You are on page 1of 1

Shazney C.

Pormilos 10 – Ilaya

Kabanata XIII: ANG ARALÁN NG̃ PÍSIKA

Mga tauhan:
 Placido Penitente – isang matalinong mag-aaral na hindi binibgyan ng karangalan
 Padre Millon – isang dominikanong pari at nagtuturo ng pisika
 Juanito Pelaez – isa siyang may lahi na mag-aaral na minamahal ng mga guro

Talasalitaan
 Pisika – isang natural na agham na sumasangkot sa pag-aaral ng materya at mosyon nito sa espasyo-panahon
kasama ng mga kaugnay na konseptong gaya ng enerhiya at pwersa
 Rehas – kahoy o metal na ginagamit pangharang
 Tagadikta – taga-utos
 Insulto – mapang-abuso na mga salita
 Iskoba – brush

Buod:
Nagsimula ang kabanatang ito sa isang maluwag at hugis parihaba na silid ng Pisika. Malalaki ang mga bintana
nito na may mga rehas na bakal. May mga upuang kahoy na aabot sa tatlong baitang na naka puwesto sa
magkabilaang panig ng silid. Doon naka upo ang mga mag-aaral at naayos sila ayon sa kanilang apelyido. Isang
paring Dominikano at guro ng pisika, si Padre Milon ay kilala sa kanyang pilosopiya sa Unibersidad ng San
Juan de Letran. Sa kabilang bahagi ng pinto, sa ilalim ng rebulto ni Santo Tomas de Aquino, ay ang upuan ng
propesor. Sa kaniyang pagtuturo, una niyang tinutukso ang mga estudyanteng tila bang inaantok. Tinawag niya
ang isang mag-aaral na parang may buhok ng iskoba. Ngunit, hindi ito nakasagot at naka tanggap ng insulto
mula sa pari dahil dito. Sunod niyang tinawag si Pelaez. Si Pelaez naman ay siniko muna si Placido at sinabihan
na bulungan ito ng sagot sapagkat baka mahirap siya sa itatanong. Madalang din ito pumasok kaya
mahihirapan siya sa pag-tugon. Hindi naman ito nagkamali at talagang hindi madali ang naging tanong. Kung
kaya’t inapak apakan nito ang paa ni Placido, senyales sa paghingi ng sagot. Lubhang nasaktan si Placido sa
ginawa ni Palaez dahilan para mapataas ang boses nito at makuha ang atensyon ng pari. Siya tuloy ang
napagbalingan ng inis ng guro at tinanong. Napa utal-utal ito at hindi makasagot ng maayos. Hiningi ng pari
ang kaniyang pangalan at sinabihan na dapat “Placidong Tagadikta” ang itawag sakaniya dahil sa kaniyang
pagbubulong. Hinanap nito ang kaniyang pangalan sa talaan at sinabing isa na lamang na pagliban sa klase ang
kaniyang gagawin at siya ay maalis na sa talaan. Agad namang nagprotesta ni Placido na kahit kailan man
hindi ito lumiban sa pag-aaral. Nais pa sana itong mangatuwiran subalit, panunuta lamang ang sagot ng pari
sakaniya. Hindi nito matiis ang inis at galit kaya bigla siyang umalis sa klase na walang paalam na ikinagulat
naman nang lahat.

Saloobin:
Ang kabanatang ito ipinapakita ang kawalan ng katarungan. Hindi binigyan si Placido ng pagkakataon na
magpaliwanag sa bagay na hindi niya naman ginawa. Sa halip ay, pinaulanan pa ito ng mga mura at insulto. Ito
ay mahihilantulad ko sa sitwasyon ng mga karamihan ngayon. May mga taong hindi nabibigyan ng tamang
hustisya at kinukuha ang kanilang karapatang dipensahan ang kanilang mga sarili.

You might also like