You are on page 1of 13

Banghay Aralin sa Araling Panlipunan

Baitang 9

I. Layunin

Pamantayang Pangnilalaman:
Ang mag-aaral ay may pang-unawa sa mga sektor ng ekonomiya at mga patakarang pang-
ekonomiya nito sa harap ng mga hamon at pwersa tungo sa pambansang pagsulong at pag-unlad.
Pamantayan sa Pagganap:
Ang mag-aaral ay aktibong nakikibahagi sa maayos na pagpapatupad at pagpapabuti ng
mga sektor ng ekonomiya at mga patakarang pang-ekonomiya nito tungo sa pambansang
pagsulong at pag-unlad.
Pamantayan sa Pagkatuto:
• Nabibigyang halaga ang mga gampanin ng sektor ng industriya at mga patakarang pang-
ekonomiyang nakatutulong dito.
Kasanayan sa Pagkatuto:
Sa loob ng 60 minutong talakayan, ang mga mag-aaral ay inaasahang makamit ang 85%
na pagkatuto:
a) Naiisa-isa ang mga sub-sektor ng industriya;
b) Naipaliliwanag ang kahalagahan ng sektor ng industriya sa pamamagitan ng pag-
alam sa mga gampanin nito sa pag-unlad ng bansa; at
c) Nakapagbibigay ng sariling hinuha sa mga gampanin ng mga sub-sektor ng
industriya at mga kahalagahan nito.

II. NILALAMAN

A. Paksa: Sektor ng Industriya


B. Mga Kagamitan: Laptop, Powerpoint Presentation, TV Screen, White-board at White-
Board Marker, Tarpapel, Cartolina, Permanent Marker, Illustration board, Glue, Tape
C. Istratehiya: Gawain 1 (Constructivist Approach, Visual Strategy), Gawain 2 (Visual
Strategy, Collaboration Approach, Constructivist Approach), Gawain 3
(Contextualization, Visual Approach, Collaboration Approach, Constructivist Approach,
Pointing System)
D. Sanggunian: AP Grade 9 Learner’s Module - Pahina 386-395, AP9MSP-IVe-11
E. Pagpapahalaga: Ang mga mag-aaral ay napahahalagahan ang papel ng sektor ng
industriya at ang mga gampanin nito sa pag-unlad ng isang bansa.
III. Pamamaraan:

A. Panimulang Gawain
Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral
1. Pagbati
Magandang umaga po sir!
Magandang umaga sainyong lahat!

2. Panalangin

(Pagtawag sa mag-aaral) maari mo bang Tayo po ay yumuko at manalangin.


pangunahan ang ating pambungad na panalangin? (Mananalangin)

3. Pagtatala ng liban

Pakitignan ang katabi, may lumiban ba sa araw na (Babanggitin ng mga mag-aaral ang mga
ito? lumiban)

4. Balik Aral

Ngayong araw ay magkakaroon na tayo ng


panibagong paksa na may kinalaman padin sa mga
sektor na nakatutulong sa pag-unlad ng isang
bansa, ngunit bago iyon ay balikan muna natin ang
ating mga tinalakay noong nakaraang linggo.

Handa na ba ang lahat para sa ating balik-aral?


Kung oo, maaari ba kayong pumalakpak ng (Pumalakpak ng dalawang beses ang mga
dalawang beses! mag-aaral)

GAWAIN 1: Hudyat Ko!


Panuto: Sagutin kung ang mga sumusunod na Stratehiyang Ginamit:
mga pangungusap ay tama ba o mali. Itaas ang • Constructivist Approach
kamay nang nakabuka kung ito ay TAMA, at • Visual Strategy
nakasarado naman kung ito ay MALI.
Nauunawaan ba?
(Pumalakpak ng dalawang beses ang mga
mag-aaral)

1.Ang sektor ng agrikultura ay ang gawain ng SAGOT: TAMA


pagpoprodyus ng pagkain at hilaw na mga
produkto, pagtatanim at pag-aalaga ng hayop na
tumutugon sa pangangailangan ng tao.

2.Ang komersiyal na pangingisda ay tumutukoy sa


pangingisdang nasa sakop lamang ng munisipyo at SAGOT: MALI
gumagamit lamang ng banka.

