Professional Documents
Culture Documents
El Filibusterismo
El Filibusterismo
com
El Filibusterismo
Kabanata 12: Placido Penitente
Kabanata 13: Ang Klase Sa Pisika
Kabanata 14: Sa Bahay ng mga Mag-aaral
http://slidepdf.com/reader/full/el-filibusterismo-kabanata-12-14 1/12
5/20/2018 ElFilibusterismo Kabanata12-14-slidepdf.com
Juanito Pelaez: Ay, oo nga pala. Ang hangal ko talaga. Alam mo ba nagiging hangal na ako. Eh
noong miyerkules?
Placido Penitente: (nagkibit blikat si Placido) Hindi ko alam, ngunit binigyan siya ng talaan.
Placido Penitente: (Itinuro niya sa pamamagitan ng kanyang daliri ang bahaging dapat pag-
aralan sa pisika)
Juanito Pelaez: Hayaan mo na nga yan, magliwaliw na lang tayo. Oo nga pala, alam mo bang
ako ang inatasan na maningil ng kontribusyon para sa monumento ni Padre Baltazar.
http://slidepdf.com/reader/full/el-filibusterismo-kabanata-12-14 2/12
5/20/2018 ElFilibusterismo Kabanata12-14-slidepdf.com
Juanito Pelaez: Sino pa, kundi isang dominiko. Nagpapatulong kasi sila sa mga estudyante.
Magbigay ka na lang ng tatlo o apat na piso para masabing galante tayo.
Ah, labinlimang araw mula ngayon ay kaarawan ng ating propesor sa historya. Dapat tayo
magpasalamat.
Placido Penitente: Tama!
Juanito Pelaez: Sige na Placido, ikaw na ang mag-ambag para ikaw ang una sa listahan.
Magbigay ka na lang ng apat na piso, gagawin ko lang naman itong pain eh.
Sa unibersidad,
Narrator: Ilang sandali lamang ay may huminto na naming magandang karwahe sa tapat ng
simbahan. Mabilis na bumababa dito si Paulita Gomez.
Tadeo: Napakaganda naman niya. Pakisabi sa propesor may sakit ako. (sinundan niya ang
dalaga)
Placido Penitente: Patawarin mo ako hindi ako pipirma diyan hanggan’t hindi ko naiintindihan
yan.
Estudyante 1: Napakahaba nito, tungkol ito sa pagtutol sa kahilingan. Si Macaraig at ang iba pa
ay humihiling na magkaroon ng akaddemya ng wikang kastila na malinaw na isang kahangalan.
Placido Penitente: (Mabilis at maingay na pinatunog ni Placido ang kanyang mga taking habang
pumapasok).
http://slidepdf.com/reader/full/el-filibusterismo-kabanata-12-14 3/12
5/20/2018 ElFilibusterismo Kabanata12-14-slidepdf.com
Padre Millon: (nagtuturo at napansin niya si estudyante 2 na humihikab) Hoy ikaw! Antukin!
Tamad siguro hindi mo alam ang leksiyon ano!
Estudyante 2: (Biglang tayo) Tinatawag na salamin ang lahat ng bagay na makinis sa ibabaw na
ginawa upang makabuo…
Padre Millon: Tigil! Tigil! Hesus, para kang pugak. Sige nga, saan mo ibibilang ang isang piraso
ng kahoy na pinakinis ng mabuti at binarnisan. Ano?
Estudyante 2: (nautal) Ang una ay binubuo ng tanso o pagkahalo ng ibat ibang metal. Ang
ikalawa ay …
Padre Millon: Tsk. Tsk. Hindi iyon! NApakalayo naman ng sagot mo. (inulit muli ang tanong)
Klase: (nagtawanan)
Padre Millon: Napakabuti mong halimbawa ng kamagong! Alin ang tinatawag mong salamin:
Ang ibabaw ba o bagay na kumkumpleto dito, ang bagay na kinakapitan ng ibabaw na
nagkakaroon ng pagbabago dahil sa ibabaw nito? Tignan natin kung ano ang isasagot mo.
