You are on page 1of 42

ARALIN 13:

ANG MGA IDEOLOHIYA,


COLD WAR, AT
NEOKOLONYALISMO
POKUS NG
ARALIN:
Matapang na hinarap ng
sandaigdigan ang mga hamong
inihain ng mga Lumabas na bagong
ideolohiya, cold war, at
neokolonyalismo sa pagtatapos ng
Ikalawang Digmaang Pandaigdig
PAG-ISIPAN MO
Ang United States at Soviet Union ay
tinaguriang "superpowers" sa pagtatapos ng
Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Bilang
superpowers hindi naging maganda ang
relasyon ng dalawang bansang ito, at ang
relasyong ito ay nauwi sa tinatawag na COLD
WAR na natapos lamang noong 1991.
ALAMIN MO
Sa pagtatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig,
naganap ang Cold War, lumabas ang iba't-ibang
ideolohiyang pinaniwalaan at ginawang batayang
pang-politikal at pangekonomiya ng mga bansa sa
daigdig. Ang sumusunod ay ang mga ideolohiyang
lumabas.
Mga Ideolohiyang
Lumaganap Sa
06 Pagtatapos ng
Ikalawang Digmaang
Pandaigdig
Ang ideolohiya ay tumutukoy sa isang takdang
pinaniniwalaan o opinyon na pinahahalagahan ng isang
pangkat ng tao o indibidwal sa isang lugar. Ito ay
kadalasang nagsisilbing basehan ng mga solusyon ng
mga mamamayan at pamahalaan sa isang isyu o
patakaran.
02 Kapitalismo
Ang kapitalismo ay unang ipinakilala ni Adam Smith
sa kaniyang aklat na The Wealth of Nations, kung
kaya't siya ang kinikilalang Ama ng Modernong
Kapitalismo. Ang kapitalismo ay nakasentro sa
ideya na ang pamahalaan ay hindi kailangang
makisangkot sa pagnenegosyo at sa ekonomiya.
Naniniwala ang mga kapitalista na ang pamilihang
pang- ekonomiya ay kinakailangang kontrolado
lamang ng mga pribadong negosyante na
nagbibigay-halaga sa kompetisyon at pagtatamo
ng tamang tubo sa pamilihan.
Matinding kinondena ni
Mahalaga ang kompetisyon sa
Karl Marx ang kapitalismo
kapitalismo. Ito ay nakatutulong sa
paglilinang nang higit na may sa katwirang hindi
kalidad na mga produkto. Nililinang pagbibigay halaga nito sa
din nito ang pagiging malikhain ng
kapakinabangan ng
mga negosyante at tuloy
nakapagbibigay nang maayos at nakararaming
makabagong serbisyo na higit na mamamayan. Ang
kapaki-pakinabang sa mga sumusunod ang kaniyang
kumokonsumo
katwiran:
Ang lakas manggagawa ay
Bagama't ang mga lakas- kailangang magtrabaho para sa
manggagawa ang nagpoprodyus ng kapitalista na siyang may kabuuang
mga produkto para sa pamilihan, ang kontrol sa lahat ng paraan ng
kapitalista ang nagkokonyrol ng produksiyon at nananatiling
lahat ng bagay; makapangyarihan sa paggawaan
Sosyalismo
Para kay Karl Marx, ang sosyalismo ay tumutukoy
sa isang lipunang nagbibigay pahintulot o halaga
sa pagsasakatuparan ng kakayahan ng tao, sa
pamamagitan ng pagbibigay dito ng katapat na
kapangyarihan sa buong operasyon ng
produksiyon. Ang sosyalismo ay tumutukoy sa
ideya na ang pamahalaan ang kinakailangang
magpatakbo ng ekonomiya at ang lahat ng
mamamayan ay kinakailangang magkaroon nang
pantay na oportunidad na makibahagi sa
anumang benepisyong magmumula rito.
Ang mga bansang tumanggap sa sosyalismo ay
karaniwang nakapagbibigay ng hanapbuhay sa mga
mamamayan nito. Ito ay dahilan sa kakayahan ng
sosyalistang pamamalakad na maglinang ng negosyo
na nakapagbibigay nang higit na hanapbuhay sa mga
mamamayan nito. Bukod sa bagay na ito, karaniwan na
ring higit na mababa ang buwis na sinisingil sa mga
nagnenegosyo sa ganitong uri ng ekonomiya. Ang
sumusunod ay ang kasalukuyang bansang nananatiling
sosyalismo ang tanggap na ideolohiya:
2 Setyembre
1945