3.Ang Aquaculture ay tumutukoy sa mga gawaing


pangkabuhayang kinabibilangan ng ating mga SAGOT: MALI
tagapag-alaga ng hayop, katulad ng mga manok,
kalabaw, pato at madaming pang iba.

4.Ang mga sub-sektor ng agrikultura ay


Paghahalaman, Paghahayupan, Pangingisda, at SAGOT: TAMA
Paggugubat.

5.Ang Department of Agriculture ang gumagabay


sa mga magsasaka ukol sa makabagong SAGOT: TAMA
teknolohiya at wastong paraan ng pagtatanim.

Magagaling!

5. Pagganyak

Bago tayo dumako sa ating pormal na talakayan ay Stratehiyang Ginamit:


magkakaroon muli tayo ng ating ikalawang • Visual Strategy
aktibidad. Ito ay pinamagatang Halo-Letra • Collaboration Approach
• Constructivist Approach
GAWAIN 2: Hula-Letra
Panuto:
• Ang klase ay hahatiin sa limang grupo, ang
grupo na inyong mapupuntahan ang siyang
grupo ninyo hanggang sa matapos ang
ating klase.
• Ang isang kinatawan ng bawat grupo ay
pipili ng numero mula 1-5.
• Bawat numero ay may iba’t ibang salita na
maaaring mabuo.
• Kumuha ng ¼ sheet of paper para isulat
ang apelyido ng bawat miyembro.
• Kayo ay bibigyan ko lamang ng 3 minuto
para rito.
• Ang karagdagang puntos na ibibigay ay
dipende sa pagkakasunod-sunod ng mga
mauunang grupo sa pagbuo. Ang mga
puntos ay ang sumusunod:

1st = +5 points
2nd = +4 points
3rd = +3 points
4th = +2 points
5th = +1 points

Nauunawaan/malinaw ba? May mga katanungan (Pumalakpak ng dalawang beses ang mga
ba? mag-aaral)

Okay! So mukhang handa na sila! Opo sir!

(Nagsimula na ang aktibidad)

1.Pagkuha ng mga mamahaling metal at mineral sa MGA SAGOT:


ilalim ng lupa. NGMMPIAIA
“PAGMIMINA”

2.Pagpoproseso ng mga hilaw na materyales mula


sa primaryang sectorpatungong sekundarya upang T U R A M AN A M P A G A P AK
makalikha ng yaring produkto. “PAGMAMANUPAKTURA”

3.Pagpapatayo ng mga inprastraktura, pabrika, S Y O K O N S T RU N K


pagawaan, gusali, at iba pa “KONSTRUKSYON”

4.Tumutukoy sa pagbabagong anyo mula sa isang MOSDERSINAYNO


tradisyunal at rural na lipunan sa isang pang- “MODERNISASYON”
industriyang lipunan

5.Pagproseso, paglikha at pagbebenta ng mga TUSLITIEI


elektrisidad, gas, at tubig. Tinatawag itong? “UTILITIES”

Napakagagaling!
B. Panlinang na Gawain
Base sa mga termino/konsepto na inyong nabuo,
saan kaya iikot ang ating magiging talakayan sa Sir, patungkol po ito sa Sektor ng Industriya
umagang ito?

Mahusay!

(Stratehiya sa pormal na diskusyon) 20 pesos (play money)


Bago tayo pinakapormal na magsimula ay nais ko
lang ipaalam na magkakaroon tayo ng pointing
system sa pagsagot. Bawat miyembro ng grupo na
sasagot/makakasagot ay magkakaroon ng puntos.

