You are on page 1of 14

OUR LADY OF HOPE PAROCHIAL SCHOOL, INC

137 Road 1, Bagong Pag-asa, Quezon City


Tel. No. 927-7844/621-8487
olhps.admin@olhpsdoces.edu.ph
__________________________________________________________________________________________

TEACHER’S PORTFOLIO IN FILIPINO 5


SECOND TERM
AY 2019-2020

Target Date:
Activity Title: Aspekto ng Pandiwa
Learning Target: Nagagamit ang pandiwa sa paglalahad ng impormasyon
Values in Focus: Disiplina sa Sarili
Core Values: Prayer (OLHPS)
References: Julian, Aileen. Pinagyamang Pluma 5, pp. 139-142
Pamantayang Pangnilalaman: Ang mga mag-aaral ay nakapagpaamalas ng pag-unawa sa
pakikipagtalastasan, mapanuring pag-iisip at, pagpapahalaga sa panitikan at kultura sa pamamagitan ng iba’t
ibang teksto/babasahing lokal at pambansa

CONCEPT DIGEST:

1. Perpektibo- nagsasaad ng kilos na tapos na.


2. Imperpektibo- nagsasaad ng kilos na naumpisahan ngunit patuloy na ginagawa at hindi pa tapos.
3. Kontemplatibo – ang kilos ay hindi pa nauumpisahan.
Halimbawa:

Pandiwa Perpektibo Imperpektibo Kontemplatibo


tago nagtago nagtatago magtatago
linis naglinis naglilinis maglilinis
libang naglibang naglilibang maglilibang

Pagsasanay:
Panuto: Humarap ka sa iyong katabi. Itanong mo sa kanya ang limang bagay na gustong-gusto
niyang gawin tuwing siya ay may bakanteng oras. Isulat mo ito sa iyong LAS.

Pangalan ng iyong katabi sa klase: ___________________

1.

2.

3.

4.

5.

Pagpapahalaga:
Ang taong may disiplina sa sarili, nalalaman na may hangganan ang kanyang ginagawa at may paggalang sa
ibang tao.
Our Lady of Hope Parochial School
137 Road 1, Bagong Pag-asa, Quezon City
Tel. No. 927-7844/501-90-83
olhps137@yahoo.com

TEACHER’S PORTFOLIO IN FILIPINO 5


SECOND TERM
A.Y. 2018-2019

Activity Title: Aspekto ng Pandiwa – Pagpapayaman ng Kaalaman


Learning Target: Natutukoy ang pandiwa at aspekto nito sa pangungusap
Value Concept: Pagiging madasalin
References: Pinagyamang Pluma 5, pp. 139-142

Pagpapayaman ng Kaalaman:
I. Salungguhitan ang pandiwang ginamit sa pangungusap at isulat sa patlang ang aspekto nito.

___________1. Itatapon ko ang basura sa tamang basurahan.


___________2. Bukas ako magdidilig ng halaman.
___________3. Lagi akong tumutulong sa mga gawaing- bahay.
___________4. Nag-aaral akong mabuti.
___________5. Patuloy akong mag-aabot ng tulong sa mahihirap.

II. Sagutan ang pahina 140 hanggang 142 sa Pinagyamang Pluma 5.


Our Lady of Hope Parochial School
137 Road 1, Bagong Pag-asa, Quezon City
Tel. No. 927-7844/501-90-83
olhps137@yahoo.com

TEACHER’S PORTFOLIO IN FILIPINO 5


SECOND TERM
A.Y. 2018-2019

Activity Title: Pokus ng Pandiwa


Learning Target: Nauunawaan ang mga pokus ng pandiwa.
Value Concept: Pagka-mapagkawanggawa (Compassion)
References: Pinagyamang Pluma 5 pp. 177-178, Ailene Baisa-Julian

Concept Digest:
Pokus ang tawag sa relasyon ng pandiwa sa simuno o paksa ng pangungusap. Naipakikita ito
sa pamamagitan ng taglay na panlapi ng pandiwa. Ito ang pinagtutuonan ng pandiwa sa
pangungusap.