Socialist Republic of
Vietnam
1 Oktubre 1949 2 Disyembre
1975
People’s Republic
24 Pebrero 1976 Lao People’s Democratic
of China
Reupublic
Republic of Cuba
Ang ideolohiyang komunismo ay nilinang
nina Karl Marx at Friedrich Engels. Ito ay
kabaligtaran ng kapitalismo. Ang
komunismo ay isang pampolitikal at
pang-ekonomiyang doktrina na
nagsusulong sa ekonomiyang pampubliko Friedrich Engels
kung saan ang produksiyon at yamang
likas ng bansa ay pag-aari ng lahat ng
mamamayan.
Karl
Marx
Karl Marx Friedrich Engels
Sa politikal na aspekto, ang partidong komunista ang may absolut na
kapangyarihan at ang halalan ay hawak lamang ng iisang Partido. Sa
aspektong ekonomya naman, ang Partido ang siyang kumokontrol sa
ekonomiya ng bansa. Ilegal ang pribadong pagmamay-ari sa komunismo ngunit
nagkaroon na ng pagbabago sa bagay na ito sa ibang bansa tulad ng China.
Ayon sa mga pangunahing tagapagsulong ng ideolohiyang ito na sina Karl
Marx at Friedrich Engels, makakamit lamang ang komunismo kung maunlad
ang teknolohiya at industriyalisado ang isang bansa.
Ayon kay Karl Marx, may
dalawang mukha ang
komunismo na maaaring
magpabagsak sa kapitalismo:
01 02
Una - sistemang transisyunal Ikalawa - ang itinuturing na ganap na
kung saan ang mga komunismo na naglalarawan ng lipunang

naghahanapbuhay ang siyang walang kinikilalang antas ng mga tao o


pamahalaan kung saan ang produksiyon at
magkokontrol sa pamahalaan at
distribusyon ng produksiyon ay nababatay
ekonomiya na nagbibigay-halaga
sa prinsipyong "From each according to his
rin sa pagpapasahod ng mga tao
ability, to each according to his need..." na
ayon sa oras at kahusayan na unang ginamit ni Louis Blanc noong 1851 at
kanilang inilagi sa pinatanyag ni Karl Marx sa kaniyang
paghahanapbuhay. Critique of the Gotha Program.
Sina Engels at Marx ang nagsambit na babagsak ang kapitalismo dahil
sa pang-aabuso ng mga Kapitalista (bourgeoisie) sa kanilang mga
manggagawa (proletariat). Sila ang nagpasimula ng Sosyalismong
Marxism.

