You are on page 1of 14

Republika ng Pilipinas

KAGAWARAN NG EDUKASYON
Rehiyon I
Sangay ng Ilocos Sur

SARILING
LINANGAN KIT SA
FILIPINO
7

Kuwarter : 4
MELC Blg. : 5
PAMAGAT NG ARALIN:
MGA ANGKOP NA SOLUSYON SA MGA SULIRANIN
MELC: Nagmumungkahi ng mga angkop na solusyon sa mga

suliraning narinig mula sa akda. ( F7PN-IVc-d-19)

1
Filipino – Ikapitong Baitang
Sariling Linangan Kit (SLK)
Ikaapat na Markahan – MELC Blg. 5 – Mga Angkop na Solusyon sa mga
Suliranin
Ikalawang Edisyon, 2021

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring


magkaroon ng karapatang-sipi sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas.
Gayunpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng
pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga
maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang
bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o
brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa
SLK na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang
matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales.
Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon.
Ang anumang gamit maliban sa SLK na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa
mga orihinal na may-akda ng mga ito.
Walang anumang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag
sa anumang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran ng Edukasyon, Sangay
ng Ilocos Sur.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon, Sangay ng Ilocos Sur

Bumubuo sa Pagsulat ng SLK


Manunulat: Rezie R. Balisalisa, Banayoyo National High School

Mga Editor/Tagasuri: Maricel L. Acosta, Virginia B. Soberano, Francisco D. Arceo Jr.


Tagaguhit ng Larawan sa Paunang Pahina: Cheryl C. Cantil

Tagaguhit:

Tagapamahala: Jorge M. Reinante, CSEE, CEO VI, CESO V


Pansangay na Tagapamanihala ng mga Paaralan
Nestor C. Heraña, CESO VI
Pansangay na Kawaksing Tagapamanihala ng mga Paaralan
Maria Salome R. Abero, EdD., Punong Superbisor ng Edukasyon,
Sangay sa Implementasyon ng Kurikulum
Maria Teresita R. Gapate, EdD.
Superbisor ng Programang Pang-edukasyon, Filipino at MTB-MLE

Inilimbag sa Pilipinas ng: Kagawaran ng Edukasyon – Rehiyon I – Sangay ng Ilocos Sur


Office Address: Quirino Boulevard, Zone V, Bantay, 2727 Ilocos Sur
Telephone No.: (077) 722-2055
Telefax: : (077) 722-7400
Website: www.depedilocossur.info

2
Kuwarter 4
Sariling Linangan Kit
5
MELC Blg.

TUNGKOL SA SARILING LINANGAN KIT

Ayon kay Arrogante, ang pagbabasa ay nakapagpapalawak ng pananaw at


paniniwala sa buhay, nakapagtatatag sa tao na harapin ang mga di-inaasahang
suliranin sa buhay. Ang mga saknong na pag-aaralan sa Sariling Linangan Kit na ito
ay naglalaman ng mga suliranin at solusyon sa mga pagsubok na darating sa buhay.
Ang Sariling Linangan Kit na ito ay inihanda para matugunan ang
pangangailangan ng mga mag-aaral sa K-12 na nasa ika-7 Baitang. Ang mga
gawain na nakapaloob sa SLK na ito ay ginawa para mahasa ang karunungan ng
mga mag-aaral. Maraming mga gawain o kasanayan na makakatulong para mas
lalong uminam pa ang pagkatuto ng mga mag-aaral.
Sa mga mag-aaral, sundin ang mga panuto, basahing mabuti ang talakayan
at mga halimbawa na naibigay at kung gusto pang madagdagan ang iyong
kaaalaman, maaari kang gumamit ng internet para sa karagdagang impormasyon.
Ilagay/isulat ang lahat ng kasagutan sa kwaderno.
Tara! Samahan niyo akong magpatuloy sa paglalakbay sa mundo ng Ibong
may angking kagalingan sa pag-awit at ang pakikipagsapalaran ng tatlong prinsipe.
Simulan na natin ang paglalakbay at dadalhin kita sa mundo ng mga dugong
bughaw.

