You are on page 1of 13

Republika ng Pilipinas

KAGAWARAN NG EDUKASYON
Rehiyon I
Sangay ng Ilocos Sur

SARILING LINANGAN
KIT SA FILIPINO 9

Kuwarter : 4
MELC Blg. : 3
PAMAGAT NG ARALIN:
MGA KONTEKSTUWAL NA PAHIWATIG
MELC: Natutukoy ang mga kontekstuwal na pahiwatig sa pagbibigay-
kahulugan (F9PT-Iva-b-56)

1
Filipino – Ikasiyam na Baitang
Sariling Linangan Kit (SLK)
Ikaapat Na Markahan – MELC Blg. 3 – Mga Kontekstuwal Na Pahiwatig
Ikalawang Edisyon, 2021

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring


magkaroon ng karapatang-sipi sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas.
Gayunpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng
pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga
maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang
bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o
brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa
SLK na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang
matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales.
Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon.
Ang anumang gamit maliban sa SLK na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa
mga orihinal na may-akda ng mga ito.
Walang anumang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag
sa anumang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran ng Edukasyon, Sangay
ng Ilocos Sur.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon, Sangay ng Ilocos Sur

Bumubuo sa Pagsulat ng SLK


Manunulat: Crizel P. Das-Ao
Comillas North Integrated School

Mga Editor/Tagasuri: Regielyn R. Galleto, Melinda Revibes, Susan Mercurio

Tagaguhit ng Larawan sa Paunang Pahina: Cheryl C. Cantil


Tagaguhit:
Tagapamahala: Jorge M. Reinante, CSEE, CEO VI, CESO V
Pansangay na Tagapamanihala ng mga Paaralan
Nestor C. Heraña, CESO VI
Pansangay na Kawaksing Tagapamanihala ng mga Paaralan
Maria Salome R. Abero, EdD., Punong Superbisor ng Edukasyon,
Sangay sa Implementasyon ng Kurikulum
Maria Teresita R. Gapate, EdD.
Superbisor ng Programang Pang-edukasyon, Filipino at MTB-MLE

Inilimbag sa Pilipinas ng: Kagawaran ng Edukasyon – Rehiyon I – Sangay ng Ilocos Sur


Office Address: Quirino Boulevard, Zone V, Bantay, 2727 Ilocos Sur
Telephone No.: (077) 722-2055
Telefax: : (077) 722-7400
Website: www.depedilocossur.info

2
KUWARTER 4
SARILING LINANGAN
3
KIT (MELC)

TUNGKOL SA GABAY NG MAG-AARAL SA PAGKATUTO

Binabati kita sapagkat maluwalhati mong natapos ang nakaraang modyul. Ang
Sariling Linangan Kit (SLK) na ito ay nagtataglay ng mga iba’t ibang pagsasanay at
mga gawain tungkol sa mga piling paksa para makamtan mo ang mga tiyak na
layunin ng kurikulum. Bigyan ng masinsinang pag-aaral ang mga paksang
nakapaloob dito at pagsikaping sagutin ang mga pagsasanay. Gumamit ng ibang
sagutang papel sa pagsagot.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa kit na ito, huwag
mag-aalinlangang tawagan ang iyong guro. Maaari ka ring humingi ng tulong kay
nanay, tatay, sa nakatatanda mong kapatid at sino man sa iyong mga kasama sa
bahay na mas nakatatanda sa iyo.
Umaasa ako na magsisilbing kaagapay mo ang kit na ito habang ikaw ay
natututo at nag-iimbak ng mga kaalaman na magagamit sa hinaharap. Huwag kang
mabahala sapagkat ito ay sadyang inihanda para sa iyong pagkatuto kaya simulan
mo na!

KASANAYANG PAMPAGKATUTO

Natutukoy ang mga kontekstuwal na pahiwatig sa


pagbibigay-kahulugan (F9PT-Iva-b-56)

Pagkatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:


1. natutukoy ang kahulugan ng mga salita batay sa kontekstong
pagkakagamit nito;
2. napipili ang mga salita na nagbibigay-pahiwatig sa kaisipan
ng pangungusap;
3. nasusuri ang mga kontekstuwal na pahiwatig sa
pangungusap at naibibigay ang anyo nito.

