You are on page 1of 16

0

Para sa Tanging Gamit ng Sangay ng Lungsod Zamboanga


HINDI IPINAGBIBILI

Linggo 1 (MELCS 2)

8
FILIPINO
Kuwarter 3
Linggo 2 (MELCS 5-8)

Capsulized Self-Learning
Empowerment Toolkit

Marilou M. Tamula, SST III, Shirley C. Llameg SST 1, Ina Lindy G. Dohiling, SST 1
Southcom National High School
1

ASIGNATURA 2
FILIPINO 8 KUWARTER 3 LINGGO ARAW
AT BAITANG (MELC 5)
CODE F8WG-IIIa-c-30
KASANAYANG Nagagamit sa iba’t ibang sitwasyon ang mga salitang ginagamit sa
PAMPAGKATUTO impormal na komunikasyon (balbal, kolokyal, banyaga)
PANGKALAHATANG PANUTO: Huwag sulatan ang kagamitang ito. Isulat ang inyong
sagot sa inilaang Sagutang Papel para sa Pagsasanay at Pagtatasa.

ARALIN NATIN
Layunin: Nagagamit sa iba’t ibang sitwasyon ang mga salitang ginagamit sa impormal na
komunikasyon (balbal, kolokyal, banyaga)
Paksa: Mga Impormal na Komunikasyon

Ano ang Impormal na Komunikasyon?

Mga salitang karaniwan at palasak sa mga pang-araw-araw na pakikipagtalastasan sa


karaniwang usapan sa mga kaibigan o kakilala. Ginagamit ang impormal na komunikasyon
upang madaling maihatid at maunawaan ang mga mensahe.

Basahing mabuti ang teksto. Pansinin ang ginamit na wika ng manunulat.


ISANG GABI SA PILING NG MAYNILA
Jayson Alvar Cruz

Sabik na sabik na lumuwas ng Maynila si Boyet. Nais


niyang maranasan ang kaniyang mga nababasa sa komiks
tungkol sa kaunlaran ng Maynila. Ibig niyang makita ang
nagtatayugang mga gusali. Gusto niyang malakaran ang
naglalakihang mall. Gabi na nang makarating sa Maynila si
Boyet. Sinundo siya sa terminal ng kaniyang tiyuhin. Laking
gulat ni Boyet sa larawang tumambad sa kaniya. Nanikip ang
kaniyang dibdib matapos makababa ng bus.
BOYET: “Ganito ba karumi ang Maynila Tiyo? Napakausok at lubhang napakarami ng
kalat.”
TIYO: “Masanay ka na Boyet. Hindi ba gusto mong maranasan ang buhay dito sa
Maynila? Halika’t ipapasyal muna kita bago tayo umuwi ng bahay.”
Sa kanilang paglalakad, narinig ni Boyet ang usapan ng isang pangkat ng mga
kabataan.
BINATILYO 1: “Wow tropa, lakas ng amats ng dubi! Panalo!”
BINATILYO 2: “Nagsolo ka naman brod eh, bwiset! Waisted tuloy ako kanina. Buti na
lang, may karga si Tuklaw na tobats, nakajam ako kahit konti.”
BINATILYO 3: “Dapat makadiskarte tayo ng tsibog ngayon. Tomguts na ko eh.”
BINATILYO 1: (Bumulong sa binatilyo 2. Nanlilisik ang mga mata. Inginuso ang
naglalakad na estudyante. Maya-maya’y biglang naglaho ang tatlong binatilyo
sa dilim. Narinig niya ang impit na tili ng dalagitang estudyante. Tinangkang

Marilou M. Tamula, SST III, Shirley C. Llameg SST 1, Ina Lindy G. Dohiling, SST 1
Southcom National High School
2

saklolohan ito ni Boyet subalit pinigilan siya ng kaniyang tiyuhin.


TIYO: “Huwag kang makialam Boyet. Mapapahamak lang tayo. Hayaan mo na sila.”
BOYET: “Bakit tiyo? Nangangailangan ng saklolo ang babae. Kailangan niya tayo.”
TIYO: “Huwag na! Masanay ka na sa Maynila.” Nagpatuloy sila sa paglalakad, may
sumalubong sa kanilang mga babae.
TIYO: (Umiling ang tiyo ni Boyet) “Hindi, ipinapasyal ko lamang ang pamangkin ko.”
BOYET: “Anong sinasabi ng babae tiyo? Bakit ganoon ang ayos ng kanilang
pananamit?”
TIYO: “Malalaman mo rin Boyet pagdating ng panahon kung bakit sila nasadlak sa
ganoong buhay. Mauunawaan mo rin ang lahat dito sa Maynila.” Labis na
naguguluhan si Boyet sa mga nangyayari sa kaniyang paligid. Marami siyang
katanungan sa kaniyang isip. Hanggang sa marating na nila ang eskinita
patungo sa bahay ng kaniyang tiyuhin. Makipot at tila bituka ng manok ang
kanilang binabagtas nang may marinig silang putok. Pinadapa siya ng
kaniyang tiyuhin. Kumubli sila sa isang lugar na napaliligiran ng pader. Sunod
sunod na putok. Maya maya, narinig niya ang sirena ng pulis. Tumayo na sila.
Paroo’t paritong nagtatakbuhan ang mga tao. Sa wakas, narating na nila ang
bahay ng kaniyang tiyuhin. Bumungad agad sa kaniya ang lima niyang
pamangkin na kasalukuyang himbing na natutulog sa lapag ng bahay. Maliit,
masikip at may kung anong nakasusulasok na amoy ang nalanghap ni Boyet.
BOYET: “Tiyo, paano ninyo natitiis na tumira sa ganitong lugar? Hindi na ba kayo babalik
sa probinsiya? Wala ba kayong balak na doon palakihin ang mga pinsan ko?”
TIYO: “Matagal ko nang binabalak na umuwi subalit naririto ang trabaho ko, wala akong
magawa Boyet, wala.”
(Halaw sa Modyul Filipino 8 Pahina 445-447)

Pagtatasa ng Pagkatuto 1: Ano ang kapuna-puna sa mga salitang ginamit sa


kanilang usapan?
Pagtatasa ng Pagkatuto 2: Naging mabisa ba ang paggamit ng salita ng manunulat
upang maipahayag niya ang kaniyang saloobin o
paniniwala? Patunayan.

