You are on page 1of 5

KABANATA XIII

Klase sa pisika
ANG MGA TAUHAN
 Padre millon –isang batang Dominikong
napabantog sa pilosopiya sa Kolehiyo ng San
Juan de Letran/guro sa pisika
 Placido penitente - isang mag aaral sa
Unibersidad ng Santo Tomas
 Juanito pelaez –siya ang kamag aral ni
placido
BUOD
 Isang silid na taluhaba ang silid ng klase. Ang upuan ay parang
hagdan na tatlong baytang at nakapaligid sa 3 panig ng silid.
Sa isang dulo ng silid ay ang hapag ng guro na sa likod ay ang
pisarang may nakasulat na Viva! na naroon mula pa nang
unang araw ng pasukan sa taong iyon. Walang palamuti ano
man ang mga dingding na bato. May mga kasangkapan sa
pisika nguni’t ito ay nakasusi sa isang aparador na may
salamin at kung gamitin man ay ipinakikita lamang sa klase
mula sa malayo tulad ng Santisimo ng Pare. Iyon ay ipinakikita
lamang sa mga dayuhan upang di masabi ng mga ito na
nahuhuli ang UST sa ibang bansa sa kahusayan sa pagtuturo at
kaya lamang di natututo ang mga Pilipino ay dahil katutubo
ang walang-katalinuhan. Ang guro, si Padre Millon ay isang
batang Dominikong napabantog sa pilosopiya sa Kolehiyo ng
San Juan de Letran. Iyon ang una niyang pagtuturo ng pisika.
BUOD
  Unang tinanong sa klase ang isang antukin. Parang
ponograpo itong tumugon ng isang isinaulong leksiyon na
ukol sa salamin, bahagi nito, kauriang bubog o kalaing.
Pinatigil ng guro ang estudyante. Pinilosopiya ang musika.
Kung kalaing, metal at bubog daw ang salamin ano raw uri
ang kahoy na may makintab na barnis o marmol na binuling
maigi? Di tinugon ng estudyante ang tanong. Ipinagpatuloy
ang isinaulong aralin na parang plakang natigil at muling
pinaandar sa ponograpo. Pinatigil uli ang estudyante,
muling tinanong sa sampay bakod na kastila. Binulungan
ito ni Pelaez. Mali ang idinikta. Sinunod nito. Natawa pati
ang guro matapos insultuhin ang estudyante. Sa huli ay
napuno na si Placido at sinabing walang karapatan ang pari
na magsalita ng ganoon. Wala daw itong karapatang mang
alipusta ng kapwa at bigla na lang umalis ito ng klase.
PAHIWATIG
 Ang mga mag aaral noong panahon na iyon ay
hindi nasisiyahan sa pamamalakad at
pamamaraan ng pagtuturo sa pamantasan.
Sila’y naghain ngkahilingan upang magkaroon
ng pagababago

You might also like