You are on page 1of 54

Gawain ng Guro Gawain ng mga mag-aaral

III. Pamamaraan
a. Paunang Gawain
    i. Panalangin
Ngayon, simulan natin ang ating aralin sa pamamagitan ng isang
Panalangin na pangungunahan ng inyong kamag-aral.

               ii. Pagbati


(Magdadasal ang mga mag-aaral)
Magandang araw sa inyo Grade 9 Balintawak

                iii. Pagsisiyasat sa kapaligiran


Magandang araw din po Sir Erick!
Bago kayo umupo, siyasatin niyo muna ang ating kapaligiran,
maari niyo bang pulutin yung mga kalat na nakikita niyo sa ilalim
ng inyong upuan at sa nakikita niyong kalat sa inyong
kapaligiran, pagkatapos nito paki-ayos ang inyong mga upuan at
maari na kayong umupo.

                iv. Pagtatala ng Liban


Mayroon bang lumiban sa ika-unang pangkat?
(Ang mga mag-aaral ay magpupulot ng kalat at
mag-aayos ng silya)
Mayroon bang lumiban sa ikalawang pangkat?

Mayroon bang lumiban sa ikatlong pangkat?


Sir, wala pong lumiban sa aming grupo.

Mayroon bang lumiban sa ika-apat na pangkat?


Sir, wala pong lumiban sa aming grupo.

Magaling! Dahil walang lumiban sa inyong seksyon, bigyan niyo


ang inyong mga sarili na Power Clap! Sir, wala pong lumiban sa aming grupo.

           b. Pagbabalik-aral Sir, wala pong lumiban sa aming grupo.

Bago tayo dumako sa panibago nating aralin, mag babalik-aral


muna tayo sa nakaraang aralin ang Paikot na daloy ng
Ekonomiya.

1.      Ilan ang modelo ng Ekonomiya?

Mahusay!

2.      Ito ang bumibili sa Pamilihan ng kalakal at paglilingkod.

Magaling!
Sir! 5 po.

3.      Ito naman ang pumapasok sa ikalimang modelo.

Tama!
Sir! Ang bahay-kalakal po.

4.      Ang bahay-kalakal ba at ang sambahayan ay iisa sa unang


modelo?

Sir! Ang Pamilihang panlabas po, o ang dayuhang


Tama ang inyong sagot!
ekonomiya.

5.      Ano ang kahulugan ng VAT?

Mahusay!

Opo! Iisa lang sir.


Magaling mga mag-aaral, lubos niyo nang naintindihan ang
nakaraan nating tinalakay, ngayon ay dadako na tayo sa
panibagong aralin.

c.       Pagganyak/lunsaran Sir! Value Added Tax po.


Bago tayo dumako sa ating talakayan, magkakaroon muna tayo
ng pangkatang gawain. Ako ay isang Mayor ng isang bayan at
nais kong magpa-design  ng isang komunidad, bibigyan ko kayo
ng mga larawan ng mga imprastraktura na tumutukoy sa isang
komunidad. Mayroon lamang kayong 3 minuto para buuin ang
inyong napiling larawan ng komunidad, kailangan ng
2 representative  sa inyong grupo na siyang magpapaliwanag ng
inyong nabuong larawan ng komunidad.

Paano niyo ilalarawan ang nabuo niyong larawan ng


komunidad?

Magaling! Dahil ang ating tatalakayin ngayon ay patungkol sa


Konsepto at Palatandaan ng Pambansang Kaunlaran.

d.       Pagtatalakay
Sa tingin niyo mga mag-aaral, Paano niyo bibigyang kahulugan (Ipapakita sa harapan ang nabuong komunidad at
ang salitang kaunlaran? ipapaliwanag ng 2 representative  ang nabuong
komunidad)

Sir! Maganda po, ideyal po at maunlad po!


Mahusay!
Para mas lalo pa nating maintindihan ang ating aralin,
magkakaroon tayo ng pangkat gawain. Diba mayroong akong
inatang na pangkatang gawain para sa araw na ito na nagsilbi
ding inyong takdang-aralin?
.
Ano yung gagawin nating pangkatang gawain ngayon?