Sanayin Natin!

(Isulat ang iyong sagot sa inilaang sagutang papel.)


Gawain 1: Crossword Puzzle

Panuto: Tukuyin ang mga katumbas ng salitang kalye na iyong ginagamit o naririnig sa
inyong bahay, paaralan at pamayanan.

3
E
1 GABAY:
L
5 1. Pulis
T 2. Katulong
2 4
3. Nanay
T Y
4. Sigarilyo
5. Kain

Marilou M. Tamula, SST III, Shirley C. Llameg SST 1, Ina Lindy G. Dohiling, SST 1
Southcom National High School
3

Gawain 2: Magagawa Ko!


Panuto: Isipin kung ano ang iyong sasabihin sa sitwasyong nakatala. Gamitin ang mga
impormal na uri ng salita.
1. May bago kang kaibigan sa facebook at gusto mong maging palagay ang loob mo sa
kanya kaya pinadalhan mo siya ng mensahe o private message sa kanyang facebook
account. Gamitin ang mga salitang balbal, kolokyal, at banyaga sa pagpapadala ng
mensahe.
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________

TANDAAN
Mahahalagang Konsepto
Mga Salitang Ginagamit:sa Impormal na Komunikasyon
1. Kolokyal (Colloquial) – Ito ay mga salitang ginagamit sa pang-araw-araw na pakikipag-
talastasan. Karaniwang pinaikling salita ang mga ito.
Halimbawa:
mayroon – meron puwede – pede kamusta – musta
kailan – kelan paano – pano aywan – ewan
2. Balbal (Slang) – Ang mga salitang ito ay tinatawag sa Ingles na slang, ito ang
pinakamababang uri ng antas ng wika. Ang mga salitang ito ay tinatawag ding
salitang kanto o salitang kalye kabilang dito ang mga gayspeak o ang lenggu-
wahe ng mga bakla o tomboy. Kung minsan bulgar kaya dapat ingatan ang
paggamit.
Halimbawa:
nanay – madir, mudra, mudrakes pulis - lespu, parak
kasintahan – syota, jowa tara – arat
3. Banyaga – Ito ay mga salitang mula sa ibang wika, ang ating wika ay mayaman sa
wikang banyaga, mga salitang banyagang walang salin sa wikang Filipino.
Halimbawa:
super typhoon relief goods

SUBUKIN NATIN
Sukatin ang iyong natutuhan! (Isulat ang iyong sagot sa inilaang sagutang papel.)
Panuto: Punan ng wasto o angkop na mga impormal na salita na ginagamit sa iba’t ibang
sitwasyon. Itiman lamang ang bilog na katumbas ng napiling sagot.

1. _____ talaga ang pagkuha ng kursong may kinalaman sa


teknolohiya sa ngayon. (balbal)
a. patok na patok c. In-na-In
b. Kilalang kilala d. Astig
2. Dalawang order ng _______ ang binili ko para sa atin. (banyaga)
a. spag c. spaghetti
b. tsibug d. pagkain
3. ____ ko ba sa mga taong ayaw tumanggap ng pagbabago. (kolokyal)
a. Aywan c. Awan
b. Iwan d. Ewan
4. Kumain tayo habang nanonod ng ____(banyaga)
a. videotape c.videotayp
b. video tape d. vidyotayp
5. ____ ang saya ko nang ibili ako ng bagong iPod ni Tatay.(balba)
a. Kilig sa bones c. kilig na kilig
b. Kilig to the bones d. Bones na bones
Paalala: Pagkatapos mo sa gawaing ito, muling repasohin ang sagutang papel para sa
mga pagsasanay
Marilou atSST
M. Tamula, pagtatasa
III, Shirleyat
C. maghanda
Llameg SST 1,na
Inapara saDohiling,
Lindy G. panibagong
SST 1 CapSLET.
Southcom National High School
4

ASIGNATURA/ Filipino 2
KUWARTER 3 LINGGO ARAW
BAITANG 8 (MELC 6)
CODE F8PN-IIId-e-29
KASANAYANG Napag-iiba ang katotohanan (facts) sa hinuha (inferences), opinyon at
PAMPAGKATUTO personal na interpretasyon ng kausap
PANGKALAHATANG PANUTO: Huwag sulatan ang kagamitang ito. Isulat ang inyong sagot
sa inilaang Sagutang Papel para sa Pagsasanay at Pagtatasa.

ARALIN NATIN
Layunin: : Mapag-iiba ang katotohanan (facts) sa hinuha (inferences), opinyon at personal
na interpretasyon ng kausap
Paksa: Broadcast Media – (Komentaryong Panradyo)

Ano ang Broadcast Media?

Ang Broadcast Media ay isang paraan ng paghahatid ng impormasyon sa nakararami.


Ang pagpapakalat ng impormasyon sa telebisyon, radyo at pahayagan ay isang halimbawa
ng broadcast media. Ito ay karaniwang gumagamit ng radio waves upang maghatid ng
impormasyon sa telebisyon at radyo.Ang internet ay matatawag na ring bahagi ng broadcast
media.
Ano ang kahalagahan ng Broadcast Media?

Ang Broadcast media ay mga midyang katulad ng radyo, internet, o iba pang mga
bagay na nakaaabot sa maraming mga tao.Mahalaga ang media dahil madami itong dinudulot
sa mga mamamayan. Mayroon man itong hindi magagandang naidudulot lalong-lalo na sa atin,
hindi pa rin natin mapapagkaila na madami itong naidulot na magaganda at kahanga-hangang
bagay sa atin. Dahil sa media, lagi tayong nagiging "updated" sa mga nangyayari sa ating
paligid. Nagiging updated tayo sa mga bali-balita, mapa-isports man o mapa- showbiz, hindi
lang sa bansang Pilipinas kundi pati na rin sa buong mundo.

