnilalaman pang-ekonomiya at pangsosyo-kultural na kinaharap ng mga Pilipino
bilang isang malayang bansa mula 1946 hanggang 1986

B. Pamantayang Pagganap Nakagagawa ng adbokasiya na nagpapakita ng pagmamalaki sa


pagpupunyagi ng mga Pilipino sa ilang mga hamong pampolitika,
pang-ekonomiya at pangsosyokultural na kinaharap ng mga Pilipino
bilang isang malayang bansa mula 1946 hanggang 1986

C. Mga Kasanayang Nasusuri ang mga suliranin at hamon sa kasarinlan at


Pampagkatuto pagkabansa ng mga Pilipino sa ilalim ng Batas Militar

Pangkabatiran

Nasusuri ang
dahilan, kaganapan,
at epekto ng
rebolusyong
siyentipiko
Nasusuri ang
dahilan, kaganapan,
at epekto ng
rebolusyong
siyentipiko
Nakabibigay ng mga pangyayaring nagbigay daan sa pagtakda ng
Batas Military;
Pangkasanayan Nakagagawa ng role play tungkol sa dahilan ng pagtakda ng Batas
Militar; at
Pangdamdamin Napapahalagahan ang pag-aaral ng mga salik na nagbigay daan sa
paglaganap ng Batas Militar sa pamamagitan ng repleksiyon.

II. NILALAMAN/PAKSANG Mga Salik na Nagbigay-daan sa Deklarasyon ng Batas


ARALIN Militar
III. Kagamitang panturo
A. Sanggunian
1. Mga pahina sa gabay ng Araling Panlipunan Ikaapat na Markahan – Modyul 1: Mga Suliranin
guro at Hamon sa Ilalim ng Batas Militar

2. Mga pahina sa
kagamitang pang mag- Pilipinas: Kasaysayan at Pamahalaan, Batayang
aaral Aklat sa Unang Taon, (Edisyon 1997), 191-195
B. Iba pang kagamitang
panturo Printed paper. DLP Projector, Cartolina, Pentel Pen, Tape, Laptop,
TV

IV. PAMAMARAAN
Gawaing Guro Gawaing Mag-aaral
Panimulang Gawain
1. Panalangin
 Hinihiling na lahat ay tumayo para sa
ating Muslim at Christian na panalangin.  Amen

2. Pagbati
 Magandang umaga sa ating lahat.  Magandang umaga din po teacher,
Magandang umaga mga kamag-aral,
Magandang umaga sa lahat.

 Maaari nang umupo ang lahat.  Maraming salamat po teacher.

3. Pagtataya ng lumiban sa klase  Wala po teacher.


 May lumiban ba sa araw na ito?

4. Pagbibigay ng Pamantayan sa Klase


 Ano-ano ang mga pamantayang dapat
sundin kapag nagsisimula na ang
klase?  Maupo nang maayos.
 Makinig sa guro.
 Itaas ang kanang kamay kung nais
sumagot.
 Huwag makipag-usap sa katabi ng
mga walang kabuluhan.
 Maging aktibo sa talakayan at mga
gawain
 Igalang hindi lamang ang guro
gayundin ang kapwa mag-aaral

 Maaasahan ko ba lahat ng inyong


sinabi?  Opo, teacher.

A. Balik-aral sa nakaraang aralin


Panuto: Magbigay ng positibo at negatibong
epekto ng Paggamit ng mass media.

Positibo
1.  Nagiging updated tayo sa mga ganap
sa ating kapaligiran.
Negatibo
1.  Madaming nagkakalat na fake news.
B. Paghahabi ng layunin sa aralin/Pagganyak

Pangkatang Gawain: 4 Pics, 1 Word


Panuto: Alamin ang mga salita na nakaugnay
sa apat na larawan. Gawin ito sa loob ng
dalawang minuto. Ang unang makabuo ng
salita at maidikit sa pisara ay makakatanggap
ng Katibayan sa pinakamahusay na pangkat.