Sir! Ang kaunlaran po ay pagbabago mula sa


Magaling, ito ang GRASPS ng ating Performance based  na
mababa tungo sa mataas na antas ng pamumuhay,
talkayan
maari din poi to maging kaugnay sa salitang
GRASPS: Performance based talakayan pagsulong.
Goal: Ang layunin niyo ay maituro sa mga mag-aaral ng
ekonomiks ng Guiguinto University ang iba’t ibang Konsepto at
palatandaan ng Pambansang Kaunlaran sa pamamagitan ng
isang Tableu.
Role:  Kayo ay maaring maging ekonomista, engineer, doctor,
nurse, teacher, businessman, environmentalist, factory
worker, scientist,  pulitiko, isang ordinaryong mamamayan, isang Opo sir!
sundalo at isang negosyante.

Audience: Ang manunood ng inyong talakayan ay mga mag-aaral Tableau po sir! Ayon po sa ibinigay niyong GRASPS
ng ekonomiks (inyong mga kaklase) at isang propesor (si Sir
Erick) mula sa Guiguinto University.
Situation: Kayo ay naimbitahan ng isang propesor ng Guiguinto
University na mag talakay patungkol sa  Konsepto at
palatandaan ng Pambansang Kaunlaran, ito ang maari niyong
ipaliwanag sa inyong talakayan:
Sa unang grupo: Konsepto ng pag-unlad
Sa ikalawang grupo: Mga palatandaan ng pag-unlad
Sa ikatlong grupo: Human development index
Sa ika-apat na grupo: Sama-samang pagkilos para sa
Pambansang Kaunlaran.
Performance:  Ang bawat grupo ay kinakailangang maipaliwanag
ang iba’t ibang konsepto at palatandaan ng pag-unlad sa
pamamagitan ng isang tableau, kailangan niyong maipakita ito
sa isang masigla, makulay at masigasig na performance.
Standards: Accuracy  ng impormasyon, pagpapaliwanag,
presentasyon at pakiki-isa ng mga miyembro sa kanilang
performance
                  

Mayroon lamang kayong 7 minuto para maghanda sa


inyong performance at mayroon lamang kayong 3-5 minuto
ipang ipakita, ipaliwanag ang inyong presentasyon.

Pero bago tayo mag simula sa inyong paghahanda, alamin muna


natin kung ano ang magiging rubriks ng inyong performance, ito
ang rubriks ng inyong performance:
Kraytirya at lebel Needs Good Very Good
Improvemen
t (4pts) (5pts)

(3pts)

Accuracy ng Walang Ang ibang Tama ang


impormasyon imporma- imporma-
Imporma-
syong syong
nailahad syong inilahad inilahad
ay hindi tugma

Walang Kinakabahan at Buo ang loob


imporma- nauutal na
habang ipaliwanag
syong ipinapaliwanag ang mga
Pagpapaliwanag naipaliwanag ang mga impormasyo
impormasyon n

Presentasyon Hindi Hindi gaano Organisado


organisado organisado at may
at walang ngunit may kaayusan
kaayusan kaayusan ang ang
(Ang mga mag-aaral ay maghahanda para sa
ang presentasyon presentasyo
presentasyo n.
kanilang pangkatang gawain)
n.

Pakiki-isa ng mga Ang lahat ng Kalahati  Ang lahat ng


miyembro sa miyembro ng lamang ang miyembro ng
kanilang performan pangkat ay nag presenta pangkat ay
ce hindi naki-isa at naki-isa sa nag presenta
at nag kanilang grupo at naki-isa
presenta

(Pagkatapos ng 15 minuto)

Ngayon maari ng mag simula ang unang pangkat. Ang


ipepresenta nila at ang ipapaliwanag ay patungkol sa Konsepto
ng Pag-unlad Ang lahat ay makinig at panatilihin   natin ang
katahimikan habang nagpapakita ng presentasyon ang unang
grupo.
Magaling unang pangkat! Bigyan natin sila ng Werpa Clap
Ngayon ay naintindihan na natin ang konsepto ng pag-unlad,
ayon kay Amartya Sen, ang pag-unlad ay matatamo lamang kung
mapapaunlad ang yaman ng buhay ng mga tao kaysa sa yaman
ng ekonomiya ng bansa.
Dadako na tayo sa Ikalawang pangkat. Ang ipapaliwanag naman
nila ang patungkol sa Mga Palatandaan ng Pag-unlad. Ang lahat
ay makinig at panatilihin natin ang katahimikan habang
nagpapakita ng presentasyon ang ikalawang grupo.

