You are on page 1of 6

MOTHER OF DIVINE PROVIDENCE SCHOOL

Marikina Heights, Marikina City


T.P. 2019 – 2020

Banghay-aralin sa Filipino 5

Markahan: Ikaapat Petsa: Ika- 17 – 21 ng Pebrero, 2020


Linggo: Ikalima

I. Mga Pamantayan sa Pagkatuto

A. Pamantayang Pangnilalaman
- Naipamamalas ang kakayahan sa mapanuring pakikinig at pag-unawa sa napakinggan
- Naipamamalas ang kakayahan at tatas sa pagsasalita at pagpapahayag ng sariling ideya,
kaisipan, karanasan at damdamin
- Naisasagawa ang mapanuring pagbasa sa iba’t ibang uri ng teksto at napalalawak ang
talasalitaan
- Naisasagawa ang mapanuring pagbasa sa iba’t ibang uri ng teksto at napalalawak ang
talasalitaan
- Napauunlad ang ksanayan sa pagsulat ng iba’t ibang uri ng sulatin
- Naipamamalas ang kakayahan sa mapanuring panood ng iba’t ibang uri ng media tulad ng
patalastas at maikling pelikula
- Naipamamalas ang iba’t ibang kasanayan upang maunawaan ang iba’t ibang teksto
- Naipamamalas ang pagpapahalaga at kasanayan sa paggamit ng wika sa komunikasyob at
pagbasa ng iba’t ibang uri ng panitikan.

B. Pamantayan sa Pagganap:
- Nakabubuo ng nakalarawang balangkas batay sa napakinggan
- Nakagagawa ng radio broadcast/teleradyo, debate at ng isang forum
- Nakagagawa ng grap o tsart tungkol sa binasa, nakapagsasagawa ng isang debate tungkol sa
isang isyu o binasang paksa
- Nakasusulat ng talatang portfolio ng mga nangangatwiran tungkol sa isang isyu o paksa at
makagagawa ng sulatin
- Nakabubuo ng sariling dokumentaryo o maikling pelikula
- Nagagamit ang silid- aklatan sa pagsasaliksik
- Napapahalagan ang wika at panitikan sa pagsulat ng tula at pamamagitan ng pagsalli sa
usapan at talakayan, paghiram sa aklatan, pagkukuwento,

II. Nilalaman ng Pagkatuto


A. Paksa:
Pagbasa: Talambuhay
Lunsaran: Si Andres Bonifacio Nang Kanyang Kabataan
Gramatika: Uri ng Pang-abay
B. Sanggunian: Pinagyamang Pluma 5, pahina 390 - 397
C. Mga Kagamitan: TV, kompyuter, larawan ni Andres B, flashcards, video
D. Pagpapahalaga: Pagiging matapat. Paggawa ng tama (Compassion- -Kindness-
Honesty Commitment-Discipline-Responsibility)

III. Mga Karanasan ng Pagkatuto

Una-Ikalawang Pagkikita: (80 minuto ) Petsa: Ika-17 ng Pebrero, 2020


5-Sincerita 7:30-8:50
5-Fedelta 9:20-10:40

Mga Layunin ng Pagkatuto


Pagkatapos ng aralin, 80% ng mga mag-aaral ay inaasahang:
1. Pangkabatiran- Naisasakilos ang mga gawaing nagpapakita ng katapatan.
2. Pangkabatiran- Nakapagbibigay ng reaksyon mula sa napanood.
3. Pangkabatiran- Nakapagbibigay ng paraan kung paano maipapakita ang
pagiging matapat.
4. Pandamdamin- Napahahalagahan ang paggawa nang mabuti
5. Saykomotor- Nakapagdudula kung paano maipapakita ang pagiging matapat.

Paksa: Andres Bonifacio nang kanyang kabataan –Maikling Kuwento

A. Pangganyak
> Magpakitang muli ng larawan ng isang bata na madungis at may bitbit na sampaguita.
- Ano ang nakikita ninyo sa larawan?
- Ano ang naiisip ninyo kapag nakakakita kayo ng batang katulad nya sa daan?
> Tumawag ng ialng mag-aaral na sasagot sa tanong.