1. Pokus sa tagaganap o aktor – ang pandiwa ay nasa pokus na tagaganap kapag ang paksa
ng pangungusap ang gumaganap ng kilos na isinasaad sa pandiwa.
Halimbawa:
Paksa: gumawa ng pandiwa pandiwa

Ang pamahalaan ay nanguna sa pagkalap ng impormasyon sa mga maykapansanan


sa bansa.

2. Pokus sa layon o gol – ang pandiwa ay nasa pokus na layon kung ang layon ay ang paksa o
binibigyang-diin sa pangungusap.

Halimbawa:
Pandiwa paksa: binibigyang-diin ng pandiwa

Pag-aralan mo ang bar graph na iyan upang makita nang maliwanag ang bahagdan ng
maykapansanan sa bansa.

3. Pokus sa Ganapan o lokatib – ang pandiwa ay nasa pokus sa ganapan kung ang paksa o
simuno ay ang lugar o ganapan ng kilos.

Halimbawa:
Pandiwa lokatib: lugar na pinagganapan ng pandiwa

Pinagpulungan ng ahensiya ang silid sa kagawaran tungkol sa bagay na iyan.


Pagsasanay:
Sagutan ang pagsasanay sa pahina 178 hanggang 179 (Madali Lang Iyan at Subukin Pa
Natin) sa Pinagyamang Pluma 5.

Our Lady of Hope Parochial School


137 Road 1, Bagong Pag-asa, Quezon City
Tel. No. 927-7844/501-90-83
olhps137@yahoo.com

TEACHER’S PORTFOLIO IN FILIPINO 5


SECOND TERM
A.Y. 2018-2019

Activity Title: Uri ng Pang-uri


Learning Target: Nagagamit nang wasto ang pang-uri sa paglalarawan ng tao, lugar, bagay, at
pangyayari sa sarili, ibang tao, at karanasan.
Value Concept: Pagtanggap (Hope)
References: Pinagyamang Pluma 4 pp. 198-199, Alma M. Dayag

Concept Digest:
1. Pang-uri panlarawan- tumutukoy sa itsura, kulay, hugis, at iba pang katangian ng pangngalan
o panghalip.
Halimbawa: maganda, matangkad, maputi, mabango,
maalat
2. Pang-uring pamilang- nagsasaad ng dami o bilang ng isang pangngalan o panghalip
Halimbawa: isa, lima, madami

Pagsasanay: Word Cloud Activity


Panuto: Sa likod na bahagi ng iyong LAS, gumawa ng isang Word Cloud at maglista ng mga
katangiang dapat taglayin ng isang mabuting kaibigan. Maaring maglista kahit ilan. Ang word cloud
ay mamarkahan base sa sumusunod na pamantayan:

Pagkamalikhain – 5 points
Gamit ng Pang-uri – 5 points

NEXT DAY:
Activity Title: Uri ng Pang-uri – FIAT
Learning Target: Nakasusulat ng panalangin para sa
sarili
Value Concept: Pagiging madasalin
References: Pinagyamang Pluma 5, pp. 139-142

FIAT:
Sa ating napag-aralan, ang pang-uri ay mga salitang naglalarawan sa tao, hayop, bagay, lugar
at pangyayari. Minsan sa ating buhay ay may mga katangian tayong hindi maganda sa paningin ng
iba. Kapag tinanong mo ang isang taong nakakakilala sayo, may mga katangian kang malalaman sa
kanya na negatibo sa iyo. Matuto sana nating tanggapin na hindi tayo perpekto ayon sa kasabihan
“Nobody is perfect.”
Sumulat ka ng isang panalangin sa Diyos para sa iyong sarili.
Our Lady of Hope Parochial School
137 Road 1, Bagong Pag-asa, Quezon City
Tel. No. 927-7844/501-90-83
olhps137@yahoo.com

TEACHER’S PORTFOLIO IN FILIPINO 5


SECOND TERM
A.Y. 2018-2019

Activity Title: Nasayang na Kahilingan


Learning Target: Nakasusulat ng buod ng kuwentong binasa
Value Concept: Pag-asa
References: Pinagyamang Pluma 5, pp. 148-150

Pagpapayaman ng Talasalitaan:
 murang edad – bata pa
Masayang binalikan ng mga kaibigan ang panahong sila ay nasa murang edad pa.
 mapalad – magandang kapalaran
Ang pagiging mapalad ay mag kaakmang pagsisikap.
 nilalang – kakaibang katauhan
Isang nilalang ang nakita ko sa aking panaginip.

