You are on page 1of 9

DEMOKRASYA

Ang demokrasya, nangangahulugan na pamumuno ng mga tao. Ito ay nagmula sa


salitang Griyego na “demokratia”, na pinagsamang salita ng “demos” (tao) at
“kratos” (estado), noong 5 BCE na tumutukoy sa sistemang politikal na umiiral sa
mga sinaunang lungsod-estado ng Gresya.

Ito ay isang sistema ng pamahalaan na kung saan ang mga mamamayan ng estado ay
may awtoridad na pumili ng mga tao na maging mambabatas na susulat ng mga
batas, o ang mga tao na mamumuno sa bansa.

Ang pangunahing layunin ng ganitong uri ng pamahalaan ay magkaroon ng patas na


representasyon sa pamahalaan at pagpigil sa pag-abuso ng kapangyarihan ng mga
pinuno ng pamahalaan.

Ang mga layunin na ito ay nagresulta sa pagbibigay ng malaking importansya ng


diskurso, debate, at kompromiso sa pamahalaan at lipunan. Ito ay nakakatulong sa
pagbibigay solusyon sa mga suliranin ng nakararaming tao sa loob ng lipunan, ito ay
nagdudulot ng Majority rule.

Para matupad ang mga ito, pinoprotektahan ng pamahalaan ang mga sumusunod na
karapatan; karapatan sa asemblea, karapatan na makapagpahayag, karapatan na
bumoto, karapatan ng minoridad, at karapatang pantao.

Ano ang mga uri ng demokrasya?

Direktang Demokrasya

Ito ang orihinal na anyo ng demokrasya sa sinaunang panahon. Sa direktang


demokrasya ang lahat ng mamamayan ng isang estado ay maaaring direktang
makilahok sa proseso ng pagbuo ng isang batas o sa pamamahala ng isang estado.

Representative Democracy

Ito ay ang karaniwang anyo ng demokrasya sa kasalukuyang panahon. Ang mga


mamamayan ay pimipili at bumuboto ng mga tao na magrerepresenta sa kanila sa
batasan at tutulong na bumuo ng mga batas para sa kanilang bansa.
Parliament democracy

Ito ay isang sistema na kung saan ang mga miyembro ng pamahalaan ay maaaring
italaga at tanggalin ng mga kinatawan na hinalal ng mga tao. Sa sistema na ito ay
walang “presidential rule” na kung saan ang presidente ay parehong ulo ng
pamahalaan at ng estado. Ang mga Prime minister ay pinipili mula sa mga
mambabatas na naihalal ng mga tao at siya ang ulo ng gobyerno.

Sa sistemang parliamentary, maaaring matanggal ang isang Prime Minister kung


hindi niya natutupad ang kanyang tungkulin sa pamamagitan ng boto ng mga
mambabatas. Ang Prime Minister ay matatanggal lamang sa pamamagitan ng
majority vote ng mga mambabatas. May mga bansa din na may kapangyarihan ang
mga Prime Minister na tumawag ng isang eleksyon para palitan ang mga miyembro
ng batasan.

Presidential democracy

Ito ay isang sistema na kung saan ibinoboto ng mga tao ang isang presidente sa
pamamagitan ng isang patas at malayang eleksyon. Ang presidente ay ang ulo ng
estado at ng gobyerno at may malaking kontrol sa ehekutibong sangay ng
pamahalaan.

Pamprosesong Tanong:

Ano ang kahulugan ng Demokrasya?


Ano-ano ang uri ng Demokrasya?
Ano ang Presidential Democracy?
Ano ang Parliament Democracy?
Ano ang Direktang Demokrasya?
Ano ang Representative Democracy?
SOSYALISMO

Ang sosyalismo (socialism) ay isang panlipunan at pang-ekonomiyang


doktrina kung saan ang salik ng produksyon ay nasa ilalim ng
pangangalaga ng estado o ng pamahalaan. Ang panlipunang output ng
ekonomiya ay pinamamahagi batay sa kakayahan ng isang
manggagagawa o sa dami ng kanyang kontribusyon sa paggawa. Sa mga
teorya ni Karl Marx ang sosyalismo ay isang hakbang sa pagitan ng
kapitalismo at komunismo.