Ang sumusunod ay ang mga bansang nagpapatupad ng


ideolohiyang komunismo: China, Cuba, Laos, North Korea (DPRK,
Democratic People's Republic of Korea), Vietnam (Socialist
Republic of Vietnam):
Ang sumusunod na bansa naman ay pinangangasiwaan ng mga
partidong komunista bagamat hindi naman mga bansang komunista
sa dahilang hindi naman iisa ang partidong politikal sa mga bansang
ito at ang partidong komunista ay hindi naman binibigyan ng
kapangyarihan ng kanilang saligang batas: Nepal, Guyana, at
Moldova
Konserbatismo
Ang konserbatismo ay ideoyolohiyang Ang pangunahing prinsipyo ng
kultural, sosyal, at politikal. Ang konserbatismo ay napapalooban ng
pangunahing katangian nito ay ang tradisyon, katutubong lipunan, antas ng
mapanatili ang kaayusan sa bansa (Status autoridad, at karapatan ng pagmamay-ari.
Quo). Ito ay naniniwala na ang tradisyunal Isinusulong din nito ang pagpapanatili ng
na kinagisnan ay mas mahalaga kaysa sa mga institusyong tulad ng relihiyon,
mga makabagong sistema na hindi naman
maaasahan na makapagbibigay nang
pamahalaang parliyamento, at karapatang
malinaw na direksiyon at solusyon sa mga pag-mamay-ari sa layong mabigyang diin
kakaharaping suliranin ng bansa. ang pagpapatatag at pagpapatuloy ng
lipunan.
Liberalismo Ang ideolohiyang ito ay
Ito ay isang pilosopiyang moral Karaniwan nang unang nalinang noong
at politikal na nakabatay sa sumusuporta ang mga
mga karapatang indibidwal, panahon ng Enlightenment.
kalayaan, pagsang-ayon ng naniniwala sa liberalismo sa Tinatanggihan ng liberalismo
pinamamahalaan, at ideyang kalayaan, ang mga ideyang tanyag
pagkakapantay- pantay sa makatarungang halalan, noong panahon ng
batas. Ito ay kumikilala sa Enlightenment tulad ng
kakayahan ng isang indibidwal
karapatang sibil, kalayaang
na mapaunlad at makilala ang makapaghayag, kalayaang pamana sa mga pribilehiyo,
kaniyang sarili. Kumikilala rin pumili ng relihiyon, pagkilala sa relihiyon ng
ito sa kakayahan ng isang tao kalayaang makipagkalakalan estado, absolutong
na makapagbahagi ng kaniyang monarkiya at Divine Right
kaalaman at kakayahan na at magtamasa ng mga ari- of the Kings. Karaniwan
makasabay sa lipunan na arian. nang ibinibigay ang
kaniyang kinabibilangan karangalang naglinang ng
liberalismo kay John Locke.
Utilitarianismo
Ipinaglalaban ng prinsipyong ito ang ideyang
"pinakamabuti para sa nakararami" ang
dapat manaig. Binibigyang diin nito ang
ideyang ang isang aksiyon ay tama kung ito
ay nakabubuti sa lahat at mali naman kung
ito ay hindi nakapagdudulot ng kabutihan
para sa lahat.
Pasismo
Ipinaglalaban ng prinsipyong ito ang ideyang "pinakamabuti
para sa nakararami" ang dapat manaig. Binibigyang diin nito
ang ideyang ang isang aksiyon ay tama kung ito ay nakabubuti
sa lahat at mali naman kung ito ay hindi nakapagdudulot ng
kabutihan para sa lahat.
Sa ganitong pamahalaan, ang anumang
pinagmumulan ng balita na makakarating sa
mamamayan ay hawak ng pamahalaan (halimbawa:
telebisyon, radyo, pahayagan at iba pa). Lahat ng uri
ng oposisyon ay hindi tinatanggap sa ganitong
klaseng ideolohiya. Kalimitang nauugnay rito ang
Social Darwinism, isang paniniwala na ang mahihina
ay dapat nang maubos sa kahit anumang paraan
upang ang matira na lamang ay yaong mga
mahuhusay. Ang ideolohiyang pasismo ay naniniwala
na ang sentralisadong pamamalakad sa pamahalaan
lamang ang makabubuti sa mamamayan. Si Benito
Mussolini ang nagpasimula ng Pasismo, at ginamit
Tipikal na simbolo ng ang Romanong simbolong Fasces sa kaniyang
pasismo kasama ang Roman pamumuno. Ang Partidong Nazi ni Adolf Hitler ay
fasces (kaliwa) at si halimbawa ng pasismo.
Mussolini gamit ang Roman
salute (kanan).
Peminismo
(Feminism)
Ang peminismo ay tumutukoy sa pagtatanggol sa karapatan ng mga
kababaihan batay sa pagkakapangtay-pantay ng kasarian. Nang dahil sa
patriyarkal na kultura, nagkaroon ng diskriminasyon sa kasarian. Ito ang
dahilan kung bakit itinaguyod ng mga kababaihan ang ideyang
peminismo. Hangarin ng ideyang ito na maipantay ang turing sa mga
kababaihan sa mga kalalakihan.