KASANAYANG PAMPAGKATUTO

Nagmumungkahi ng mga angkop na solusyon sa mga


suliraning narinig mula sa akda. ( F7PN-IVc-d-19)
Pagkatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
A. Natutukoy ang mga suliraning nakapaloob sa saknong 28-45.
B. Nakapagbibigay nang tamang solusyon sa anumang
problema.
C. Nakasusulat ng isang sanaysay na tumatalakay sa isang
karanasang hango sa paksa.
3
PAGTALAKAY SA ARALIN

PAGGANYAK/ MOTIBASYON

Ang gawain sa bahaging ito ay makakatulong para makapag-


isip ng paraan ang mag-aaral ng maaaring solusyon sa mga
suliranin na naibigay.

Panuto: Tunghayan ang mga larawan sa ibaba at tukuyin kung anong suliranin ang
ipinapakita nito. Pagkatapos ay sumulat ng tig dalawang solusyon sa bawat
suliranin.

1. 2.
74 % 3.

Suliranin:__________ __________________ __________________


Solusyon:
A. A. A.

B. B. B.

MAIKLING PAGTALAKAY

Paano nga ba natin bibigyan ng solusyon ang mga


suliranin o problema? Di ba sa math, laging may
solusyon? Ano nga ba ang kahulugan ng Suliranin at
Solusyon? Halina, samahan akong maghanap ng mga
solusyon sa iba’t ibang problema. Kung Malaya kang
mag-isip at tiyak, walang duda na makahahanap ka ng
solusyon.

4
Mula sa gawain sa unang bahagi ng ating Sariling Linangan Kit, hanguin natin
kung ano ang kahulugan ng suliranin at solusyon.

Suliranin- ay anumang bagay na kailangang lutasin at masolusyonan. Ang


mga suliranin ay karaniwang hindi kaaya-aya sa isang tao, lugar, o bagay. Ang mga
ito ay mga pagsubok na kailangang lampasan bilang bahagi ng pag-iral ng isang
tao, lugar, o bagay.
Sa buhay ng tao ay hindi nawawala ang problema. Sa mga mag-aaral,
mababang grado o bagsak, pagkalulong sa mga bisyo. Subalit lahat ng problema ay
may solusyon. Kailangan lang nating maging mahinahon at matatag, siyempre
huwag nating kalimutang lumapit sa Maykapal.
Solusyon- mga bagay na positibo o maaring panglutas para sa mga
problema. Makukuha mo ito sa paghingi ng tulong o pag-iisipng tamang paraan para
ito’y maresolba.

Mga Paraan kung Paano Solusyonan ang Suliranin

1. Tukuyin o alamin ang totoong suliranin na kailangang ayusin.


2. Pag-aralan ang mga paraan o “option” na maaaring tahakin upang
mapagdesisyunan ang mga mabisang paraan kung paano ayusin ang isang
suliranin.
3. Gawin ang napiling mga paraan kung paano ayusin ang suliranin.
4. Gumawa ng pagsusuri kung ano pa ang maaaring tahakin upang
maiwasan na maulit muli ang parehong suliranin.

MGA HALIMBAWA

Matapos nating talakayin ang katuturan ng suliranin at


solusyon at nalaman natin ang mga paraan na pwede nating
gawin para malutas ang anumang problem ana ating
kinakaharap. Ngayon, tingnan naman natin ang naging
suliranin mula sa saknong 28-45.

. 5
Suliranin:

A.Depression/ sobrang pag-iisip- ito ay nangyari kay


Haring Fernando matapos mapanaginipan ang pagpaslang
sa kanyang anak na si Don Juan.
B.Kahinaan ng loob- ito ay nangyari kay Haring
Fernando, hindi niya nalabanan ang sobrang pag-iisip na
dumating sa kanya.