Padre Millon: Kung ang pang-ibabaw ay salamin, walang halaga ang nasa ilalim nito dahil
anuman ang bumubuo sa ilalim nito ay walang pakinabang. Kaya pang-ibabaw lang ang salamin.
Tinatanggap mo ba o hindi?
Padre Millon: Maaari kong kayurin ang puting tingga sa salamin at palitan ko ng bibingka at
http://slidepdf.com/reader/full/el-filibusterismo-kabanata-12-14 4/12
5/20/2018 ElFilibusterismo Kabanata12-14-slidepdf.com
Padre Millon: (nabaling ang tingin kay Juanito) Ikaw! Masasagot mo ba ang tanong?
Padre Millon: Aha! Kung gayo’y probo consequentian! Ang pang -ibabaw na kininis ba ang
Juanito Pelaez: Nego!
Padre Millon: Pinaniniwalaan mong ang nasa ilalim ang nagbibigay halaga sa ibabaw?
Juanito Pelaez: Nego!
Placido Penitente: Aray!
Padre Millon: Hoy ikaw tagabulong! Hindi kita tinatanong pero sumasagot ka. Ngayon, sagutin
mo ko.
Padre Millon: Ang salamin ay binubuo ng tanso at ibat ibang metal totoo ba o hindi?
Padre Millon: Kung gayon, may halo rin itong merkuryo na isa ring metal. Ang salaming bubog
ay salaming metal… Hindi maliwanag ang pag -uuri rito. Paano mo mapapaliwanag iyan,
magaling na tagabulong?
http://slidepdf.com/reader/full/el-filibusterismo-kabanata-12-14 5/12
5/20/2018 ElFilibusterismo Kabanata12-14-slidepdf.com
Padre Millon: Ibig bang sabihin nito na hindi mo pinag-aralan ang iyong leksyon mesirableng
kaluluwa? Hindi mo naiintindihan ngunit tinuturuan mo ang iyong katabi.
Klase: (tumawa)
Padre Millon: Aha! Placido Penitente. Mas mabuting itawag sayo ay Placidong tagabulong.
Bibigyan rin kita ng parusa.
Padre Millon: Palencia, Palomo, Panganiban, Pedrasa, Pelaez, Penitente, labinlimang ulit na
kusang hindi pagpasok sa klase!
Padre Millon: Labinlimang ulit na kusang hindi pagpasok sa klase. Isa na lamang ay
makakapagliwaliw ka na!
Placido Penitente: Apat na ulit lamang po ako lumiban, at kung isasama ang araw na ito ay lima
lamang.
Padre Millon: Inaamin mo na lumiban ka ng limang araw, at alam ng Diyos kung ilan pa. Sa
tuwing nakakakita ako ng isang pagliban ay nilalagyan ko ng limang guhit laban sa kanya.
Nakalimot ka na ata sa multiplikasyon. Ilan na ang lima na pinarami ng lima?
Placido Penitente: Ngunit padre, kung lalagyan niyo ako ng guhit sa leksyong hindi ko inaral
kailangan po tanggalin niyo ang guhit sa pagliban ko sa pagpasok ngayon.
Placido Penitente: Sapagkat hindi ko lubos maisip kung paano ang sinumang wala sa klase ay
makakapagsalaysay sa leksyon sa klase.
http://slidepdf.com/reader/full/el-filibusterismo-kabanata-12-14 6/12
5/20/2018 ElFilibusterismo Kabanata12-14-slidepdf.com
Padre Millon: Naku pilosopo pa! Hindi mo ba naisip na maaaring hindi pumasok sa klase ang
mag-aaral at kasabay ang hindi pag-alam ng leksyon. At ang hindi ba pagpasok ay
nangangahulugan na ng karunungan. Ano ang sagot mo batang pilosopo?
Placido Penitente: Tama na Padre! Tama na! Maaari niyo akong markahan ng lahat ng liban na
naisin ninyo ngunit wala kayong karapatan insultuhin ako. Dito kayo sa inyong klase ngunit ako
ay hindi na makakatagal dito (lumabas)
Klase: (nagulat)
Pecson: Wala akong ibig sabihin ukol diyan, Sandoval. Naniniwala akong may sarili siyang
pagukuro at ang mga ito ay ay on lamang sa naaabot ng kanyang mga kamay at ito’y maliwanag!
