You are on page 1of 1

Noli Me Tangere Buod Kabanata 64: Katapusan

Nagpatuloy si Maria Clara sa pagpasok sa kumbento upang maging isang madre.

Si Padre Damaso naman ay natagpuang patay sa kaniyang higaan dahil sa labis na sama ng loob. May ilan
ang nagsabing ito ay namatay sa alta presyon, may nagsasabi namang ito’y binangungot.

Si Padre Salvi naman ay wala nang ginawa kundi mag-intay ng mag-intay sa ipinangakong pagiging
obispo.

Pinamili naman ni Kapitan Tiago si Tiya Isabel kung saan ito gustong manirahan, kung sa Malabon o sa
San Diego.

Nangayayat naman si Kapitan Tiago dahil sa sobrang pagdadalamhati matapos pumasok sa kumbento
ang anak-anakang si Maria Clara at nang malaman na siya ay pinagtaksilan ng kaniyang asawa. Nalulong
ito sa iba’t-ibang klase ng bisyo. Malayo na ito sa dating nakasanayang Don Tiago.

Samantala, nagdagdag pa ng ilang kulot sa kaniyang malagong buhok ang nagmumurang kamatis na si
Donya Victorina. Humuhusay narin siya sa pagsasalita ng Espanyol. Pinaturuan niyang magpatakbo ng
kabayo ang kanyang asawa ngunit hindi ito natuto kung kaya’t si Donya Victorina nalang ang naging
kutsero.

Nagkasakit at nangayayat naman si Linares matapos iwan ni Maria Clara. Namatay ito sa sakit na
disenterya na nakuha niya sa pagkaing nabibili sa daan.

Nagpakalunod naman sa alak si Donya Consolacion matapos mawala ang kaniyang ganda dahilan kung
bakit siya namayat. Ang alperes ay nakipaghiwalay sa nangangamoy niyang asawa.

You might also like