You are on page 1of 10

Republika ng Pilipinas

KAGAWARAN NG EDUKASYON
Rehiyon I
Sangay ng Ilocos Sur

SARILING LINANGAN
KIT SA FILIPINO 9

Kuwarter : 4
MELC Blg. : 4
PAMAGAT NG ARALIN:
Kaligirang Pangkasaysayan ng Noli Me Tangere/ Walang
Panginoon

MELC: Nabibigyang-patunay na may pagkakatulad / pagkakaiba ang


binasang akda sa ilang napanood na telenobela (F9PD-Iva-b-55)

1
Filipino – Ikasiyam na Baitang
Sariling Linangan Kit (SLK)
Ikaapat Na Markahan – MELC Blg. 4 – Kaligirang Pangkasaysayan ng Noli Me
Tangere/ Walang Panginoon
Ikalawang Edisyon, 2021

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring


magkaroon ng karapatang-sipi sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas.
Gayunpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng
pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga
maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang
bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o
brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa
SLK na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang
matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales.
Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon.
Ang anumang gamit maliban sa SLK na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa
mga orihinal na may-akda ng mga ito.
Walang anumang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag
sa anumang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran ng Edukasyon, Sangay
ng Ilocos Sur.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon, Sangay ng Ilocos Sur

Bumubuo sa Pagsulat ng SLK


Manunulat: Patricia L. Payacda
Cervantes National High School
Mga Editor/Tagasuri: Regielyn R. Galleto, Melinda Revibes, Susan Mercurio

Tagaguhit ng Larawan sa Paunang Pahina: Cheryl C. Cantil


Tagaguhit:
Tagapamahala: Jorge M. Reinante, CSEE, CEO VI, CESO V
Pansangay na Tagapamanihala ng mga Paaralan
Nestor C. Heraña, CESO VI
Pansangay na Kawaksing Tagapamanihala ng mga Paaralan
Maria Salome R. Abero, EdD., Punong Superbisor ng Edukasyon,
Sangay sa Implementasyon ng Kurikulum
Maria Teresita R. Gapate, EdD.
Superbisor ng Programang Pang-edukasyon, Filipino at MTB-MLE

Inilimbag sa Pilipinas ng: Kagawaran ng Edukasyon – Rehiyon I – Sangay ng Ilocos Sur


Office Address: Quirino Boulevard, Zone V, Bantay, 2727 Ilocos Sur
Telephone No.: (077) 722-2055
Telefax: : (077) 722-7400

2
Website: www.depedilocossur.info

KUWARTER 4
SARILING LINANGAN
4
KIT (MELC)

TUNGKOL SA GABAY NG MAG-AARAL SA PAGKATUTO

KASANAYANG PAMPAGKATUTO

Tiyak na Layunin: Nabibigyang-patunay na may pagkakatulad /


pagkakaiba ang binasang akda sa ilang napanood na telenobela
(F9PD-Iva-b-55)

Pagkatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:


Ang mga mag-aaral ay inaasahang:
1. Naihahambing ang pagkakatulad at pagkakaiba ng binasang
akda sa Kasaysayan ng Noli me Tangere
2. Nailalahad sa sariling pananaw sa pagkakaiba at pagkakatulad ng
binasang akda sa kasaysayan ng Noli me Tangere
3. Nailalarawan ang kalagayan ng Pilipinas sa panahong isinulat ni
Rizal ang Noli me Tangere sa nabasang akda.

PAGTALAKAY SA ARALIN

BALIK-ARAL

PANUTO: Dugtungan ang mga putol na pangungusap ayon sa


nabasa. Isulat ang sagot sa iyong kuwaderno.
1. Bakit isinulat ni Jose Rizal ang Noli Me Tangere?
Sagot. Naisulat ni Dr. Jose Rizal ang Noli me Tangere
________________________________________________
________________________________________________
________________________________________________
________________________________________________
________________________
3
MAIKLING PAGTALAKAY

Panuto: Basahing mabuti ang kwento pagkatapos ay sagutin ang mga


tanong. Isulat ang mga sagot sa iyong kuwaderno.