(Ipapakita ng mga mag-aaral ang kanilang


pinaghandaan sa pamamagitan ng isang tableau,
ang mga mag-aaral ay nakabihis na pang inhinyero
at businessman at pang ekonomista, ipapaliwanag
ng grupo  ang pagkakaintindi nila sa  konsepto ng
pag-unlad.)

Nakapaloob rito ang:


       Kahulugan
ng pag-unlad ayon kay Feliciano R.
Fajardo, Michael Todaro at Stephen C. Smith, at
kay Amartya Sen.

(ang lahat ay gagawin ang werpa clap)


Mahusay ikalawang pangkat! Bigyan natin sila ng Lodi Clap

Ngayon ay lubos na nating naintindihan ang mga palatandaan ng


pag-unlad na nahahati ito sa dalawa, ang pagsulong at ang pag-
unlad. Hindi ito nababase sa imprastraktura at modernong
kagamitan bagkus ito ay nababase sa magandang pamumuhay
ng tao, pagbabago sa istruktura ng lipunan at gawi ng tao.

Dadako na tayo sa ikatlong pangkat. Ang ipapaliwanag naman


nila ang patungkol sa Human Development Index. Ang lahat ay
makinig at panatilihin natin ang katahimikan habang
nagpapakita ng presentasyon ang ikatlong grupo.

(Ipapakita ng mga mag-aaral ang kanilang


pinaghandaan sa pamamagitan ng isang tableau,
ang mga mag-aaral ay nakabihis na
pang environmentalist, factory worker at scientist,
ipapaliwanag ng grupo  ang pagkakaintindi nila sa
mga palatandaan ng pag-unlad.)
Nakapaloob rito ang:
       Kahulugan ng pagsulong
       Mga
salik na maaring makatulong sa pagsulong ng
ekonomiya ng isang bansa.
       Kahulugan ng pag-unlad

Magaling ikatlong pangkat! bigyan natin sila ng Petmalu Clap.

(ang lahat ay gagawin ang Lodi clap)


Ngayon ay naintindihan na natin ang Human Development Index,
sinusukat rito kung ang mga bansa ay natutugunan ba ang mga
mahahalagang aspekto ng kaunlarang pantao katulad ng
kalusugan, edukasyon at antas ng pamumuhay.

Dadako na tayo sa ika-apat at huling pangkat. Ang ipapaliwanag


naman nila ang patungkol sa Sama-samang Pagkilos para sa
Pambansang Kaunlaran. Ang lahat ay makinig at panatilihin natin
ang katahimikan habang nagpapakita ng presentasyon ang ika-
apat na grupo.

(Ipapakita ng mga mag-aaral ang kanilang


pinaghandaan sa pamamagitan ng isang tableau,
ang mga mag-aaral ay nakabihis na pang guro,
doktor at nars ipapaliwanag ng grupo  ang
pagkakaintindi nila sa Human Development Index.)
Nakapaloob rito ang:
       Kahulugan ng HDI
       Kahalagahan ng HDI

Mahusay ika-apat na pangkat! bigyan natin sila ng Wow


Fantastic Clap.
(ang lahat ay gagawin ang petmalu clap)

e.       Pangwakas na Gawain
        Paglalagom

Base sa ginawa nating pagtatalakay at presentasyon, paano niyo


bibigyang kahulugan ang pag-unlad?

Mahusay! Ano ang kahalagahan ng Human Development Index.