_____ _______
CGHT IML I  BATAS MILITAR
RMATBSAA

C. Pag-uugnay ng mga halimbawa sa bagong


aralin

 Masdan ang larawan. Ano kaya ang


 May mga sundalo na nakahawak ng
pampukpok na ginagamit sa korte.
Nagpapahiwatig ito na ang mga
sundalo ang may hawak ng batas.

mensaheng nais ipahiwatig ng mga ito?

 May ideya ba kayo kung ano ang nangyayari sa


panahon ng Batas Militar?

 May ideya ba kayo kung ano ang mga salik na


nagbigay daan sa pagpapatupad nito?

 Sa inyong palagay, ano ang paksa natin sa


araw na ito?  Wala po, titser.

 Tama! dahil ang tatalakayin natin sa araw na ito


ay pinamagatang, Mga Salik na Nagbigay-daan  Wala po, titser.
sa Deklarasyon ng Batas Militar
 Mga salik na nagbigay daan sa
Ngunit bago ang lahat, narito ang mga layunin deklarasyon ng Batas Militar po titser.
natin sa araw na ito:

 Nakakapagbigay ng mga pangyayaring


nagbigay daan sa pagtakda ng Batas Military;
 Nakagagawa ng role play tungkol sa dahilan ng
pagtakda ng Batas Militar; at
 Napapahalagahan ang pag-aaral ng mga salik
na nagbigay daan sa paglaganap ng Batas
Militar sa pamamagitan ng repleksiyon.
D. Pagtatalakay ng bagong konsepto at
paglalahad ng bagong kasanayan #1

Gawain: Kilalanin mo ako!


Panuto: Alamin ang mga salita base sa mga
larawan.

1. R _ _ _ _

 RALLY

2. G _ _ _ _ _ _  GRANADA

3. N _ _  NPA

 JUAN PONCE ENRILE


4. J _ _ _ P _ _ _ _ E _ _ _ _ _

E. Pagtatalakay ng bagong konsepto at


Paglalahad ng bagong kasanayan #2

 Batas Militar - espesyal na kapangyarihan


ng estado na karaniwang ipinatutupad ng
isang pamahalaan kapag hindi na nito
maayos na magampanan ang pamamahala (Ang mga bata ay makikinig.)
gamit ang sibilyan nitong kapangyarihan.

o May kaakibat na pagpapatupad ng curfew


(takdang oras ng pagbabawal sa mga taong
sibilyan na lumabas ng kanilang mga
bahay), pagsuspinde ng batas sibil,
karapatang sibil, habeas corpus at
pagsasailalim ng hukumang-militar sa
mga sibilyan.

o Proklamasyon Bilang 1081 - nilagdaan ni


Pangulong Marcos noong Setyembre 21,
1972 upang ang Pilipinas ay napasailalim
sa Batas Militar na ang layunin ay
mailigtas ang Republika at bumuo ng
Bagong Lipunan.

o Artikulo VIII, Seksyon 10, Talata 2 ng


Saligang Batas ng 1935 - Naging basehan
sa pagdeklara ng Batas Militar.

o Ayon dito, ang Pangulo ng Pilipinas ay may


karapatan at kapangyarihang magdeklara
ng batas militar kung may nagbabantang
panganib tulad ng rebelyon, paghihimagsik,
paglusob, at karahasan.

Pangkatang Gawain: Hanapin Mo!

Panuto: Hanapin ang mga impormasyong


hinihingi sa bawat tanong. Gawin ang Gawain
sa loob ng limang minuto.
Group 1
1. Ano ang unang salik na nagbigay-daan sa
pagdeklara ng Martial Law o Batas Militar?

1. Naganap ang madugong rally ng


2. Magbigay ng dalawang hinihiling sa rally ng mga mag-aaral at manggagawa sa
mga mag-aaral at manggagawa sa Mendiola malapit sa Malacañang.
Mendiola malapit sa Malacañang?
2. Hiling ng mga kabataang aktibista
ang mga sumusunod: (Pumili ng isa)
 isang mabuting pamahalaan na
walang katiwalian at kasamaan;
 pagtataguyod ng katarungan;
 pagpapaunlad ng sistema ng
edukasyon;
 pagpapababa sa presyo ng mga
bilihin;
 hanapbuhay para sa mga walang
trabaho; at
 pagbabago ng Saligang Batas ng
3. Kailan naganap ang unang salik? 1935 upang malunasan ang mga
problema ng bansa.
Group 2 3. Enero 30, 1970
4. Ano ang pangalawang salik na nagbigay-
daan sa pagdeklara ng Martial Law o Batas
Militar?
4. Hinagisan ng granada ang isang
5. Ano ang sinuspinde ni Pangulong Marcos malaking pagpupulong ng Partido
makalipas ang ilang oras maganap ito? Liberal sa Plaza Miranda sa Quiapo.