Walang Panginoon
Ni Deogracias Rosario
BUOD:
Ito ay isang kuwento ng isang lalaking nagngangalang Marcos na
sukdulan ang galit sa mayamang asyenderong si Don Teong. Si Don Teong
ang kontarbida sa buhay ng pamilya ni arcos. Siya ang dahilan kung bakit
namatay sa sama ng loo bang ama, dalawang kapatid , at kasintahan ni
marcos. Ang kasintahan ni marcos ay si Anita, anak ni Don Teong . Ilang
beses nang tinitimpi ni Marcos ang kaniyang galit kay Don Teong . Kung
hindi lang dahil sa ina niya ay matagal na sanang wala sa mundo si Don
Teong. Para kay Marcos ang pang-aapi ni Don Teong ay hindi lamang
simpleng pang-aalipin sa pamilya nila kundi pagyurak na rin sa kanilang
dangal.
Sina marcos ay pinagbabayad ng buwis para sa lupang kanilang
sinasaka kahit na ito’y kanilang minana sa kanilang ninuno. Dahil sa
walang kakayahanng ipagtanggol ang kanilang karapatan , napilitan silang
magbayad sa kanilang sariling pag-aari at iyan ang dahilan ng pagkamatay
ng kanayang ama at dalawang kapatid. Namatay silang punung-puno ng
sama ng loob kay Don Teong na matagal nilang pinagsisilbihan. Lalong
sumidhi ang galit ni marcos kay Don Teong. Sinaktan ni Don Teong si Anita
na siyang kinamatay nito. Sa dami nang mga nawalang mahal sa buhay ni
Marcos, hindi katakatakang takot siyang marinig ang animas, ang
malungkot na tunog ng kampana. Hindi pa naman humuhupa ang galit
niya, siya namang pagdating ng isang kutusan ng panahalaan na sila ay
pinapaalis na sa kanilang tahanan, ngayon pang malag na ang kanayang
palayan dahil sa dugo at pawis sa maghapong pagbubukid. Binigyan sila ni
Don Teong ng isang buwang palugit upang lisanin ang lupang kanilang
tinitirhan. Alam niyang ang mga nangyayayaring iyon sa buhay bila ay
kagagawan ng mapagsamantalang si Don Teong. Dahil sa galit na
naramdaanPANUTO: Dugtungan
si marcos kay Don teong,ang mga siya
nag-isip putolngna pangungusap
paraan kung paanoayon sa
siya makakapghiganti dito.ang
nabasa. Isulat Nagbihis
sagotsisa
marcos
iyongnang tulad ng kay Don
kuwaderno.
Teong. Pinag-aralang mabuti ni marcos ang bawat kilos ni don Teong at
inabangan niyang 2. mamasyal
Bakit naisulat ni Jose
sa bukid Rizal
si Don angng
Teong Noli Me Tangere?
hapong iyon.
Pinakawalan niya ang Sagot. Naisulat ni Dr. Jose Rizal ang Noli me Tangere
kanyang alagang kalabaw at hinayaang suwagin ang
kaawa-awang si Don Teong. Kinabukasan , huling araw na pananatili ng
________________________________________________
mag-ina sa bukid, habang nag-iimpake na sila ng kanilang ng gamit, mabilis
________________________________________________
na kumalat ang balitang patay na si Don Teong. Mahinahong pinakinggan
________________________________________________
ni marcos ang malungkt na tunog ng kampana, hindi tulad niyang ang
kaluluwa ng namatay ________________________________________________
na si Don Teong ay mas iniisip pa niya ang kanyang
matapang na kalabaw. ________________________

4
Ayan, alam kong naintindihan mong maayos ang inyong
binasa. Ngayon inyong sagutin ang sumusunod na gawain
upang masukat ang iyong kaalaman at kakayahan. Isulat ang
sagot sa kuwaderno

KAYA MO
‘YAN!

Pagsasanay A

PANUTO: Lagyan ng TSEK ( / ) ang mga kaisipang nakita o nabanggit sa binasa at


EKIS (X) naman ang hindi.
____1. Si Marcos ang pangunahing tauhan sa kwento?
____2. Si Marcos ay mahigpit na kaaway ni Don Teong sausaping panlupa.
____3.Ang lupang sinasaka at kinatitirikan ng bahay nina Marcos ay dating pag-aari
ni Dong Teong.
____4. Ang malungkot na tunog ng kampana ng animas ay hindi kinatatakutang
marinig ni Marcos.
____5. Sinaktan ni Don Teong si Anita sanhi ng pakikipagkasintahan nito ay Marcos.

Pagsasanay B

PANUTO: Isulat ang mahalagang kaisipan na taglay ng akda batay sa sumusunod


na mga katangian.
1. Magpahayag ng mga kaisipan kung bakit may nabubuong galit sa puso
ng isang tao.