Ang komentaryong panradyo ayon kay Elena Botkin – Levy, Koordineytor, ZUMIX
Radio; ay ang pagbibigay ng oportunidad sa kabataan na maipahayag ang kanilang mga
opinyon at saloobin kaugnay sa isang napapanahong isyu, o sa isang isyung kanilang
napiling talakayan at pagtuunan ng pansin. Ang pagbibigay opinyon ayon kay Levy ay
makatutulong nang malaki upang ang kabataan ay higit na maging epektibong tagapagsalita.
Ayon pa rin sa kaniya, ang unang hakbang upang makagawa ng isang mahusay at
epektibong komentaryong panradyo ay ang pagkakaroon ng malawak na kaalaman sa
pagsulat ng isang sanaysay na naglalahad ng opinyon o pananaw.
(halaw mula sa Panitikang Pilipino 8 Modyul para sa Mag-aaral , pahina 147)
Basahin ang isang komentaryong panradyo
Komentaryong Panradyo Kaugnay ng Freedom of Information (FOI)
Announcer : Mula sa Bulwagang Pambalitaan ng DZYX, narito ang inyong pinagkakatiwa-
laang mamamahayag sina Roel Magpantay at Macky Francia at ito ang
Kaboses Mo.
Marilou M. Tamula, SST III, Shirley C. Llameg SST 1, Ina Lindy G. Dohiling, SST 1
Southcom National High School
5

Roel : Magandang umaga sa inyong lahat!


Macky : Magandang umaga partner!
Roel : Partner, talaga namang mainit na isyu ngayon ‘yang Freedom of Information
Bill na hindi maipasa-pasa sa Senado.
Macky : Oo nga partner. Naku, sabi nga ng iba, kung ang FOI ay Freedom of Income
eh malamang nagkukumahog pa ang mga politiko na ipasa ‘yan kahit pa
nakapikit!
Roel : Sinabi mo pa, partner!
Macky : Ano ba talaga ‘yang FOI na ‘yan partner?
Roel : Sang-ayon sa seksyon 6 ng Panukalang batas na ito eh bibiigyan ng kalayaan
ang publiko na makita at masuri ang mga opisyal na transaksiyon ng mga
ahensya ng gobyerno.
Macky : Naku! Delikado naman pala ‘yan! Eh di magdiriwang na ang mga tsismosa at
pakialamero sa Pilipinas. Isyu dito, isyu doon na naman ‘yan! Demanda dito,
demanda doon!
Roel : Eh ano naman ang masama, partner? Sa ganang akin, hindi ba’t dapat naman
talaga na walang itinatago ‘yang mga politikong ‘yan dahil sila ay ibinoto at
nagsisilbi sa bayan.
Macky : Sa isang banda kasi partner maaaring maging “threat” daw ‘yan sa
mahahalagang desisyon ng lahat ng ahensya ng pamahalaan.
Roel : Sa tingin ko partner eh makatutulong pa nga ‘yan dahil magiging mas maingat
sila sa pagdedesisyon at matatakot ang mga corrupt na opisyal.
Macky : Eh pano ‘yan partner? Ayon kay Quezon Representative Lorenzo Tañada III,
‘pag hindi pa naipasa ang FOI bago mag-Pasko eh mukhang tuluyan na
itong mababasura.
Roel : Naku! Naloko na!
(Halaw mula sa Panitikang Pilipino 8 Modyul para sa Mag-aaral, pahina 142)

Pagtatasa ng Pagkatuto 1: Naging malinaw at kapani-paniwala ba ang mga pahayag ng mga


komentarista? Ipaliwanag ang sagot.
Pagtatasa ng Pagkatuto 2: Paano nagiging makabuluhan ang isang komentaryo?

Sanayin natin! (Ilaan ang iyong sagot sa nakalaang sagutang papel.)

Gawain 1: Pagkilala
Tukuyin kung ang mga sumusunod na pahayag ay nagsasaad ng katotohanan (K),
hinuha (H), opinyon (O) o personal na interpretasyon (PI).
K - Katotohanan O - Opinyon
H - Hinuha PI - Personal na interpretasyon

_____ 1. Sang-ayon sa seksyon 6 ng Panukalang batas na ito ay bibigyan ng kalayaan ang


publiko na makita at masuri ang mga opisyal na transaksiyon ng mga ahensya ng
gobyerno.
_____ 2. Naku! Delikado naman pala ‘yan! Eh di magdiriwang na ang mga tsismosa at
pakialamero sa Pilipinas. Isyu dito, isyu doon na naman ‘yan! Demanda dito,
demanda doon!
_____ 3. Sa ganang akin, hindi ba’t dapat naman talaga na walang itinatago ‘yang mga
politikong ‘yan dahil sila ay ibinoto at nagsisilbi sa bayan.
_____ 4. Talaga namang mainit na isyu ngayon ‘yang Freedom of Information Bill na hindi
maipasa-pasa sa Senado.
_____ 5. Ayon kay Quezon Representative Lorenzo Tañada III, ‘pag hindi pa naipasa ang
FOI bago mag-Pasko eh mukhang tuluyan na itong maibabasura.

Marilou M. Tamula, SST III, Shirley C. Llameg SST 1, Ina Lindy G. Dohiling, SST 1
Southcom National High School
6

Gawain 2. Pahayag ko, Suriin Mo.


Sa pamamagitan ng spider map ay suriin ang mga sumusunod na pahayag mula sa
binasang akda kung alin ang katotohanan, hinuha, opinyon, o personal na interpretasyon.
Isulat ang tamang sagot sa nakalaang espasyo sa iyong sagutang papel.
Mga pahayag mula sa binasang akda
1. Talaga namang mainit na
isyu ngayon yang Freedom
of Information Bill na hindi
maipasa-pasa sa Senado.
2. Sa tingin ko partner eh makatutulong
pa nga ‘yan
dahil magiging mas maingat sila sa
Katotohanan pagdede-sisyon at matatakot ang Hinuha
mga corrupt na opisyal.
3. Sa isang banda kasi maaaring maging
Personal na threat daw iyan sa mahahalagang Opinyon
interpretasyon desisyon ng lahat ng
ahensya ng pamahalaan.
4. Delikado naman pala ‘yan! Eh di
magdiriwang na ang mga tsismosa at
pakiala-mero sa Pilipinas. Isyu dito,
isyu doon na naman yan! Demanda
dito, demanda doon!

