You are on page 1of 12

NOLI ME TANGERE

Chapter 33: Malayang Kaisipan


Panauhin ni Ibarra si Elias, at hinigi ni elias sa binata na ipaglihim nito ang
pagbibigay niya ng babala sa kanya. Si elias lamang ay nagbabayad ng utang na loob.
Lahat tayo’y may kalaban, mula sa pinakamaliit na kulisap hanggang sa tao; mula sa
pinaka dukha sa lalong mayaman at makapangyarihan ani ni Elias. Ang mga kaaway ni
Ibarra ay naglilipana sa lahos lahat ng lugar, at ang kanyang mga ninuno at ama ay
nagkaroon ng kagalit dahil Narin sa kanyang balakj na pagpapatayo ng paaralan. Hindi
humingi ng mataas na sahod si elias ng magprisinta kay Nor Juan, ang taong dilaw ay
pinaghihinayangan ni Ibarra ngunit ang kinatuwiran ni elias ay miskin a mabuhay ito ay
matatakasan ang pag-uusig ng bulag na hukuman ng tao. Sinikap ni Ibarra na tuklasin
ang tunay na pagkatao ni Elias, kung itto ay nakapag – aral o hindi.

Chapter 34: Ang Pananghalian


Ang mga kilalang tao sa San Diego ay magkaharap na nanananghalian sa isang
malaking hapag. Nakaluklok sa magkabilang dulo ng mesa sina Ibarra at ang alkalde,
darating ang Kapitan heneral at magiging panauhin ni Kapitan Tiyago sa kanyang
bahay. Ang hindi pag-imik ni Pari Salvi, ang hindi pagdating ni Padre Damaso, kawalan
ng kaalaman ng mga magbubukid ng kobyertos at kung anong kurso ang ipapakuha
nila sa kanilang mga anak. Pagtapos na ng pananghalian nang dumating si padre
damaso.. lahat bumati sa anya, maliban kay Ibarra. Pero, nang ungkatin ni Pari damaso
ang tungkol sa pagkamatay ng ama ni Ibarra ng may kasamang pag-aglahi, sumulak
ang dugo ni Ibarra. Biglang dinahulong niya si Pari damaso at sasaksakin nito sa dibdib.
Pero pinigilan siya ni Maria. Gulo ang isip ni Ibarra na umalis at iniwan ang mga kasalo
sa pananghalian.

Kabanata 35 : Ang Usap-Usapan


Iba’t-ibang balita ang nagkalat sa bayan tungkol sa nangyari sa tanghalian. May mga
balitang nagkalat na patay na daw ang pari. Mas marami naman ang pumanig sa pari
dahil kung nakapagpigil lang sana ito ay hindi sana iyon mangyayari. Ipinagtanggol
naman ni Don Filipo si Ibarra. Aniya walang sinuman ang makakapagtimpi sa mga
salitang binitiwan ng pari. Ayon sa alkalde ay wala naman silang magagawa dahil laging
mga pari ang tama. Kaya kung sinuman ang pumanig kay Ibarra ay magkakaproblema.
Dagdag pa ng isang babae, kung siya daw ang ina ni Ibarra ay namatay na ito sa
kahihiyan. Nalugod naman si Kapitan Maria sa ginawang pagtatanggol ni Ibarra sa
ama. Marami naman ang nabahala na baka hindi na matuloy ang pagpapatayo ng
paaralan. Naniniwala sila na ang paaralan na iyon ang magiging daan upang
magkaroon ng magandang kinabukasn ang kanilang mga anak.

