You are on page 1of 2

Mclovia kyla s.

telen grade 9 - mallari

Kabanata 44: Paggunita sa Kasalanan

Noli Me Tangere

Si Maria Clara ay nabinat pagkatapos mangumpisal. Dahil nahihibang, wala siyang


sinabing pangalan kundi ang pangalan ng kanyang inang di man lang niya nakilala.
Napalilibutan siya ng kanyang mga kaibigang babae, si Tiya Isabel at si Kapitan
Tiago

Hindi mapalagay si Kapitan Tiyago dahil sa sinapit ng anak. Hindi niya malaman
kung ano ang dapat niyang gawin upang gumaling si Maria Clara. Naisipan niya na
maghandog na lang ng bastong ginto sa Mahal na Birhen ng Antipolo upang
gumaling ang anak.

Nagtataka naman si Don Tiburcio sa naging epekto ng mga nireseta niyang gamot
sa dalaga habang siyang siya naman ang kanyang asaawa. Dahil sa kaligayahan ng
Donya, hindi niya hinablot ang pustisong lalaki nang matapakan nito ang kanyang
kola. Sa halip ay sinambit na lang niya ang mga katagang: "Palibhasa'y pilay ka."

Isang hapon, napag-usapan ang nakatakdang paglipat ng parokya ni Padre


Damaso sa Tayabas. Sinabi ni Kapitan Tiyago na labis ang daramdamin ni Maria
Clara sapagkat para niya na ring ama ang pari. Hinala ng kapitan na ang sakit ni
Maria Clara ay dahil sa mga kaganapan noong pista.

. Sinabi ng kura na mabuti at hindi pinayagan ni Kapitan Tiago na magkita ang


dalawa.

Tinutulan naman ni Donya Victorina ang pananaw ng pari kay Maria Clara at
sinabing ang kanyang asawa ang nagpagaling sa dalaga dahil isa itong mahusay na
doktor.

Hindi pinansin ng kura ang donya at sa halip ay sinabi ang malaking tulong na
nagagawa ng pangungumpisal sa budhi ng isang tao sapagkat ito ay napatunayan
na sa maraming pagkakataon. Sinabi ni Padre Salvi na hindi naman niya
ipinagkakaila ang husay ng doktor.
Nainis ang donya sa sinabi ng kura at nagmungkahi na gamutin ng kanyang
kumpisal si Donya Consolacion, ang alperesa.

Imbis na sagutin niya ang paratang ng Donya ay inutusan ni Padre Salvi si Kapitan
Tiago na sabihan si Tiya Isabel na ihanda si Maria Clara sa pangungumpisal at
bibigyan niya ito ng viatico upang tuluyang gumaling ang dalaga.

Habang patuloy na ginagawa ni Sinang ang pagpapainom ng gamot kay Maria


Clara ay pabulong na itinanong ng dalaga kung hindi raw ba sumulat si Ibarra.

Sumagot si Sinang na marahil ay abala si Ibarra dahil inaasikaso nito ang kanyang
excomunion. May sasabihin pa sana si Maria Clara nang biglang pumasok si Tiya
Isabel na ihahanda na ang dalaga sa pangungumpisal. Inutusan ni Maria Clara na
sulatan ni Sinang si Ibarra at sabihing limutin na siya.

Binasa ni Tiya Isabel ang sampung utos ng Diyos upang mapag-isipan ni Maria
Clara ang mga kasalanang nagawa niya. Matapos alukin ni Tiya Isabel ang dalaga
ng pag-ulit na pagbasa ng sampung utos ay ipinagtulos niya si Maria Clara ng
kandila sa Mahal na Birhen ng Antipolo, Nuestra Senora del Rosario at Nuestra
Senora del Pilar.

Sinasabing nagtagal ang kumpisal. Napuna ni Tiya Isabel na sahalip na makinig si


Padre Salvi sa ikinukumpisal ni Maria Clara ay tila nababasa nito ang nasa isip ng
dalaga.

Nang lumabas ang kura sa silid, kitang-kita ang pamumutla nito at matinding
pagpapawis. Animo'y siya ang nangumpisal at hindi pinatawad.

Katapusan ng Kabanata

You might also like