Sa modernong anyo ng sosyalismo, ito ay isang kilusan na nagnanais na


mas mapahusay ang economic efficiency at equity sa pamamagitan ng
sumusunod:

1. Pampublikong pag-aari sa mga importanteng bahagi ang produksyon


at distribusyon nito. Ilan sa halimbawa ay ang pag-aari ng pamahalaan sa
mga public utility tulad ng distribusyon ng tubig, paglikha ng kuryente,
transportasyon at telecommunication.

2. Isang anyo ng sentralisadong pagpaplano kung ano ang mga produkto


na dapat bigyan ng prayoridad sa produksyon, ano ang mga paraan na
dapat gawin para sa produksyon, at kanino ito dapat ipamahagi.

Ano ang Pinagkaiba ng Sosyalismo at Kapitalismo?

Ang pagkakaiba ng Sosyalismo at Kapitalismo ay makikita sa kung paano


nila ginagamit ang right to property at ang kontrol sa produksyon.

Sa isang kapitalistang ekonomiya, mahalaga ang pribadong pag-aari, ang


mga salik ng produksyon at ang Karapatan na kumita mula sa mga ito ay
nasa kamay ng mga pribadong indibidwal. Samantala, sa isang
sosyalistang ekonomiya ang mga salik ng produksyon ay kontrolado ng
pamahalaan, ang mga tao ay pinapayagan na magmay-ari ng mga
kasangakapan na matuturing na consumer goods.

Sa sosyalistang ekonomiya, ang mga producers, negosyante, consumers,


at mga investors ay sumusunod sa mga regulasyon na nilikha ng
pamahalaan, minsan ay maaaring kunin ng pamahalaan ang isang paraan
ng produksyon kung nakikita nila ang malaking pangangailangan dito.
Dahil sa mga regulasyon na ito nagagawa ng pamahalaan makontrol ang
kalakalan sa loob ng isang bansa. Sa isang kapitalistang bansa, ang
kalakalan ay malaya, boluntaryo at walang regulasyon.

Sa mga sosyalistang ekonomiya, ang produksyon ay nakasalalay sa


pagkilos ng pamahalaan at sa mga manggagawa. Ang pagkonsumo ay
maaari rin bigyan ng regulasyon. Ang pamahalaan din ang
nagdedesisyon sa paraan kung paano hahatiin ang kaban ng bayan at
ibang mga yaman sa mga producer at mga mamamayan.

Pamprosesong Tanong:

Ano ang kahuluhan ng Sosyalismo?


Ano ang Kapitalismo?
Ano ang Pagkakaiba ng Sosyalismo at Kapitalismo?
KOMUNISMO

Ang komunismo ay nagmula sa salitang Latin na “communis” na


nangangahulugan na “shared” o “common”.

Ang komunismo ay isang anyo ng pamahalaan na malapit na iniuugnay


sa pilosopong si Karl Marx batay sa kanyang mga pananaw ng isang
utopia na lipunan na inilalarawan niya sa kanyang aklat na “The
Communist Manifesto”.

Ayon sa paniniwala ni Karl Marx, ang sistemang kapitalismo ay


nagdudulot ng hindi pagkakapantay-pantay ng tao sa isang lipunan. Ito
ay bunsod na rin ng malaking pagtuon sa pribadong pag-aari at pagkita
ng malaki.

Sa kanyang pananaw, higit na mas makakabuti ang isang sistema na


kung saan walang paghahati ng lipunan at lahat ay patas. Kung saan ang
pamahalaan ay binubuo ng mga manggagawa at ang pamahalaan na ito
ang may hawak at kontrol sa mga yaman at pag-aari ng lipunan at patas
itong ipinamamahagi sa masa.

Ano ang Kahulugan at Katangian ng Komunismo?

Ang komunismo ay isang pilosopikal, panlipunan, politikal at pang-


ekonomikong ideolohiya na naglalayon na lumikha ng isang komunistang
lipunan na kung saan ay patas na naghahati ang mga mamamayan sa
yaman ng isang bansa at sa mga paraan ng produksyon.