Buod – nagsasaad ng mga mahahalagang pangyayari sa kuwento. Kasama rito ang una,
pinakasukdulan at wakas na pangyayari sa kuwento.

Pagbasa ng kuwento:
Basahin ang kuwento sa loob ng 15 minuto.

Pagsasanay: (Isara na ang aklat)


Magsulat ng buod na hindi bababa sa sampung pangungusap tungkol sa kuwentong iyong
binasa.

Pamagat: _________________________

___________________________________________
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
________________________________
Our Lady of Hope Parochial School
137 Road 1, Bagong Pag-asa, Quezon City
Tel. No. 927-7844/501-90-83
olhps137@yahoo.com

TEACHER’S PORTFOLIO IN FILIPINO 5


SECOND TERM
A.Y. 2018-2019

Activity Title: Nasayang na Kahilingan - FIAT


Learning Target: Nakagagawa ng slogan tungkol sa pag-asa
Value Concept: Pag-asa
References: Buen, Julie Ann O.

Pagbabalik-aral: 10:45 Buddy

1. Ilahad mo sa iyong “buddy” ang mga mahahalagang nangyari sa kuwento.


2. Sabihin mo sa iyong “buddy” ang aral na natutunan mo sa kuwento.

FIAT:
Lahat tayo ay may kanya-kanyang kahilingan. Ang bawat kahilingan na ito ang siyang
nagsisilbing inspirasyon natin upang magsikap araw-araw. Pero, hindi lahat ng mga hiling na iyon ay
nakukuha natin kaagad agad at minsan pa ay humahantong ito sa panghihinayang natin at
pagtatanong kung bakit hanggang ngayon ay hindi pa din natutupad ang mga kahilingang iyon. May
magandang plano para sa atin ang Diyos. Lagi nating iisipin na hindi Niya tayo pinababayaan at may
mga magagandang bagay siyang nakalaan para sa atin. Huwag kang mawalan ng pag-asa.
Itaas mo ang iyong sarili sa pamamagitan ng paggawa ng isang slogan na nagpapakita ng hindi
kawalan ng pag-asa sa anumang hamon ng buhay.
Our Lady of Hope Parochial School
137 Road 1, Bagong Pag-asa, Quezon City
Tel. No. 927-7844/501-90-83
olhps137@yahoo.com

TEACHER’S PORTFOLIO IN FILIPINO 5


SECOND TERM
A.Y. 2018-2019

Activity Title: Kaantasan ng Pang-uri


Learning Target: Natutukoy ang pang-uri at kaantasan nito sa pangungusap
Nagagamit nang wasto ang pang-uri sa paglalarawan sa iba’t ibang sitwasyon
Value Concept: Pagmamahal sa likha ng Diyos
References: Pinagyamang Pluma 5, pahina 223; Emily V. Marasigan

CONCEPT DIGEST:

1. Lantay – kaantasang naglalarawan sa pangngalan o panghalip. Hindi inihahambing ang


pangngalan o panghalip sa iba.
Halimbawa:
Mabango ang adobong niluluto ni nanay.
Marami ang nagpoprotesta nang mailibing si Marcos sa
Libingan ng mga Bayani.
2. Pahambing – kaantasang naglalarawan sa katangian ng dalawang pangngalan o panghalip. Ang
paghahambing ay maaring magkatulad o hindi magkatulad.
a. Magkatulad – pareho ang katangian ng
pinaghahambing.
Halimbawa:
Magsimbait ang nanay ko at nanay niya.
b. Di-magkatulad – magkaiba ang katangian ng
pinaghahambing.
Halimbawa:
Mas matangkad ang kuya ko kaysa sa kuya niya.
c. Palamang – ginagamitan ito ng mga salitang higit at
lalo at tinutulungan ng kaysa o kaysa
kay.
Halimbawa:.
Lalong kahali-halina ang mga bulaklak dito kaysa sa
nakita ko sa Tagaytay.
d. Pasahol – tinutulungan ito ng mga salitang gaano,
tulad ni, o tulad ng.
Halimbawa:
Hindi gaanong maganda ang palabas ngayon, di
tulad noong nakaraang taon.

