You are on page 1of 22

Noli Me Tangere

Talasalitaan
Panuto: Piliin ang tamang sagot sa loob ng kahon at isulat ang
titik sa patlang.
A. Masalimuot
1. Ang ibig sabihin nito ay mapagbigay.
B. Maluwalhati
2. Ang Ibig sabihin nito ay maligaya o pinagpala.
C. Tanglaw
3. Ang ibig sabihin nito ay kumplikado.
D. Bukas-palad
4. Ang ibig sabihin nito ay ilaw.
5. Ang ibig sabihin nito ay masipag.
E. Masigasig
Talasalitaan
Panuto: Piliin ang tamang sagot sa loob ng kahon at isulat ang
titik sa patlang.
A. Masalimuot
D 1. Ang ibig sabihin nito ay mapagbigay.
B. Maluwalhati
B 2. Ang Ibig sabihin nito ay maligaya o pinagpala.
A C. Tanglaw
3. Ang ibig sabihin nito ay kumplikado.
C D. Bukas-palad
4. Ang ibig sabihin nito ay ilaw.
E 5. Ang ibig sabihin nito ay masipag.
E. Masigasig
Kabanata I
(Isang Salusalo)
May isang pagtitipon sa bahay ni Kapitan Tiago. Si Kapitan Tiago
ay ang kapitan ng San Diego, siya ang ama ni Maria Clara, at isang
maginoo na tumutulong sa kapwa. Nagkukuwentuhan sila Padre
Damaso, Padre Sibyla, isang nakapaisano, at ang tenyente. Si
Padre Damaso ay nagrereklamo dahil hindi na siya ang kura ng
San Diego. Nagkainitan ang tenyente at si Padre Damaso kaya
naman namagitan si Padre Sibyla. Nang lumayo na ang tenyente
ay nagsimulang huminahon si Padre Damaso, at ngayon din ay
dumating ang ibang mga tauhan.
Kabanata II
(Si Crisostomo Ibarra)
Si Crisostomo Ibarra ay dumating sa bahay ni Kapitan Tiago.
Kakauwi lang ni Ibarra sa Pilipinas galing sa pitong taong niyang
pagaral sa europa. Binati ni Ibarra si Padre Damaso, "Aba! Ang
Kura sa aking bayan, at matalik na kaibigan ng aking ama."
Sumagot si Padre Damaso, "Hindi ka nagkakamali, ngunit hindi ko
kailanman naging matalik na kaibigan ang iyong ama." Pagkatapos
pahiyain ni Padre Damaso si Ibarra, si Ibarra ay pumunta sa
tenyente, binati siya ng tenyente at pinuru ang kaniyang ama.
Pagkatapos ng interaksyon ni Ibarra at ng tenyente, si Ibarra ay
tumungo sa umpukan ng mga binata na makata.
Kabanata II (2)
(Si Crisostomo Ibarra)
Si Ibarra ay nag pakilala at tinanong kung bakit hindi nagsusulat
ng tula ang mga makata. Sinagot ng isang makata na, "Ang
isipan ko'y ayaw kumilala at magsinungaling. May isang
makatang tumula sa katotohanan at siya'y pinag-usig."
Pagkatapos ng pagusap ni Ibarra sa mga makata, siya ay lumayo
at lumapit kay Kapitan Tinong. Nag pakilala si Kapitan Tinong at
inimbita si Ibarra sa pananghalain kanibukasan, si Ibarra ay
tumangi dahil uuwi na siya ng San Diego bukas.
Kabanata III
(Ang Hapunan)
Oras na ng hapunan, si Padre Damaso at si Padre Sibyla ay
nagaagawan ng kabisera. Hinain na ang tinola sa lamesa, napunta
kay Padre Damaso ang leeg at pakpak, kaya naman humigop lang
siya ng sabaw at tinapon ang kutsara at pinggan. Si Ibarra ay
nakikipagusap sa mga tao tungkol sa Europa at kung gaano ka
mahal niya padin ang Pilipinas na inang bayan. Si Padre Damso ay
nagsalita, "Iyan lamang ang nakita mo? Alam na iyang lahat ng bata
sa paaralan." Natakot ang lahat na baka magkagulo, ngunit
nanatiling kalmado si Ibarra at nagpaalam na umalis. Nagalit si
Padre Damaso dahil nagiging mapagmataas daw ang tao kapag nag
aral sa Europa, at dapat daw ipagbawal iyon ng pamahalaan.
Kabanata IV
(Erehe at Pilibustero)
Naglalakad si Ibarra ng salubungin siya ng tenyente, "Binata, mag-
iingat kayo! Ang nangyari sa iyong ama'y isang halimbawang hindi na
dapat maulit pa." Si Ibarra ay nacurious at tinanong sa tenyente kung
ano ba ang naging kapalaran ng kaniyang ama na si Don Rafael Ibarra.