Solusyon:
A. Ayon sa akdang binasa, ang gamot sa sakit ng hari ay
ang awit ng Ibong Adarna.
B. Maging matatag sa anumang pagsubok sa buhay.
Huwag hayaang igupo tayo ng ating mga suliranin.

PAGSASANAY

Ang problema at solusyon ay isang paraan ng mabisang


pagpapaliwanag sa isang konsepto. Huwag na huwag
maglilipat ng pahina hanggat hindi natatapos ang pagsasanay
na naibigay.

Gawain I. Maraming Pagpipilian

Panuto: Piliin ang angkop na solusyon sa mga suliranin o sitwasyon na naibigay.


Isulat ang titik ng tamang sagot.
_____1. Bagsak na grado
A. Magpatulong sa mga kinauukulan
B. Mag-aral nang mabuti
C. Mangopya sa katabi
D. Maglaro ng ML

6
_____2. Baradong kanal
A. Ipalinis sa mga tagalinis ng lugar
B. Ikalat ang mga maliliit na bato
C. Itapon sa kanal ang pinagkainan ng kendi.
D. Ilagay sa tamang lagayan ang mga pinagkainan.
_____3. Nakita mong nagkalat ang papel o pinagkainan sa inyong silid aralan.
A. Isumbong kay Maam
B. Hanapin ang mga tagalinis sa inyong klasrum.
C. Linisin ang klasrum kahit wala si Maam.
D. Hintaying makita ni Maam ang mga kalat.
_____4. Nakita mong nakabukas ang kwaderno ng kaklase mo habang may
pagsusulit.
A. Isusumbong sa guro ang nakita.
B. Hayaang nakabukas ang kwaderno at mangopya ka rin.
C. Walang pakialam
D. Sasabihin sa kaklase.
_____5. Nawalan ng pera ang kaklase mo at nakita mo kung sino ang salarin..
A. Kakausapin ang kumuha at magpalibre.
B. Sabihin sa kaklase na nawalan ng pera at sabihin sa guro.
C. Hayaan mo na lang
D. Kunin ang pera sa bag ng kumuha.

Gawain II.

Tama o Mali: Basahing mabuti ang mga pahayag at isulat ang tama kung wasto at
mali naman ang isusulat kung hindi wasto ang pahayag.
_____1. Ang pagkalat ng mga pinagkainan ay malaking tulong para sa kalinisan ng
ating paligid.
_____2. Kung may suliraning dumating sa ating buhay ay ating harapin at lapatan
natin ng tamang solusyon.
_____3. Magandang maglaro ng Mobile Legends habang nag-aaral para magkaroon
tayo ng mataas na marka.
_____4. Magpadalus-dalos tayo sa pagbibigay ng solusyon sa ating mga suliranin
para mablis nating matapos.

7
_____5. Maging malawak ang ating pag-iisip at maging handa para masolusyonan
natin ang ating mga suliranin.

Gawain III. Basahin ang mga talata at sagutin ang mga tanong na kasunod nito.
Ang Batang si Pule
Mahirap ang pamilya ni Apolinario Mabini kaya hindi nila kayang pag-aralin
sa Maynila ang anak nila. Matalino pa naman si Pule, ang palayaw nila kay
Apolinario Mabini. Ngunit sadyang nais ni Pule na matuto. Pumasok siyang utusan
sa isang mayaman sa Maynila. Naglingkod din siya bilang isang clerk upang
makapagpatuloy ng pag-aaral. Dahil sa mga gawaing bahay malimit siyang mahuli
sa kanyang klase. Maaga siyang gumigising sapagkat nagluluto pa siya ng almusal,
naghahain, at nagliligpit ng pinagkainan ng kanyang pinaglilingkuran. Walang pambili
si Pule ng aklat kaya nakikibasa na lang siya. Kinokopya niya sa aklat ang
mahahalagang bagay na dapat pag-aralan nang masinsinan. Gayunpaman,
palaging matataas ang mark ani Pule. Kaya hinahangaan siya ng kanyang mga guro
at kamag-aral.
 Ano ang mga naging suliranin ni Hermano Pule at ano ang solusyon sa
kanyang suliranin?