3. Pasukdol – kaantasang nagsasabi ng katangian ng nakahihigit sa lahat. Ginagamit ito sa


paghahambing ng tatlo o higit pang pangngalan o panghalip. Maaring gamitin sa
pasukdol ang mga salita o katagang pinaka-,hari ng, pagka-, napaka-, ubod, walang
kasing-, lubha, sakdal.
Halimbawa:
Pinakamalakas ang kaklase ko sa lahat.
Walang kasinglaki ang balyena sa lahat ng hayop
sa mundo.
Pagsasanay:
Napuntahan mo na ba ang mga lugar na ito? Bumuo ng tig-iisang talata tungkol sa iyong mga
naging karanasan nang ikaw ay makapasok sa mga lugar na ito. Huwag kalimutang gamitin ang mga
antas ng pang-uri sa pagbuo ng talata.
Our Lady of Hope Parochial School
137 Road 1, Bagong Pag-asa, Quezon City
Tel. No. 927-7844/501-90-83
olhps137@yahoo.com

TEACHER’S PORTFOLIO IN FILIPINO 5


SECOND TERM
A.Y. 2018-2019

Activity Title: Pagsusuri sa Katotohanan o Opinyon


Learning Target: Natutukoy kung ang isang
impormasyon ay makatotohanan o
opinyon lamang
Value Concept: Pananampalataya
References: https://www.slideshare.net/divinabumacas98/pagkilala-sa-mga-opinyon-o-
katotohanan
Kinuha, Oktubre 14, 2018

CONCEPT DIGEST:
Katotohanan – ay isang pahayag na nagsasaad ng
ideya o pangyayaring napatunayan at
tanggap ng lahat na totoo at hindi
mapasusubalian kahit sa ibang lugar.
Hindi ito nagbabago at maaari itong
mapatunayan sa pamamagitan ng
pananaliksik at paghahanap ng
sanggunian ukol dito.

Opinyon – pananaw ng isang tao o pangkat na


maaaring totoo pero puwedeng pasubalian
ng iba. Ito rin ay isang paniniwala na mas
malakas pa sa impresyon, mas mahina sa
positibong kaalaman at batay sa
obserbasyon at eksperimento.

Mga Halimbawa:
Katotohanan:
Mababasa sa naging resulta ng pananaliksik ng
mga ekonomista na unti-unti nang umuunlad ang
turismo sa bansa.
Opinyon:
Kung ako ang tatanungin, mahalaga sa
magkaibigan ang tiwala sa isa’t-isa.

Pagsasanay:
Magbigay ng tig-limang halimbawa ng mga impormasyong makatotohanan at
opinyon. Maghanda sa presentasyon.

Katotohanan:
1.
2.
3.
4.
5.

Opinyon
1.
2.
3.
4.
5.

Our Lady of Hope Parochial School


137 Road 1, Bagong Pag-asa, Quezon City
Tel. No. 927-7844/501-90-83
olhps137@yahoo.com

TEACHER’S PORTFOLIO IN FILIPINO 5


SECOND TERM
A.Y. 2018-2019

Activity Title: Pagsusuri sa Katotohanan o Opinyon


(FIAT)
Learning Target: Natutukoy kung ang isang impormasyon ay makatotohanan o
opinyon lamang
Value Concept: Pananampalataya sa Diyos
References: Buen, Julie Ann O.

FIAT:
Ang pagmamahal sa atin ng Diyos ay hindi isang haka-haka. Ang paggising na lang natin
araw-araw ay isang magandang patunay ng kanyang pagmamahal dahil binigyan niya tayo ng buhay.
Ngunit may mga pagkakataong nag-aalinlangan tayo sa Kanya. May mga pangyayari sa ating buhay
na kung saan kinukwestyon at nawawalan tayo ng pananampalataya sa Kanya.