Kasama rin sa ideolohiyang ito ang pagsulong sa pagbibigay


proteksiyon sa kababaihan laban sa iba't ibang uri ng pang-aapi,
diskriminasyon at karahasan. Sa madaling salita, isinusulong ng
peminismo na matamasa rin ng mga kababaihan ang mga
karapatan na tinataglay ng mga kalalakihan.
Si Mary
Wollstonecraft ang
itinuturing na kauna-
unahang peminist ng
ika-21 siglo. Bilang
kauna-unahang
piminist, ipinaglaban
niya ang Utopia kung
saan ang lahat ng uri
Si Mary Wallstonecraft at ang ng kasarian ay may
magkakapantay na
simbolo ng peminismo
karapatan,
Demokrasya

Ang ideolohiyang ito ay isa ring uri ng pamahalaan kung saan ang mga
mamamayan ng isang bansa ay nakikilahok sa pamumuno nito. Ang mga
mamamayan ay binibigyan nang pantay-pantay na karapatan sa pamamagitan ng
pagboto sa nais nilang mahalal sa pamahalaan. Nirerespeto nito ang saloobin at
opinyon ng bawat mamamayan. May dalawang uri ang demokratikong ideolohiya;
ang tuwiran at hindi tuwirang demokrasya. Ang tuwirang demokrasya ay
tumutukoy sa kung saan ang mga mamamayan ay nakikilahok sa pamamahala ng
bansa sa pamamagitan ng pagboto upang maipatupad ang isang batas. Ang hindi
tuwirang demokrasya naman ay makabagong mukha ng demokrasya na
tumutukoy sa pagpili ng mga mamamayan ng mga kinatawan upang mamahala ng
kanilang pamahalaan.
Ang pagtatatag ng karapatan ng mga kalalakihang bumoto
sa France noong 1848 ay isa sa mahalagang pangyayari sa
kasaysayan ng demokrasya na nasundan naman ng
karapatan ng mga kababaihang bumoto noong Agosto 18,
1920 sa United States, sa Pilipinas noong April 30, 1937.
Mayroon ding iba't ibang aspeto ang demokratikong
ideolohiya. Ito ay ang mga sumusunod:
Demokratikong Demokratikong Demokratikong
Pangkabuhayan Panlipunan Politikal
ito ay tumutukoy sa ito ay tumutukoy sa ito ay tumutukoy sa
pagtatanggol sa mga pagturing sa mga pagbibigay sa mga
karapatan ng mga mamamayan nang may mamamayan ng karapatan
manggagawa tulad ng pagkakapantay-pantay sa pagboto sa mga nais
karapatang magtayo ng sa lahat ng bagay. Hindi nilang mahalal sa
unyon at magwelga kung
man ito maganap nang pamahalaan, gayundin ang
sakaling magkaroon nang
buo, ito naman ay pagtanggal sa kanila kung
hindi pagkakasunduan ang
mga manggagawa at ang nakapagbibigay nang sakaling umabuso sila sa
may-ari ng isang kumpanya, sapat na pamantayan ng paggamit ng kanilang
pagawaan o napiling estado ng pamumuhay kapangyarihan.
paglingkuran ng isang para sa lahat.
indibidwal.
Ang Cold War
Sa pagtatapos ng Ikalawang Digmaang
Pandaigdig, ang United States at Soviet
Union ay kinilala bilang superpowers na
mahirap ng talunin sa anumang labanan. Sa
pagkakataong ito, lalong lumakas ang
kompetisyon sa pagitan ng dalawang bansa.
Sa kaniyang talumpati noong 1946 nagbigay ng babala
si Winston Churchill, punong ministro ng United
Kingdom na paparating na ang diktadurya at digmaan.
Bunsod ng babalang ito, agad na umaksiyon ang mga
kanluraning bansa sa pamamagitan ng pagtatayo ng
bulwark of containment o pananggalang laban sa
paglaganap nito upang hindi na dumami pa ang mga
bansang komunista. Ang pangyayaring ito ang
nagpasimula ng Cold War. Ang Cold War ay tumutukoy
sa pagtatagisan ng mga bansa na hindi gumagamit ng
dahas. Ito ay ginamit upang ilarawan ang mahigpit na
pagtutunggalian ng dalawang pinakamakapangyarihang
bansa: ang Union of Soviet Socialist Republic (USSR) at