PAGLALAGOM

Sa buhay natin, araw- araw tayong nahaharap sa mga


suliranin o problema. may mga simple, may mga katamtaman
lang , mayroon ding mabibigat. Sa mga mag-aaral, paano
papasa, paano sasabihin ang nakitang mali na ginawa ng
kaklase. Lahat yan may solusyon, gawin ang tama, gawing
malawak ang pag-iisip at laging isipin, pag may problema, may
solusyon yan. Parang Math Problem lang yan, lahat may
solusyon.

8
APLIKASYON

Narito ang isang gawain na tutulong para makapag-isip ka ng


mga solusyon sa mga naibigay na suliranin.

PANUTO: Ibigay ang solusyon na maaaring ilapat sa mga sumusunod na problema.


Gawain:
Problema 1: Ang pandemyang Covid 19
Solusyon:1.__________________________________________________________
2._______________________________________________________________
3.________________________________________________
Problema 2: Kakulangan ng sapat na edukasyon para sa mga kabataang Pilipino.
Solusyon:1._________________________________________________________
2._________________________________________________________________
3._________________________________________________________________
Problema 3: Pagkalulong ng mga kabataang Pilipino sa mga online games.
Solusyon:1._________________________________________________________
2._________________________________________________________________
3._________________________________________________________________

PAGTATAYA

I. Maraming Pagpipilian
1. Ano ang napanaginipan ng hari?
a. masayang salo-salo b. natraydor at napatay si Don Juan
c. Inihulog sa bangin si Don Pedro d. nagkasakit si Don Juan
2. Paanong pinatay si Don Juan sa panaginip ng hari?
a. inihulog sa bangin b. inihulog sa dagat
c. inihulog sa balon d. inihulog sa ilog
3. Sino ang nagsabi ng lunas sa sakit ng hari?
a. unang manggagamot b. ikalawang manggagamot
c. pari d. Donya Valeriana

9
4. Ano ang lunas sa sakit ng Hari?
a. Awit ng Ibong adarna b. awit ng Agila
c. awit ng maya d. tubig na matatagpuan sa bundok
5. Ano ang pangalan ng puno na tirahan ng mahiwagang ibong adarna?
a. Tabor b. Berbanya
c. Narra d. Piedras Platas

II. Tama o Mali. Isulat ang T kung tama ang pangungusap at M naman kung ito ay
mali.
_____1. Ang masamang panaginip ang dahilan ng sakit ni Haring Fernando.
_____2. Inihulog diumano sa isang bangin si Don Juan at doo’y hinayaang
mamatay.
_____3. Dalawang tampalasan ang naglilo at pumatay kay Don Juan ayon sa
panaginip ng Hari.
_____4. Matalinghaga ang buhay ng tao, minsan masaya, minsan malungkot
kagaya ng mga kaganapan sa kaharian.
_____5. Tahanan ng Ibong adarna ang matatagpuan sa Bundok Arayat na tinatawag
na Piedras Platas.

III. Ipaliwanag ang mahahalagang detalye na nabanggit sa tulong ng Cue Cards at


ang kahalagahan ng mga ito para sa kabuuan ng Ibong Adarna.