B. Paglalahad ng Aralin
1. Pagpapakilala sa Paksa
> Ang batang nakita s alarawan ay katulad ng batang si Andres sa binasa nating
kwento. Sa kabila ng kahirapan at sa murang edad ay piniling gumawa ng matapat na
trabaho.

2. Pagbabalik-arala sa Mahahalagang Detalye ng Akda


- Tauhan at Katangian
- Suliranin
- Naging solusyon sa suliranin

3. Pagsagot sa Mga Pagsasanay


Estratehiya: Book Drill
> Pagkilala sa katangian ng Tauhan
> Pagbibigay ng kalalabasan ng Pangyayari
> Pagpapahayag ng sariling opinyon

C. Pagpapahalaga
> Muling ipakita sa mga mag-aaral ang video ng tapat na taxi driver.
*** Ano ang kabutihang naidudulot kapag ang isang tao ay matapat?
> Isa-isang patayuin ang mga mag-aaral at magpabigay ng kabutihang naidudulot ng
pagiging matapat.

D. Paglalapat
Estratehiya: Dula-dulaan
*** Paano mo ipapakita ang pagiging isang matapat na bata?
> Papuntahin ang mga mag-aaral sa kanilang pangkat.
> Pagkatapos ay magpabuo sa kanila ng isang maikling dula-dulaan na magpapakita ng
Isang batang matapat.
Pangkat 1 – paaralan
Pangkat 2 – mall/parke
Pangkat 3 – Tahanan
Pangkat 4 – Simbahan
Pangkat 5 – palengke
Pangkat 6 – Tindahan

E. Pagwawakas
Estratehiya: 1 minute paper
> Bigyan ang mga mag-aaral ng malinis na papel. Ipasagot sa mga mag-aaral;
***Ano ang mga bagay na magagawa mo upang mahikayat ang mga kapwa mo mag-
aaral na laging maging tapat.
Ikatlo-Ikaapat na Pagkikita: (80 minuto ) Petsa: Ika – 18 ng Pebrero, 2020
5- Sincerita 7:30-8:10
5-Fedelta 2:40-3:20
Ika – 19 ng Pebrero, 2020
5- Sincerita 7:30-8:10
5-Fedelta 8:10-8:50

Mga Layunin ng Pagkatuto


Pagkatapos ng aralin, 80% ng mga mag-aaral ay inaasahang:
1. Pangkabatiran- Nakikilala ang mga uri ng Pang-abay. (Panlunan ,Pamanahon,
Pamaraan)
2. PangkabatiranNalalaman ang kahalagahan ng pang-abay sa pakikipag-usap.
3. Pandamdamin- Napahahalagahan ang pagkatuto ng mga uri ng pang-abay.
3. Saykomotor- Nakapag-uulat nang maayos sa paksang iniatas ng guro.
4. Saykomotor- Nakabubuo ng mga pangungusap mula sa tinalakay na uri ng
pang-abay.

Paksa: Uri ng Pang-abay (Pamanahon, Panlunan, Pamaraan)

A. Pangganyak
Estratehiya: Video Analysis
> Magpakita ng isang maikling video clip ng isang batang nagtitinda ng sampaguita sa
kalye.
> Pagkatapos ay itanong sa kanila;
- Saan nagtitinda ang bata?
- Paano niya itinitinda ang mga sampaguita sa mamimili?
- Kailan nagtintinda ang bata?
- Gaano karami ang itinitinda niya?
- Ano ang msasabi niyo ukol sa bata?

B. Pagtalakay sa Paksa
1. Pagpapakilala ng Paksa
> Isulat sa pisara ang mga sagot ng mga mag-aaral sa mga tanong na ibinigay.
- Ang bata ay nagtitinda sa kalsada.
- Tuwing hapon nagtitinda ng sampaguita ang bata.
- Talagang masipag magtinda ng sampaguita ang bata.
> Sabihin ang mga sagot sa tanong ay sumasagot sa mga tanong na paano, kalian,
saan, gaano at iba pa tungkol sa kilos na ginagawa ng bata. Ang mga ito ay
halimbawa ng mga uri ng pang-abay na tatalakayin natin ngayong araw.