Kabanata 36: Ang Unang Suliranin

Nang malaman ni Maria Clara na ekskomunikado si Ibarra, naglaho ang anumang


pagpapayapa sa kanyang puso. Kahit ang mga pagsisikap nina Tiya Isabel at Andeng
upang aliwin siya ay hindi nagtagumpay. Ngunit nagpahayag si Andeng ng kanyang
determinasyon na makatulong sa pagkakaroon ng pag-uusap nina Maria Clara at
Ibarra. Ang kalungkutan ni Maria Clara ay lumalim pa nang ipinaalam sa kanya ni
Kapitan Tiago ang utos ng simbahan. Sa utos ni Padre Damaso, dapat putulin ang
relasyon ng dalawa, at bantaan pa si Kapitan Tiago ng parusa kung hindi ito susundin.
Dagdag pang lungkot ang dala ng balitang dumating ang pinsan ni Padre Damaso mula
Espanya at ito ang inirerekomenda bilang bagong kasintahan ni Maria Clara. Kahit si
Tiya Isabel ay nagulat at nagalit sa mga balita, wala silang magawa dahil sa banta ng
simbahan at ng Kapitan Heneral.Sa pagdating ng Kapitan Heneral, nagmadali si Maria
Clara sa kanyang kwarto upang manalangin sa Birhen ng Dapitang Santa Ana. Habang
si Tiya Isabel ay pinapatawag ng Kapitan Heneral.

Chapter 37: Ang Kapitan-Heneral

Pagdating ng kapitan heneral, ipinahanap na niya si Crisostomo. Habang ipinahahanap


si ibarra ay kinausap muna niya ang binatang lumabas habang si padre damaso ay
nagmimisa. Ang binata ay nanginginig na pumasok sa opisina nang kauusapin siya ng
kapitan heneral. Ngunit, sa paglabas ng binata ay nakangiti na siya at tila nawala ang
kanyang kaba.Sunod na kinausap ng kapitan heneral ang mga prayle. Pumasok sina
padre Sybila, padre Martin, padre Salvi at iba pang mga prayle. Ayon kina padre Salvi
at padre Sybila ay nagkasakit si Padre Damaso. Sa pag upo ng mga prayle ay siyang
dating ni Tiago at maria clara.

CHAPTER 38: Ang Prusisyon

Ang mga kaganapan ay nakasentro sa idaraos na prusisyon at mga nakatakdang


gawain ng Heneral ng araw na iyon. Ang mga paputok at sunod-sunod na pagtunog ng
mga kampana ay hudyat ng pagsisimula ng prusisyon. Lahat ng nakiisa ay may dala-
dalang mga kandila at parol. Ang prusisyon na iyon ay ukol sa mga santong sina San
Juan Bautista, San Francisco, Santa Maria Magdalena, San Diego De Alcala at ang
pinakahuli ay ang Mahal na Birhen. Ang karo ni San Diego ay hinihila ng anim na
Hermano Tercero. Magkakasamang naglalakad ang Kapitan Heneral, mga kagawad,
Kapitan Tiyago, alkalde, alperes at Ibarra. Ang huli ay napilitang sumama dahil na rin sa
pag-imbita ng Heneral. Sa harap ng bahay ni Kapitan Tyago ay may isang kubol na
pagdarausan ng pagbigkas ng tulang papuri o loa sa pintakasi ng bayan.
Pinangungunahan ng tatlong sakristan ang pila ng prusisyon, na sinusundan naman ng
mga guro, mag-aaral at mga batang may dala-dalang parol na papel.

Chapter 39: Si Donya Consolacion

Kahit na napatapat ang prusisyon sa bahay ni Donya Consolacion ay pinid na pinid.


Nang umagang iyon, ang asawa ng alperes at paraluman ng mga guwardiya sibil ay
hindi nakapagsimba. Paano hindi siya pinayagang lumabas ng kanyang asawa.
Ikinahihiya ng alperes ang katawa-tawang pagdadamit nito. Ang kanya namang amoy
katulad ng kalaguyo ng mga guwardiya sibil. Pero, para sa sarili ni Donya Consolacion
siya ay higit pa ngang maganda kaysa kay Maria Clara.

Chapter 40: Ang Karapatan at Lakas

Mag-iikasampu na ng gabi ng paisa-isang sindihan ang mga kuwitis. Ang uling pailaw
ay parang bulkan habang ang daan ay naliliwanagan ng ‘luces de Bengala’ na siyang
nagsisilbing ilaw sa mga taong naglalakad patungo sa liwasang bayan. Tapos na ang
unang bahagi ng dula nang pumasok si Ibarra. Umugong ang bulungan, pero hindi ito
pinansin ni Ibarra. Malugod na binati niya ang kasintahan at ang mga kasama nito.