Sinabi ng tenyente na pinagbintangan daw ni Padre Damaso ang ama


ni Ibarra na hindi daw nangungumpisal. At noong panahon na iyon ay
may artilyerong naalis sa pagkasundalo dahil sa masamang ugali,
dahil diyan ay ginawa siyang tagasingil ng buwis. Isang araw ay
tinukso ng mga bata ang artilyero, hinabol ng artilyero ang mga bata
at hinampas ng baston.
Kabanata IV (2)
(Erehe at Pilibustero)
Nakita daw iyon ni Don Rafael Ibarra at hinawakan sa bisig ang artilyero at minura,
nakita nalang daw ang artilyero sa malayung lugar at ang ulo'y bumagsak sa bato.
Sumuka ng dugo at namatay ang artilyero. Pinaratang daw bilang pilibustero at erehe
ang ama ni Ibarra. Pinaratang din daw na siya ay bumabasa ng El Correo de Ulramar at
mga pahayagan sa Madrid. At nakuhan pa daw siya ng larawan at liham ng isang paring
binitay. Pinagbintangan pa din daw siya na nangangamkam ng mga bukurin kaya't
pinagbayad siya ng kapinsalaan. At pinagbintangan din ng pagiging kasabwat ng mga
tulisan. Dapat na sanang makalaya si Don Rafael ngunit pinatunayan ng manggagamot
na ang ikinamatay ng artilyero ay pagmuo ng dugo sa ulo. At ng malapit nang makalaya
si Don Rafael, nanghina ang kanyang katawan, dahil sa pagkakapiit at pag-iisip, naging
sanhi ito ng kanyang pagkamatay
Kabanata V
(Isang Bituin sa Gabing Madilim)
Nanatili si Ibarra sa Fonda de Lala. Sa loob ng kanyang silid, umupo siya
sa isang silyon at pinagmamasdan ang kalawakan ng kalangitan.
Nakaramdam siya ng pagkabalisa at naisip ang trahedya na sinapit ng
kanyang ama. Sa kabila ng ilog, tanaw niya ang bahay ni Kapitan Tiago
na nagniningning mula sa kanyang bintana. Ngunit kung nakakita siya
ng maayos ay makikita niya ang isang pagtitipon ng mga Pilipino,
Kastila, mga Intsik, mga sundalo, mga pari, at isang magandang dalaga.
Pagkatapos ay nakita ni Ibarra ang dalawang pangitain sa langit mula sa
kanyang bukas na bintana. Ang una ay nagpapakita ng isang lalaki na
ang ama ay naghihirap at nasa kulungan at ang pangalawa ay
nagpapakita ng isang binata na masaya sa ibang bansa.
Kabanata VI
(Si Kapitan Tiago)
Si Kapitan Tiago ay nag-iisang anak ng isang mangangalakal ng asukal sa
Malabon. Si Kapitan Tiago ay isang gwapong lalaki na may maitim, pandak,
at bilog na mukha. Ang paninigarilyo at pagnganga ay sumisira sa kanyang
hitsura. Naglingkod siya bilang gobernadorcillo, kasama sa kanyang
paglilingkod ang mockery sa mga Pilipino at hayaan ang mga Kastila. Ang
tingin ng Kapitan sa kanyang sarili ay isang Kastila, habang ang tingin niya
sa mga Pilipino ay mga Indio. Naniniwala siya na ang mga Espanyol ay
marangal at karapat-dapat igalang at pahalagahan. Kaibigan siya ng lahat
ng makapangyarihan, lalo na ng mga pari, at ang kanyang silid ay puno ng
mga santo. Ang Kapitan ay nakakuha ng maraming properties dahil sa
negosyo, kabilang ang kanyang pagbili ng lupa sa San Diego.
.
Kabanata VI (2)
(Si Kapitan Tiago)
Nakilala niya si Pia Alba mula sa Sta. Cruz at nagpakasal sila. Sa kabila ng
magandang buhay na kanilang tinatamasa sa kanilang anim na taong
pagsasama, hindi nagkaanak ang dalawa. Tapos nang manganak si Pia
Alba, nagkasakit siya at namatay. Ipinanganak si Maria Clara at
ipinangalan sa anak na inalagaan ni Tiya Isabel. Pinasok ng kanyang ama
si Maria Clara sa kumbento ng Sta. Catalina. Lumaking magkasama sina
Maria Clara at Crisostomo Ibarra. Nagkasundo sina Kapitan Tiago at Don
Rafael na pakasalan sina Maria Clara at Ibarra sa takdang panahon.
.
Kabanata VII
(Suyuan sa Asotea)
Sa umaga, nananahi si Maria habang naghihintay. Si Isabel ang nagwalis ng gulo kagabi.
Inirerekomenda siya ni Kapitan Tiago na magbakasyon sa Malabon o San Diego. Pinayuhan
ni Isabel na magpalipas ng bakasyon sa San Diego dahil sa tabi ng malaking bahay doon,
malapit nang magsimula ang festival. Nang may humintong sasakyan sa harap nila,
nanlamig si Maria at biglang nalaglag ang kanyang tinatahi. Nang marinig niya ang boses ni
Ibarra, kakapasok lang ni Maria sa silid. Naglakad ang dalawa papunta sa hall. Ang
pagkakita sa kanila ay nagdulot ng saya sa kanilang mga puso. Upang makalayo sa alikabok
na ginagawa ni Isabel, lumapit sila sa asotea. Dahil napakaraming magagandang dalaga
roon, tinanong ni Maria si Ibarra kung hindi ba niya ito nakalimutan habang siya ay nasa
ibang bansa. Sinabi ni Ibarra na hindi niya ito kinalimutan at nangako siya sa harap ng
bangkay ng kanyang ina na walang iba kundi si Maria na mahalin at pasayahin.
Kabanata VII (2)
(Suyuan sa Asotea)
Hindi makakalimutan ni Maria si Ibarra, sa kabila ng payo ng kompesor ng ama na
kalimutan siya. Nagsalita pa si Maria tungkol sa kanilang pagkabata, sa kanilang
paglalaro, paghampas sa isa't isa at pagbabati, at kung paano tumawa si Maria nang
tawagin ng kanyang ina si Ibarra na tulala. Dahil dito ay nagtampo si Ibarra kay Maria.
Pagkatapos lamang na lagyan ni Maria ng sage ang loob ng kanyang sombrero upang
maiwasang maging itim ay nawala ang kanyang pagtatampo. Ikinatuwa ito ni Ibarra at
naglabas ng isang papel sa kanyang bulsa upang ipakita ang ilang tuyong dahon ng
sambong na nangingitim. Gayunpaman, mabango ito. Bago umalis patungong ibang
bansa, sumulat si Ibarra kay Maria ng liham na nagpapaliwanag kung bakit nais ni Don
Rafael na ituloy niya ang kanyang pag-aaral sa ibang bansa.
Kabanata VII (3)
(Suyuan sa Asotea)