Sandoval: Huwag ninyong guluhin ang mga bagay-bagay! Subalit bigyan ninyo ako ng patunay,
magbigay kayo ng isang kaso! Lumayo tayo sa mga walang saysay na pag-uusap sa walang
laman na kasabihan. Pumunta tayo sa katotohanan. Katotohanan lamang, katotohanan! Ang
iba’y mga haka-haka lamang at alin man sa mga ito ay ayokong tawaging subersibo.
Hayan na! pagiging subersibo na ang pinag-uusapan subalit hindi ba maaaring mangatwiran ng
hindi mapapagbintangan ng masama?
http://slidepdf.com/reader/full/el-filibusterismo-kabanata-12-14 7/12
5/20/2018 ElFilibusterismo Kabanata12-14-slidepdf.com
Pecson: Noon ay nagkaroon ng isang paghuhukom sa pgitan ng mga karaniwang tao at mga
prayle. Nagdesisyon ang Kapitan-Heneral na ibigay sa pinunung korporasyon dawit sa kaso ang
proseso ng batas.
Sandoval: Subalit ano ang maaaring batayan, sabihin ninyo, ano ang maaaring maging batayan
nila upang hindi pahintulutan ang isang bagay na ikabubuti at talagang kailangan ng bayan?
Pecson: Mga manggagamot ng kabanal- banalan simbahan ay… ano nga ba ang aking alam?
Marahil ay natatakot sila na baka makilala natin sila ang mga batas at sundin ito… ano nga
naman ang mangyayari sa sandaling tayong mga Pilipino ay magkaunawaan?
Sandoval: Subalit ano ang magsisilbing basihan upang tanggihan nila ang pagkakaroon ng
akademya ng wikang kastila?
Pecson: Dahil sa gabi ang magiging oras ng klase, makasisira raw iyon sa kagandahan asal ng
mga mag-aaral, tulad ng naging paghadlang nila sa layunin ng mga kababaihang nagkaroon ng
paaralan sa Malolos.
Sandoval: Subalit sa gabi rin idinaraos ang pagtuturo sa akademya ng pagguhit, tulad din ng
nobena at prusisyon.
Estudyante 1: At kung sino ang nanggaling sa itaas ay tagumpay. Mayroong paaralan ng sining
at kalakal.
http://slidepdf.com/reader/full/el-filibusterismo-kabanata-12-14 8/12
5/20/2018 ElFilibusterismo Kabanata12-14-slidepdf.com
Sandoval: Hinay lang, mga ginoo. Hindi ako makaprayle. Kilala ninyo ang aking liberal na pag-
iisip, subalit ipagkaloob natin kay Caesar ang kay Caesar. Ang paaralan ng sining at kalakal na
pinamumunuan ng mga prayle ay isang institusyon kung saan ako ang tagapagtanggol at sa
pagkakatatag nito ay ibibigay ko ang aking pagbati sa unang araw ng umaga sa munting bayan
na ito.
Pecson: O, aso ng hardinero, alin man ay magkapareho.
Sandoval: Hayan na naman kayo! Wala kayong alam kundi negatibo. Habang walang tiyak na
patunay ng masasamang hangarin ay huwag tayong mawalan ng pag-asa huwag nating hatulan
ang malayang pamamalakad ng pamahalaan.
Ang pamahalaan ng Espanya ay binigay sa inyo ang lahat ng walang alinlangan. Mayroong batas
sa Espanya at mayroon rin dito. Nagpatayo ang mga prayle ng simbahan sa Espanya, may mga
simbahan ring sa ikatlong parte ng Maynila. Mga katoliko kami, at ginawa rin naming kayong
katoliko. Sa kabuuan, mga ginoo, kami ay tumatangis kapag kayo ay lumuluha, kami ay nagtitiis
kapag kayo ay nagtitiis, tayo ay may katulad na bahay dalanginan, magkatulad ng hukuman, at
alahat ay ibibigay sa inyo pati na ang aming karapatan at sariling kaligayahan.
