You are on page 1of 2

St.

Rita’s College of Balingasag


Balingasag, Misamis Oriental
SY 2019-2020

LEARNING PLAN in Filipino

Asignatura: Filipino
Paksa: KAPALIGIRAN AKING PANGANGALAGAAN
Paglilipat ng Layunin:
 Nagagamit ang wikang Filipino upang madaling maunawaan at maipaliwanag ang mga
kaalaman sa araling pangninilalaman, magamit ang angkop at wastong salita sa
papapahayag ng sariling kaisipan, damdamin o karansan nang may lubos na paggalang
sa kultura ng nagbibigay at tumanggap ng mensahe At pasasalamat sa panginoong diyos
sa talentong binigay.

Pamalagiang Pag-unawa:
1. Ang lahat ng tao, bat man o matanda, ay dapat mag-isip at magsagawa ng iba’t ibang paraan
para mapangalagaan ang mga hayop at ang kanilang mga tirahan.
2. Ang paglilinis at pangangalaga ng kapaligiran ay tungkulin ng lahat ng tao, bata man o
matanda, kaya’t dapat itong isagawa para narun sa ating kabutihan.
3. Mahalang makilala at magamit ang tunog ng bawat titik ng ating alpabeto sapagkat sa mga
titik na ito nabubuo ang mga pantig, salita, parirala, at pangungusap ng ginagamit sa
komunikasyon.

Mahahalagang Katanungan:
1. Paano makatutulong maging ang isang batang tulad mo para maalagaan ang mga hayop at
ang kanilang mga tirahan?
2. Bakit dapat tayong tumulong sa paglilinis at pangangalaga ng kapaligiran?
3. Bakit mahalagang matutuhan ang tamang tunog ng bawat titik ng alpabetong Filipino?

Panimulang Gawain

Pagbabalik-aral:
Pokus: Magagalang na salita sa pagbati

Pagganyak: Video presentation (Greeting)


- Anong pagbati ang sinsabi mo kapag nasasalubong mo ang iyong guro sa umaga? Ano naman
ang sinasabi mo kapag nasasalubong mo ang inyong guro sa hapon? O kapag dumating ang
iyong tatay sa gabi?
Pangkatotohanang antas:
- Naranasan niyo na bang makasulubong ang iyong guro sa umaga sa daan? Ano ang sinasabi
niyo ?
Paglalahad ng Paksa:
Nalalaman ng mga mag-aaral:
Kaalaman:
1. Ang mga magagalang na pagbati.
Kasanayan:
1. Nagagamit ang magagalang na pananalita sa ankop na sitwasyon

Stratehiya/Pagkatang Gawain:
- Ang klase ay magkakaroon ng Usapan bilang guro at isang mag-aaral. Ang guro ay tatawag sa
dalawang mag-aaral upang buoin ang sumusunod na usapan. Ang mag-aaral ay gagamit ng
magagalang na salita at isadula ito sa buong klase.
Pagpapalawak ng konsepto:
- Ano kaya ang mangyayari kung wala ang mga magalang na salita sa mundo?
Pagsasanib
Core Value/Related Value: Faith/Communion
- Paano mo ipapakita ang pag-ibig at pag-aalala para sa integridad ng paglikha?
- Pakikipag-isa
Social Orientation: Dialogue
- Bilang Anak ng Diyos, Paano mo matutulungan ang mga bata na dapat maging magalang sa
kapwa?
Across discipline: CL
- Bilang Mag-aaral, paanu mo mapapatunayan na ikaw ay may magandang asal?
Biblical Passage:

Pagtataya
- Ang mag-aaral ay gumawa ng pangungusap gamit ang mga magagalang na salita.
Paglalahat/Aksyon:
- Ngayong alam niyo na ang mga magagalang sa pagabati. Bialang anak ng Diyos, Paano mo
magagamit ang iyong kaalaman sa iyong mga kapatid?
Kasunduan: Kagamitan/ Sanggunian:
- Basahin ang pahina 14 para sa - Aklat (Pluma 2)
sususnod na paksa. - Papel
- Lapis
- Video presentation

You might also like