Clara ang kanyang kagamitan sa kumbento. Ang kanyang Tiya Isabel ay naghihintay na sa karawahe upang tuluyan na silang makaalis. Siya namang pagdating ni Padre Damaso. Noli Me Tangere ⤞Hindi minabuti ng pari ang kanilang pag-alis kaya bubulong-bulong itong umakyat papunta sa bahay ng Kapitan. Agad naman siyang sinalubong ng Kapitan at akmang magmamano sa kamay nito ngunit tinanggihan ito ng pari. Sa halip ay sinabi na agad nito ang kanyang pakay sa Kapitan. Noli Me Tangere Ani ni Padre Damaso, hindi raw dapat maglihim sa kanya si Kapitan Tiago dahil siya ang pangalawang ama ni Maria Clara. Sinabi rin niyang dapat na raw itigil ng dalaga ang pakikipag-mabutihan nito kay Ibarra. Dagdag pa ng pari, hindi raw dapat maghangad ng kabutihan ang Kapitan para sa kanyang mga kaaway. Noli Me Tangere
Ang Kapitan naman ay nakumbinsi sa mga sinabi ni
Padre Damaso kung kaya pag alis nito ay agad na pinatay ng Kapitan ang mga kandilang itinulos ni Maria Clara para sa paglalakbay ni Ibbara pauwi sa bayan ng San Diego. Noli Me Tangere
Samantala, si Padre Sybila ay nagtungo sa
kumbento ng Dominikano sa Puerta de Isabel II. Dito ay dinalaw niya ang paring may matinding sakit. Noli Me Tangere Kanyang ibinalita ang mga nakaraang kaganapan kagaya ng pang-aaway na ginawa ni Padre Damaso sa bahay ni Kapitan Tiago, ang pagpanig diumano ng Tinyente sa Kapitan Heneral, at pakikipag- alyansa kay Padre Damaso. Noli Me Tangere
Ang matandang may sakit ay nakipagpalitan din ng
saloobin at sinabing ang pagtaas ng buwis ang dahilan ng pagkaubos nang kanilang mga kayamanan. Aniya, natuto na ang mga Pilipino sa paghawak ng ari-arian. BUOD NG KABANATA 9: ⤞ Sa kabanatang ito, papunta na si Maria Clara na pumunta sa kumbento upang kunin ang kanyang kagamitan. Ngunit, dumating si Padre Damaso at pinigilan ang kanilang pag-alis. Inamin ni Padre Damaso kay Kapitan Tiyago na hindi niya gusto ang relasyon nina Maria Clara at Ibarra. Dahil sa mga sinabi ni Padre, pinatay ni Kapitan Tiyago ang mga kandila na itinulos ni Maria Clara para sa paglalakbay ni Ibarra. Nagtungo naman si Padre Sybila sa kumbento ng Dominikano upang dalawin ang isang may sakit na pari. Nagkwentuhan sila tungkol sa mga pangyayaring naganap. Ani rin ng matandang may sakit na ang pagtaas ng buwis ang dahilan ng pagkaubos nang kanilang mga kayamanan at natuto na ang mga Pilipino sa paghawak ng kanilang mga ari-arian. QUIZ: 1. Saan papunta sila Maria Clara at Tiya Isabel? 2. Sino ang pabulong-bulong na umakyat papunta sa bahay ni Kapitan? 3. Ano ang pakay nila Maria Clara at Tiya Isabel sa kanilang pupuntahan? 4.Sino ang dumalaw sa paring may matinding sakit? 5. Sino ang pumatay sa kandilang itinulos ni Maria Clara? SAGOT:
⤞1. Sa Kumbento ⤞2. Padre Damaso ⤞3. Upang kunin ang kanyang mga gamit ⤞4. Padre Sybila ⤞5. Kapitan Tiago/Tiyago MARAMING SALAMAT SA PAKIKINIG!!