(Ipapakita ng mga mag-aaral ang kanilang


pinaghandaan sa pamamagitan ng isang tableau,
ang mga mag-aaral ay nakabihis na pang pulitiko,
isang ordinaryong mamamayan, isang sundalo at
Magaling! Ayon sa pahayag ni Amartya Sen, ano ang kahulugan
isang negosyante. ipapaliwanag ng grupo  ang
ng tunay na pag-unlad?
pagkakaintindi nila sa  Sama-samang pagkilos para
sa Pambansang Kaunlaran)
Nakapaloob rito ang:
       Pananagutan ng mga Pilipino sa Pilipinas

Magaling! Gaano kalahaga ang Yamang Tao bilang salik na        Pagiging maabilidad
maaring makatulong sa pagsulong ng ekonomiya ng isang
       Pagiging Makabansa
bansa. 
       Pagiging Maalam

Mahusay! Lubos niyo nang naintindihan ang ating pinag-aralan.


(ang lahat ay gagawin ang wow fantastic clap)
       Pagpapahalaga

Tayo ay manunuod ng isang maikling Video


Presentation patungkol sa tunay na nangyayari sa ating bansa, di
ba sinasabi ng ating pamahalaan na maunlad na ang bansang
Pilipinas pero marami pa ding mga Pilipino ang naiiwan sa agos
ng pag-unlad, tunghayan nating ang video.
Sir! Ang pag-unlad po ay pagbabago mula sa
mababa tungo sa mataas na antas ng pamumuhay,
maari din poi to maging kaugnay sa salitang
pagsulong.
Gabay na tanong pagkatapos ng Video Presentation
1.      Tunay na bang maunlad ang bansang Pilipinas ayon sa napanuod
natin, bakit?
Sir! Kaya po nabuo ang HDI upang bigyang-diin na
2.      Ano ang maari mong maitulong sa pag-unlad ng ating bansa
ang mga tao at ang kanilang kakayahan ang dapat
bilang isang mag-aaral?
pangunahing pamantayan sa pagsukat ng pag-
       Paglalapat unlad ng isang bansa.
Ang tunay na pag-unlad ay makakamtan natin kung tayo ay
magiging responsableng mamamayan at magpapakita ng pag
mamahal sa ating bansa, ikaw bilang isang kabataan, paano mo
maipapakita ang pagmamahal at pagiging responsableng Sir! Ang pag-unlad ay matatamo lamang ito kung
mamamayan ng ating bansa? mapapaunlad ang yaman ng buhay ng mga tao
kaysa sa yaman ng ekonomiya ng bansa.

Sir! Dahil mas marami pong output ang malilikha


ng isang bansa kung maalam at may kakayahan
ang mga manggagawa.
(ang mga mag-aaral ay manunuod sa video
presentation)

(Ang sagot ng mga mag-aaral ay mababase sa


kanilang ideya at saloobin)

IV.             Pagtataya
Kahon-Analysis
Basahin at suriin ang mga sumusnod na pahayag. Ipaliwanag ang iyong sagot sa loob ng kahon.
Gawain 9: Graphic Organizer
Leaners Material: 350
Here are the slides of my
Powerpoint Presentation:
Here is the rubrics for the
tableau presentation of the
students:

Here are the information's from


the handouts I've made for the
students:
KONSEPTO NG PAG-UNLAD

            Batay sa diksiyonaryong Merriam-Webster, Ang pag-


unlad ay pagbabago mula sa mababa tungo sa ii na antas ng
pamumuhay.