TANDAAN
Mahalagang konsepto

Pagkakaiba ng katotohanan (facts) sa hinuha (inferences),


opinyon, at personal na interpretasyon
> Ang Katotohanan ay isang bagay na napatunayan na totoo. Ito ay mga pahayag na
may konkretong ebidensya, karanasan o mismong nakita o narinig.
Halimbawa:
Ang mga basurero ang kumukuha ng basura.

> Ang Opinyon naman ay isang personal na paniniwala, hatol o saloobin sa isang bagay,
kuro-kuro o palagay batay sa pananaw ng isang tao na hindi nakabase sa katotohan o
walang batayan.
. Halimbawa:
Ang lahing puti ay superyor sa lahat ng lahi.

> Ang Hinuha naman ay ang isang pag-iisip o ideya o konklusyon. Ito ay pahayag na
inaakalang mangyayari batay sa isang sitwasyon o kondisyon.
Halimbawa:
Sa hinuha ko'y nakainom siya ng alak kung kaya ganyan siya kumilos....

> Ang Personal na Interpretasyon ay ang pagkakaunawa o pagkakaintindi mo sa isang


bagay, lengwahe o iba pa, at ito ay ipinapaliwanag mo para sa mga ibang tao na hindi
ito maintindihan. Batay rin ito sa sariling kaisipan o pananaw lamang, kaya ito ay isang
matalinong pagsasalaysay.
Halimbawa:
Ang paglalagay sa tahimik ay hindi madali sapagkat nadadagdagan ang mga
responsibilidad mo sa buhay.

(Halaw sa Pinagyamang Pluma 8 Ikalawang Edisyon, pahina 374)

Marilou M. Tamula, SST III, Shirley C. Llameg SST 1, Ina Lindy G. Dohiling, SST 1
Southcom National High School
7

SUBUKIN NATIN
Sukatin ang iyong natutuhan! (Isulat ang iyong sagot sa inilaang sagutang papel)
Panuto: Tukuyin kung ang mga sumusunod na pahayag ay nagsasaad ng katotohanan,
opinyon, hinuha o personal na interpretasyon. Itiman ang bilog ng titik na may
tamang sagot.

1. Ang tingin ni Leona sa kanyang ina ay matapobre at masungit dahil sa


pagkakaroon nito ng dugong Espanyol.
a. katotohanan c. opinyon
b. hinuha d. personal na interpretasyon

2. Kung hindi sana naglayas si Leona, hindi sana niya dadanasin ang
matinding kahirapan sa buhay.
a. katotohanan c. hinuha
b. opinyon d. personal na interpretasyon

3. Naglayas at nagrebelde sa kanyang mga magulang si Leona kaya siya


nasadlak sa kahirapan.
a. katotohanan c. hinuha
b. opinyon d. personal na interpretasyon
4. Naniniwala akong mahal na mahal ni Mang Dionisio si Leona kaya ito
lumaking sunod sa layaw.
a. katotohanan c. opinyon
b. hinuha d. personal na interpretasyon
5. Ang ginawang paglalayas ni Leona ay isang indikasyon na nagpapakita ng
pagrerebelde sa kanyang mga magulang.
a. katotohanan c. hinuha
b. opinyon d. personal na interpretasyo

Huling Paalala: Pagkatapos mo sa gawaing ito, muling balikan ang sagutang papel para sa mga
pagsasanay at pagtatasa at maghanda na para sa panibagong CapSLET.

Marilou M. Tamula, SST III, Shirley C. Llameg SST 1, Ina Lindy G. Dohiling, SST 1
Southcom National High School
8

ASIGNATURA/ Filipino 2
KUWARTER 3 LINGGO ARAW
BAITANG 8 (MELC 7)
CODE F8PB-IIId-e-30
KASANAYANG Naiisa-isa ang mga positibo at negatibong pahayag.
PAMPAGKATUTO

PANGKALAHATANG PANUTO: Huwag sulatan ang kagamitang ito. Isulat ang inyong sagot
sa inilaang Sagutang Papel para sa Pagsasanay at Pagtatasa.

ARALIN NATIN
Layunin: Maiisa-isa ang mga positibo at negatibong pahayag
Paksa: Positibo at Negatibong Pahayag
Lunsaran:
Pag-aralan ang dalawang larawan bilang paghahanda sa susunod nating aralin.
Bakit ito nangyayari sa akin Ang saya talaga ng bagong taon sa
panginoon?
nayon.

Figure 1. https://www.google.com/search?q= Figure2. https://www.google.com/ search?q=


larawan+ng+taong+malungkot larawan+ng+taong+masaya
Basahin ang usapang naganap sa istasyon ng radio ng DZRH tungkol sa Epekto ng Social
Media sa mga Piipino.
Dennis Antenor Jr. : Ang mga pinoy ang hari ng Social Media dahil kahit menor de edad
ay nagmamay-ari ng isang account, kung saan ang iba ay mayroon pang
dalawa hanggang tatlong account. Ngunit sa pagdami ng social media
accounts ng isang netizens, dumarami man ang positibong nangyayari sa
buhay ng mga tao, ngunit dumadami din ang negatibong epekto nito lalo na sa
mga taong dumaranas ng depresyon. Pakinggan natin ang panayam ni
Peache Gongales kay Dr. Bennie Vicente mula sa Health and Wellness
Center.
Peache Gonzales : Tama ka d’yan Dennis. Ayon nga kay Dr. Bennie Vicente, isang
Psychiatrist Consultant, mayroong maganda at di-magandang naidudulot ang
social media sa pagkakaroon o nararanasang depresyon ng isang tao. Ito
ang pahayag ni Dr. Vicente.
Dr. Bennie Vicente : “Alam mo Peache, may mga maganda at di-magandang epekto ang
social media. Sa isang banda, maganda pag nandyan ka sa social media
dahil ikaw ay konektado at mananatiling konektado. Subalit hindi dapat na
ubusin mo ang iyong oras sa social media gaya halimbawa ng Facebook

