You are on page 1of 25

Placido Penitente ay isang mag-aaral ng Bachiller en Artes sa Unibersidad ng Santo Tomas sa nobelang El Filibusterismo ni Jose Rizal.

Siya ay ang kaisa-isang anak ni Kabesang Andang na nagmula sa Tanawan, Batangas.

Siya ang tinuturing na pinakamagaling sa Latin at sa pakikipagdebate. Kinikilala siya bilang pinakamatalino sa klase at dahil sa kaniyang katanyagan ay ibinilang siya sa mga pilibustero ng kanilang mga kura. Siya ay may maraming salapi at maayos na pananamit ngunit nanghihinawa sa pagpasok at kinasusuklaman ang mga aklat.

Mahalaga ba ang makatapos nga pag-aaral?

Bakit kaya may mga mag-aaral na kahit marunong sila e gusto na nilang tumigil sa kanilang pag-aaral

Manghingi

Uri ng likas na agham

kuntribuston

Araw na naipit sa dalawang araw ng pista

Isang simbolo o marka na itnayo bolang paspaparangal sa isang bagay, bayani, kagitingan o anumang parangal na inihahandog

Pinakamatalino, pinakamagaling sa Latin, mahusay makipagtalo, at mabuting umiwas sa magusot na suliranin.

Kinagigiliwan ng mga propesor at anak ng isang mestisong mangangalakal.

Isang napakagandang estudyante na dumating a paaralan sakay ang karwahe kasama ang kanyang tiyahin na si Donya Victoriana.

Isang magaaral ng medisina at kasintahan ni palita.

Isang pilyong mag-aaral na kinagigiliwan parin ng mga propesor, nakakapasa, at wari ay may magandang kinabukasan.

Malungkot na patungo sa Unibersidad ng Santo Tomas si Placido Penitente sapagkat ibig na niyang tumigil ng pag-aaral tulad ng nasabi na niya sa 2 sulat niya sa ina. Pinakiusapan nga lamang siya ng ina na kahit batsilyer sa artes ay matapos niya.Nasa ikaapat na taon na siya.

Nagulat pa si Placido nang makapasok na siya sa Magallanes (dating Sto.Domingo) at siyay tapikin ni Juanito Pelaez sa balikat. Si Pelaez ay mapaghangin at paborito ng mga guro. Anak ng mestisong Kastila. Mayaman. May pagkakuba.

Kinumusta ni Juanito ang bakasyon ni Placido. Pagkatapos ay ibinalita ang pagbabakasyon niya sa Tiyani, kasama si Padre Camorra. Nangharana raw sila ng magagandang babae. Wala raw bahay na hindi nila napanhik. At may ibinulong kay Placido na ikinamangha tila ni huli. Tanga raw si Basilio sa pagkakaroon ng katipang tulad ni Huli. Pero susuko rin daw si Huli kay Padre Camorra

Ang paghahangad ni Placido na magtigil ng pag-aaral ay palaisipan sa kanyang mga kababayang taga Tanawan. Siya ang pinakamatalino sa bantog na paaralan ni Padre Valerio roon. Hindi naman siya sugarol, walang kasintahang magyayayang pakasal, at laban sa mga aral ng Tandang Basyong Makunat, masalapi.

Nagtanong ng leksyon si Palaez kay Penitente sapagkat noon lamang papasok ang kuba. Laging walang pasok noong nakaraang mga araw. May kaarawan ng guro, may pista ng santo, mayroong umambon.

Ang leksyon daw nila ay ukol sa mga salamin. Niyaya ni Pelaez si Penitente na maglakwatsa. Tumutol si Placido. Nagpatuloy sila ng paglalakad. May naalala si Pelaez, nanghingi ng abuloy para sa monumento ng isang paring Dominiko. Nagbigay si Placido para magtigil na si Pelaez at alam din ng Batangueno na nakatutulong ang gayong mga abuloy sa pagpasa ng estudyante. Malapit na sila sa Unibersidad. Naroon si Isagani na nakikipagtalo ukol sa aralin.

Ang ibang estudyante ay tumitingin sa magagandang dalagang nagsisimba. Namutla at namula sa lugod si Isagani nang magkulasan ang mga mag-aaral at makatingin sa isang bagong dating na victoria o karuwahe. Nakita niya si Paulita Gomez, ang kanyang katipan, na kasama si Donya Victorina. Si Donya Victorina ay ngumiti kay Juanito Pelaez. Si Tadeo na kaya lamang pumasok sa paaralan ay upang alamin kung may pasok at kung mayroon ay aalis at magdadahilang maysakit ngunit nakapapasa, sa anong himala ay napasunod kay Paulita sa simbahan.

Nagpasukan na sa paaralan ang mga estudyante. Ngunit may tumawag kay Placido. Pinalagda si Placido sa kasulatang tutol sa balak na pag-paaral kay Macaraig. Hindi lumagda si Placido. Walang siyang panahong basahin ang kasulatan. Nalaala niya ang isang amain na nawalan ng mga pag-aari nang lumagda sa isang kasulatang di binasa. Ngunit sa matagal na pagpipilitan ay nahuli sa klase si Placido Penitente. Pumasok parin si Placido. Hindi lang patiyad.

Pinatunog pa ang takong ng sapatos. Inakala niyang ang pagkakahuli niya ay pagkakataon na upang siyay mapuna at makilala ng kanyang guro. Silay may mahigit na 150 sa klase. At siya ngay napuna ng guro na lihim na nagbanta, "Bastos magbabayad ka sa akin".

You might also like