PAGTALAKAY SA ARALIN
3
PAGGANYAK

Maligayang pagbabalik! Bago natin ipagpatuloy na talakayin


ang susunod na aralin, narito muna ang isang pagsasanay na
iyong sasagutin bilang unang hakbang.
Panuto: Ayusin ang mga ginulong letra upang mabuo ang mga
salitang nakapaloob dito.
Hint: Ito ay may tatlong (3) salita.

L K OW A T U S N E T K
AN
GWAIPAHTI

Ano ang nabuong salita? Isulat sa patlang ang sagot:


_____________________________________________
Ano ang alam mo tungkol dito?
__________________________________________________
__________________________________________________
__________________________________________________

MAIKLING PAGTALAKAY

MGA ANYO NG KONTEKSTUWAL NA PAHIWATIG


Sa pagkuha nga kahulugan, maaaring magamit ang pahiwatig na kontekstwal (Context
Clues) sapagkat maaaring makuha ang kahulugan sa konteksto o gamit nito sa isang
pahayag. Ang mga sumusunod ang anyo nito:
1. Definition o kahulugan ng salita ay makukuha sa ibang bahagi ng pahayag o
pangungusap.
Halimbawa: Ang nasyonalismo ay marubdob na pagmamahal sa bansa na nagpapakita
ng paglilingkod at may kaakibat na pagpapasakit.
2. Karanasan- Sa karanasang nabanggit sa pangungusap, maaaring matukoy ang
kahulugan ng salita.
Halimbawa: Labis siyang nababalisa sapagkat gabi na ay wala pa ang kanyang anak.
4
3. Salungatan – Ang salita ay may kasingkahulugan ngunit ang malaman
ang kasalungat na kahulugan ng salitang tinutukoy ay lalong mainam.
Halimbawa: Sa kabila ng pagsugpo sa karahasan, patuloy pa ring umiiral
ang kriminalidad.
4. Pahiwatig – kung ang ipinakikita ang sanhi at bunga ng pahayag
malalaman ang kahulugan ng salita.
Halimbawa: Ang isang ugat ng pagkaalipin ay dahil sa kawalan ng
pagkakaisa ng bawat mamamayan.
5. Tono – Kadalasan, ang himig at tono bilang paraan ng pagbigkas ay
nakatutulong upang maibigay ang kahulugan ng isang salita.
Halimbawa:
a. Mabuhay ay kabataang Pilipino!
*Ang pahayag ay may maigting na damdaming ipinadarama,
nangangahulugan ng pagbubunyi.
b. Mabuhay ang kabataang Pilipino?
*Ang pahayag ay nagsasaad ng pag-aalinlangan, walang katiyakan.
c. Mabuhay ang Pilipino. . .
*Ang pahayag ay nagsasaad ng pagdaramdam, ng kalungkutan sapagkat
may kakulangan sa inaasahan.

MGA HALIMBAWA

Narito ang mga iba pang halimbawa para mas lalo mong maintindihan ang
kontekstuwal na pahiwatig:
1. Ang katampalasang ginawa ng mga dayuhan ay pagsasamantala sa
kahinaan ng mga Pilipino.
*Ang kahulugan ng salitang nakasulat ng madiin (katampalasang) ay
nasalungguhitan (pagsasamantala) na matatagpuan mismo sa loob ng
pangungusap.
2. Ang pag-ibig ay makapangyarihang damdamin ng tao sa kanyang
kapwa.
*Ang kahulugan ng salitang nakasulat ng madiin (pag-ibig) ay
nasalungguhitan (makapangyarihang damdamin) na matatagpuan mismo
sa loob ng pangungusap. Ang anyo ng kontekstuwal na pahiwatig na ito ay
definition o kahulugan.

5
PAGSASANAY

Ang mga sumusunod na pagsasanay ay tungkol sa


Kontekstuwal na Pahiwatig. Susubukin dito ang iyong
natutuhan mula sa aralin. Basahing mabuti ang mga panuto
bago simulan ang pagsagot.

Pagsasanay A

Panuto: Ayusin ang mga ginulong letra upang mabuo ang kahulugan ng bawat
salita. Isulat ang sagot sa nakalaang patlang.

1. napagtanto = (M A L A N N A) _____________________
2. paratang = (N G I B A N T) _____________________
3. salingin = (N A W K A H A) _____________________
4. pagmamadlang pagpuna sa isang tao (T L U A S G I) _____________________
5. ipinamalas = (I N I A P K A I T)___________________

Pagsasanay B

Panuto: Piliin sa loob ng pangungusap ang kasingkahulugan ng salitang may


salungguhit. Isulat ito sa nakalaang patlang.

