You are on page 1of 4

DEMOKRASYA

Ang demokrasya, sa literal na kahulugan, ay ang pamamahala ng


mga tao (mula sa Griyego: demos, "mga tao," at kratos, "paghahari"
o "pamamahala"). Ang pamahalaan ay isang demokrasya kapag ang
kapangyarihang mamahala ay nasa kamay ng mga tao. Ang
demokrasya ay tunay o tuwiran kapag ang mga tao ang namamahala
sa kanilang sarili sa pamamagitan ng lantarang pagpapahayag ng
kanilang saloobin. Isinasagawa nila ito sa maraming pagkilos o mga
pagpupulong na pambayan. Di-tuwiran, kinatawan o republikano
kapag ang mamamayan ay pinamamahalaan mga taong hinalal o
pinili nila. Ang demokrasya ay nangangahulugan rin na nasa taong
bayan ang kapangyarihan na ang pinahihiwatig ay nasa taong bayan
ang kapangyarihang pumili ng magiging lider para sa isang lugar o sa
bansa man . Ito ay isa rin sa mga uri ng ideolohiya kung saan
nangangahulugang agham ng kaalaman o ideya.
SOSYALISMO
Ang Sosyalismo ay tumutukoy sa malawak na
sistema ng teoryang ekonomiko ng panlipunan
organisasyon na nagtataguyod sa estado o sa
sama-samang pagmamay-ari o pamamahala sa
paggawa at pamamahagi ng mga kagamitan, at
ang lipunan ay kilala sa pagkakaroon ng pantay
pantay na pagkakataon sa lahat ng indibidwal na
may patas o igualitaryang pamamaraan ng
pasahod.
KOMUNISMO
Ang komunismo ay isang ideolohiya na umaayon sa pagtatag ng
organisasyong paa walang estado at kaantas-antas batay sa pantay na laki
o height sa gamit ng produksiyon. Maaring isa itong sanga ng kilos
sosyalista. Ang komunista ay tumubo sa maraming uri na nangaling sa
iba't ibang tao at kultura. Mga halimbawa ay ang Maoismo, Trotskismo,
at Luxemburgismo.
Si Karl Marx ang nagbuo ng isip ng komunismo sa libro niyang
Manipestong Komunista na tinapos ng taong 1848. Sa isang komunistang
bansa, hindi pinapayagan ang mga mamamayan na makilahok sa
pamamahala. Hindi sila nagtataglay ng mga karapatan at itinuturing
silang walang kalayaan. Higit na tinatangkilik ng mga bansang hindi
umuunlad ang komunismo. Marahil, naiimpluwensyahan sila ng
paniniwalang sa lipunang komunismo, pantay-pantay ang mga tao.
Ang komunismo ay lipunan na walang mga uri, walang
pagsasamantala ng tao sa kanyang kapwa, at walang anumang indibidwal
o kolektibong pag-aari.
PASISMO
Ang Pasismo (mula sa Italyanong fascismo na binibigkas na
[fa·shíz·mo]), kapag malaking titik, ay ang dating awtoritaryang
kilusang politikal na namayani sa Italya mula 1922 hanggang 1943 sa
ilalim ng pamumuno ni Benito Mussolini. Bilang sistemang
pampolitika, tumuturing ito sa isang sistemang nagtatampok,
pumupuri, dumarakila, nag-aangat ng antas o uri, o nagpapatingkad
ng nasyon at lahi o lipi, na hindi nagpapahintulot ng pagkalaban o
oposisyon, at nagpapanatili ng pagtaban o kontrol sa lahat ng mga
aspeto ng mga buhay ng mga mamamayan ng bansang nasa ilalim
ng ganitong sistema.
Nagmula ang salitang "pasismo" sa salitang Italyo na fascio, na
ibig sabihin ay "bigkis", na parang sa politika o militanteng grupo o
sa isang bansa, ngunit nagmula din sa fasces (mga baras na binigkis
sa palibot ng palakol), na naging simbolo ng lumang Roma sa
awtoridad ng mga mahistrado.

You might also like