Marilou M. Tamula, SST III, Shirley C. Llameg SST 1, Ina Lindy G. Dohiling, SST 1
Southcom National High School
9

dahil napag-iisa ka palagi dahil nawawalan ka na ng interaksiyon sa ibang


kasambahay. Isa pa, mas malala ang epekto ng social media lalo na
halimbawa sa bullying. Kung sa paaralan isa o dalawa lang ang nambu-bully,
sa social media ay magiging doble o triple ang dami.
Peache Gonzales : Talaga, kaya pakiramdam mo tuloy, pinagtutulungan ka.
Dr. Bennie Vicente : Yes, kasi pag nag-response na ‘yung iba nag-gang-up na sa iyo,
talagang grabe na . Kaya kung Facebook ka lang ng Facebook at inaabot ka
halimbawa ng labing-isang oras, mawawalan ka ng interaksiyon sa ibang tao
kaya nagiging isolated ka. At gaya ng sinabi ko, sa depresyon, ‘yan ang isang
bagay na ayaw mong mangyari, ang mag-isa. Kailangan mong makasama
ang iyong pamilya at maging konektado sa iyong mga kaibigan para
makalaya ka sa depresyon.
Peache Gonzales : Kaya naman sa mga kabataan diyan lalo na sa mga nahuhumaling
sa Facebook, Twitter at Instagram , Hinay-hinay lang dahil tandaan ang
sobra ay laging nakakasama. Mas mabuti pa rin ang makipagkaibigan o
‘ di naman kaya mag-bonding kasama ang pamilya kaysa ubusin ang oras sa
social media.
https://www.youtube.com/watch?v=hZMXPByWTac&list-WL

Pagtatasa ng Pagkatuto1: Ano ang mga positibo at negatibong epekto ang dulot ng social
media lalo na sa mga kabataan?
Pagtatasa ng Pagkatuto2: Paano matutukoy ang pagkakaiba ng positibo at negatibong
pahayag?

Sanayin natin! (Ilaan ang iyong sagot sa nakalaang sagutang papel.)

Gawain 1: Pahayag ko, Hulaan Mo.


Panuto: Tukuyin kung ang mga pahayag ay positibo o negatibo. Isulat ang titik P
kung ang pahayag ay positibo at titik N kung ang pahayag ay negatibo sa iyong sagutang
papel.
_____ 1. Ang mga pinoy ang hari ng social media dahil kahit menor de edad ay nagma-
may-ari ng isang account.
_____ 2. Bakit maraming kabataan ang nahuhumaling sa social media tulad ng
Facebook, Twitter at Instagram?
_____ 3. Maganda pag nandyan ka sa social media dahil ikaw ay konektado at
mananatiling konektado sa mga kamag-anak, kakilala at kaibigan.
_____ 4. Subalit ang labis na pagkahumaling sa social media ay maaaring maging
sanhi ng pagiging mapag-isa.
_____ 5. Mas Malaki ang epekto ng social media sa isang kabataan lalo na sa aspekto
ng bullying.
_____ 6. Bakit nagkakaroon ng depresyon ang isang kabataan? Paano n’ya ito
maiwasan?
_____ 7. Sadyang nawawalan ng interaksiyon ang isang kabataan sa ibang tao kapag
ito’y nahumaling sa social media.

Gawain 2: Pahayag ko, Ihanay Mo..


Panuto : Basahin at unawaing mabuti ang talata. Piliin ang mga positibo at
negatibong pahayag na makikita sa talata at ihanay sa talahanayan. Isulat ang bilang
lamang ng tamang sagot sa tamang hanay.

Epekto ng Social Media sa mga Estudyante


(1) Ang social media ay nagagamit sa pang-araw-araw na buhay tulad ng sa
katuwaan, negosyo, komunikasyon at marami pang iba. (2) Napapadali nito ang pakikipag-

Marilou M. Tamula, SST III, Shirley C. Llameg SST 1, Ina Lindy G. Dohiling, SST 1
Southcom National High School
10

ugnayan ng bawat isa saan mang dako ng mundo. (3) Ngunit nagagamit rin ito sa hindi
magandang paraan dahilan upang makasama sa kapwa, sa ibang tao. Dahil din dito,
maraming mahahalagang mga bagay ay kadalasang nakakalimutan.
(4) Sa sobrang paggamit ng social media ay mapabayaan mo ang iyong kalusugan
maging ang iyong pag-aaral. (5) Mababawasan ang iyong aktuwal na pakikipagkomuni-
kasyon sa iyong kapamilya at kaibigan dahil mas maraming oras ang iyong inilalaan sa
paggamit ng social media. (6) Nagiging paraan din ng pagbu-bully o Cyber Bullying kung
saan ang mga biktima ay nakararanas ng matinding paninira mula sa isa o nakararami at
maging dahilan ng matinding depresyon. (7) May maganda ring idinulot ang social media sa
ating buhay dahil nagiging madali ang paghahanap natin sa isang taong matagal ng
nawalan ng komunikasyon sa isa’t isa. (8) Ang social media ay may maganda at di
magandang naidudulot sa ating pang-araw-araw na buhay. Depende ito sa kung papaano
natin ito gagamitin, kung sa mabuti o masamang pakay

Positibong Pahayag Negatibong Pahayag

TANDAAN
Mahalagang konsepto

> Ang positibong pahayag ay mga bagay na naglalaman ng mga magagandang


pahayag o mabubuting pahayag. Karaniwan ito ay nagdudulot ng mabuting epekto sa
nakaririnig nito.
Halimbawa:
"Napakaganda ng sinabi mo kanina sa ating diskurso."
"Ang ganda ng mga ngiti mo."
"Nakaaaliw ang inyong pinakitang palabas."
"Nagagalak akong makita ka ngayong gabi."