Katulad ng aking sinabi, mga ginoo, ang pagsikat ng araw ay hindi malayong abutin ng inyong
bansa. Ang Espanya ay bukas sa minamahal niyang Pilipinas at sa mga oras na pagbabago. Ito
ang pamahalaan na ayon sa inyo ay mapag atubili at walang maisip. Bakit hindi natin siya bigyan
ng lakas ng ating pagtitiwala? Gumawa tayo ng paraan upang ipakita na tayo ay umaasa sa
kanya. Ating ipaalala sa kanya sa pamamagitan ng ating samahan na tayo ay may tiwala sa
kanyang magandang hangarin at hindi padadala sa mga alituntunin at iba pang huwaran bukod
sa hustisya at sa mga taong namamahala.
Hindi mga ginoo, hindi dapat natin tanggapin na maaaring mga kaaway ang hiningan natin ng
tulong dahil kapag nangyari ito’y nangangahulugan lamang ng pagpaparaya sa mga bagay na
nagawa nila. Ang samahan ay tahas, matapat at walang pag-aalinlangan, ginagabayan ninyo ito
ng payak at tuwid. Ang pagkilala na inyong ipinaliwanag ay hindi maaaring ipagwalang halaga.
Ang inyong layunin ay ang mabawasan ang bigat ng pagtuturo sa mga unang taon at upang
tulungan na mapadali ang pag-aaral ng daan-daang pag-aaral na nagsisiksikan sa silid aralan at
hindi makayanan ng isang guro lamang.
Pagsikat ng araw bukas ay makikita natin ang ating pagsisikap na ginagantimpalaan ng papuri at
pasasalamat na galing sa inyong bansa.
Lahat: (nagpalakpakan)
http://slidepdf.com/reader/full/el-filibusterismo-kabanata-12-14 9/12
5/20/2018 ElFilibusterismo Kabanata12-14-slidepdf.com
Juanito Pelaez: Tulutan natin itong itala, mga ginoo. Na ako ang isa sa mga pangunahing
gumawa ng hakbang.
Pecson: (Hindi nakitaan ng kasiglahan) Sana ay hindi natin dalhin ang ating petisyon sa ating
mga paa. Magaling, magaling! Talagang magaling! Subalit ang Kapitan-Heneral, paano kung
humingi nga siya ng humingi ng kuro-kuro at mga palagay, ngunit pagkatapos ay hindi pa rin
sang-ayon na pahintulutan tayo?
Sandoval: E, di…
Pecson: E, di ano?
Sandoval: E, di! Sa kabila ng mga papeles at mga artikulo kung saan ay pinangangalandakan nila
ang hangarin na matuto kayo ay lumalabas na tila hinaharangan at pinagkakait nila ito sa inyo
ngayon. Dahil dito, mga ginoo, nakasisiguro akong hindi napunta saw ala ang inyong pagsisikap
sapagkat nakamit ninyo ang hindi pa nakakamit ng sinu pa man: Inalis ninyo ang kanilang
maskara at nailantad ang kanilang pagbabalat kayo, kaya’t kailangang tanggapin ang hamon!
Sandoval: pagkatapos, kung isa man sa mga Pilipino ay hindi nangahas na tugunin ang hamon,
ako si Sandoval, sa ngalan ng Espanya ang tatanggpan ng hamon. Naniniwala akong ang
pagtanggi niyang ito ay hindi tugma sa magandang hangarin na lagi niyang sinasabing nais niya
para sa kanyang nasasakupan, at sa kadahilanan ding hindi dapat tangkilikin ng Espanya o ng
mga mamamayan nito ang isang taong hindi pinahahalagahan ang tungkuling iniatang sa kanya
at inabuso ang nasabing kapangyarihan.
Pecson: Magaling talaga. Napakagaling, Sandoval. Iyan din ang aking masasabi kung ako’y isang
peninsular na katulad mo. Subalit hindi ako katulad mo. Kung ako ang magsasabi ng kalahati ng
iyong mga sinambit, ikaw mismo ang magsasabi na ako ay kasiraan.