Sa kasalukuyan, ang isang komunistang pamahalaan ay madalas na isang


sentralisadong gobyerno na pinamumunuan ng iisang partido lamang o
may isang partido na higit na mas makapangyarihan sa loob ng
pamahalaan. Madalas ang mga komunistang bansa ay awtoritaryan sa
kanyang pamamahala, ibig sabihin ay ang gobyerno ay pinamamahalaan
ng mga diktador, isang tao na binigyan ng kapangyarihan ng pamahalaan
na mamahala ng walang takdang katapusan sa kanyang termino.

Sa isang komunistang bansa, ang lahat ng pangunahin at sekondaryang


pinagmumulan ng produkto at serbisyo ay nasa pamamahala ng
gobyerno. Ang malaking aspekto ng pamumuhay ng mamamayan ay
kontrolado ng pamahalaan dahil ang gobyerno ang nagbibigay sa kanila
ng kanilang pangangailangan at ang puhunan at paraan upang
makibahagi sa produksyon at ekonomiya ng bansa.

Walang pribadong pag-aari ang mga mamamayan at ang lahat ng mga


pag-aari at yaman ay hawak ng isang komunistang pamahalaan. Kung
susundin ng mga komunistang pamahalaan ang orihinal na manipesto ni
Karl Marx, ang yaman at pag-aari na kanilang kinolekta ay dapat nilang
ipapamahagi ng patas sa publiko at mga manggagawa. Ito ay bihirang
mangyari sa modernong komunismo.

Ano ang Pagkakaiba ng Sosyalismo at Komunismo?

Ang sosyalismo ay mas nagbibigay pansin sa paglutas sa hindi


pagkakapantay-pantay na makikita sa iba’t ibang bahagi ng produksyon.
Sa ilalim ng sosyalismo, ang mga pangangailangan ng mga manggagawa
ay binibigyan ng atensyon.

Ang isang indibidwal ay maaaring magmay-ari ng personal na ari-arian


ngunit ang mga industriya at mga pagawaan ay pag-aari ng estado at ang
estado na ito ay pinamamahalaan ng isang demokratikong gobyerno.

Sa sosyalismo ang kita ng isang manggagawa ay nakabatay sa kanyang


kakayahan at sa kanyang kwalipikasyon kaya ang isang indibidwal ay
maaari pa rin kumita ng malaki kumpara sa iba.

Nagbibigay ng subsidya ang pamahalaan sa mga bahagi ng lipunan na


makakatulong sa pagpapayaman at pagpapahusay sa kondisyon ng
manggagawa. Upang matupad ito kailangan na kontrolin ng pamahalaan
ang mga importanteng utility sa loob ng lipunan tulad ng kuryente,tubig,
transportasyon, ospital, paaralan at iba pa. Ang sosyalismo ay maaaring
umiral sa isang kapitalistang lipunan at maging kakompetensya nito.
Halimbawa ng Komunistang Pamahalaan?

Ang Soviet Union(o USSR) ay isang komunistang estado na naging isang


superpower sa daigdig noong 1922 hanggang 1991 bago ang pagbagsak
ng USSR at paghihiwalay nito sa maliliit na mga estado sa Europe at
Asya.

Sa kasalukuyan ang mga sumusunod na bansa ay nasa ilalim ng isang


komunistang Marxist-Lenist na politikal na partido; People’s Republic of
China, Republic of Cuba, Lao People’s Republic(Laos), at ang Socialist
Republic of Vietnam. Ang ilan sa mga bansa na ito ay maaaring masabing
hindi na komunista sa kasalukuyang panahon ngunit ang impluwensiya
ng komunismo sa kanilang bansa ay makikita pa rin, lalo na sa kanilang
politika.

Ang Democratic People’s Republic of Korea(North Korea), ay


kasalukuyan na nagsasabi na ang kanilang pangunahing sinusunod na
ideolohiya ay tinatawag na Juche. Ito ay kahit na nagpapakita ng mga
katangian na taglay ng ideolohiyang komunismo.

Pamprosesong Tanong:

Ano ang kahulugan ng komunismo?


Ano ang mga halimbawa ng Komunistang Pamahalaan?
Ano ang pagkakaiba ng Sosyalismo at komunismo?
Ano ang katangian ng komunismo?
PASISMO

Ano ba ang Pasismo?