2. Magbigay ng sariling kaisipan kung bakit may bawal sa pag-iibigan ng


dalawang tao.

5
3. Magpahayag ng mga kaisipan kung bakit may pag-aagawang nangyayari
sa lupa.

4. Magpahayag ng mga kaisipan na nakagagawa tayo ng masama sa ating


kapwa.

5. Magpahayag ng mga kaisipan kung bakit may mga taong hindi kayang
ipagtanggol ang kanilang karapatan.

Pagsasanay C.

PANUTO: Paghambingin ang napag-aralang kaligirang kasaysayan ng Noli Me


Tnagere sa binasang akda na Walang Panginoon. Gamit ang tsart. Isulat ang sagot
sa iyong kuwaderno.

Pagkakaiba Pagkakatulad Pagkakaiba


(Kasaysayan ng Noli Me Tangere ) (Walang Panginoon )

6
PAGLALAGOM

Matapos mong pag-aralan ang kasaysayan ng Noli me


Tangere at ang kuwentong Walang panginoon nalaman
mo na:
 Na ang kalupitan ng mga Espanyol ang sanhi
kung bakit naisulat ni Jose Rizal ang walang
kamatayang akda na Noli Me Tangere.
 Nalaman mo rin na ang pagpapahirap ni Don
Teong kay Marcos ay sumisimbolo sa kalagayan
ng mga kastila na pinapahirapan ang mga
katutubong Pilipino.

APLIKASYON

PANUTO: Iguhit sa short bond paper.


Gumuhit ng isang sitwasyon na nagpapakita ng pagpapahirap
sa mga Pilipino sa panahon ng kastila.

Rubrik sa pagguhit

pamantayan Pinakamahusay Mahusay-husay Mahusay


(10) (5) (5)
nilalaman
Pagka- orihinal
Kalinisan at kaayusan

7
PAGTATAYA

PANUTO: Isulat sa kuwaderno ang salitang Pangalan kung ang sumusunod na


pahayag ay matatagpuan sa binasang akda at ang salitang apelyedo kung
hindi.
1. Si Don Teong ang umagaw at nagpapabuwis sa lupa nina Marcos.
2. Naging kasintahan ni Anita si Marcos.
3. Ang pananakit ni Don Teong kay Anita ay gusto niya si Marcos na manugang.
4. Si Marcos ang dahilan kung bakit namatay ang kanyang ama , dalawang
kapatid at si Anita.
5. Kusang nagbayad si Marcos ng buwis ng lupa nila kay Dn Teong na hindi
pinipilit.
6. Ang pagsuwag ng kalabaw kay Don Teong ay parusa kay Don Teong ni
Marcos.
7. .Naganap ang kamatayan ni Teong sa huling araw nina Marcos sa kanilang
tirahan.
8. Ayon sa kuwento ang lupa na sinasaka nina Marcos ay di pag-aari ng pamilya
nina Marcos kundi pag-aari nina Don Teong.
9. Tuwing ika-8 ng gabi ay ayaw pakinggan ni Marcos ang tugtog ng kampana.
10. Pinaaalis ni Don Teong sina Marcos noong panahong ang mga tanim na
palay nina Marcos ay malago na.

8
SANGGUNIAN

Vicente, Lydia C; Rico, Edilberto P.; Tomboc, Armando; del Rosario, Rolandao et. Al,
Filipino IV- Batayang Aklat para sa Ikaapat na Taon ng Mataas na Paaralan, Vicente
Publishing House. Inc. 1997.

9
SUSI SA PAGWAWASTO

Balik-aral;
- Ang sagot ay nakabase sa maaring isasagot ng mga mag-aaral

Pagsasanay A
1. /
2. /
3. X
4. X
5. /

Pagsasanay B

. …..ang mga sagot ay nakabase sa mga sagot ng mga mag-aaral.

Pagsasanay C:

…...ang mga sagot ay nakabase sa mga sagot ng mga mag-aaral.

Aplikasyon :
… gamitin ang tsart ng Rubrik sa pagguhit bilang gabay sa pagbibigay ng puntos.

Pagtataya:

1. Pangalan
2. Pangalan
3. Apelyedo
4. Apelyedo
5. Apelyedo
6. Pangalan
7. Pangalan
8. Apelyedo
9. Pangalan
10. Pangalan

10

You might also like