You are on page 1of 2

(WEEK 2 March 29-April 2, 2021)

FILIPINO 8
Mga Salitang Ginagamit sa Impormal na Komunikasyon
Ang mga salitang karaniwan at palasak na ginagamit sa mga pang-araw-araw na pakkikipag-usap at
pakikipagsulatan sa mga kakilala at kaibigan ay kabilang sa impormal na salita. Ang impormal na salita ay
nauuri sa apat.

1. Lalawiganin (Provincialism) – Ito ang mga salitang kakilala at saklaw lamang ng pook na pinaggagamitan
nito. Kapansin-pansin ang mga lalawigang saita, bukods a iba ang bigkas, may kakaiba pang tonoi to.
Halimbawa: tugang (Bikol), dako (Bisaa), ngarud (Ilokano)
2. Balbal (Slang) – Ang mga salitang ito ay tinatawag sa Ingles na slang/ Ang mga salitang ito noong una ay
hindi tinatanggap ng matatanda at mga may pinag-aralan dahil hindi raw magandang pakinggan. Ang mga
salitang balbal ay tinawag ding salitang kanto o salitang kalye.
Halimbawa: erpat – tatay tsikot – kotse
Sikyo – security guard lispu – pulis Yosi – sigarilyo praning – baliw
3. Kolokyal (Colloquial) – Ito ay mga salitang ginagamit sa pang-araw-araw na pakikipagtalastasan ngunit
may kagaspangan at pagkabulgarm bagama’t may anyong repinado at malinis ayon sa kung sino ang
nagsasalita.
Halimbawa: Pormal Kolokyal
Aywan ewan Piyesta pista Nasaan nasan
4. Banyaga – Ito ay mga salitang mula sa ibang wika. Ang ating wika ay mayaman sa wikang banyaga.
Karamihan sa mga ito ay pangalang tiyak, wika, teknikal, pang-agham, simbolong matematika, o mga salitang
banyagang wala salin sa wikan Filipino.
GAWAIN 1
PANUTO : Tukuyin kung lalawiganin, balbal, kolokyal, o banyaga ang mga salita
______________1. Spaghetti ang paboritong handa ng mga pinoy
______________2. Teki na ang halos na kabataan ngayon.
______________3. China oil,may connection sa bahay.
______________4. Hanep ang gara ng kompyuter Oh!.
______________5. Anyare sa mga kabataan ngayon .
______________6. High-tech na ang pagdiriwang ng pista sa amin.
______________7. Ang sweet nila,Kilig to the bones !
______________8. Ano baga ang nais mong gawin?
______________9. Marami na ang nahilig sa videoke
______________10. Na-eguls ako!
GAWAIN 2
PANUTO: Tukuyin ang uri ng mga Impormal na salita sa ibaba. Isulat ito sa talahanayan.

Ewan download nasi pista petmalu Usta? Nasan


meron lodi kompyuter tisay hamburger ngarud

KOLOKYAL BANYAGA LALAWIGANIN BALBAL


GAWAIN 3:
PANUTO: Lagyan ng angkop na dayalogo ang sumusunod na Komiks Strip gamit ang mga impormal na
salita.

PAG-UUSAP SA TELEPONO (Kolokyal) Z PAG-UUSAP NG MAGKAIBIGAN (Balbal)

USAPAN SA RESTAURANT (BANYAGA) PAG-UUSAP NG MAGKAPIT-BAHAY (Lalawiganin)

You might also like