Kailangan niyang matutunan ang buhay bilang isang lalaki para magampanan ang
kanyang tungkulin sa kanyang pamilya. Dahil sa kabila ng pagiging matanda na at
kailangan ni Ibarra, handa si Don Rafael na magparaya sa mga pansariling interes
alang-alang sa kapakanan ng publiko. Bumangon si Ibarra sa puntong iyon sa sulat.
Naging malungkot siya. Itinigil ni Maria ang kanyang pagbabasa. Tanong ni Maria sa
lalaki. "Nakalimutan ko ang tungkulin ko dahil sa iyo," tugon niya. Dahil Undas bukas,
kailangan niyang umuwi para ipagdiwang ito.
Kabanata VIII
(Mga Alaala)
Lumibot si Ibarra sa Maynila sakay ng isang karuwahe o kalesa. Nais sana niyang maaliw
at balikan ang kabataan ngunit imbes na maging mapayapa ang damdamin ay pagkainis
lamang ang nanramdaman nito. Nang dumaan kasi siya sa mga taong nagpipison ng mga
bato, nag dulot ito ng pagkaalala ng masamang alalaala ng nakakita siya ng bilangong
patay na nakabulagta. Tuloy ang kaniyang paglakbay, ngunit nabatid niya sa mga tanawin
na mas naghihirap ang mga mamamayanan, partikular ang mga nasa Escolta na noon ay
napakaganda. Naisip ni Ibarra na ang lugar na malaking bahagi ng kaniyang kabataan ay
unti-unti nang nasira dahil sa kapabayaan. Napakarami na ring mga Pilipinong alipin.
Masakit sa loob niya na mas maunlad ang mga prayle kaysa sa mga Pilipino. Naisip din ni
Ibarra ang sinabi ng dati niyang guro sa kahalagahan ng edukasyon at paano nito
mapauunlad ang bayan.
Kabanata IX
(Mga Bagay-bagay Ukol sa Bayan)
Paalis na sina sina Tiya Isabel at Maria Clara nang biglang
dumating ang humahangos pang si Padre Damaso. Nang
malaman niyang papunta ang magtiya sa Beaterio upang
kuhanin ang kagamitan ni Maria ay kaagyat na umakyat si
Damaso upang kausapin si Kapitan Tiyago. Nang magtagpo ay
nakabahala si Kapitan Tiago dahil sa hindi karaniwang anyo ni
Padre Damaso. Dito na rin ipinarating ni Padre Damaso ang
damdamin daw ng gobernadorcillo sa pakikipaglapit ni Maria
kay Ibarra. Itutol daw and relasyon ng dalawa dahil isang
kaaway daw si Ibarra. Sinabi pa ng prayle na bilang
pangalawang ama ni Maria, may karapatan daw siya sa mga
desisyon nito sa buhay.
Kabanata X
(Ang Bayan ng San Diego)
Marami ang humahanga sa bayan ng San Diego dahil sa mayamang lupa, malawak na
taniman, at mga ilog at lawa sa paligid. Maraming kabuhayan ang maaaring gawin dito.
Wala talagang nagmamay-ari sa bayan ng San Diego, may isang binatang nag tangkang
bilhin ang lupain, kaya kinuha niya ang loob ng mga katutubo sa pagbibigay ng damit at
alahas, ngunit nakita nila na nakasabit ang binata sa puno kaya tinapon ang mga alahas
sa ilog, sinunog ang mga damit, at kinatakutan ang gubat. Ilang buwan ang lumipas at
mayroon namang isang binata na si Don Saturnino at nakakilala niya ang kanyang ibiibig
sa San Diego, ang kanilang ibigan ay humantong sa pagkapanganak ni Don Rafael, ang
ama ni Don Crisostomo. Malalaman din natin sa kabanatang ito na may prayleng Pilipino
dati sa San Diego at nang siya ay mawala, si Padre Damaso ang pumalit.
Pagsasanay
TAMA o MALI: Isulat kung Tama o Mali ang mga sumusunod na
pangungusap batay sa Aralin 1-10 ng Noli Me Tangere.