Panoorin ang video: (Huwag nang isulat)


https://www.youtube.com/watch?v=1EX_18SWF7c

Lagi nating tatandaan na ang Diyos ay palaging nandyan para sa atin. Hindi man natin siya
nakikita ngunit mararamdaman natin Siya na tinutulungan tayong harapin ang agos ng buhay.
May mga kakilala ka bang gustong tulungan upang maibalik ang kanyang pananampalataya
sa Diyos? Ito na ang iyong pagkakataon upang tulungan siya sa pamamagitan ng paggawa ng isang
“fan sign”. Maghanda sa presentasyon.

Halimbawa: #MahalKaNgDiyos
Our Lady of Hope Parochial School
137 Road 1, Bagong Pag-asa, Quezon City
Tel. No. 927-7844/501-90-83
olhps137@yahoo.com

TEACHER’S PORTFOLIO IN FILIPINO 5


SECOND TERM
A.Y. 2018-2019
Activity Title: Talambuhay
Learning Target: Nalalaman ang kahulugan ng talambuhay at ang paraan ng paggawa
nito
Value Concept: Pasasalamat
References: https://tl.wikipedia.org/wiki/Talambuhay
Kinuha, Nobyembre 4, 2018

Concept Digest:
Ang talambuhay (mula sa pinagsamang mga salitang "tala" at "buhay" na may diwang "tala
ng buhay") o biyograpiya ay isang anyo ng panitikan na nagsasaad ng kasaysayan ng buhay ng
isang tao hango sa mga tunay na tala, pangyayari at impormasyon.

Mga uri ng talambuhay

Uri ng talambuhay ayon sa Paksa at May-akda

1. Talambuhay na pang-iba- isang paglalahad ng mga kaganapan sa buhay ng isang tao na


isinulat ng ibang tao.
2. Talambuhay na Pansarili- isang paglalahad tungkol sa buhay ng isang tao na siya mismo ang
may akda.
3. Talambuhay Pangkayo- isang paglalahad tungkol sa buhay ng isang hayop na naging sikat sa
isang bansa, lalawigan, bayan, o kahit sa isang maliit na pamayanan o grupo ng mga tao dahil
sa angking galing ng mga ito.

Uri ng talambuhay ayon sa nilalaman

1. Talambuhay na Karaniwan- isang paglalahad tungkol sa buhay ng isang tao mula pagsilang
hanggang sa kanyang pagkamatay. Kasama rito ang detalye tulad ng kanyang mga
magulang, mga kapatid, kapanganakan, pag-aaral, karangalang natamo, mga naging
tungkulin, mga nagawa, at iba pang mahahalagang bagay tungkol sa kanya.
2. Talambuhay na Di-Karaniwan o Palahad- hindi gaanong sapat dito ang mahahalagang detalye
tungkol sa buhay ng tao maliban kung ito’y may kaugnayan sa simulain ng paksa. Sa halip ay
binibigyang-pansin dito ang mga layunin, adhikain, simulain, paninindigan ng isang tao, at
kung paano nauugnay ang isang tao sa kanyang tagumpay o kabiguan....

Pagsasanay:

Magsaliksik ng talambuhay ng isang kilalang bayani ng ating bansa. Isulat ang mga
mahahalagang impormasyon sa inyong LAS.
Karagdagang Gawain:
Magsulat ng isang talambuhay tungkol sa iyong sarili. Isulat ito sa isang malinis na long bond
paper.

Our Lady of Hope Parochial School


137 Road 1, Bagong Pag-asa, Quezon City
Tel. No. 927-7844/501-90-83
olhps137@yahoo.com

TEACHER’S PORTFOLIO IN FILIPINO 5


SECOND TERM
A.Y. 2018-2019
Activity Title: Pagsulat ng Sanaysay (Sulating
Pormal)
Learning Target: Nalalaman at nakasusulat ng isang
sanaysay
Value Concept: Pagpapakumbaba
References: https://tagapagtaguyodngfilipino.wordpress.com/contact/
Kinuha, Nobyembre 4, 2018

Concept Digest:

 Ang sanaysay ay isang maiksing komposisyon na kalimitang naglalaman ng personal na kuru-


kuro ng may-akda.

