You are on page 1of 3

 Mga Pandaigdigang Organisasyon, Pangkat at Alyansa

 IKA-ANIM NA PANGKAT

 CURIE 8

 1. European Union (EU)

 Isang pang-ekonomiko at pampulitikal na unyon ng 27 malalayang bansa. Ito ang piakamalaking


kompederasyon ng mga malalayang estado na itinatag sa ilalim ng pangalang iyon noong 1992.
Ang mga aktibidad ng Unyong Europeo ay sumasakop sa patakarang publiko, patakarang
ekonomika sa ugnayang panlabas, tanggulan at kalakalan.

 Flag of European Union

 2. Organization of American States (OAS)

 Isang pandaigdigang samahang nakabase sa Washington, D.C., Estados Unidos. Mayroon itong
tatlumpu’t limang kasaping nagsasariling estado ng Amerika. Layunin nitong makamit ang
kapayapaan at hustisya, itaguyod ang pagkakaisa ng mga estadong kasapi, patatagin ang
kanilang pagtutulungan, pangalagaan ang kanilang awtonomiya, ang kanilang teritoryo, at ang
kanilang kalayaan.

 FLAG OF OAS

 3. Organization oF Islamic Cooperation

 Isang internasyonal na organisasyon ng 57 estado. Ito ay isang samahan ng mga bansang Muslim
na naglalayong siguruhin at protektahan ang interes mula sa pamamagitan ng pagsusulong ng
kapayapaang pandaigdig at pagkakaunawaan.

 FLAG OF OIC

 4. Association of Southeast Asian Nations

 Ang Kapisanan ng mga Bansa sa Timog Silangang Asya o kilala bilang ASEAN ay isang
organisasyong heopolitikal, ekonomikal, at pangkultura ng mga bansa sa Timog-Silangang Asya.
Ang mga layunin ng samahang ito ay maitaguyod ang paglago ng ekonomiya, kaunlarang
panlipunan, pagsulong ng mga kultura ng bawat kasapi, at pagpapalaganap ng kapayapaang
panrehiyon.

 FLAG OF ASEAN

 World Bank
 Isang pandaigdigang bangko na nagbibigay ng tulongpananalapi at teknikal sa mga bansang
umuunlad para sa mga programang pangkaunlaran tulad ng tulay, kalsada, paaralan, at iba pa na
may layunin ng pagpapababa ng antas ng kahirapan.

 LOGO OF WORLD BANK

 International Monetary Fund

 Isang organisasyong internasyunal na pinagkakatiwalaang mamahala sa pagmasid sa mga halaga


ng palitan at balanse ng mga kabayaran, gayon din ang pagalok ng teknikal at pinansiyal na
tulong kapag hinihingi.

 LOGO OF IMT

 World Trade Organization

 Isang organisasyong pandaigdig na itinatag upang mapamanihalaan at magbigay ng kalayaan sa


kalakalang panginternasyunal. Ang WTO ay nabuo noong Enero 1, 1995 kahalili ng
Pankalahatang Kasunduan sa mga Taripa at Kalakalan (GATT).

 LOGO NG WTO

 May mga samahang REHIYONAL DIN ANG NAGBUO NG TRADE BLOCS. ANG TRADE BLOCS AY
MGA KASUNDUAN NG MGA BANSANG KADALASAN AY MAGKAKAANIB SA ISANG SAMAHANG
REHIYONAL NA NAGLALAYONG BAWASAN, PALIITIN, O TANGGALIN ANG MGA TARIPA AT MGA
HADLANG SA TARIPA SA PAGITAN NG MGA MIYEMBRONG BANSA.

 ASEAN Free Trade Area (AFTA)

 Isang kasunduan ng hanay na pangkalakalan ng kaisipan ng mga bansa at timog-silangang Asya


na nagtataguyod ng mga pampagawaang pampook o Local Manufacturing sa lahat ng mga bansa
sa ASEAN.

 MGA MITHIIN NG AFTA AY MAKAMIT ANG MGA SUMUSUNOD:

 Palakihin ang hangganang pagkainaman ng bilang batayang pamproduksyon sa pandaigdigang


pamilihan sa pamamagitan ng pag-aawas, sa loob ng ASEAN, ng mga salabid ng taripa at walang-
taripa.

 Akitin ang maraming panlabas na tuwirang pamumuhunan ng ASEAN.

 NORTH AMERICAN FREE TRADE AGREEMENT (NAFTA)

 Kasunduan na nilagdaan ng Canada, Mexico, at United States na lumilikha ng trilateral trade bloc
sa North America.
 Ito ay nabigyang bias noong 1994 na nagbigay-daan sa pagkakabuo ng isang trade bloc na
maituturing na may pinakamataas na pinagsama-samang purchasing power parity sa GDP.

 Pangkalahatang Kasunduan sa Taripa at Kalakalan (GATT)

 Isang kasunduang multilateral na nagreregula ng pandaidigang kalakalan. Ayon sa panimula nito,


layunin nitong "mabawasan ng malaki ang mga taripa at ng iba pang balakid sa kalakalan at
pagtanggal ng mga preprensiya, sa paraan ng resiprokal at kapwa-makikinabang na batayan."
Napagkasunduan ito sa kumperensiya ng United Nations ukol sa kalakalan at empleo at siyang
naging bunga ng pagkabigo ng mga nakipagkakasundong pamahalaan na lumikha ng
International Trade Organization (ITO).

 Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC)

 Isang poro ng mga 21 bansa na napaligiran ng Karagatang Pasipiko o mga rehiyon


(pinamagatang 'kasaping-ekonomiya') upang talakayin ang ekonomiyang panrehiyon,
kooperasyon, kalakalan at pamumuhunan.

 Organization of the Petroleum Exporting Countries (OPEC)

 Isang intergovernmental na organisasyon na binubuo ng 14 na bansa. Itinatag noong 1960 sa


Baghdad ng unang limang miyembro. Ang organisasyon ay isang mahalagang tagapagbigay ng
impormasyon tungkol sa pandaigdigang pamilihan ng langis

You might also like