Chapter 41: Dalawang Panauhin

Sa kabanatang ito, hindi nakapag pahinga si Ibarra dulot ng mga pangyayari noong
nakaraang gabi. Upang ilayo ang kanyang isipan, naglaan siya ng panahon sa kanyang
laboratoryo. Ngunit, biglaang dumating si Elias para ibalita na may sakit si Maria Clara
at para magtanong kung may utos ba si Ibarra bago siya magpatuloy sa kanyang
lakbay sa Batangas. Ibinahagi rin ni Elias kung paano niya napigil ang gulo noong
gabing iyon. Nabanggit ni Elias na nagawa niyang patahimikin ang dalawang
magkapatid na gwardya sibil dahil sa utang na loob na mayroon ang mga ito sa kanya.
Pagkatapos maglahad ng mga impormasyon, umalis na rin si Elias. Nagmamadali
naman si Ibarra upang bisitahin ang maysakit na si Maria Clara sa tahanan ni Kapitan
Tiago. Habang patungo sa tahanan ni Kapitan Tiago, nakasalubong niya si Lucas, ang
kapatid ng taong dilaw na namatay. Tinanong ni Lucas si Ibarra tungkol sa halaga na
dapat makuha ng kanilang pamilya dahil sa pagkamatay ng kanyang kapatid.
Pinayuhan ni Ibarra si Lucas na bumalik kinabukasan dahil sa kanyang lakad. Subalit,
hindi tumigil si Lucas sa kanyang pagtatanong, na nagresulta kay Ibarra na
magpasyang umalis na lamang upang iwasan ang anumang gulo.

Chapter 42: Ang Mag-asawang De Espadaña

Nag-uumpisa ang kabanata sa malungkot na larawan ng tahanan ni Kapitan Tiyago


dahil sa sakit ni Maria Clara. Sa kalagitnaan ng pangungulila, pinag-uusapan ng
magpinsan na sina Tiya Isabel at Kapitan Tiyago ang tungkol sa mga relihiyosong
pampagaling para sa kanilang mahal na Maria Clara. Ang tahimik na pag-uusap ng
dalawa ay nabinbin dahil sa pagdating ng mag-asawang De Espadaña – ang mga
dayuhan mula sa Espanya. Sa unang tingin, akala mo’y tunay na Kastila si Doña
Victorina, ang misis na nagmamalaki at nagpapanggap na Kastila. Siya’y umabot na sa
edad na 45 pero ipinipilit niya na siya’y 32 taong gulang lamang. Sa kanyang kabataan,
tinanggihan niya ang mga Pilipinong nagtatangkang manligaw sa kanya at nagpasya na
mag-asawa ng isang Kastila para masunod ang kanyang ambisyon na maging bahagi
ng mataas na antas ng lipunan. Si Dr. Tiburcio de Espadaña, kanyang asawa, ay isang
pekeng doktor na galing Espanya. Bagama’t siya’y tunay na Kastila, hindi siya nag-aral
ng medisina kundi nagtrabaho bilang taga-maintain ng mga gamit sa hospital.
Kinalaunan, pinili niyang manirahan sa Pilipinas at magpanggap bilang doktor dahil sa
payo ng ibang mga Kastila. Sa kabila ng kanyang kasinungalingan, marami sa mga
Pilipino ang nagtitiwala sa kanya dahil sa kanyang lahi. Ngunit ang kanyang reputasyon
ay naglaho noong ang mga tunay na mediko ay nagreklamo sa kanya bilang pekeng
doktor. Sa panahon na ito, tinanggap ni Doña Victorina si Tiburcio bilang kanyang
asawa para mapanatili ang kanyang reputasyon. Ngunit, sa loob ng kanilang kasal, si
Tiburcio ay naging isang maamong kordero na lagi na lamang sumusunod sa mga utos
at kagustuhan ni Doña Victorina. Sa bahay ni Kapitan Tiyago, ipinakilala ni Doña
Victorina ang kanilang pamangkin na si Linares. Sa panahon ng kanilang bisita,
dumating din si Padre Salvi at nanghikayat ng usapin tungkol sa pulitika at relihiyon. Sa
gitna ng mga kuwento at usapan, napatigil si Linares sa kagandahan ni Maria Clara. Sa
bandang huli, dumating si Padre Damaso na nagpapakita ng kanyang malasakit kay
Maria Clara.