5. Sinuspende ng Pangulong Marcos


ang writ of habeas corpus (Ito ay
proteksyon ng mamamayan laban
6. Kailan naganap ang pangalawang salik? sa ilegal na pagkadakip o
detensyon).
Group 3 6. Agosto 21, 1971
7. Ano ang pangatlong salik na nagbigay-daan
sa pagdeklara ng Martial Law o Batas Militar?
8. Sino ang pinaghihinalang gumawa 7. Pambobomba sa Metro Manila.
ngikinasawi ng maraming tao?
9. Kailan naganap ang pangalawang salik?
8. Gawa ng CPP- NPA
Group 4 9. March 15 hanggang September 11,
10. Ano ang pang-apat na salik na nagbigay- 1972
daan sa pagdeklara ng Martial Law o Batas
Militar?

10. Pananambang sa kumboy ni Juan


11. Sino ang Kalihim ng Tanggulang Pambansa Ponce Enrile, Kalihim ng
sa panahon bago pinatupad ang Batas Militar? Tanggulang Pambansa.
12. Kailan naganap ang pangalawang salik?
11. Juan Ponce Enrile
12. Setyembre 22, 1972 bandang alas
9:00 ng Gabi
F. Paglinang na kabihasaan

Gawain: Punan Mo!

Panuto: Punan ng mga impormasyon ang nasa box


batay sa Mga Dahilan sa Pagdeklara ng Batas Militar.

1. Naganap ang madugong rally ng mga


mag-aaral at manggagawa sa Mendiola
malapit sa Malacañang.
2. Hinagisan ng granada ang isang
malaking pagpupulong ng Partido
Liberal sa Plaza Miranda sa Quiapo.
3. Pambobomba sa Metro Manila.
4. Pananambang sa kumboy ni Juan
Ponce Enrile, Kalihim ng Tanggulang
Pambansa.

G. Paglalapat sa aralin sa pang araw-araw na


buhay

Pangkatang Gawain:
 Ipapangkat ko kayo sa dalawang grupo.
Bawat grupo ay magbuo ng Role Play
tungkol sa mga dahilan bakit idiniklara ang
Batas Militar.
 Ito ang inyung rubriks para sa ating Gawain.
 Bibigyan ko kayo ng dalawang minuto para gawin
ang inyong Gawain. Wala na bang mga tanong
tungkol sa Gawain?
 Wala na po, titser.’
 Simulan na ang Gawain.
(Ang mga mag-aaral ay gagawa ng
` 50 30 10 gawain.)
Tama ang Medyo may Mali ang
Kawastuhan konsepto na mali sa konsepto na
ipinakita konsepto na pinakita.
pinakita.
Lahat ay may May Sobra sa
Kooperasyon gampanin sa isa/dalawa dalawang
presentasyon kasama na di kasama na di
nasali sa nasali sa
presentasyon presentasyon
Naiintindihan Medyo magulo Di kaaya-aya
Presentasyon ang ang ang
presentasyon presentasyon presentasyon

 Tapos na ang limang minuto. Pumunta na


sa harap ang grupo __ para sa (Ang mga mag-aaral ay magpepresent
presentasyon. ng kanilang Role Play.)

 Bakit mahalaga na malaman natin ang


mga salik na nagbigay-daan sa pagdeklara  Ang Batas Militar ay isang
ng Batas Militar? mahalagang pangyayari sa
kasaysayan ng isang bansa. Mahalaga
ang pag-unawa sa mga salik na
nagdulot sa pagdeklara nito dahil ito
ay may malalim na ganap sa lipunan
at pamahalaan.