2. Pagtalakay sa Paksa
Estratehiya: Pag-uulat
> Pangkatin ang mga mag-aaral sa pitong pangkat. Papiliin sila ng kanilang magiging
lider. Pagkatapos ay pabunutin ang kanilang lider ng paksang kanilang iuulat.
- Pamaraan
- Panlunan
- Pamanahon
- Panang-ayon
- Pananggi
- Pang-agam
- Panggaano
> Papuntahin ang mga mag-aaral sa kanilang pangkat. Pagkatapos ay bigyan ng oras
ang bawat pangkat nap ag-usapan ang mga dapat gawin.
> Ang unang tatlong pangkat ang unang mag-uulat para sa araw na iyon.

3. Pag-uulat
Group 1 – Pamaraan
Group 2 – Panlunan
Group 3 – Pamanahon

4. Paglalagom
- Ano-ano ang mga uri ng pang-abay na tinalakay natin nagyong araw? Paano
makikilala ang abwat isa?

C. Paglalapat
Estratehiya: Gawaing Upuan
Panuto: Magpabuo ng mga pangungusap na ginagamitan ng pang-abay na pamaraan,
panlunan at pamanahon.

E. Pagwawakas
*** Bakit mahalaga ang mga pang-abay sa pakikipagkomunikasyon?

Ikalimang Pagkikita: (40 minuto ) Petsa: Ika – 20 ng Pebrero, 2020


5- Sincerita 7:30-8:10
5-Fedelta 8:10-8:50
Mga Layunin ng Pagkatuto
Pagkatapos ng aralin, 80% ng mga mag-aaral ay inaasahang:
1. Pangkabatiran- Nakikilala ang mga uri ng Pang-abay. (Panggaano, Pananggi,
Panang-ayon, Pang-agam).
2. Pangkabatiran- Nalalaman ang kahalagahan ng pang-abay sa pakikipag-usap.
3. Pandamdamin- Napahahalagahan ang pagkatuto sa iba’t ibang uri ng pang-abay
3. Saykomotor- Nakapag-uulat nang maayos sa paksang iniatas ng guro.
4. Saykomotor- Nakabubuo ng mga pangungusap mula sa tinalakay na uri ng
pang-abay.
5. Saykomotor- Nakasasagot nang tama sa gawaing upuan.

Paksa: Uri ng Pang-abay (Pananggi, Panang-ayon, Panlunan)

A. Pagbabalik-aral
> Pagbalik-aralan ang uri ng pang-abay na natalakay nang nakaraang araw.

B. Paglalahad ng Aralin
1. Pagpapatuloy ng Pag-uulat
IKaapat na Pangkat – Pananggi
Ikalimang Pangkat – Panang-ayon
Ikaanim na Pangkat – Pang-agam
Ikapitong Pangkat – Panggaano

> Pagbibigay ng mga pagsasanay ng bawat pangkat.

C. Pagpapahalaga
*** Bakit mahalaga ang iba’t iabng uri ng pang-baya sa pakikipagkomunikasyon?
*** Ano kaya ang mangyayari kung hindi sapat ang kaalaman sa tamang paggamit ng
mga uri ng pang-abay?

D. Paglalapat
Estratehiya: Gawaing Upuan
Panuto: Bilugan ang pang-abay na ginamit sa loob ng pangungusap. Pagkatapos ay
isulat sa patlang ang;

PM – pamaraan PG – pananggi
PL – panlunan PGM – pang-agam
PH – pamanahon PGG - panggaano
PA – panang-ayon

