You are on page 1of 2

0000000000000000000000000

St. Rita’s College of Balingasag


Balingasag, Misamis Oriental
SY 2019-2020

LEARNING PLAN
Asignatura : Filipino
Taon at Seksyon: grade 10 Petsa: Agosto 17, 2019
Paksa: Panghalip Pamatlig Markahan: Una

Paglilipat ng Layunin:

Ang mga mag-aaral sa kanilang sariling kakayahan ay inaasahang makabubuo ng isang


magalang na pangungusap sa pakikipagkomunikasyon gamit ang mga wasto at naaangkop na
panghalip na siyang kapakipakinabang sa pag-unlad ng sarili nating gramatikang Pilipino

Pamalagiang Pag-unawa:

Ang kakayahang makabuo ng isang pangungusap gamit ang panghalip ay isang


kagalingang dapat ipagpatuloy, mapanatili at maipasa sa mga bagong henerasyon upang mapanatili
ang sarili nating retorika at magkaroon ng pagkakaunawaan

Mahahalagang Katanungan:

 Paano kung wala na tayong gramatikang sinusunod?


 Magkakaroon pa kaya ng pagkaka-unawaan kung hindi tama ang mga salitang ating
binibitawan?

Panimulang Gawain
Pagbabalik-aral:
Bakit kailangan ang panghalip panao sa pangungusap?

Pokus: Panghalip Pamatlig

Pagganyak:
Magkakaroon ng kaunting palaro tungkol sa mga panghalip. Kailangan lang hulaan ng mga
mag-aaral ang tamang panghalip para manalo. Kailangang maka 5 tamang sagot para manalo ang
bawat pangkat.

Pangkatotohanang Antas:
Naanasan ninyo na bang makabasa ng mga pangungusap na ang nakasulat ay mga salitang tulad
ng duon, diyan, riyan?

Paglalahad ng Paksa

Nalalaman ng mga mag-aaral:

Kaalaman:
Ang kahalagahan ng wastong paggamit ng panghalip na pamatlig sa pangungusap
bilang panghaliling salita

Kasanayan:
Nakabubuo ng isang mahusay na pangungusap gamit ang panghalip pamatlig.
Stratehiya/Pagkatang Gawain:

Pagpapasa ng katanungan.
Kinakailangang magpasa ng katanungan ang bawat mag-aaral sa kanilang kamag-aral.
Inaasahang sasagot ang kamag-aral nilang mapipiling tawagin ng mag-aaral na nagtanong. Kapag
hindi nakasagot ay kinakailangang sumagot sa “ utos “ o “ katotohanan “

Paglilinaw : lilinawagin ng guro ang lahat ng mga sagot ng bawat mag-aaral sa katanungan ng
kanilang kamag-aral

Pagpaplawak ng konsepto:

Sa anong paraan ninyo matutulungan ang inyong sarili upang makagawa ng mahusay na
pangungusap?

Pagsasanib

Core value/Related value: Nasyonalismo


Paano mo magagamit ang iyong kakayahan bilang isang Pilipino na kung saan
makapagbabahagi ka ng mga impormasyon ng tama at buong husay?

Across discipline: AP
Paano nabahagi ng mga Espanyol ang Kristianismo sa ating mga Pilipino?

Social Orientation:
Paano mo maipagmamalaki ang ating kakayahang makapagbalita ng tama sa ating
lipunan?

Biblical Passage: 1 pedro 1:25


Datapwat ang Panginoon ay namamalagi magpakailanman. At ito ang mabubuting balita na
ipinapangaral sa inyo

Pagtataya

Sa kalahating papel ay gumawa ng isang talata tungkol sa pagmamahal mo sa inyong


bayan. Gamitin ang kaalaman sa wastong paggamit ng panghalip na panao.

Paglalahat / Aksyon:

Paano ninyo magagawang ituro ang isang bagay ng tama at nasa wastong direksyon upang hindi
mawala ang ibang tao?

Kasunduan: Kagamitan/Sanggunian:

Alaming mabuti ang panghalip na pananong Pluma 10


at panaklaw. Maghanda para sa talakayan dito. Kartolina/puzzle
Mga kagamitang pampisara

REMARKS:

Iniwasto ni: Ipinasa ni:

Gng. Loue A. Joseph Rhon Adolf C. Gonzales


Koordineytor ng akademik Guro
Sinuri ni:

S. Ma. Lilibeth E. Monteclaro, RVM


Punong guro

You might also like