United States (US).
Cold War
Ang Cold War ay nag-ugat sa magkaibang ideolohiya
na kanilang ipinaglalaban: komunismo para sa USSR at
kapitalismo naman para sa US. Ang mga katagang Cold
War ay unang narinig sa isa sa mga tagapayo ng
United States na si Bernard Baruch sa gitna ng
kaniyang talumpati sa House of Representatives sa
South Carolina noong ika-16 ng Abril 1947. Ang Cold
War ang ginamit nila upang mapatunayan kung sino sa
kanilang dalawa ang higit na makapangyarihan at ang
mas maimpluwensiya ang ideolohiya.
Ang pinag-aagawan nila noong mga
panahong iyon ay ang mga tinatawag na
Third World Countries. Na sa ngayon ay
tinatawag na developing Countries Ito ay
ang mga bansang hindi nagpapatupad ng
komunismo o kapitalismo sa kani-
kanilang bansa. Ang mga ito ay
kadalasang mga mahihirap na bansa.
Pinagmulan ng Cold
War (USSR kontra US)
Sa pagkakataong ito, hindi nasunod ang ipinangako ni
Joseph Stalin (USSR) na magkakaroon ng halalan sa Eastern
Europe at hindi rin natupad ni Pangulong Harry S. Truman
(US) ang pangakong pag-aayos upang itayong muli ang
Soviet Union na noo'y nasira sa digmaan. Ang hindi
pagtupad ng isa't isa sa kanikanilang mga pangako ang
nagwakas sa pagtutulungan ng US at USSR.
Napagkasunduan na ang Eastern Germany ay mapupunta
sa USSR at ang Naging popular ang terminong Cold War
dahil sa mamamahayag na si Walter Lippman.
Nabanggit din ni Prime Minister Winston Churchill ang
tungkol sa Iron Curtain na tumutukoy sa mga rason ng
paghihiwalay ng Eastern at Western Europe. Ito ay
tumagal mula 1945 hanggang 1990. Sa pagkakataong
ito, nagtayo ang Soviet Union ng pamahalaang
komunista sa mga karatig-bansa nito. Ito ay isinagawa
ng bansa sa takot na maaari siyang lusubin at masakop
ng kanilang kaaway na bansa na may kinikilalang ibang
ideolohiya. Ang mga karatig bansang ito ay nagsilbing
mga buffer state. Ang mga bansang ito ang tinaguriang
Council for Mutual Economic Assistance o Warsaw
Pact sa ilalim ng pamumuno ng Soviet Union. Ito ay
binubuo ng mga bansang Czechoslovakia, Hungary,
Romania, Bulgaria at Eastern Germany.
Buffer State
tumutukoy sa mga bansang nagsisilbing pananggalang sa
pagitan ng dalawang pangkat na nahahati sa dalawang
ideolohiyang hindi nagkakaunawaan. Iron Curtain Salitang
nilikha ni Winston Churchill, punong ministro ng United
Kingdom na naglalarawan sa politikal na hangganang
naghihiwalay sa Soviet Union kasama ang mga kaalyado
nitong mga bansa sa silangang sentral ng Europe mula sa iba
pang bansa sa kanluran.
The Iron Curtain, in black Warsaw
Ang itim na tuldok sa teritoryo ng
Pact countries NATO members[a]
mga bansang Warsaw Pact (Berlin)
Militarily neutral countries
Yugoslavia, member of the Non-
Aligned Movement
Samantala, ang kabilang bahagi naman ang tinaguriang North Atlantic Treaty
Organization sa ilalim ng pamumuno ng United States. Ang pinakakilalang
hangganang depensa sa pagitan ng mga bansang ito ay ang Berlin Wall at ang
Checkpoint Charlie na nagsisilbing simbolo ng kabuuang Iron Curtain sa kanluran.
Ang Berlin Wall ay ang guardiyadong konkretong hangganan na naghati sa Berlin
noong Hunyo 24, 1948 hanggang Mayo 12, 1949. Pinaligiran nito ang West Berlin
upang mahiwalay ito sa teritoryo ng East Germany. Ito ay itinatag ng German
Democratic Republic noong Cold War upang mapigilan ang pagtakas ng mga Aleman
