You are on page 1of 3

MALA-MASUSING BANGHAY-ARALIN SA FILIPINO 1

I. KASANAYANG PAMPAGKATUTO:
KAMALAYANG PONOLOHIYA:
✔ F1KP-Iie-4: Nabibilang ang pantig sa isang salita.

II. PAKSANG-ARALIN:
a. Balarila:
✔ PANTIG SA ISANG SALITA
b. Sanggunian:
✔ Self-Learning Modules, Ikalawang Markahan
c. Kagamitan:
✔ Flashcards
✔ Laptop/PowerPoint Presentation
✔ Video (Pagganyak)
✔ Activity Sheets

III.PAMAMARAAN:

A. PANIMULANG GAWAIN
1. Pagbati
2. Panalangin
3. Pagsasaayos ng mga Upuan/Hanay ng mga Upuan
4. Pagtatala ng Liban
5. Pampasiglang Awitin

B. PAGGANYAK

Gawain: Pagpapakita ng iba’t ibang larawan (3-5 minuto)


PANUTO: Magpapakita ang guro ng limang larawan sa klase at itatanong kung ano ang
pangalan ng mga ito. Kung sino ang unang makakuha ng tamang sagot ay magkakamit ng
mataas na puntos. Pagkatapos ay tatawag ang guro ng 1 hanggang 2 kapwa mag-aaral para
kanilang ilarawan ang mga bagay na ipinakita.

C. PAGTALAKAY (10-15 minuto)


1. Kahulugan ng Pantig
(Mula sa naging Pagganyak ay magbabalik-aral tungkol sa kahulugan ng Pantig saka dadako
sa pagtalakay ng pagpapantig ng mga salita.)

SAGOT: PANTIG –Ang Pantig ay bahagi ng pagbuo ng salita. Ang mga pantig ay madaling
makilala sa pamamagitan ng tunog ng wika kapag binibigkas o binasa.

2. PAGPAPANTIG
Ang pagpapantig ay paghahati ng salita batay sa wastong pagbasa nito. Tingnan at pag-aralan
ang ibinigay na halimbawa sa talahanayan sa ibaba.

Halimbawa:
Mga Salita Pagpapantig Bilang ng Pantig
1. papaano pa-pa-a-no 4 pantig
1 2 3 4
2. tukso tuk-so 2 pantig
1 2
3. sobre so-bre 2 pantig
1 2
4. aalsa a-al-sa 3 pantig
12 3
5. trabaho tra-ba-ho 3 pantig
1 2 3

Page 1 of 3
1. Ang magkasunod na dalawa o higit pang patinig ng salita ay hiwalay na mga pantig.
Halimbawa:
uupo - u – u – po
paano - pa – a – no
noo - no – o
2. Ang magkasunod na katinig sa loob ng isang salita ay pinaghihiwalay, ang una ay kasama sa
patinig na sinusundan at ang ikalawa ay sa patinig na kasunod.
Halimbawa:
tukso - tuk – so
pandak - pan dak
luksa - luk – sa
3. Sa hiram na salita, ang magkasunod na katinig ay parehong kasama sa kasunod na patinig.
Halimbawa:
sobre - so – bre
pobre - po –bre
4. Sa pag-uulit ng pantig:
a. Ang patinig lamang ang inuulit kung ito ay unang tunog ng salitang ugat.
Halimbawa:
asa - a – a – sa
alsa - a – al – sa
ekstra - e – eks – tra

Ang pagpapantig ay ang paghahati ng isang salita batay sa wastong basa nito.Tandaan, bawat
pantig ay may isang patinig (a, e, i, o, u) lamang. Kapag lumabis sa isang pantig, bubuo na ito
ng isa pang pantig hindi sila pwedeng isama.Tulad na lang ng salitang aasa na nasa itaas. Ang
pagkakapantig ay a-a-sa. Hiniwalay ang dalawang titik /a/ na magkasunod. Ang bilang ng pantig
nito ay tatlo.

Kung nagkakasunod-sunod ang dalawang katinig sa isang salitang likas. Ang unang katinig ay
isasama sa pantig na sinusundan nito at ang ikalawang katinig ay isasama sa ikalawang
patinig. Tulad na lang ng salitang takbo. Ang pagkakapantig ay tak-bo. Hiniwalay ang
magkatabing katinig na /k/ at /b/ dahil hindi sila pwedeng pagsamahin batay na rin sa basa ng
salita. Ang bilang ng pantig ay dalawa. Pero kapag ang salita ay hiram tulad ng salitang pobre,
ang dalawang magkatabing katinig ay magkasama sa isang pantig. Ang pagpapantig nito ay po-
bre at hindi pob-re dahil hiram ang nasabing salita. Ang bilang ng pantig ay dalawa.
(Sa pagpapatuloy ng talakayan,hihiling ang guro ng mga halimbawa mula sa mga mag-aaral.)

D. PANGKATANG GAWAIN (10-15 minuto)

PANUTO: Lagyan ng tsek (/) ang tamang pagpapantig ng bawat salita.

Pangkat 1 kasama ___ ka - sa - ma ___ kas - a - ma

Pangkat 2 lumilipad ___ lumi - li - pad ___ lu - mi - li - pad

Pangkat 3 maganda ma - gan - da ___ ma - ganda

E. PAGPROPROSESO NG GAWAIN (5-10 minuto)

1. #WhatsOnYourMind: Paghingi ng reaksyon/tugon (feedback) mula sa mga mag-


aaral na nakilahok sa pangkatang gawain.
2. #SayNgBinibini: Pagbibigay ng puna ng guro.

F. PAGLALAHAT (3-5 minuto)

#ISANGTANONGISANGSAGOT: Anu-ano ang bumubuo sa isang pantig? Paano tayo


nakakabuo ng salita? (Tatawag ang guro ng ilang mag-aaral para sagutin ang katanungang
ito.)
SAGOT AT PALIWANAG:

Page 2 of 3
IV. PAGTATAYA (5-10 minuto)
PANUTO: Pantigin nang wasto ang mga salita na nasa loob ng kahon at bilangin kun
ilan ang pantig nito. Isulat sa nakalaang patlang ang inyong sagot.

1. tsinelas
2. lapis
3. paaralan
4. aakyat
5. iiwan

Mga Sagot:
Salita Pagpapantig Bilang ng Pantig
1. ____________ _____________ ______________
2. ____________ _____________ ______________
3. ____________ _____________ ______________
4. ____________ _____________ ______________
5. ____________ _____________ ______________

V. KASUNDUAN
PANUTO: Sa isang malinis na papel, bumuo ng mga salita na ginagamitan ng mga
sumusunod na pantig.

Be ki di ta la lo

Inihanda ni:

MARISOL L. BUENAOBRA
Guro sa Filipino

Page 3 of 3

You might also like