(Bagong dating) Macaraig: Mabuhay! Mga kaibigan, mabuhay! Tagumpay! Mabuhay, mga
kaibigan. Mabuhay ang wikang Kastila.
http://slidepdf.com/reader/full/el-filibusterismo-kabanata-12-14 10/12
5/20/2018 ElFilibusterismo Kabanata12-14-slidepdf.com
Narrator: Si Macaraig, ang lider ng kilusan, siya ang nagmamay-ari ng bahay na tinutuluyan ng
mga mag-aaral, maganda ang kanyan ugali, at sobrang yaman. Kilala siya sa kasipagan sa
kanyang pag-aaral at sikat sa kanyang kahusayan sa pakikipagtalo. Dahil sa mga katangian nito,
kasama na ang kanyang katapangan at mabuting pakikitungo sa iba, nagkaroon ng maraming
Macaraig: Sinabi sa akin ni Padre Irene ang naganap sa Los Banos. Pinag-usapan nila ang
panukala sa halos isang lingo. Pinaglaban at pinagtanggol niya ang ating hangarin laban sa mga
padre, Kapitan-Heneral, at si Simoun.
Sabad ng isa: Ang mag-aalahas na si Simoun? Subalit ano ang kinalaman niya sa ating bansa? At
Estudyante: Tumahimik!
Sabad ng isa: Marami ring kawani ng pamahalaan ang labag sa ating balak. Ang director ng
pangasiwaan, ang Gobernador Sibil, at ang Intsik na si Quiroga.
Macaraig: Sa bandang huli, binalak na sanang ipagliban ng ilang buwan ang panukala nang
biglang maalala ni Padre Irene ang mataas na lupon ng paaralang primarya at dito niya
iminungkahing dalhin ang ating panukala kasi may kinalaman ito sa pagtuturo ng wikang kastila.
Macaraig: Iyan nga ang kanilang isinagot kay Padre Irene. Ngunit ayon naman sa kanya, mabuti
nga at mabubuhay itong muli at sa angking kasipagan ni Don Custodio, iminungkahi agad ni
Padre Irene na gawin itong tagapasya. Nasa mga kamay na ni Don Custodio ang ating panukala.
Ipinangako niya na magkakaroon ng kasagutan ang ating kahilingan sa buwang ito.
Macaraig: Iyan din ang aking hinaing kay Padre Irene, subalit sinabi niya na marami na tayong
nagging pakinabang. Nailantad na natin ang suliranin at kailangang matugunan ng ating mga
http://slidepdf.com/reader/full/el-filibusterismo-kabanata-12-14 11/12
5/20/2018 ElFilibusterismo Kabanata12-14-slidepdf.com
kalaban ang hamong ito. Kung mahihikayat natin si Don Custodio, maglalabas siya ng pahayag
na pabor sa atin. Ang Kapitan-Heneral naman ay tiyak na walang pinapanigan.
Macaraig: Tama na ang tungkol kay Quiroga. Hindi siya pag-uukulan ng pansin ni Don Custodio.
Estudyante: Ang isa pang paraan ay dumulog sa abogado’t t agapayo ni Don Custodio, si Señor
Pasta.
Isagani: Sang-ayon ako riyan. Si Señor Pasta ay isang Pilipino at naging kamag-aral ng aking
(Umiling si Isagani)
Juanito Pelaez: Hindi tayo dapat maging maselan. Ang hakbang ay hindi dapat mangibabaw sa
adhikain. Kilala ko si Matea na may sariling pagawaan kung saan maraming babaeng
manggagawa.
Isagani: Hindi, mga kasama. Gawin muna natin ito sa matapat na paraan. Ako ang pupunta sa
tahanan ni Señor Pasta. At kung wala akong makamit, maaari na ninyong gawin ang nais niyo.
(Sumang-ayon ang lahat sa mungkahi ni Isagani at napagkasunduan na ito ang kakausap kay
Señor Pasta sa araw rin na iyon.)
http://slidepdf.com/reader/full/el-filibusterismo-kabanata-12-14 12/12