Kabanata 43: Mga Balak

Dumating si Padre Damaso na lumuluha matapos makita si Maria Clara sa hindi magandang
kondisyon. Iniwan ni Padre Damaso si Maria Clara at nagtungo sa balkonahe at ipinahayag ang
kanyang damdamin tungkol sa kaniyang inaanak. Pinapanood lamang siya ni Padre Salvi at
iniisip na mahal na mahal niya ang kaniyang inaanak.
Pagkatapos ay ipinakilala ni Doña Victorina si Alfonso Linares kay Padre Damaso. Ipinakilala ni
Linares ang kanyang sarili bilang inaanak ng bayaw ni Padre Damaso. Ibinigay ni Linares ang
liham ni Carlicos, ang kanyang ninong kay Padre Damaso na humihingi ng tulong upang
makahanap ng trabaho at asawa si Linares. Dumating si Lucas at lumapit kay Padre Salvi at
ipinaliwanag niya na siya ang kapatid ng taong namatay sa araw ng pista at isinalaysay ang
pangyayari sa pagitan nila ni Crisostomo Ibarra. Si Padre Salvi ay hiniling sa kanya na umalis at
ginawa naman ito ni Lucas.

Kabanata 44: Ang Pagsusuri ng Budhi

Ang kalusugan ni Maria Clara ay nagpapakita ng pagpapabuti at mababa na ang lagnat niya. Si
Dr. De Espadaña ay namangha sa pagiging epektibo ng kanyang gamot. Sinabi ni Padre Salvi
na ang kanyang pag galing ay dahil sa pangungumpisal habang sinabi ni Doña Victorina na ito
ay dahil sa gamot ng kanyang asawa.

Si Sinang, kaibigan ni Maria Clara, ay ibinigay ang tableta na ipinadala ni Ibarra. Hiniling ni
Maria Clara kay Sinang na sumulat ng liham kay Ibarra at sinabi sa kanya na kalimutan ang
tungkol sa kanya bago magbigay ng isa pang pangungumpisal. Binasa ni Isabel ang mga utos
na maghanda para sa pangungumpisal, at si Maria Clara ay umiyak lalo na sa ikalimang utos
na "parangalan ang iyong ama at iyong ina.”

Kabanata 45: Ang Mga Takas

Nahanap na rin ni Elias si Kapitan Pablo. Sinabi ni Elias sa kanya na ginugol niya ang labing
limang araw sa paghahanap sa kanya mula bundok hanggang bundok at halos nilibot na niya ang
dalawang lalawigan. Noon, si Kapitan Pablo ang nag-aalaga kay Elias dahil sa awa ng makita
niya itong palakad-lakad, ngunit ngayon tila nagbago na ang kanilang sitwasyon. Si Kapitan
Pablo noon ay isang mayaman na miyembro ng isang kilalang at swerting pamilya ngunit nang
ma-rape ang kanyang anak ng isang frayle, lumaban ang kanyang pamilya ngunit sila ay nahuli
at nagdusa. Siya ay isang duwag noon ngunit ngayon ay sinabi niyang maghihiganti siya.

Kabanata 46: Ang Kokpit

Dumating ang Linggo at lahat ay nasa kokpit. Kasama sa mga manonood sina Tarsilo at Bruno
na magkapatid. Nais nilang maglagay ng kanilang mga pusta at sumali sa kasiyahan, ngunit wala
silang pera. Lumapit si Lucas sa dalawang batang lalaki at nag-alok ng pera, binabalaan sila
tungkol sa paghihiganti na dapat nilang gawin laban sa mga taong nagdulot ng kamatayan ng
kanilang minamahal na ama at inimbitahan sila na sumali sa rebelyon na plano niyang simulan.
Una ay tumanggi sila ngunit mamaya'y nakita nilang nakikipag-usap si Lucas kay Pedro, asawa
ni Sisa at ama nina Basilio at Crispin. Tinanggap ni Pedro ang mga pilak na barya mula kay
Lucas. Pagkatapos nito, nagpasya ang magkapatid na sumali at umalis matapos ang bawat isa ay
makakuha ng tatlumpung piso mula kay Lucas at bigyan sila ng karagdagang sampung piso para
sa bawat miyembro na kanilang mabibigyan, pumayag silang magkita sa sementeryo ng alas otso
ng gabi. Sinabi ni Lucas sa kanila na si Ibarra ang utak ng plano.