KONSEPTO NG PAG-UNLAD AYON KAY FELICIANO R. FAJARDO


            Sa aklat ni Feliciano R. Fajardo na Economic
Development (1994), malinaw niyang inilahad ang pagkakaiba
ng pagsulong at pag-unlad. Ayon kay Feliciano R. Fajardo na ang
pag-unlad ay isang progresibo at aktibong proseso at ang
pagsulong ay ang bunga ng pag-unlad.
Halimbawa ng pagkakaiba ng pagsulong at pag-unlad:
Ang makabagong pamamaraan ng pagtatanim ng palay ay
kinapapalooban ng isang proseso at ito ang pag-unlad. Ang
resulta nito ay mas maraming ani at ito ang pagsulong.
            Ayon din kay Feliciano R. Fajardo na ang pagsulong ay
nakikita at nasusukat, ang mga halimbawa nito ay mga daan,
sasakyan, kabahayan, gusali, ospital, bangko at paraalan. Ang
mga ito ang resulta ng pag-unlad ngunit hindi lamang ito ang
kahulugan ng pag-unlad, ang pag-unlad ay isang progesibong
proseso ng pagpapabuti ng kondisyon ng tao gaya ng
pagpapababa ng antas ng kahirapan, kawalan ng trabaho,
kamangmangan, di pagkakapantay-pantay at krimen.

KONSEPTO NG PAG-UNLAD AYON KIN MICHAEL P. TODARO AT STEPHEN


C. SMITH
            Inilahad nina Michael P. Todaro at Stephen C. Smith sa
kanilang aklat na Economic Development (2012) na ang
dalawang konsepto ng pag-unlad ay ang tradisyonal na
pananaw at makabagong pananaw.
            Tradisyong pananaw- Binigyang-diin ang pag-unlad
bilang pagtatamo ng patuloy na pagtaas ng antas ng per capita
income nang sa gayon ay mas mabilis maparami ng bansa ang
kanyang output kaysa sa pagbilis ng populasyon.
            Makabagong pananaw- Ipinapakita rito na ang pag-unlad
ay dapat kumatawan sa malawakang pagbabago sa buong
sistemang panlipunan kung saan ang mga tao ay mapalayo sa
hindi kaaya-ayang kondisyon ng pamumuhay tungo sa mas
kasiya-siyang pamumuhay.

KONSEPTO NG PAG-UNLAD AYON KAY AMARTYA SEN


            Ayon kay Amartya Sen sa kanyang libro na Development
as a freedom (2008), ipinaliwanag niya na ang kaunlaran ay
matatamo lamang kung “mapapaunlad ang yaman ng buhay ng
tao kaysa sa yaman ng ekonomiya”. Upang matamo ito,
mahalagang biyan ng pansin kung paano masosolosyunan ang
kahirapan, diskriminasyon at hindi pagkakapantay-pantay.

MGA PALATANDAAN NG PAG-UNLAD

PAGSULONG
            Masasabi na ang pagsulong ay isa lamang aspekto ng
pag-unlad. Sa pagsulong, sinusukat ang halaga ng mga produkto
at serbisyong nalilha sa loob ng isang panahon. Sa pagsukat
nito, ginaamit ang Gross Domestic Product (GDP) at Gross
National Product.
MGA SALIK NA MAARING MAKATULONG SA PAGSULONG NG
EKONOMIYA NG ISANG BANSA MULA SA LIBRONG CONCEPTS
AND CHOICES (2002) NINA SALLY MEEK, JOHN MORTON AT
MARK SCHUG:

1.      LIKAS NA YAMAN- Malaki ang naitutulong ng mga likas na


yaman sa pagsulong ng ekonomiya lalong-lalo na ang mga
yamang-lupa, tubig, kagubatan at mineral. Subalit hindi
kasiguraduhan ang mga likas na yaman sa mabilis na pagsulong
ng isang bansa.

2.      YAMANG TAO- Isa ring mahalagang salik na tinitingnan na


pagsulong ng ekonomiya ang lakas-paggawa. Mas
maraming output ang nalilikha sa isang bansa kung maalam at
may kakayahan ng mga manggagawa nito.

3.      KAPITAL- Sinasabing lubhang mahalaga ang capital sa


pagpapalago ng ekonomiya ng isang bansa. Sa tulong ng mga
kapital tulad ng mga makina sa mga pagawaan ay nakakalikha
ng mas maraming produkto at serbisyo.

