You are on page 1of 3

Republic of the Philippines

Department of Education

GAWAING PAMPAGKATUTO SA FILIPINO 10


Kwarter 3 – Gawain Bilang 4

Pangalan: _________________________________ Grado at Seksyon: ____________

I. Panimulang Konsepto

PANLAPI- ito ay mga kataga o pantig na ikinakabit sa salitang-ugat.

Uri ng Panlapi
1. Unlapi – ito ay mga panlaping ikinakabit sa unahan ng salitang-ugat.
Halimbawa:
masaya
magtanim

2. Gitlapi – mga panlaping idinadagdag sa gitna ng salitang-ugat.


Halimbawa:
bumasa
pinasok

3. Hulapi – panlaping inilalagay sa hulihan ng salitang-ugat.


Halimbawa:
sabihin
listahan

4. Kabilaan – ang panlapi ay nasa unahan at hulihan ng salitang-ugat


Halimbawa:
pagsilbihan
magmahalan

5. Laguhan – ang panlapi ay nasa unahan, gitna at hulihan ng salitang-ugat.


Halimbawa:
pagsumikapan
magdinuguan

II. Kasanayang Pampagkatuto mula sa Most Essential Learning Competencies


(MELC)

Markahan MELC K-12 CG Codes


Nabibigyang kahulugan ang salita
Ikatlo batay sa ginamit na panlapi F10PT-IIIB-77

1
III. Mga Gawain

Gawain A
Panuto: Bigyang kahulugan ang mga salitang may salungguhit sa pangungusap. Ilagay
ang sagot sa inyong sagutang papel.

1. Ang mga bata ay naguluhan sa asignaturang Matematika sa biglaang pag-alis


ng kanilang guro.
2. Pabulong na nanalanagin ang buong mag-anak para sa kaligtasan nararanasan
ng buong mundo.
3. Mahalagang matutuhan ng mga mag-aaral sa kanilang murang edad ang
kahalagahan ng pagsisikap upang magtagumpay sa buhay.
4. Ang kabutihan asal ay dapat maitanim sa kanilang puso’t isipan.
5. Napakalungkot makita ang mga balita sa telebisyon.

Gawain B
Panuto: Punan ang talahanayan. Isulat ang panlapi na ginamit sa salita.Pagkatapos ay
isulat ang uri ng panlapi ginamit sa salita at ibigay ang kahulugan nito.
SALITANG PANLAPI URI NG PANLAPI KAHULUGAN
MAYLAPI
1. pabilisin
2. katumbas
3. kalayaan
4. mabait
5. isipan

Gawain C
Panuto: Ibigay ang kahulugan ng mga salita batay sa ginamit na panlapi. Isulat ang
sagot sa patlang.

1. kain
pinakain -
nagpakain- __________
kumain-
2. imbita
iniimbitahan- ________________
imbitahan-
naimbitahan-
3. saya
pinasaya -
nagpasaya-
4. iyak
umiyak-
nagpaiyak-
5. sayang
sayangin-
nasayang-
sinayang-

You might also like