______________________1. Sa pag-unlad ng kalakalan, lumawak ang agrikultura


at napabuti ang sistema ng edukasyon.
______________________2. Nakatanggap ang mga Pilipino ng mga masasakit na
pag-uuyam, pinagsabihan sila ng negatibong salita ng mga Kastila.
______________________3. Bihasa sa pagsulat si Jose Rizal kaya naman matalino
at magaling ang tingin sa kanya ng mga Pilipino.
______________________4. Tuwing tanghali, sa beranda nagpapahinga ang mga
prayle, kaya naman bawal mag-ingay ang mga aliping Pilipino sa balkunahe.
______________________5. Sumang-ayon ang marami sa akdang isinulat ni Rizal
at sila ay naki-isa sa pagnanais na makamtan ang kalayaan.

6
Pagsasanay C
Panuto: Sa pamamagitan ng Secret Code, tuklasin mo ang nakapaloob na salita at
ibigay ang kahulugan o kasingkahulugan nito.

A B C D E F G H I J K L M
1 2 3 4 5 6 7 8 9 10 11 12 13

N O P Q R S T U V W X Y Z

14 15 16 17 18 19 20 21 22 23 24 25 26

Halimbawa:
16 12 21 13 1
P L U M A
Kahulugan/Kasingkahulugan: Ang “Pluma” ay salitang Espanyol na ang ibig sabihin
ay panulat.

1. 1 16 21 18 1 4 15

Kahulugan/
Kasingkahulugan:_____________________________________________________
_________________________________________________________
2. 2 21 12 23 1 7 1 14

Kahulugan/
Kasingkahulugan:_____________________________________________________
_________________________________________________________

3. 13 9 20 8 9 9 14

Kahulugan/
Kasingkahulugan:_____________________________________________________
_________________________________________________________
4.
14 1 7 20 1 13 15

Kahulugan/
Kasingkahulugan:_____________________________________________________
_________________________________________________________

5.
7
20 21 7 15 14

Kahulugan/
Kassingkahulugan:____________________________________________________
________________________________________________________

PAGLALAGOM

Matapos mong pag-aralan ang nilalaman ng linangang kit na


ito, nalaman mo na:
 Ang Kontekstuwal na Pahiwatig ay pagbibigay ng
kahulugan sa mga salitang di pamilyar na salita batay sa
paggamit nito.

APLIKASYON

Naiintindihan mo na ba ang kontekstuwal na pahiwatig? Para


mas masubok ang iyong kaalaman, sagutin ang pagsasanay sa
ibaba. Basahing mabuti ang panuto.

Panuto: Piliin sa loob ng kahon ang angkop na salita upang mabuo ang kaisipan ng
talata.

kalayaan kinabukasan pawing


watak-watak lumaban paghihimagsik

Sa kasalukuyan, mapapansin natin na _________________________ ang


mga Pilipino sa pagpapasya sa magiging ____________________ng bansa at ito ay
nararamdaman natin dahil sa may kani-kaniyang plataporma ang iba’t ibang grupo
ng lipunan na ____________________ nagmumungkahi ng pagbabago.

8
Noon, ang pagiging makabayan ay nasusukat sa armadong
_______________________ sa ngalan ng Inang bayan kung kaya nasulat sa
kasaysayan na marami ang _________________alang –alang sa kalayaan.

PAGTATAYA

GAWAIN 1
Panuto: Lagyan ng tsek ( ) kung ang pahayag ay tama at ekis ( ) kung ang
pahayag ay mali.
______1. Ang Kontekstuwal na Pahiwatig ay pagbibigay ng kahulugan sa mga
salitang di pamilyar na salita batay sa paggamit nito.
______2. Ang himig at tono ng pagbigkas ay hindi nakakatulong upang maibigay
ang kahulugan ng salita.
______3. Matutukoy ang kahulugan ng salita sa mga karanasang nabanggit sa
pangungusap.
______4. Malalaman ang kahulugan ng salita kung ang ipinakikita ang sanhi at
bunga sa pahayag.
______5. Hindi nakakatulong ang pagkuha ng kasalungat ng salita upang malaman
ang kahulugan nito.