Kabanata 47: Ang Dalawang Senyora

Habang nasa sabungan si Kapitan Tiago, magkaakbay namang namamasyal sina Don
Tiburcio at Donya Victorina. Tinitingan nila ang bahay ng mga Indio. Nababalisa ang
Donya kapag nagbibigay-pugay sa kaniya ang mga Indio. Inutusan niya ang asawa
na mamalo ng sombrero ngunit umayaw ito dahil sa kaniyang kapansanan. Nang
mapadaan ang dalawa sa bahay ng alperes, nagkatinginan sina Victorina at
Consolacion. Inistima nila ang isa’t isa at tinitigan mula ulo hanggang paa. Dumura
pa sa harap ng bahay ng alperes si Victorina na lalong ikinaasar nito.

Sumugod si Consolacion at nagsagutan ang dalawa. Nilait ni Victorina ang alperes


habang minaliit naman ni Consolacion ang kapansanan ni Tiburcio. Pumasok sa
bahay at kumuha ng latigo si Consolacion ngunit inawat na ang dalawa ng kanilang
mga asawa. Narinig ng buong bayan ang away. Inutusan ni Consolacion ang asawa
na barilin ang Don habang si Victorina naman ay inutusan ang asawang barilin din
ang alperes. Pero tumanggi ito at nahablot ang pustiso ng asawa.
Bumalik na sa bahay ni Tiago ang mag-asawa. Nagdadadaldal ang Donya sa
nangyari. Nagpahatid naman si Maria Clara sa silid habang inaabot ni Tiago ang
bayad niya sa mag-asawa at umalis na ang mga ito.

Kabanata 48: Ang Talinghaga


Dumalaw si Ibarra sa bahay ni Kapitan Tiago upang dalawin si Maria. Ibinalita niya rin
dito ang pagkakatanggal niya bilang eksokuminikado. Gayunman, napalitan ang
saya ni Ibarra nang makita niya sina Maria at Linares na masayang nag-aayos ng
mga bulaklak. Nagulat ang binatang si Linares habang namutla naman si Maria
Clara. Nais sanang tumayo ng dalaga para pumunta kay Ibarra ngunit hindi pa siya
lubusang magaling. Nakipagkuwentuhan naman siya kay Maria ngunit umalis din
agad.

Magulo ang isip ni Ibarra dahil sa nakita. Napadaan siya sa ipinatatayong paaralan.
Nakita niya si Nol Juan at ibinalita rito na tanggap na siyang muli ng simbahan
Nakita niya si Elias na abala sa paghahakot ng bato at kariton. Ipinag-utos ni Ibarra
kay Nol Juan na kunin ang mga talaan ng obrero. Inaya ni Elias si Ibarra na
mamangka upang doon pag-usapan ang isang mahalagang bagay. Pumayag siya at
naiabot naman ni Nol Juan ang talaan. Nakita niyang wala roon si Elias.
FILIBUSTERISMO

Chapter 21: Mga Anyo ng Taga-Maynila

Sa kabanatang ito, makikita ang itsura ng Maynila kapag mayroong mga


dinarayo ng dayuhan palabas. Maraming tao ang Variedades sapagkat nagkaroon dito
ng isang palabas ang nagngangalang Ginoong Jouy. Ang palabas ay isang dulang
Pranses na pinamagatang “Les Cloches de Corneville”. Ika-pito at kalahati pa lamang
ng gabi ay wala ng ticket kaya’t pati si Padre Salvi ay wala na rin daw makuha. Sa
“entarda general” ay may mahabang pila ng tao na gustong pumasok. Ang dulaan ay
nagliliwanag ng mabuti, at may mga bulaklak at halaman sa may pintuan at bintana na
may makapal na tao na parang kalamay na hinahalukay kung saan may maririnug kang
tawanan, bulungan at batian. Ang una ay si Camaroncocido ay mapapansin tila di-
kahalo sa mga nag-uumpukang tao, siya ay lalaking payat na at siya raw ay anak ng
isang tanyag na kastila ngunit nabubuhay na bilang isang pulubi. At ang ikalawa ay si
Tio Kiko na isang matanda at pandak na lalaki at isang kabaligtaran ni Camarococido,
sya ay nabubuhat sa pagdidikit ng mga kartel, paglalathala at pagbabalita ng mga
palabas. Ang mga pari ay nagnanais ring makakita ng naggagandahang babae sa
pagtatanghal. Sa kabanatang ito, maaring ang pag-aalsa ay magsisimula sa sapagkat
dito narinig ni Camarococido ang mga salitang “ ang hudyat ay isang putok” ngunit siya
ay nagkibit balikat lamang.