 Ang sanaysay ay isang piraso ng sulatin na kadalasang naglalaman ng punto de vista (pananaw)
ng may katha. Ang mga sanaysay ay maaaring magkaroon ng mga elemento ng pagpuna, opinyon,
impormasyon, obserbasyon, kuru-kuro, pang-araw-araw na pangyayari, ala-ala ng nakaraan at
pagmumuni-muni ng isang tao.

Mga Uri ng Sanaysay

Sulating Pormal o Maanyo

 Mga sanaysay na nagbibigay ng impormasyon ukol sa isang tao, bagay, lugar, hayop o
pangyayari. Ito ay naglalaman ng mahahalagang kaisipan at nasa isang mabisang ayos ng
pagkakasunud-sunod upang lubos na maunawaan ng bumabasa. Ang mga pormal na
sanaysay at komposisyon sa Filipino ay nagtataglay ng pananaliksik at pinag-aralang mabuti
ng sumulat. Ang mga salita’y umaakma sa piniling isyu at kadalasang may mga terminong
ginagamit na kaugnay ng tungkol sa asignaturang ginawan ng pananaliksik.

Drill:

Panoorin ang video:

https://www.youtube.com/watch?v=_oieFEt-43A
Sumulat ng isang maikling sanaysay na binubuo ng sampung pangungusap ukol sa vieo na
iyong napanood gamit ang sulating pormal.

Our Lady of Hope Parochial School


137 Road 1, Bagong Pag-asa, Quezon City
Tel. No. 927-7844/501-90-83
olhps137@yahoo.com

TEACHER’S PORTFOLIO IN FILIPINO 5


SECOND TERM
A.Y. 2018-2019
Activity Title: Pagsulat ng Sanaysay– Pagpapayaman ng Kaalaman
Learning Target: Nakasusulat ng isang sanaysay
Value Concept: Pagtitiwala sa Sarili
References: https://tagapagtaguyodngfilipino.wordpress.com/contact/
Kinuha, Nobyembre 4, 2018

Concept Digest: (Basahin Lamang sa loob ng 10 minuto)

 Ang sanaysay ay isang maiksing komposisyon na kalimitang naglalaman ng personal na kuru-


kuro ng may-akda.

 Ang sanaysay ay isang piraso ng sulatin na kadalasang naglalaman ng punto de vista (pananaw)
ng may katha. Ang mga sanaysay ay maaaring magkaroon ng mga elemento ng pagpuna, opinyon,
impormasyon, obserbasyon, kuru-kuro, pang-araw-araw na pangyayari, ala-ala ng nakaraan at
pagmumuni-muni ng isang tao.

Mga Uri ng Sanaysay

Sulating Pormal o Maanyo

 Mga sanaysay na nagbibigay ng impormasyon ukol sa isang tao, bagay, lugar, hayop o
pangyayari. Ito ay naglalaman ng mahahalagang kaisipan at nasa isang mabisang ayos ng
pagkakasunud-sunod upang lubos na maunawaan ng bumabasa. Ang mga pormal na
sanaysay at komposisyon sa Filipino ay nagtataglay ng pananaliksik at pinag-aralang mabuti
ng sumulat. Ang mga salita’y umaakma sa piniling isyu at kadalasang may mga terminong
ginagamit na kaugnay ng tungkol sa asignaturang ginawan ng pananaliksik.

Pagpapayaman ng Kaalaman:

Magsulat ng isang sanaysay na hindi bababa sa dalawampung pangungusap tungkol sa


paksang nasa ibaba:

Paksa: “Ang Edukasyon ay Kayamanan”


Bigyang-pansin ang tamang gamit ng malaking titik, bantas at baybay sa paggawa ng
sanaysay.

Our Lady of Hope Parochial School


137 Road 1, Bagong Pag-asa, Quezon City
Tel. No. 927-7844/501-90-83
olhps137@yahoo.com

TEACHER’S PORTFOLIO IN FILIPINO 5


SECOND TERM
A.Y. 2018-2019

You might also like