You are on page 1of 2

Ginagawang vetsin ang matatanda! Walang respeto sa indibidwal na mga karapatan! Walang diyos!

Ito ang ilan lang sa maraming reaksiyon tuwing nababanggit ang mga salitang “Kaliwa,” “Sosyalismo”
at/o “Komunismo.” Dala ito ng deka-dekadang villification campaign o paninira sa mga grupo o kilusan
ng mga mamamayan na nagtataguyod ng radikal na mga pagbabago sa lipunan.

Siyempre, karamihan sa mga reaksiyon, hindi totoo o eksaherado. Tulad na lamang ng mga reaksiyon ng
ilan sa pahayag ng presumptive president, si Rodrigo Duterte, noong nakaraang linggo na gusto niyang
ilaan sa Communist Party of the Philippines o CPP ang apat na posisyon sa gabinete. Muling naungkat
ang kung anu-anong akusasyon na pawang mga batayan o eksaherado.

Ganyan din ang naging reaksiyon ng ilan nang sabihin ni Duterte na siya ang magiging unang “Kaliwang”
presidente ng bansa. Pasok ba sa totoong pakahulugan ng “Kaliwa” o “sosyalista” ang papapasok na
pangulo ng bansa?

Kayo na ang maghusga. Samantala, heto ang maiiksi, pero tumpak, na depinisyon namin sa tatlong
nabanggit na termino.

TOKENISMO? Idineklarang Person of the Year ng Time Magazine ang "protester" noong 2012--panahon
ng pag-igting ng protestang Arab Spring sa Gitnang Silangan.

TOKENISMO? Idineklarang Person of the Year ng Time Magazine ang “protester” noong 2011–panahon
ng pag-igting ng protestang Arab Spring sa Gitnang Silangan.

Kaliwa

Karaniwang katawagan ito sa pulitika kaugnay ng mga tao, grupo o puwersang tumutunggali o
lumalaban sa bulok na sistema at nananawagan ng pagbabago ng lipunan. May iba’t ibang saray o antas
ang nabibilang sa sinasabing Kaliwa: pinakaradikal na Kaliwa ang naniniwala sa armadong pakikibaka
bilang pangunahing sandata sa pagsusulong ng rebolusyon o pagbabago ng lipunan. Itinuturing ni
Duterte ang sarili na kabilang sa kaliwa (“left of center”) na naniniwala sa pagbabago pero hindi sa
pamamagitan ng armadong pakikibaka.

Pahina ng isang isyu ng Life Magazine kung saan lumabas ang photo story ng tinaguriang ama ng
photojournalism na si Henri Cartier Bresson noong 1961. Ang mga larawan ay kuha sa sosyalistang
China. Si Bresson ay isa ring Kaliwa at komunista noong kabataan niya sa France.

Pahina ng isang isyu ng Life Magazine kung saan lumabas ang photo story ng tinaguriang ama ng
photojournalism na si Henri Cartier Bresson noong 1961. Ang mga larawan ay kuha sa sosyalistang
China. Si Bresson ay isa ring Kaliwa at komunista noong kabataan niya sa France.
Sosyalismo

Isang panlipunang sistema na planado ang ekonomiya, at ang mga estratehikong industriya (o
“commanding heights” ng ekonomiya) ay pag-aari ng buong sambayanan at hindi ng iilan. Tinatawag
itong lipunan ng mga manggagawa hindi lamang dahil ang malaking mayorya ng populasyon ay mga
manggagawa kundi ang produktong nililikha ng mga manggagawa ay pinakikinabangan nila at ng buong
lipunan at hindi ng iilan.

Sa sosyalismo, ang produksiyon ay para sa pangangailangan ng lipunan at hindi para sa tubo. Hinahati
rito ang produkto ng lipunan sa mga mamamayan nang naaayon sa kapasidad/abilidad sa paggawa ng
bawat isa. Itinuturing ang sosyalismo na transisyong yugto tungo sa komunismo.

Dito sa Pilipinas, sinasabi ng Communist Party of the Philippines na maitatayo lang ang sosyalismo
matapos mapalaya ang lipunan sa salot ng imperyalismo, piyudalismo at burukrata kapitalismo, sa
pamamagitan ng pambansa-demokratikong rebolusyon.

Artwork ni Paul Buckley para sa graphic deluxe edition ng Penguin Books noong 2010 sa librong "The
Communist Manifesto" nina Karl Marx at Friedrich Engels. (Mula sa Flickr account ni Buckley)

Artwork ni Paul Buckley para sa graphic deluxe edition ng Penguin Books noong 2010 sa librong “The
Communist Manifesto” nina Karl Marx at Friedrich Engels. (Mula sa Flickr account ni Buckley)

Komunismo

Isang panlipunang sistema na napawi na ang pagsasamantala at umiiral ang pantay-pantay na katayuan
ng mga mamamayan, hindi lamang sa larangan ng ekonomiya kundi maging sa pulitika, kultura,
panlipunang relasyon at iba pa. Tulad ng sosyalismo, planado ang ekonomiya, pero nasa pag-aari ng mga
mamamayan ang lahat ng gamit sa produksiyon. Ang bawat isa ay nagtatrabaho nang ayon sa kanyang
kakayahan, at tinatanggap mula sa lipunan ang lahat ng kanyang pangangailangan.

Pero para mangyari ito kailangang inabot na ng lipunan ang rurok ng pag-unlad para matugunan ang
pangangailangan ng lahat. (At hindi lamang ito usapin ng pagkain, damit, tirahan at edukasyon kundi
pati rest & recreation.)

You might also like