1. Si Kapitan Tiago ay ama ni Maria Clara.


2. Nagkainitan si Padre Damaso at ang tenyente sa bahay ni Kapitan Tiago.
3. Si Crisostomo Ibarra ay nagpakilala sa mga binatang makata.
4. Si Don Rafael Ibarra ay hinampas ng baston ng artilyero.
5. Padre Damaso ay naging mapagmataas dahil sa
pag-aaral sa Europa.
Pagsasanay
TAMA o MALI: Isulat kung Tama o Mali ang mga sumusunod na
pangungusap batay sa Aralin 1-10 ng Noli Me Tangere.

6. Si Don Saturnino Ibarra ay ang ama ni Don Crisostomo Ibarra.


7. Si Ibarra ay naglakbay sakay ng isang karuwahe upang maalala ang kabataan.
8. Si Don Rafael Ibarra pinaratangan bilang pilibustero at erehe.
9. Nabatid ni Ibarra sa kanyang paglalakbay na maunlad ang mga mamamayan.
10. Gusto ni Padre Damaso na itutol ang relasyon ni Ibarra at Maria Clara.
Mga Sagot
Pagsasanay
1. Tama 6. Mali
2. Tama 7. Tama
3. Tama 8. Tama
4. Mali 9. Mali
5. Mali 10. Tama
Salamat Sa
Pagkikinig

You might also like