H. Paglalahat ng aralin

1. Ano ang batas militar?  Espesyal na kapangyarihan ng estado


na karaniwang ipinatutupad ng isang
pamahalaan kapag hindi na nito
maayos na magampanan ang
pamamahala gamit ang sibilyan nitong
kapangyarihan.
2. Ano ang nilagdaan ni Pangulong Marcos noong
Setyembre 21, 1972 upang ang Pilipinas ay
napasailalim sa Batas Militar na ang layunin ay
mailigtas ang Republika at bumuo ng Bagong
 Proklamasyon Bilang 1081
Lipunan?

3. Ano ang naging basehan sa pagdeklara ng  Artikulo VIII, Seksyon 10, Talata 2 ng
Batas Militar? Saligang Batas ng 1935.

4. Anu-ano ang mga salik na nagbigay daan sa


pagtakda ng Batas Military?  Naganap ang madugong rally ng mga
mag-aaral at manggagawa sa
Mendiola malapit sa Malacañang.
 Hinagisan ng granada ang isang
malaking pagpupulong ng Partido
Liberal sa Plaza Miranda sa Quiapo.
 Pambobomba sa Metro Manila.
 Pananambang sa kumboy ni Juan
Ponce Enrile, Kalihim ng Tanggulang
Pambansa.
5. Sino ang pangulo sa panahon ng Batas Militar?  Pangulong Ferdinand E. Marcos

I. Pagtataya ng Aralin

Panuto: Basahin at unawain ang bawat aytem. Isulat


ang titik ng tamang sagot sa papel.

1. Alin sa mga sumusunod ang naging batayan sa  1. A


pagdeklara ng Batas Militar?  2. D
A. Saligang Batas C. Barangay Resolution  3. A
B. Ordinansa D. Kasaysayan  4. A
 5. A
2. Sa anong bahagi ng ating Saligang Batas makikita
ang probisyon sa pagdeklara ng batas militar?
A. Preamble C. Artikulo II
B. Code of Ethics D. Artikulo VIII Seksyon X Talata 2

3. Kailan nilagdaan ni Pangulong Marcos ang Batas


Militar?
A. Setyembre 21, 1972 C. Setyembre 12, 1972
B. Setyembre 23, 1972 D. Agosto 21, 1971

4. Ang mga sumusunod ay dahilan ng pagdeklara ng


Batas Militar maliban sa isa. Alin sa mga ito ang hindi
kasali?
A. Paglala ng problema sa droga.
B. Paglala ng krimen tulad ng pagnanakaw, patayan at
iba pa.
C. Paghagis ng granada sa isang pagtitipon ng Partido
Liberal.
D. Pagkaroon ng madugong rally ng mga mag-aaral sa
Mendiola.

5. Alin sa mga ito ang isa sa mga layunin ng Batas


Militar?
A. Bumuo ng Bagong Lipunan.
B. Maparusahan ang lahat ng kriminal.
C. Magkaroon ng maunlad na bayan.
D. Yumaman ang Pilipinas.

J. Karagdagang Gawain para sa Takdang-Aralin


at Remediation

Panuto: Tukuyin kung ang mga kaisipang nasa loob


ng ULAP ay nagsasaad ng mabuti o hindi mabuting
dulot ng Batas Militar. Kumpletuhin ang kahon sa
ibaba. Gawin ito sa hiwalay na papel.

V. PAGNINILAY

Bilang ng mag-aaral na nakakuhang 80% sa pagtataya:

Bilang ng mag-aaral na nangangailangan ng iba pang gawain


para sa remediation:
Nakatulong baang remediation? Bilang ng mga mag-aaral na
nakaunawa sa aralin:
Bilang ng mag-aaral na magpapatuloy sa remediation:

Alin sa mga istratehiyang pagtuturo ang nakatulong ng lubos?


Paano ito nakatulong?
Anong suliranin ang aking naranasang solusyunan sa tulong ng
aking punong guro at supervisor?
Anong kagamitang pangturo ang aking nadibuho na nais kong
ibahagi sa kapwa guro.

Inihanda ni:

REYNAN ZAMORA
2BEED-A

You might also like