Karaniwan natin itong ginagamit upang magbigay ng magandang komento tungkol sa isang
bagay, tao, o pangyayari. Ang mga ginagamit na salitang panglarawan ay pawang mga
positibo lamang. Madalas din itong inuugnay sa positibong damdamin ng nagsasalita.

(https://brainly.ph/question/2472918)

> Ang mga negatibong pagpapahayag ay tumutukoy sa mga uri ng balita na


hindi kaaya-aya o kagandahan ang hatid ng mga pahayag. Ang ilan sa mga uri ng
negatibong pahayag ay karaniwang nakikita sa mga diyaryong tabloid at kasama na rin sa
mga palabas sa telebisyon. Halimbawa nito ay ang mga anomalya, ang mga abusadong
pulis, at marami pang iba
(https://brainly.ph/question/525996)

Marilou M. Tamula, SST III, Shirley C. Llameg SST 1, Ina Lindy G. Dohiling, SST 1
Southcom National High School
11

SUBUKIN NATIN
Sukatin ang iyong natutuhan! (Isulat ang iyong sagot sa inilaang sagutang papel)
Panuto: Tukuyin ang positibo at negatibong pahayag sa mga sumusunod na usapan.
John 1: (1) Masarap mabuhay dito sa mundong ibabaw.
Alex : . (2) Hindi ako naniniwala dahil puro problema ang aking kinakaharap.
John : (3) Magtiwala ka lang sa panginoon kakayanin mo lahat ng problema.
1. Alin sa mga sumusunod ang nagtataglay ng positibong pahayag?.
a. 1 b. 2 c. 1 at 2 d. 1 at
Roel : (1) Malaki talaga ang tiwala ko sa ating inihalal na pangulong Duterte.
Macky : (2) Hindi totoong ipinaglalaban niya ang karapatan ng mahihirap na
mga Pilipino.
Roel : (3) Naipakulong na halos ni Pangulong Duterte ang karamihan sa
mga Drug Lords.

2. Ang mga sumusunod ay pawang naglalahad ng positibong pahayag


maliban sa isa.
a. 1 b. 2 c. 1 at 2 d. 1 at 3

John : (1) Malaki talaga ang nagawang pagbabago ng pamunuan ni Duterte


sa buhay ng mga Pilipino.
Alex : (2) Oo nga, nabawasan ang mga krimen dahil sa puspusang anti-Drug
Campaign.
John : (3) Subalit marami pa ring pasaway at ayaw sumunod sa ating pama-
halaan.

3. Alin sa sumusunod ang nagtataglay ng negatibong pahayag?


a. 1 b. 2 c3 d. Lahat ng pahayag

Macky : (1) Mahigpit na ipinag-uutos ni Pangulong Duterte na hulihin ang mga


hindi nagsusuot ng face mask.
Roel : (2) Marami pa rin ang matitigas ang ulo at ayaw sumunod sa utos.
Macky : (3) Ang utos ni Presidente Duterte ay para din sa kapakanan ng
sambayanan.
Roel : (3) Bilib talaga ako sa tibay ng paninindigan ni Pangulong Duterte.
4.. Alin sa mga pahayag ang naglalahad ng positibong kaisipan?
a. 1 b. 2 c. 1 at 2 d. 1 at 3

John
Roel : : (1)
(1) Hanggang
Masarap mabuhay
kailan aasa dito sa mga
ang mundong ibabaw.
mahihirap ng tulong mula sa
Alex : (2) gobyerno?
Hindi ako naniniwala dahil puro problema ang aking
kinakaharap.
Macky : (2) Ginagawa lahat ni Duterte ang lahat ng paraan upang matulungan
John : (3) ang Magtiwala ka lang
mga Pilipino lalosa
napanginoon kakayanin mo lahat ng
ang mga mahihirap.
problema.
Roel : (3) Bilib talaga ako sa tibay ng paninindigan ni Pangulong Duterte.

5. Aling pahayag ang may negatibong kaisipan?


-
a. 1 b. 2 c. 3 d. Lahat ng pahayag
yanan ngayong panahon ng pandemya.

Marilou M. Tamula, SST III, Shirley C. Llameg SST 1, Ina Lindy G. Dohiling, SST 1
Southcom National High School
12

ASIGNATURA/ 2
Filipino 8 KUWARTER 3 LINGGO ARAW
BAITANG (MELC 8)
CODE F8PD-IIId-e-30
KASANAYANG Naiuugnay ang balitang napanood sa balitang napakinggan at naibibigay
PAMPAGKATUTO ang sariling opinyon tungkol sa mga ito.

ARALIN NATIN
Layunin: Maiuugnay ang balitang napanood sa balitang napakinggan at maibibigay ang
sariling opinyon tungkol sa mga ito.
Paksa: Mass Media
Ano ang Mass Media?
Ano ang Broadcast Media?
Ang mass media ay tumutukoy sa iba’t ibang paraan ng komunikasyon kung saan naaabot
nito ang maraming tao sa mundo na tinatawag na audience o receiver na wala namang
personal na relasyon sa mga sender nito. Sa kasalukuyan, itinuturing na isa sa
pinakamalakas makahikayat at makaimpluwensiya sa isip at damdamin ng mga tao ang mass
media. Madali nitong napupukaw ang interes ng mga tao sapagkat ginagamitan ito ng audio
(pandinig) at visual (paningin).
Basahin ang isang balita mula sa ABS-CBN TV Patrol
Pagbabawal sa pamamalo ng bata, balak isabatas
Hati ang pananaw ng ilang guro at magulang ukol sa
panukalang batas na layong ipagbawal ang umano'y
pisikal na parusa at pamamahiya sa mga bata.
Sa ilalim ng House Bill 8239, ipinagbabawal ang
marahas na pagdisiplina o pagpapahiya ng mga
matatanda sa mga bata.

Unang umalma ang punongguro na si Zaida Padullo,


ngunit nag-iba ang kaniyang pananaw sa disiplina nang
mamatay ang isang estudyante nang paluin umano ito ng kaniyang ina.