Ito ay kabaligtaran ng demokrasya; naglalayon ito ng sapilitang


panunupil sa nais tumaliwas sa layunin ng gobyerno. Walang boses ang
mga mamamayan sa ganitong uri ng pamahalaan sapagkat ang mga
adhikain lamang ng isang diktador ang namamayani o kumikilos sa isang
bansa.

Ito ay katulad ng pamahalaang Ferdinand Marcos na kung saan siya ay


itinuturing na isang diktador. Marami man ang negatibong hinuha sa
kanyang pamamahala ay hindi maikukubli ang mga nagawa nitong
proyekto. Nagbukas ng maraming oportunidad sa mga mamamayan ang
kanyang mga proyekto. Ang ilan dito ay ang pagpapaigting ng mga
sakahan at pagbubukas ng mga pabrika na kung saan ay maraming mga
Pilipino ang nagkatrabaho.

Hindi maikukubli na marami pa din sa proyekto ng pamahalaang Marcos


ang umiiral ngayon; nagbago man ang pangalan ngunit iyon parin ang
kahulugan at nilalayon ng proyekto.

Ang pasimo ay naging dominante sa bansang Italya ang pamamahalang


politakal na ito ay awtoritaryang kilusan; ito pinamumunuan ni Benito
Mussolino na kung saan ay isang diktador. Ang teoryang pampulitikang
ito ay naging bantog noong unang bahagi ng ika-20 siglong Europa.

Fascio, ang salitang Italyan na pinagmulan ng salitang pasismo na


nangangahulugang bigkis; ito ay tumutukoy sa isang bansa o militanteng
grupo, politika na nagmula sa fasces. Ang fasces ay mga bigkis ng baras
upang makabuo ng isang palakol; ito ay sumisimbolo sa kapangyarihan
ng isang mahistrado.

Ang makalumang pamamahalang ito ay katulad ng kay Adolf Hitler na


kung saan ay kakikitaan ng disiplina ang mamamayan.
Kasaysayan ng Pasismo

Ang pasismo, na lumitaw sa pamamagitan ng pagtanggi sa liberalismo at


demokratikong pagkakasunud-sunod ng parlyamentaryo, ay isang anyo
ng pamahalaan na unang nakita sa Europa, Alemanya, Italya at Espanya
noong Una at Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Lalo na sa Italya, si
Benito Mussolini ay namuno sa kapangyarihan noong 2 at nagsimulang
mamuno sa bansa ng buong pasismo.

Walang nakakaalam ng diskarte ng rasista ni Adolf Hitler. Nang dumating


ang kapangyarihan ng Racist Nazi Party sa Alemanya noong 1933,
sumabay ang pagtunog ng mga kampanilya ng World War II. Ang mga
patakaran ng pagpapalawak at pagpapalawak ng mga pasistang estado
ay naiimpluwensyahan sa Gitnang Silangan at Malayong Silangan, lalo na
sa Europa. Ang mga prinsipyo ng pasismo ay orihinal na nilikha ng
pilosopo ng Italya na si Giovanni Gentile. Ang buong pagpapahayag ng
pasismo ay nakita din sa iba't ibang paraan sa mga bansa na may mga
dalang halimbawa. phalanxis at peronism sa Spain, mastery sa
Yugoslavia at National Socialism sa Alemanya ay mga halimbawa ng
pasismo na maipakikita sa buong mundo. Ang katotohanan na si Adolf
Hitler at ang mga Nazi ay nagpahamak ng genocide sa mga batayan na
sinira nila ang lahi ng Aleman ay talagang ang pinakamaliwanag na
halimbawa ng pasismo at rasismo. Sa kahulugan na ito, upang mahanap
ang pinaka-tumpak na mga resulta para sa iyo sa kamakailang
kasaysayan ng Nazi Alemanya kapag maaari kang makakuha ng malinaw
na mga resulta.

Pamprosesong Tanong:

Ano ang Pasismo?


Ano ang kasaysayan ng Pasismo?
Halimbawa ng Bansa na may ideolohiyang Pasismo?

You might also like