You are on page 1of 3

APEC SCHOOLS

Rachelle Anne C. Hablado Marka:


9-AM2 Bb. Lizette A. Seville

KABANATA 9

Iba’t Ibang Pangyayari


Mga Tauhan:
- Maria Clara - Tiya Isabel
- Kapitan Tiago - Padre Damaso
- Padre Sibyla

Mahahalagang Pangyayari:
 Papaalis sina Tiya Isabel at Maria Clara upang kunin ang gamit ni Maria Clara sa
kumbento.
 Naghihintay na lamang ni Tiya Isabel sa karwahe nang madatnan siya ni Padre Damaso
at nalaman ang pakay nilang na pag-alis. Bubulong bulong ito na umakyat papunta sa
bahay ng Kapitan.
 Kinausap ni Padre Damaso si Kapitan Tiago at sinabing hindi dapat maglihim ng kahit
ano pa man sa kanya ang Kapitan sapagkat siya ang pangalawang ama ni Maria Clara.
Dapat daw ding itigil ang pakikipagmabutihan ng dalaga sa binatang si Ibarra. At hindi
siya dapat maghangad ng kabutihan para sa kanyang mga kaaway.
 Pagka-alis ni Damaso ay agad pinatay ng Kapitan ang mga kandilang itinulos ni Maria
Clara para sa paglalakbay ni Ibarra pauwi sa bayan ng San Diego.
 Dinalaw ni Padre Sibyla sa kumbento ng Dominikano sa Puerta de Isabel II ang paring
may sakit at sila’y nagkausap ukol sa mga nakaraang kaganapan, katulad ng pang-aaway
na ginawa ni Padre Damaso sa bahay ni Kapitan Tyago at ang pagpanig ng Tenyente di
umano sa kapitan-heneral at pakikipag-alyansa kay Padre Damaso. Sinabi ng paring may
sakit na ang pagtaas ng buwis ang dahilan ng pagkaubos nang kanilang mga kayamanan
at natututo na rin aniya ang mga Pilipino sa pahawak ng ari-arian.

Mga Aral na Nakuha:


1. Ipinakikita rito ang pagtutol sa desisyon ni Maria Clara ni Damaso na
pakikipagmabutihan kay Ibarra. Naniniwala na ako na dapat ay sundin ni Maria Clara ang
kanyang gusto sapagkat walang sinuman ang may karapatang magdikta sa gusto ng isang
tao.
2. Maging matapang at magkaroon ng sariling pag-iisip. Sapagkat hinayaan lamang ni
Kapitan Tiago na pagsabihan siya ni Padre Damaso at hinayaan niya ring siya’y
makumbinsi nito agad-agad.

PAGSUSULIT:
1. Ano ang balak kunin ni Maria Clara sa kumbento?

2. Sino ang kasama niya sa pagkuha nito?

3. Sino ang bubulong-bulong habang paakyat sa bahay ng Kapitan?

4. Bakit nagalit si Padre Damaso kay Kapitan Tiago?

5. Ano ang bagay na itinulos ni Maria Clara para sa paglalakbay ni Ibarra?

6. Sino ang dumalaw sa paring may sakit?


7. Ano ang kanilang mga napag-usapan? Magbigay ng isa.

8. Ang pagtaas ng ______ ang naging dahilan ng pagka-ubos nang kayaman ng pari.

9. Natututo na ang mga Pilipino sa paghawak ng ari-arian ayon sa pari. Totoo o Hindi?

10. Sila’y nagka-usap ukol sa nakaraang kaganapan. Totoo o Hindi?

You might also like