Chapter 23: Isang Bangkay

Naging palasispan kay Basilio ang dahan-dahan na pagkalat ng lason sa buong katawan ni
Kapitan Tiyago.Tahimik na nag-aaral si Basilio nang biglang dumating ang mag-aalahas sa
tahanan ni Tiyago. Kinumusta muna ni Simoun ang kalagayan ng maysakit pagkatapos ay
sinabi niya agad ang kanyang pakay sa binata. Sa kabila ng matigas na pagtanggi ng
binata ay muli niya itong pinakiusapan. Humingi siya ng pabor na kung puwede ay
pamunuan ni Basilio ang isang pulutong upang maghasik ng kaguluhan sa kalathang
Maynila.

Ito ang naisip na paraan ni Simoun upang maitakas niya sa kumbento si Maria Clara.
Nagulat si Basilio sa tinuran ni Simoun kaya sinabi niya sa mag-aalahas na si Maria Clara
ay pumanaw na. Nagulat at nayanig ang mundo ni Simoun sa narinig na balita. Ayaw
niyang maniwala sa sinabi ni Basilio ngunit ipinakita ng binata ang sulat ni Padre Salvi na
labis na tinangisan ng amang si Tiyago. Hindi maiwasan ni Basilio ang maawa sa noo’y
nanlumumo na si Simoun.

Chapter 24: Mga Pangarap

Si Isagani at Paulita ay nagkita sa Luneta para mag-usap at magkaroon ng


pagkakaunawaan. Napag-isip isip ni Isagani ang tungkol sa hindi magandang kalagayan ng
kanyang bansa at ang mga mahirap na dinaranas nito. Nangako si Isagani sa sarili niya na
iaalay niyang ang kanyang buhay alang-alang sa kanyang bayan na kanyang tinubuan.
Sinabi niya sa sarili niya na kung hindi siya magtatagumpay ay masaya at ikatutuwa pa rin
niya na sa paanuman ay isa siya sa mga bayaning nagpapakita at nagpadami ng pagibigsa
kanilang kalayaan.

Chapter:25 Tawanan at Iyakan

Sa kasamaang palad, kahit na nagpapatawaan sila, hindi nila maiwasang maipahayag


ang kanilang sama ng loob sa mga nangyayari sa kanilang lipunan. Isagani, na isa rin
sa mga estudyante, ay dumalo rin sa piging, subalit hindi sumama si Pelaez. Mayroong
mga komento na sana ay inimbitahan na lamang nila si Basilio kesa kay Juanito, baka
sakaling mapaamin nila si Basilio tungkol sa mga lihim na kanyang alam. Sa kabilang
banda, pinag-usapan din nila ang iba’t ibang pagkain na inihain sa piging, na bawat
isa’y may kahulugang simboliko na tumutukoy sa mga tao na malaki ang impluwensiya
sa kanilang lipunan. Pinuna rin nila ang mga pari at ang papel na ginagampanan ng
mga ito sa kanilang buhay mula pagkabata hanggang sa kanilang kamatayan. Sa
bandang huli, natuklasan nila na mayroong isang tao na nagmamanman sa kanila na
kabilang sa kampo ng mga pari, na nagdulot ng galit lalo na kay Makaraig.

Kabanata 26: Mga Paskil

Maagang pumunta si Basilio sa ospital upang bisitahin ang kanyang mga pasyente at ayusin ang
kanyang lisensya sa unibersidad. May Balak din siyang humiram ng pera kay Makaraig dahil
ginamit na ni Basilio ang kanyang ipon sa piyansa ni Juli. Dumating siya sa San Juan de Letran
at nalaman ang tungkol sa pagtuklas ng rebolusyonaryong poster sa mga dingding at sinabi na
ang samahan ay nasa likuran nito. Hiniling din ng gobyerno ang pag -aresto sa lahat ng mga
miyembro ng samahan ng mag -aaral. Pagdating niya sa bahay ni Makaraig, pareho silang
inaresto ng mga awtoridad.