4.      TEKNOLOHIYA AT INOBASYON- Sa pamamagitan ng mga salik


na ito, nagagamit nang mas mabali ang pagkuha sa mga
pinagkukunang-yaman upang mas maparami pa ang mga
nalilikhang produkto at serbisyo.
PAG-UNLAD
Hindi sapat na panukat ang kabuuang halaga ng mga
produkto at serbisyo dahil hindi nito naipapakita ung paano
naipamamahagi ang kita at yaman ng bansa sa mga
mamamayan nito. Hindi sapat ang mga numero, makabagong
teknolohiya at nagtataasang gusali upang masabing ganap na
maunlad ang isang bansa.

HUMAN DEVELOPMENT INDEX

                Ginagamit din ang Human Development Index bilang


isa sa mga panukat sa antas ng pag-unlad ng isang bansa.
Ang Human Development Index (HDI) ay tumutukoy sa
pangkalahatang sukat ng kakayahan ng isang bansa na
matugunan ang mahahalagang aspekto ng kaunlarang pantao:
·         Kalusugan
·         Edukasyon at;
·         Antas ng Pamumuhay

PANGKALUSUGAN
                Ipinapahiwatig  dito ang bilang ng taon na inaasahang
itatagal ng isang sanggol kung ang umiiral na dahilan o sanhi ng
kamatayan sa panahon ng kaniyang kapanganakan ay
mananatili habang siya ay nabubuhay.
PANG-EDUKASYON
                Ipinapakita rito ang pagsukat ng literacy rate ng isang
bansa. Ang mean years of schooling at expected years of
schooling din ang ginagamit na pananda. Ayon sa United Nation
Educational, Scientific and Cultural Organization na batay sa
mga datos mula sa sarbet at sensus na ang mean years of
schooling ukol sa antas ng pinag-aralan ng mamamayan na may
25 taong gulang. Samantala, ang expected years of schooling
naman ay natataya base sa bilang ng mga nag-aaral sa lahat ng
antas ng edukasyon. Itinakda na 18 taon bilang expected years
of schooling ng UNESCO.

KAHALAGAHAN NG HDI
                Ang HDI ay nilikha upang bigyang-diin na ang mga tao
at ang kanilang kakayahan ang dapat na pinakapangunahing
pamantayan sa pagsukat ng pag-unlad ng isang bansa, hindi
lang ang pagsulong ng ekonomiya .
                Sa pinakaunang Human Development Reportna
inilabas ng United Nations Development Programme (UNDP)
noong 1990, inilahad ang pangunahing saliganng sumunod
pang mga ulat na nagsasabing “Ang mga tao ang tunay na
kayamanan ng isang bansa.” Ang Human Development
Report ay magkaroon ng mahalagang implikasyon sa pagbuo ng
mga polisiya ng mga bansa sa buong mundo.
                Ang Human development ay hindi napapako sa iisang
konsepto lamang, bagkus, habang nagbabago ang mundo ay
patuloy ring nagbabago ang pamamaraan at konseptong
nakapaloob dito, tanging ang katotohanangg ang pag-unlad ay
tunay na nasusukat lamang sa pamamagitan ng epekto sa
pamumuhay ng mga tao.
        
SAMA-SAMANG PAGKILOS PARA SA PAMBANSANG
KAUNLARAN

                Hindi uunlad ang isang bansa kung hindi tutulong ang


kaniyang mamamayan. Bawat isa ay may gampanin sa pag-
unlad ng bansa, maaring ang pagbibigay ng kontribusyon sa
pag-unlad ng bansa ay sa pamamagitan ng pansariling
pagsisikap o sama-samang pagtutulungan. Ang paglaya sa
kakapusan ng bawat isa ay isang paraan na maaring gawin ng
isang indibidwal sa pamamagitan ng matalinong pamamahala
at pananalapi. Maaring gawin ang sumusunod bilang ilan sa
mga estratehiya na makatutulong sa pag-unlad ng bansa:

MAPANAGUTAN
1.       Tamang pagbabayad ng buwis- Ang pagkakaroon ng kultura
ng tamang pagbabayad ng buwis ay makakatulong upang
magkaroon ang pamahalaan nag sapat na halagang magagamit
sa mga serbisyong panlipunan tulad ng libreng edukasyon,
murang programa pangkalusugan.
2.       Makialam- Ang mali ay labanan, ang tama ay ipaglaban.
Paglaban sa anomaly at korporasyon maloot man o malaki sa
lahat ng aspekto ng lipunan at pamamahala. Mahalagang
itaguyod ng mamamayan ang kultura ng pagiging tapat sa
pribado at publikong buhay. Hing katanggap-tanggap ang
pananahimik at pagsasawalang-kibo ng mamamayan sa mga
maling nagaganap sa loob ng bahay, sa komunidad, sa paaralan,
pamahalaan at sa trabaho.
    