“Never again for as long as I am an educator will a student die in my watch,” sabi ni Padullo,
na pinuno na ng grupong Positive Discipline Advocates of the Philippines. Pero ayon sa
Alliance of Concerned Teachers, maaari itong abusuhin ng mga magulang laban sa kanilang
hanay dahil maaaring iba ang pananaw ng ilang estudyante ukol sa umano’y pagpapahiya ng
mga guro sa kanila. “Halimbawa, ako nagtuturo, 'yung bata gusto kong mag-recite, at hindi
siya nakasagot. Puwede niyang sabihin na nilabag ko ang kanyang karapatan dahil napahiya
siya. Dahil ba doon kakasuhan na 'ko ng child abuse? ” Ani ACT secretary-general Raymond
Basilio.

Naniniwala naman ang lolang si Malou Cuadling na malayo ang mararating ng pisikal na
disiplina, tulad ng minsanang pamamalo sa mga bata, kahit hindi niya ito ginagawa sa
kaniyang mga apo. "Iba na ngayon ang mga bata matitigas ang ulo, di tulad dati na may
konting palo, madidisiplina mo,” aniya.

Ayon sa pag-aaral ng Save the Children foundation, nakasasama ang pisikal na parusa sa
mga bata, at maaaring magdulot ng mga epekto tulad ng:

 Hindi pagsabi ng saloobin sa mga tao, partikular na sa magulang;


Marilou M. Tamula, SST III, Shirley C. Llameg SST 1, Ina Lindy G. Dohiling, SST 1
Southcom National High School
13

 Hindi magandang relasyon sa mga magulang, pag-inom ng alak o paggamit ng droga,


pagkakaroon ng eating disorder, at iba pang problemang sikolohikal;
 Mababang grado sa eskwelahan dahil ramdam ng bata na hindi ito magaling o
matalino.
Aprubado na sa Senado ang panukala habang paplantsahin pa ang bersiyon nito sa Kamara,
na nasa ikatlong pagbasa na.-- Ulat ni Jasmin Romero, ABS-CBN News
(https://www.youtube.com/watch?v=1H57bMoBhjo)
Narito naman ang isang balita mula sa DZIQ Radyo Inquirer

Panukalang nagbabawal sa ‘corporal punishment’ sa mga bata, aprubado na sa Senado

Aprubado na sa Senado ang panukalang nagbabawal sa


‘corporal punishment’ sa mga batang may edad labing taon
pababa.

Ang Senate Bill No. 1477 ay layong mabigyan ng


proteksiyon ang mga bata mula sa physical at mental
violence.
Ipinapanukala din ng nasabing bill na ma- https://images.app.goo.gl/11qPuU19KhQzTHXdA
promote ang pagkakaroon ng positibo at hindi
bayolenteng paraan sa pagdidispilina ng mga bata. Ipinagbabawal ng panukala ang
pananakit, paninipa, pananampal, pamamalo sa kahit anumang parte ng katawan ng bata
meron man o walang gamit na pamalo tulad ng sinturon, walis o baston.
Kasama rin sa ipinagbabawal ang pananabunot o pagkaladkad o paghagis sa mga bata.
maging ang ‘twisting of joints’, ‘cutting’ o ‘piercing’ sa balat.

Ayon kay Sen. Risa Hontiveros na may-akda ng panukala ay bawal din ang pagpwersa sa
mga bata na gumawa ng mga masakit o delikadong bagay tulad ng pag-squat, pagtayo o
pag-upo sa ‘contorted position’, pagpapabuhat sa mga ito ng mabibigat na bagay sa loob ng
mahabang oras, pagpapaluhod sa mga bato o asin. Bawal din ang pagkakaroon ng verbal
abuse kabilang ang pagbabanta, pagmumura, pangungutya sa bata at ang pamamahiya dito
sa harap ng ibang maraming tao.

Sa ilalim ng panukala ay makakatanggap ng sulat mula sa Barangay Chairman o kinatawan


nito na nagsasabing itigil na nito ang ginagawang corporal punishment sa mga bata sa unang
paglabag at maari ring magsagawa ng mediation and reconciliation meeting kaugnay nito. Sa
ikalawang paglabag ay bibigyang ulit ng sulat ang mga magulang at obligado nang dumalo sa
isang counselling at positive discipline seminar. Habang sa ikatlong paglabag ay maghahain
na ang Barangay Council for the Protection of Children sa pamamagitan ng Barangay Captain
para magsampa ng reklamo sa mga otoridad laban sa magulang o guardian at kasabay nito
ay magsasagawa ng mediation and reconciliation meeting.
Pagtatasa ng Pagkatuto 1: Ano ang pagkakatulad ng dalawang balitang? Ano ang iyong
saloobin o pananaw ukol dito?
Pagtatasa ng Pagkatuto2: Sang-ayon ka ba na maisabatas ang pagbabawal sa
pagsasagawa ng corporal punishment? Bakit?
(Isulat ang iyong sagot sa inilaang sagutang papel.)
Sanayin Natin!
Gawain 1: Magagawa mo!
Panuto: Tukuyin kung ang mga sumusunod ay isang programang Panradyo o programang
Pantelebisyon. Isulat sa nakalaang patlang ang tamang sagot.
______________1. “Ito ang inyong…Tiya Dely” ______________5. Dobol A sa Dobol B
______________2. Reporter’s Notebook
______________3. TLC the Drama Special
______________4. I-Witness
Marilou M. Tamula, SST III, Shirley C. Llameg SST 1, Ina Lindy G. Dohiling, SST 1
Southcom National High School
14

Gawain 2: Payabungin mo
Panuto: Sagutin at ipaliwanag ang iyong sagot.
1. Paghambingin ang pamamaraan ng pagpapahayag ng balita sa telebisyon at sa radyo.
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________

