You are on page 1of 14

Pamahalaang

Lokal sa
Pilipinas
Ang Pamahalaang Pambarangay

Ang barangay ang


pinakamaliit na yunit ng
isang pamahalaang lokal.
Bumubuo sa pamahalaang
pambarangay:
 Punong-barangay/Barangay
Chairman
 Pitong kagawad

 Ingat-yaman (Barangay tanod,


secretary, Barangay clinic nurses
Ang punong-barangay o
kapitan at ang mga kagawad
ay inihahalal at naninilbihan
ng tatlong taon. Maaaring
maglingkod ng tatlong
magkakasunod na termino.
Tungkulin ng punong-barangay:
 Ipatupad ang lahat ng batas at
ordinansa para mapanatili ang
kaayusan, katahimikan, at kalinisan ng
barangay.
 Magpatawag at mamuno sa mga
pagpupulong ng barangay
Sangguniang Kabataan (SK):
 Nangangasiwa sa mga proyektong
pangkabataan.

Hal:
Basketball league
Career Guidance and Counseling
Pamahalaang Pambayan
Ang pamahalaang pambayan o
munisipalidad ay bahagi ng isang
lalawigan at binubuo ng mga barangay.
Ang pinakamataas na opisyal ang ang
alkalde o mayor, bise alkalde, walong
konsehal, SK chairman, at pangulo ng Liga
ng mga barangay.
Pamahalaang Pambayan
Sila ay inihahalal at naglilingkod ng tatlong
taon at maaaring silang ihalal ng tatlong
sunod-sunod na termino.
Ang kinatawan ng sectoral representatives,
binubuo nila ang Lupong Tagabatas ng
Pamahalaan Pambayan na siyang
gumagawa ng mga ordinansa at
patakarang ipinapatupad sa munisipalidad.
Tungkulin ng mga opisyal ng munisipalidad:
 Paglilingkod sa kapakanang panlahat;
 Pagkakaroon ng Sistema ukol sa pagtatapon ng basura at
kalinisan ng kapaligiran;
 Pananatili ng mga gusaling pangmunisipyo, mga sentrong
pangkultura, at mga pampublikong parke at palaruan;
 Pananatili ng mga pasilidad gaya ng mga kalye, tulay,
paaralan, health center, mga karatula sa kalye, pampublikong
pamilihan; at
 Pagkakaroon ng istasyon ng pulis, pamatay sunog, at mga
bilangguan.
Pamahalaang Panlungsod
Iba’t ibang uri ng lungsod ng Pilipinas:
 Highly urbanized city
Ito ay may 200,00 katao o higit pang populasyon
at kumikita ng 20 milyon piso pataas.
 Tsarter na lungsod (component city)
Naitatag bilang isang malayang pamahalaan.
 Component na lungsod (component city)
Ito ay bahagi ng lalawigan kung saan ito
matatagpuan.
Pamahalaang Panlungsod
• Ang pamahalaang panlungsod ay katulad rin
ng pamahalaang pambayan ngunit iba’t iba
ang bilang ng mga konsehal sa iba’t ibang
lungsod.
• Ang alkalde ang punong tagapagpaganap,
tungkulin nyang magpatupad ng batas sa
kanyang nasasakupan, naghahanda ng
badyet at pumipirma sa mga kasunduan.
Ang Pamahalaang Panlalawigan

Ang lalawigan ay binubuo ng lungsod at


bayan. Ito ay pinamumunuan ng
gobernador, bise gobernador, at mga ingat
yaman, budget officer, at iba pang opisyal.
Ang mga Rehiyong Awtonomo
Ito ay itinatag upang bigyang tugon ang
mga suliraning politikal at mapaunlad at
malinang ang katutubong kultura at
tradisyon.
Ang Awtonomo na rehiyon ay may
kalayaan ang pamahalaan sa nasasakupan
subalit hindi sila nakahiwalay sa
pambansang pamahalaan.
Ang mga Rehiyong Awtonomo
Ito ay pinamumunuan ng gobernador. May
kapangyarihan itong gumawa ng mga
proyekto na maaaring pagkakitaan.
Walang kapangyarihan ang pangulo na
kontrolin ang mga yunit na ito. Wala rin sa
pangulo ang pagpapasiya sa mga usaping
lokal.

You might also like