sa kontroladong East Berlin ng Soviet Union sa West Berlin. Sa pangyayaring ito,
nahati ang lungsod ng Berlin sa dalawang sona ng idolohiya. Ito ang kinikilalang
unang malalang krisis na hinarap ng cold war.
ANG AIRLIFT SA BERLIN
Bilang tugon sa ginawa ng Soviet Union na pagharang sa daanang kalye papasok sa West
Berlin, sinimulan ng United States kasama ang mga kaalyado nitong United Kingdom ang
malawakang pagpapadala ng pagkain sa mga West Berlin ng pagkain at iba pang
pangangailangan sa daang himpapawid, Ang ginawang ito ng United States sa loob ng halos
isang taon, nagawang mapakain ang may 2 milyong tao sa West Berlin.
Ang Berlin Airlift ay mahalaga sa dahilang ito ay maituturing na malaking pagtatagumpay
sa panig ng United States at malaking kabiguan naman sa panig ng Soviet Union. Ang
airift ay natapos noong Mayo 12, 1949 ng tapusin ng Soviet Union ang blockade
matapos ang 11 buwan.
Sa buong panahon ng cold war, ito ay nagbunga ng suspisyong laban sa komunista at
pandaigdigang insedente na muntikan ng naglagay sa dalawang bansa sa bingit ng
malaking kapahamakang nukleyar.
Mga Anyo ng Cold War
May iba't ibang paraang ginamit ang
bawat bansa upang maipalaganap ang
kani-kanilang impluwensiya. Ilan sa
mga ito ay ang propaganda, pag-
eespiya, space race, at proxy wars.
Propaganda
Propaganda Ito ang madalas na anyo ng Cold War. Dito, ginagamit ang media
tulad ng radyo, telebisyon, pahayagan, at iba pa, upang masiraan ang kalabang
bansa. Gamit din nito ang panitikan tulad ng pelikula upang
maimpluwensiyahan ang mga mamamayan ng ideolohiyang ipinapatupad ng
kanilang bansa.
Pag-eespiya
Pag-eespiya Ang bagay na ito ang nagpainit sa labanan ng USSR at
United States. Sila ay nag-akusahan ng pag-eespiya sa magkabilang
panig. Nasabi ito ng USSR sapagkat mayroon silang napabagsak na
eroplanong pagmamay-ari ng mga Amerikano. Inakusahan nilang ito
ay kumukuha ng larawan ng kanilang mga estraktura. Ito rin ang
dahilan kung bakit muntik nang magkaroon ng dahas noon sa gitna
ng Cold War.
Nakakuha ng larawan mula sa kalawakan ang United States na nagpapakita na may missile sa Cuba
ang USSR. Upang maipagtanggol ito, tinakot ng United States ang Cuba na gagamit sila ng lakas
militar sakaling hindi nila itigil ang paggawa ng naturang missile. Dahil walang magagawa ang Cuba
kung ito ay mangyari, kaagad na itinigil ng bansa ang pagbuo at pagpapalakas ng missile.
Project Overview
Space Race Sa larangang ito nag-unahan ang dalawang
makapangyarihang bansa na maglunsad at
manggalugad sa kalawakan. Ito ay kanilang isinagawa
upang maipakita kung sino ang higit na angat sa
larangan ng agham at teknolohiya. Nailunsad ng USSR
ang kauna-unahang Space Satellite na tinawag na
Sputnik 1.

Sputnik 1
Dahil dito, itinatag ng US ang
National Aeronautics and Space
Administration (NASA). Sa
pagkakataong ito, pinatunayan ng
United States na sila ang kauna-
unahang bansang nakapagpadala
ng tao sa buwan sa katauhan ni
Neil Armstrong Neil Armstrong na sakay ng Apollo
11.
PROXY WARS
Ang USSR at US ay mayroong mga bansang kaalyado
o nasa loob ng kanilang impluwensiya. Samakatuwid,
sa halip na ang dalawang makapangyarihang bansa
lamang ang naglalaban, ang mga bansang kaalyado
nila ang nakikipaglaban nang tuwiran (may lakas
militar o dahas) para sa kanila. Ang bagay na ito ay
nagresulta sa higit na pagtindi ng alitan ng
dalawang kampo.

You might also like