TANDAAN
Mahalagang Konsepto

 Nakapaloob sa mass media ang larangan ng broadcast na kinapapalooban ng mga


sumusunod:
 radio at telebisyon
 print na binubuo naman ng pahayagan at limbagan
 advertising tulad ng commercial ads at patalastas
 posters
 billboards
 streamers
 pelikula
 video technology
 Ang mga nabanggit na midyum ng mass media ay nagsisilbing instrumento o lakas na
kumokontrol sa utak ng mga tagatanggap (receiver) ng mensahe mula sa tagapagsalita
(source o sender).
 Ang pagbibigay ng komentaryo ay nakatutulong upang maging mapanuri at kritikal na
makapaglahad ng opinyon at pananaw ang isang tagapagsalita. Siguruhin mo lamang
na may batayan ang lahat ng iyong mga positibo at negatibong mga pahayag. Hindi
basta-basta nagbibigay ng opinyon kung walang nagiging batayan para mas magiging
mabisa ito.
Narito ang mga tinatawag na konsepto ng pananaw.
1. May mga ekspresyong nagpapahayag ng konsepto ng pananaw o “point of view”.
Kabilang na dito ang ayon/batay/para/sang-ayon sa/kay, ganoon din sa
paniniwala/pananaw/akala ko/ni/ng, at iba pa. Inihuhudyat ng mga ekspresyong ito
ang iniisip, sinasabi o pinaniniwalaan ng isang tao. tulad nito:
- Ayon/Batay/Sang-ayon sa 1987 konstitusyon ng Pilipinas, ang Filipino ang
pambansang wika at isa sa mga opisyal na wika ng komunikasyon at Sistema ng
edukasyon.
- Sa paniniwala/Akala/Pananaw/paningin/Tingin/palagay ni/ng Pangulong Manuel L.
Quezon, mas mabuti ang mala-impyerno na pinamamahalaan ng mga Pilipino kaysa
makalangit na Pilipinas na pinamumunuan ng mga dayuhan.
- Inaakala/Pinaniniwalaan/Iniisip kong/Hindi makabubuti kaninoman ang kanilang
plano.
- Saganang akin/Sa tingin ko/palagay ko, wala nang gaganda pa sa lugar na ito.
2. May mga ekspresyong nagpapahiwatig ng pagbabago o pag-iiba ng paksa at/o
pananaw, tulad ng sumusunod na halimbawa. gayunman, mapapansing di-tulad ng
mga naunang halimbawa na tumitiyak kung sino ang pinagmumulan ng pananaw.
Nagpapahiwatig lamang ng pangkalahatang pananaw ang sumusunod na
halimbawa:
- Sa isang banda/Sa kabilang dako, mabuti na rin sigurong nangyari yun upang
matauhan ang mga nagtutulog-tulogan.
- Samanatala, makabubuti sigurong magpahinga ka muna para makapag-isip ka
nang husto.

Marilou M. Tamula, SST III, Shirley C. Llameg SST 1, Ina Lindy G. Dohiling, SST 1
Southcom National High School
15

SUBUKIN NATIN
Sukatin ang iyong natutuhan !
(Isulat ang iyong sagot sa inilaang sagutang papel.)
Panuto: Tukuyin ang pagkakaugnay ng balitang iniulat sa telebisyon at balitang iniulat sa
radyo.
1. Maraming isyu ang tinalakay sa dalawang balitang binasa ngunit alin ang
maituturing na pinakapaksa ng mga ito?
a. pagpapahalaga sa lahat ng karapatan at tungkulin ng mga bata
b. pagbabawal sa pananakit, pagpapahiya o paggamit ng corporal
punishment
c. pagsang-ayon ng ilang magulang sa pagpapatupad ng corporal
punishment
d. pagpapabuti sa nutrisyon at kalagayan ng mga batang Pilipino
2. Ano ang pangunahing layunin ng dalawang balitang binasa?
a. upang mabigyang-halaga at pansin ang lahat ng karapatan ng mga batang
Pilipino.
b. upang mapagbuti ang kalidad ng edukasyon sa bansa
c. upang mapaalalahanan ang mga guro at magulang na mali ang paggamit
ng corporal punishment
d. upang ipabatid na naisabatas na ang panukalang ‘anti-corporal
punishment’
3. Ito ang tono o damdaming nangingibabaw sa dalawang balita.
a. nagpapabatid at nagpapaliwanag
b. nangangaral at nagbibigay-babala
c. nagbibigay-babala at nangangaral
d. nagpapaliwanag at nagbibigay-babala
4. Bakit naisipang isulong ang pagbabawal sa Corporal Punishment?
a. upang wala ng aabusong guro
b. upang wala ng magrereklamong magulang
c. upang mapanatili ang kaligtasan ng mga kabataan
d. upang hindi mapabayaan ang mga kabataan
5. Ito ang positibong epekto na maaaring mangyari sa kalagayan ng mga bata
sa bansa kapag ganap na naisabatas ang house bill na binanggit sa balita.
a. itatago ng mga magulang at guro ang pagdidisiplina sa mga kabataan
b. higit na tatapang at tatalino ang mga batang Pilipino.
c. higit na matatamasa at mapoprotektahan ang karapatan ng mga bata
d. magkakaroon ng positibo at hindi bayolenteng paraan ng pagdidisiplina
Paalala: Pagkatapos mo sa gawaing ito, muling repasohin ang sagutang papel para sa mga
pagsasanay at pagtatasa at maghanda na para sa panibagong Capslet.

MGA SANGGUNIAN:
Pinagyamang Pluma 8, pahina 397
www.peac.org.ph/resources/FilipinoLearningModules
https://radyo.inquirer.net
https://news.abs-cbn.com/news

DISCLAIMER: This learning resource contains copyrighted materials. The use of which has not been specifically
authorized by the copyright owner. We are making this learning resource in our efforts to provide printed and e-copy learning
resources available for the learners in reference to the learning continuity plan of this division in this time of pandemic. This
LR is produced and distributed locally without profit and will be used for educational purposes only. No malicious
infringement is intended by the writer. Credits and respect to the original creator/owner of the materials found in this learning
resource.

Marilou M. Tamula, SST III, Shirley C. Llameg SST 1, Ina Lindy G. Dohiling, SST 1
Southcom National High School

You might also like