__ 1. Nagkamping nang dalawang araw ang aking mga kaklase.


__ 2. Naglakad nang matulin ang magkapatid.
__ 3. Tuwing umaga gumigising si Aling Dina.
__ 4. Tumungo sa hapag-kainan ang buong mag-anak.
__ 5. Tila naiinis na ang guro sa maiingay na mag-aaral.
__ 6. Huwag magdala ng anumang uri ng bala sa paliparan.
__ 7. Baka magalit si Ate Tina kapag kinain ko ang keyk,
__ 8. Tumubo si Aling Mumay nang dalawampung piso.
__ 9. Ayaw niyang sumagot sa tanong ko,
__ 10. Si Ate Lorna ay naghahanda ng almusal sa kusina

E. Pagwawakas
- Ano-ano ang iba’t ibang uri ng pang-abay?
- Paano mabilis na makikilala ang abwat isa?

F. Paalala
> maghanda para sa maikling pagsusulit sa susundo na pagkikita at sa lagumang
pagsusulit sa Biyernes.

Ikaanim na Pagkikita: (40 minuto ) Petsa: Ika –21 ng Pebrero, 2020


5- Sincerita 7:30-8:10
5-Fedelta 12:40-1:20

Mga Layunin ng Pagkatuto


Pagkatapos ng aralin, 80% ng mga mag-aaral ay inaasahang:
1. Pangkabatiran- Nababalik-aralan ang mga uri ng pang-abay
2. Pandamdamin- Nabibigyang halaga ang pagkatuto sa mga pang-abay bilang bahagi
ng pang-araw-araw na pakikipagtalastasan.
3. Saykomotor- Nakasasagot nang tama sa maikling pagsusulit tungkol sa mga
uri ng pang-abay.

Paksa: Pagsasanay sa mga Uri ng Pang-abay

A. Panimula
> Muling pagbalik-aralan ang iba’t ibang uri ng pang-abay.
- Pamaraan
- Panlunan
- Pamanahon
- Panang-ayon
- Pananggi
- Pang-agam
- Panggaano

> Muling pagpapabigay ng mga halimbawa sa mga mag-aaral.

B. Pagbibigya ng Pagsasanay

1. Pagsasanay 1

Panuto: Tukuyin kung anong uri ng pang-abay ang may salungguhit sa loob ng
pangungusap.
Pamaraan Pananggi
Panlunan Pamanahon
Panang-ayon Pang-agam
Panggaano

1. Si nanay ay masarap magluto ng pansit.


2. Marahan siyang umikot pabalik sa bahay.
3. Mahusay magplano ang aming lider.
4. Inakyat nila ang sobrang taas na bundok.
5. Si Anton ay mahimbing na natutulog nang dumating kanyang ina

2. Pagsasanay 2
Panuto: Bumuo ng isang pangungusap sa bawat uri ng pang-abay. Pagkatapos ay
bilugan ang pang-abay na ginamit.
C. Pagsasagawa ng Maikling Pagsusulit

I. Panuto: Bilugan ang pang-abay na ginamit sa loob ng pangungusap. Pagkatapos ay


isulat sa patlang ang
PM – pamaraan PG – pananggi
PL – panlunan PGM – pang-agam
PH – pamanahon PGG – panggaano PA – panang-ayon

_______ 1. Tila naglalaro ang mga bata sa likod ng bahay kaya maingay doon.
_______ 2. Si Minda ay tunay na mapagkakatiwalaan.
_______ 3. Dahan-dahang nagmaneho si Patricia sa malubak na daan.
_______ 4. Dalawang araw niyang hinukay ang butas na gagawing basurahan.
_______ 5. Hindi nakikita sa likuran ang isinulat ng guro sa pisara.

B. Panuto: Isulat sa patlang kung ang pang-abay na may salungguhit ay Panlunan,


Pamanahon, Pamaraan, Panang-ayon, Pananggi, Pang-agam,
Panggaano.

1. Sa lumang bahay nagpahinga ang mga manlalakbay. ____________________


2. Madaling-araw na pala, marahil ay natutulog na ang aking kapatid. ______________.
3. Mamayang hapon maghahakot ng basura ang mga tao sa barangay. ___________
4. Walang magbabantay sa mga bata kapag umalis ako. _____________________
5. Oo, magbabayad ako ng utang ko ngayon. _________________

You might also like