• Bawat mag-aaral na makakasagot


(Nagtaas man ng kamay o tinawag) ay
magkakaroon 20 points o bibigyan ng 20
play money bill.
• Ang inyong maiipong puntos ay may
kaakibat na puntos para sa inyong
magiging pagtataya.
• Ang puntos na makakamit ay nahahati sa:

100 points = +4 points


80 points = +3 points
60 points = +2 points

(Stratehiya sa pormal na diskusyon)


Dagdag pa, bawat grupo ay may ibibigay akong HARAP
mga placard na inyong ididikit sa harapan maya- (Kapag pagpinagsama-sama at pinagdikit-dikit
maya. ang bawat placard ay may mabubuong salita)

Distribusyon ng Placard sa bawat grupo (Walang LIKOD


kinalaman ang bilang ng placard) (May mabubuong larawan)

Group 1 = 2 Placard
Group 2 = 2 Placard
Group 3 = 2 Placard
Group 4 = 2 Placard
Group 5 = 1 Placard

Maliwanag ba? Kung oo maaari ba kayong mabilis


pumalakpak ng dalawang beses! (Pumalakpak ng dalawang beses ang mga
mag-aaral)
Dahil diyan ay dadako na tayo sa ating pormal na
talakayan.

Sa mga nakaraang mga talakayan nakita natin ang


halaga ng pera, dahil dito ay nakabibili tayo ng
mga gusto at pangangailangan natin, ngunit (Maghahanap ng kahit anong produkto na
minsan alam ko ay sumagi na sa inyong isipan mayroon sa mismong silid-aralan)
kung paano nga ba nabuo ang mga produkto na
ating nabibili.
(Halimbawa: Cellphone)

Sagot:
• Paano nabuo ang produkto? Anong mga • Sir, kung ito po ay kakalasin, ang mga
hilaw na materyales kaya ang ginamit dito? hilaw na materyales na pwedeng
makita rito ay plastic, metal, salamin, at
madami pang iba.
• Sir, matapos pong maipon ang mga
materyales ay dadaan ito sa proseso ng
pagmamanupaktura upang maging
isang ganap na produkto.
• Anong sekundaryang sector ng ekonomiya • Sir, Sektor ng industriya po partikular
nakapaloob ang transpormasyon ng mga sa pagmamanupaktura.
produkto

Magaling!

Dahil diyan ay magkakaroon nanaman tayo ng


isang aktibidad.

Gawain 3: Pagpapakahulugan at Kahalagahan Stratehiyang Ginamit:


Panuto: Bawat grupo ay aking bibigyan ng • Contextualization
cartolina at marker. Sa mga terminong napunta • Visual Approach
sainyo, bilang grupo ay isulat ang mga • Collaboration Approach
sumusunod: • Constructivist Approach
• Pointing System
• Sariling pagpapakahulugan
• Gampanin at Kahalagahan ng “salitang
nabuo ninyo” sa pag-unlad ng isang
bansa.
• Mga Halimbawa

Kayo ay bibigyan ko lamang ng 5 minuto para


gawin ito, pagkatapos ay may isang kinatawan
bawat grupo ang magkakaroon ng maikling
presentasyon patungkol sainyong ginawa.
Para sainyong magiging presentasyon, ito ay aking
pupuntusan sa sumusunod na rubriks:

Maliwanag ba? (Pumalakpak ng dalawang beses ang mga


mag-aaral)

(Ipinamahagi ang cartolina at marker at


nagsimula na ang mga mag-aaral)

Mga inaasahang laman ng bawat presentasyon


ng bawat grupo:

PAGMIMINA
• Ang sekondaryang sektor na kung saan
ang mga metal, di-metal, at enerhiyang mineral
ay kinukuha at dumadaan sa proseso upang
gawing finished products o kabahagi ng isang
yaring kalakal
• Ang kahalagahan nito ay dito kinukuha
ang iilan sa mga pangunahing mga materyal na
ginagamit sa paggawa ng mga bagay na
ginagamit ng bawat tao ngayon na nahahati sa
dalawa, metal at hindi metal.

PAGMAMANUPAKTURA
• Ang pagmamanupaktura ay tumutukoy
sa paggawa ng mga produkto sa pamamagitan
ng manual labor o ng mga makina.
• Ang kahalagahan nito ay nagkakaroon
ng madaming trabaho ang tao at naipapamalas
ang iba’t ibang kagalingan sa larangan ng
paggawa. Dahil dito ay patuloy na tumataas ang
produksyon sa pamamagitan ng dami ng tao na
gumagawa at mga makinaryang tumutulong
para mas mapabilis ito.
KONSTRUKSYON
• Kabilang dito ang mga gawaing tulad ng
pagtatayo ng mga gusali, estruktura at iba pang
land improvements halimbawa ay tulay, kalsada
at iba pa bilang bahagi ng serbisyo publiko ng
pamahalaan sa mga mamamayan.
• Ang kahalagahan nito ay pagbibigay ng
serbisyong teknikal at konstruksiyon tulad ng
pagsasaayos at pagmimintina kasama na rin ang
ang personal na konstruksiyon ng mga tirahan.