IBONG MEDIKO O PIEDRAS


TABOR
ADARNA MANGGAGA PLATAS
MOT

HARING
PANAGINIP AWIT BERBANYA
FERNANDO

10
IV. Pagsulat ng Sanaysay
Sumulat ng isang sanaysay na tumatalakay sa isang karanasang hango sa
paksa. ( Suliranin at Solusyon)
Rubrik sa Pagsulat ng Sanaysay
Pamantayan/ Kahanga- Mahusay Magaling Pagbutihin Marka
Antas hanga (88-95) (80-87) Pa
( 96-100) (79 down)
Nilalaman Ang kalinisan Ang May kaunting Walang
40% ay Nakita sa nilalaman ng bura sa kabuluhan
(Kalinisan at kabuuan ng sanaysay ay sanaysay at
Kahalagahan) sanaysay makabuluhan gayundin ang kalinisang
gayundin ang at malinis. nilalaman ay nakita sa
nilalaman ay hindi sanaysay.
makabuluhan. gaanong
makabuluhan
.
Pagkamalikhain Ang kabuuan Ang Ilan sa mga Walang
30% ng sanaysay sanaysay ay salitang pagkamalik
( Disenyo at ay mahusay, masining at ginamit ay haing nakita
kagamitan)
masining at natatangi. karaniwan na. sa paggawa
natatangi. ng
sanaysay.
Istilo 20% Ang ginagamit Ang istilo sa Ilan sa mga Walang
(Pagsulat) na istilo ay pagsulat ay salita ay hindi kalinawan
malinaw, malinaw at malinaw. at
masining at nababasa. pagkamalik
nababasa. hain.
Tema 10% Ang kabuuan Karamihan Ilan sa Walang
(Kaisahan) ng sanaysay sa nilalaman nilalaman ay kaisahan at
ay may ay kaugnay hindi kaugnay kaugnayan
kaisahan at sat ema. sa tema. sa tema
kaugnayan. ang

11
nilalaman.

SANGGUNIAN

1. Garcia, Hilda N.,and Maria J. Teresa.2011.


Ibong Adarna (Sa Makabagong Pananaw).
Tarlac City: Books on Wheels Enterprises.

2. Julian, Ailene G.,Nestor S. Lontoc.,and Carmela H. Esguerra.2014.


Pinagyamang Pluma 7.Quezon City: Phoenix Publishing House.

3. www.academia.edu/35321434/85747538

12
SUSI SA PAGWAWASTO
PAGSASANAY

Gawain I. Pagpipilian
Maraming Gawain
Tama oIIMali
1. B 1. Mali
2.D 2. Tama
3. C 3. Mali
4. A 4. Mali
5. B 5. Tama
Gawain III Suliranin at Solusyon
A. Kahirapan sa buhay kaya hindi makapag-ara.
Solusyon: Pumasok bilang kasambahay at isang clerk para makapag-aral.
B. Malimit na mahuli sa pagpasok
Solusyon: Maagang gumigising para mapagsilbihan ang pamilyang pinagtatrabahuan.
C. Walang pambili ng aklat
Solusyon: Kinokopya ang mahahalagang bagay na dapat pag-aral.

PAGTATAYA

I.Multiple Choice II. Tama o Mali


1. b 1. T
2.c 2. M
3.b 3. T
4.a 4. T
5.d 5. M

13
Gawain III. Pagpapaliwanag ng Mahahalagang Detalye

Ibong Adarna- ang ibong may kakayahang umawit na siyang gamot sa


karamdaman ng hari.
Mediko/Manggamot- ang unang manggamot ay hindi natukoy ang
lunas sa sakit ng hari pero ang ikalawang manggagamot ang siyang
nakapagsabi kung ano ang gamot sa karamdaman ng hari.
Tabor- ang bundok kung saan tumatahan ang Ibong Adarna.
Piedras Platas- ito ay isang napakagandang puno, kumikinang ang
mga dahon at kahoy. Tahanan ng Ibong Adarna.
Panaginip- naging dahilan ng pagkakaroon ng karamdaman ni Haring
Fernando.
Awit- ang awit lang ng ibong Adarna ang siyang lunas sa sakit ng hari.
Haring Fernando- ang pinuno ng kahariang Berbanya at nagkaroon ng
karamdaman dahil sa kanyang panaginip.
Berbanya- isang napakasayang kaharian pero binulabog ang
katahimikan at kasayahan nito dahil nagkasakit ang pinuno nito.

Gawain IV. Pagsulat ng Sanaysay


May kanya-kanyang sagot ang mga mag-aaral.

14

You might also like