GAWAIN 2

Panuto: Tukuyin ang salita o mga salita sa loob ng pangungusap na


kasingkahulugan ng salitang nasa loob ng kahon gamit ang mga kontekstuwal na
pahiwatig. Salungguhitan ang iyong sagot.

naglakas-loob 1. Tanging si Rizal ang nangahas na salingin ang maling


sistema ng pagmamalakad ng mga Espanyol sa bansa.
kasamaan 2. Ang mga kabuktutan at pagmamalupit ng mga Espanyol ang
nagtulak sa kanyang lumikha ng pagbabago para sa bayan.
isiniwalat 3. Itinambad niya ang totoong larawan ng relihiyong itinuro ng
mga Espanyol sa mga Pilipino.
paghihirap 4. Ang pagdaralita ng mga Pilipino ay bunga ng pagpapahirap
at

9
pang-aabuso ng mga dayuhan sa bansa.

mailantad 5. Sinulat ni Rizal ang Noli Me Tangere sa paglalayong


maisiwalat ang pagmamalupit ng mga Espanyol.

GAWAIN 3
Panuto: Piliin mo sa loob ng pangungusap ang salita o mga salita na nagbigay -
pahiwatig sa kahulugan ng mga salitang may salungguhit at tukuyin ang anyo ng
pahiwatig na kontekstuwal na ginamit. Isulat ito sa nakalaang talaan sa baba.
Ginawa na ang unang bilang para sa iyo.

1. Maraming konserbatibo o yaong mga taong may pagkiling sa tradisyon ang


namayani bago ang rebolusyon.

2. “Sugod mga kapatid”. Ito ang sigaw ng mga Katipunero noon bansa ay nasa ilalim
ng mapaniil na mga dayuhan.

3. Labis ang paghihimagsik ng kalooban ng mga Pilipino dahil sa walang kalayaan.

4. Hindi makayanan ang hilahil ng kalooban dahil sa sobrang kahirapan.

5. Ang magbata ay magtiis ng hirap.

Salitang may
Anyo ng Kontekstuwal
Salungguhit Pahiwatig na Kahulugan
na Pahiwatig
1. konserbatibo mga taong may pagkiling Definition o kahulugan
sa tradisyon
2. “Sugod mga kapatid”

3. paghihimagsik

4. hilahil

5. magbata

10
SANGGUNIAN

Baisa-Julian, Ailene G., del Rosario, Mary Grace G., at Nestor S. Lontoc.
Pinagyamang Pluma. Quezon City: Phoenix Publishing House, Inc., 2014.
Merida, Marina G., Naval, Evelyn P., at Elynita S. Dela Paz. Bulwagan:
Kamalayan sa Gramatika at Panitikan. Quezon City: Abiva Publishing House, Inc.,
2016.

11
SUSI SA PAGWAWASTO

PAGGANYAK
 *Ang mabubuong salita ay KONTEKSTUWAL NA PAHIWATIG. Ito ay pagbibigay ng kahulugan sa
mga salitang di pamilyar na salita batay sa paggamit nito.
PAGSASANAY A
1. nalaman
2. bintang
3. hawakan
4. tuligsa
5. ipinakiita
PAGSASANAY B
1. lumawak
2. negatibong salita
3. magaling
4. balkunahe
5. naki-isa
PAGSASANAY C
1. apurado- nagmamadali
2. bulwagan – pasilyo, salas, awduturyum, malaking silid sa pasukan ng isag gusali
3. mithiin – layunin
4. nagtamo – nagkamit
5. tugon- sagot, ganti
APLIKASYON
Sa kasalukuyan, mapapansin natin na watak-watak ang mga Pilipino sa pagpapasya sa
magiging kinabukasan ng bansa at ito ay nararamdaman natin dahil sa may kani-kaniyang
plataporma ang iba’t ibang grupo ng lipunan na pawing nagmumungkahi ng pagbabago.
12
Noon, ang pagiging makabayan ay nasusukat sa armadong paghihimagsikan sa ngalan ng
Inang bayan kung kaya nasulat sa kasaysayan na marami ang lumaban alang –alang sa
kalayaan.
PAGTATAYA I
1. √
2. X
3. √
4. √
5. X

PAGTATAYA II
1. nangahas
2. kabuktutan
3. itinambad
4. pagdaralita
5. maisiwalat
PAGTATAYA III

Salitang may Salungguhit Anyo ng Kontekstuwal na


Pahiwatig na Kahulugan
Pahiwatig
mga taong may pagkiling sa
1. konserbatibo Definition o kahulugan
tradisyon
2. “Sugod mga kapatid” tono
sigaw
walang kalayaan
3. paghihimagsik pahiwatig

4. hilahil pahiwatig
kahirapan
magtiis
5. magbata Definition o kahulugan

13

You might also like