UTILITIES
• Ito ay binubuo ng mga kompanyang ang
pangunahing layunin ay matugunan ang
pangangailangan ng mga mamamayan sa tubig,
koryente, at gas.
• Malaki ang papel ng pamahalaan upang
masiguro ang maayos na serbisyo. Kasama sa
mga tungkuling ito ang paglalatag ng mga
imprastruktura at angkop na teknolohiya upang
maihatid ang nararapat na serbisyo sa lahat ng
tao.

MODERNISASYON
• Ang modernisasyon ay tumutukoy sa
pagbabagong anyo mula sa isang tradisyunal at
rural na lipunan sa isang pang-industriyang
lipunan na kung saan ginagamitan ng
makabagong pamamaraan, mga ideya,
kagamitan at iba pa upang mapabilis ang
gawain ng mga tao.
• Dahil po rito ay nakakasabay tayo sa
kahit anong pagbabago at dumarami ang
pagsulong na siyang nakapagsisigurado sa pag-
unlad ng ating bansa.

Napakahuhusay na pagbibigay ng impormasyon (Pumalakpak ng limang beses ang mga


patungkol sa ating paksa! Dahil diyan ay bigyan mag-aaral)
ninyo ang bawat isa ng tig-limang palakpak

Ngayon ay maaari na ninyong ilagay ang mga (Inilagay na ng bawat grupo ang mga placard
placard na hawak ninyo sa harapan. na kanilang hawak sa harap at nabuo ang
salitang INDUSTRIALISASYON)
Ngayon, ano kaya sa tingin ninyo ang ibig sabihin • Sir, ang industriyalisasyon ay
ng nabuong salita? tumutukoy sa paggawa ng mga kalakal
sa malalaking proporsyon at tumutukoy
din sa proseso kung saan ang isang
lipunan o estado ay pumasa mula sa
isang pang-agrikultura na ekonomiya
patungo sa isang industriyalisadong
ekonomiya.

• Sir para saakin naman, ang


industriyalisasyon ay nabuo sa isang
tiyak na sektor at batay sa pagbuo ng
makinarya, pamamaraan at proseso ng
trabaho upang makabuo ng higit sa mas
kaunting oras, pati na rin ang paglago ng
ekonomiya na naglalayong
mapakinabangan ang mga benepisyo at
resulta ng Panloob na Produkto Gross
(GDP).

Napakahuhusay!

Karaniwang iniuugnay ang industriyalisasyon sa


kaunlaran ng isang bansa.
Ito ay alinsunod sa modernization theory ni Walt
Rostow batay sa artikulo ni Peter Kasanda na
nagsaad na ang kaunlaran ay matatamo kung
susundan ang mga dinaraanang mga proseso ng
mga mauunlad na bansa.

Dahil nga riyan ay makikita natin ang mga sub-


sektor na inyong pinaliwanag.

May mga katanungan ba? (Pumalakpak ng dalawang beses ang mga


Malinaw ba ang lahat? mag-aaral)

Magaling!
C. Pangwakas na Gawain
Paglalahat

• Maaari ka bang magbigay ng isang salita • Sir, PRODUKSYON po, sapagkat isa po
na maglalarawan sa lahat ng ating sa bentaheng binibigay at gampanin ng
tinalakay sa umagang ito? Ipaliwanag ating mga tinalakay sa umagang ito ay
papaano mapapabilis habang
napapanatili ang pagkakaroon ng
magandang kalidad ng mga produktong
nagagawa sa ating bansa. Dahil dito, ay
maaaring makabawas ito sa chansang
magkaroon ng implasyon.
• Sir, MODERNIZATION po, sapagkat
dahil po sa mga ito ay patuloy na
makakasabay ang bawat bansa sa
tinatawag na technological advancement.
Dahil dito ay patuloy na masisigurado
ang pag-unlad ng isang particular na
bansa.

