You are on page 1of 3

ANG PILIPINAS BILANG ISANG BANSANG MULTILINGGWAL

Ano ang multilinggwal?


Ang multilinggwal ay galing sa salitang Ingles na “multi” na may ibig
sabihin na marami. Sa buong mundo nabibilang ang Pilipinas sa mga
bansang may maraming uri ng wikang ginagamit.

Ano ang multilinggwalismo?


Ito ay tumutukoy sa pakikipag-ugnayan ng tao gamit ang dalawa o
higit pang bilang ng wika pasulat o pasalita man.
May 3 uri ng tao sa larangan ng wika:
1. Monolinggwal
2. Bilinggwal
3. Multilinggwal o Polyglot

Paano naging multilinggwal na bansa ang Pilipinas?


Ang Pilipinas ay maituturing na multilinggwal sapagkat nakaranas ito
ng pananakop ng mga dayuhan nanggaling o nagmula sa iba't ibang panig
ng mundo na nagbigay impluwensiya sa mga Pilipino sa paggamit ng iba't
ibang wika o lenggwahe sa pakikipag-ugnayan o pakikipagkomunikasyon.
Kaya nagkaroon ang mga Pilipino ng abilidad at kakayahang magsalita ng
higit sa tatlong wika.

Ang ilan mga dayuhang banyaga na nakaimpluwensya sa wika ng mga


Pilipino ay ang mga sumusunod:

Uri ng Dayuhan Halimbawa ng Wika na Ginagamit sa Pilipinas


Intsik (Chinese) syanse, atchi (ate), koya (kuya), tsinelas, susi, pansit,
buisit, etc.
Espanyol Biblia, educador, kwarto, vintana, kubyertos, viajero.
(Spanish) Estranjero, imahen, diyalogo, priyoridad, etc.
Ingles (English) Computer = Kompyuter, Department = Departamento,
Element = Elemento, etc.
Arabo (Arabic) Kawali, pinggan, sandok, salabat, batya, katre, budbi,
duka, guro, etc.
Nihongo Katol, haba, jack-en-poy, toto, karaoke, dahan-dahan,
(Hapones) karaoke, kaban, etc.

Bakit itinuturing na multilinggwal na bansa ang Pilipinas?


Bakit nga ba itinuturing na isang mutilinggwal na bansa ang Pilipinas?
Narito ang ilan sa mga dahilan kung bakit multilinggwal na bansa ang
Pilipinas:

1. Ang Pilipinas ay nasakop ng iba’t-ibang bansa na nagbibigay ng


malaking impluwensya sa wika at komunikasyon.
2. Ang pagiging watak-watak ng mga kapuluan sa bansang Pilipinas ay
naging sanhi upang magkaroon ng pag-iibang anyo o “variation”, ito ay
ang mga dialekto. Sa kabuuan may taglay na 175 na wika at dialekto
ang Pilipinas ngunit mayroong 8 major dialects lamang: Bikol;
Cebuano; Hiligaynon; Ilocano; Kapampangan; Pangasinan; Tagalog; at
Waray. Ayon sa tala, ang pinakamaraming nagsasalita sa buong
kapuluan ng Pilipinas ay ang wikang Tagalog na may halos 28 milyong
Pilipino, kasunod ay ang wikang Cebuano na may 22 milyong Pilipino,
pangatlo ay ang Ilocano na may 8 milyong Pilipino, ika-apat ang
Hiligaynon na may 7 milyong Pilipino, Waray 3.1 milyong Pilipino,
Bikolano 2.5 milyong Pilipino, Kapampangan at Pangasinense ay may
2.4 milyong Pilipino ang nagsasalita.

You might also like