       MAABILIDAD
1.       Bumuo o sumaIi sa kooperatiba- Ang pagiging kasapi ng
kooperatiba ay isang paraan upang magkaroon ng pagkakataon
ang bawat isa na maging kasapi sa paglikha ng yaman ng bansa.
Ang mga nagpapatakbo ng kooperatiba ay mga kasapi rin
naniniwala sa sama-samang pag-unlad.
2.       Pagnenegosyo- Hindi dapat manatiling manggagawa lamang
ang Pilipino. Dapat nating sikapin na maging negosyante upang
tunay na kontrolao ng Pilipino ang kabuhuyan ng bansa at hindi
ng mga dayuhan.
        
       MAKABANSA
1.       Pakikilahok sa pamamahala ng bansa- Ang aktibong
pakikilahok sa pamamahala ng barangay, gobyernong lokal, at
pambansang pamahalaan upang maisulong ang mga adhikain at
pangangailangan ng mga Pilipino.
2.       Pagtangkilik sa mga Produktong Pilipino. Ang yaman ng
bansa ay nawawala tuwing tinatangkilik natin ang dayuhang
produkto. Dapat nating tangkilikin ang produktong Pilipino.
       MAALAM
1.       Tamang pagboto. Ugaliing pag-aralan ang mga programang
pangkaunlaran ng mga kandidato bago pumili ng iboboto,
suriing mabuti ang mga kandidato bago bumoto.
2.       Pagpapatupad at pakikilahok sa mga proyekton
pangkaunlaran sa komunidad-
Ang pag-unlad ay hingi magaganap kung ang pamahalaan
lamang ang kikilos. Maaring manguna ang mga mamamayan sa
pagbuo at pagpapatupad ng mga programang pangkaunlaran.
Dapat ay magkaroon tayo ng malasakit sa ating komunidad
upang makabuo at makapagpatupad ng mga proyektong
magpapaunlad sa ating komunidad.

Here are the documentation of


my Final Demonstration
teaching:
Here are the materials for my
final demonstration teaching:
 Here are my Scoring Rubrics
for my Final Demonstration
Teaching.
The scoring sheet of Mr.
Lemuel P. Del Rosario
(Supervisor, Social studies
Majors of Bulacan State
University)
 The scoring sheet of Ma'am
Jocelyn J. Reyes (my
cooperating teacher)
 The scoring sheet of Mr.
Miguel Moldero (Head Teacher,
Araling Panlipunan
department)
The scoring sheet of Mrs.
 

Winnie Richie Marquez (Master


Teacher I, Araling Panlipunan
department)
Share

COMMENTS

1.

UnknownJanuary 23, 2019 at 6:51 AM


Good presentation sir! 

REPLY

1.

lunativoSeptember 7, 2019 at 4:25 PM

Thank you sir/ma'am

2.

UnknownDecember 9, 2019 at 10:44 PM

Hi sir erickson :* hahaha

REPLY

3.

AnonymousJanuary 14, 2020 at 12:07 PM

Love your presentation sir and it also help me do my demonstration and lesson plan. 

REPLY
Post a Comment
POPULAR POSTS

January 03, 2018


THE PEOPLE CALLED IT VOKE (A BRIEF DESCIPTION OF
GUIGUINTO NATIONAL VOCATIONAL HIGH SCHOOL)
Share

 Post a Comment

Powered by Blogger

lunativo
VISIT PROFILE

Archive
Report Abuse
SUBSCRIBE

You might also like