• Base sa ating mga pinagusapan, sa • Sir, malaki po ang ugnayan ng sektor ng


paanong paraan kaya nagkaka-ugnay ang Agrikultura at Industriya sapagkat ang
sektor ng Agrikultura at Industriya? mga hilaw na materyales na nakukuha sa
agrikultura ay siya naming kinunkuha at
binubuo ng industriya para maging isang
ganap na produkto

Napakagaling!

Paglalapat

• Sa iyong palagay, kung patuloy na • Sir, sa positibong perspektiba,


tututukan ang industriya ng isang bansa,
nakatutulong po ito upang mapadali ang
makakaapekto ba ito sa usaping trabaho?
buhay ng tao sa pamamagitan ng
Sa papaanong paraan?
pagtulong sakanila sa mga gawain lalo na
sa mabilisang paggawa habang
napapanatili ang kalidad ng mga
produktong natatapos.
• Sir, sa negatibong perspektiba naman po,
nakaaapekto po ito sa pamamagitan ng
pagkawala ng trabaho sapagkat
napapalitan na po ng makinarya ang mga
tao.

• Sa iyong palagay, uunlad padin kaya ang


• Sir para saakin ay oo, ngunit magiging
Pilipinas kung ito ay mananatili bilang
isang Agrikultural na Bansa? ubod ng bagal ang masasabing pag-
unlad. Kung kaya’t kung ang Pilipinas ay
yayakapin din ang industrialisasyon, ay
makatutulong sa pagsabay nito sa mga
bagong teknolohiya at makinarya na
siyang makatutulong sa mabilisang pag-
unlad nito.

Napakagaling!

Pagpapahalaga

• Ano ang reaksyon/masasabi ninyo sa (Binaliktad ang pinagsama-samang placard


larawang ito? na nakadikit sa whiteboard)

(May nabuong larawan)

• Sir, pinapakita po riyan na kadalasan ang


pag-unlad ay hindi natatamasa ng lahat,
lalo na ng mga nasa laylayan o ng mga
mahihirap.

Napakahusay na opinion!
Ngayon, ito na ang puntos na nakalap ng bawat (Sasabihin ang kabuuang puntos na
grupo direktang idadagdag sa kanilang pagtataya)

Maliwanag ba ang lahat? Mayroon bang mga (Pumalakpak ng dalawang beses ang mga
tanong? mag-aaral)

Magagaling!

IV. Pagtataya
Panuto: Panuto: Uriin ang mga sumusunod na produkto. Lagyan ng letrang A kung ito ay
nabibilang sa PAGMIMINA, B kung ito ay ay PAGMAMANUPAKTURA, C kung
KONSTRUKSYON, at D kung ito ay nabibilang sa UTILITIES.

V. Takdang – Aralin
1. Magbigay ng 1 hanggang 2 suliranin na kinakaharap ng Sektor ng Industriya.
2. Sa paanong paraan ito/mo ito mabibigyan ng solusyon?
Rubriks para sa Gawain 3

Pamantayan Pinakamahusay Mahusay Di Gaanong Di Mahusay Puntos


Mahusay

(3)
(5) (4) (2)

Kawastuhan at Wasto at angkop May isang May dalawang May tatlo o higit
Kaangkupan ang lahat ng sagot maling sagot maling sagot sa pang maling
sa gawain. sa gawain. gawain. sagot sa gawain.

Kalinawan Napakalinaw ng Malinaw ang Di gaanong Di malinaw ang


paglalahad ng paglalahad ng malinaw ang paglalahad ng
gawain. gawain. paglalahad ng gawain.
gawain.

Kooperasyon Lahat ng kasapi ay May 1 May 2-3 May 4 o higit


nagtutulungan. miyembro na miyembro na pang miyembro
hindi hindi tumulong. na hindi
tumulong. tumulong.

KABUUAN

Inihanda ni:
John Paul T. Felizar

Binasang Suri ni:


Mr. Roger V. Magtangob
MT-I

Inaprubahan ni:
Ms. Trifina U. Tagulao
Ulong-Guro - III

You might also like