Kabanata 27: Ang Prayle at ang Pilipino

Tumawag si Padre Fernandez kay Isagani upang talakayin ang kanyang partisipasyon sa handaan
sa panciteria. Ang kanilang usapan ay nakatuon sa polisiya ng mga prayle sa pagtuturo sa mga
estudyante. Sinasabi ni Isagani na sinasadya ng mga prayle na ituro ang lumang edukasyon
upang hadlangan ang ambisyon ng mga tao na maging malaya. Sinasabi niya na ang mga taong
nagnanais maging edukado ay itinuturing na filibustero. Sinagot naman ni Padre Fernandez na
ginawa na niya ang kanyang makakaya at hindi lahat ng mga prayle ay kontra sa ideya ng
pagtuturo sa mga tao. Sinasabi niya na ang edukasyon ay maaring ibigay lamang sa mga
nararapat at handang mga tao.

Chapter 28: Sulat

Ang mga pahayagan sa Maynila ay naglalarawan ng kapistahan na nagaganap sa San Diego at


walang anumang bayan ang maaaring ihambing sa kung gaano kasaya at kahanga ang
kapistahan. Sa kapistahan, nagtataka sila kung bakit wala si Ibarra. Nagdududa ang mga tsismis
na siya ay may sakit kaya nag-alala si Maria Clara kaya isinulat niya ang isang sulat kay Ibarra
dahil hindi niya ito nakita. Sinabi niya na ipagdarasal niya at mag-iilaw ng kandila para sa
kanyang paggaling. Tinanong rin niya kung pwede siyang bisitahin ni Ibarra kinabukasan.

Kabanata 29: Ang huling pati-ukol kay Kapitan Tiyago

Abala ang marami sa gaganaping marangyang libing ni Kapitanan Tiyago. Napunta ang
naiwan niyang kayamanan sa Sta. Clara, sa papa, at sa mga pari. And dalawampung pisong
natira ay ibinahagi bilang pang matrikula ng mga mag-aaral. Hindi malaman noong una kung
ano ang damit na isusuot ni Tiyago sa kanyang libing. May nagmungkahi na isang damit-
Pransiskano, at mayroong nagsabing isang prak na paborito ng kapitan. Ngunit nagpasya si Pasre
Irene na isang lumang damit na lang ang isusuot dahil hindi naman daw mahalaga ang damit sa
langit. May mga usapan ding nagpapakita ang kaluluwa ni Kapitan Tiyago bitbit ang kanyang
panabong na manok habang puno ang bibig ng nganga. Sinabi tuloy ng iba na hahamunin ni
Kapitan Tiyago ng sabong si san Pedro sa langit. Marangya ang libing na maraming padasal at
paawit. Marami ding kamanyan at agua bendita na inialay sa kabaong. Ang katunggali naman ni
Tiyago na si Donya Patrocinio ay inggit na inggit sa libing na Kapitan Tiyago at nais na ring
mamatay upang mailibing rin nang marangya.

Kabanata 30: Si Huli/Juli

Malaking usapan sa San Diego ang pagpanaw ni Kapitan Tiyago at pagkakahuli kay
Basilio. Labis namang nalulungkot si Juli dahilsa nangyari sa kasintahan. Sa pagnanais na
makalaya si Basilio ay naisip niyang lumapit kay Padre Camorra. Ngunit nag-aalangan ito dahil
sa maaaring gawin sa kaniya. Gayunman, ilang gabi nang binabagabag si Juli sa kanyang
panaginip. Nabalitaan nitong nakalaya na ang mga kasama ni Basilio dahil sa tulong ng mga
kaanak. Naisip niyang wala nang tutulong kay Basilio dahil wala na rin si Kapitan Tiyago. Ayaw
man nya ay nagtungo si Juli kay Padre Camorra bilang nag-iisa niyang pag-asa para sa nobyo.
Nagtungo si Juli sa kombento. At tulad ng naiisip ni Juli, hinalay siya ng pari. Dahil hindi kinaya
ang kahihiyang ginawa, tumalon si Juli sa bintana ng kombento. Hindi kinaya ng lolo ni Juli na
si Tandang Selo ang nangyari sa apo. Wala siyang makuhang hustisya para sa apo kaya sumama
na lamang ito sa mga tulisan ng bayan.

You might also like