You are on page 1of 3

Noli Me Tangere | Kabanata 7 :Suyuan sa Asotea

Pagkatapos makapag-agahan ay nanahi si Maria


Clara upang hindi mainip sa paghihintay. Napansin
ni kapitanTiago na namumutla si Maria Clara kaya
ipinayo niyang magbakasyon ito sa Malabon o sa
San Diego.

KAPITAN TIAGO : Pagkabili mo ng damit ay tutungo tayo sa Malabon nang mga


ilang araw, wala rin lamang ang iyong inaama.

TIYA ISABEL : Sa San Diego na, Pinsan. Maganda ang ating bahay roon at isa
pa,malapit na ang pista.

Kinagalak ni Maria Clara ang narinig ngunit ang pagtigil ng isang sasakyan ay
ipinagbago ng kulay ng dalaga..........

TIYA ISABEL : Siya na nga. Hala, mag-ayos ka habang nag-uusap sila tungkol
sa inyong ......sige na,mag madali ka.

Lumabas ang mag kasintahan sa asotea upang


iwasan ang alikabok na nililikha ng pagwawalis ni
tiya isabel.
MARIA CLARA : Hindi mo ba ako nalilimutan sa paglalakbay mo sa maraming
bayang pinananahanan ng magagandang dalaga?
IBARRA : Ang iyong alala'y kasama ko sa lahat ng sandali at siyang tanging aliw
ng nalulungkot kong kaluluwa nang ako'y nasa ibang bayan. ikaw ang sagisag ng
aking lupang tinubuan - marilag, matapat, mahinhin, at anak ng Pilipinas, ang
lupain nagmana ng dakilang asal sa Espanya at nagtataglay pa rin ng
namumukod na ugali ng isang bagong bayan.

MARIA CLARA : Naalala mo ba noong tayo'y isama ng iyong ina upang maligo
sa batis? Nag-aaral ka noon sa Ateneo, kaya't sinasabi mo sa akin sa wikang
latin ang bawat ngalan ng mga bulaklak at mga halaman ngunit di kita
pinapansin dahil hinahabol ko ang paruparo at tutubi. Nawala ka at nung muli
kang bumalik, ipinatong mo sa ulo ko ang putong ng mga bulaklak ng suha.
Ako'y tinawag mong si Chloe. Kinuha ng iyong ina ang aking putong, dinikdik
saka inihalo sa gugo. Napaiyak ka at sinabi mong hindi nakakaalam ng
mitolohiya ang iyong ina. Tinawag ka niyang hangal at ako'y nagtawa. Nagtampo
ka sa akin at kaya ka lamang napangiti ay nang lagyan ko ang sambong ang
loob ng iyong sumbrero nang tayo'y pauwi na upang di ka mainitan.

Nagalak si Ibarra. Kinuha sa kalupi ang isang papel


at ipinakita ang isang dahong nangingitim-tuyo
ngunit mabango.
IBARRA : Ito ang dahon ng sambong na alaala mo sa akin.

Isang puti at munting supot ang kinuha naman ng


dalaga sa kanyang dibdib.
IBARRA : Iyan ba ang liham ko bago ako umalis?
MARIA CLARA : Wala ka namang ibang liham sa akin, a.

Binasa ng dalaga ang sulat nang pantay-mata


upang di mamasdan ang kanyang mukha.
MARIA CLARA : Ayaw kung umalis ngunit ang katwiran ng aking ama: Ikaw ang
lalaki kaya’t katungkulan mong matutunan kung ano ang buhay at nang
mapalingkuran mo ang iyong bayang pinagkakautangan ng lahat.Sa piling ko’y
matutulad ka sa sinabi ni Baltazar na “halamang lumaki sa tubig,daho’y nalalanta
munting di madilig…..ikinaluluoy ang sandaling init.”

Napatayo si Ibarra na namumutla. At biglang


nagpasyang magpaalam.
MARIA CLARA : Bakit? Napano ka?
IBARRA : Nakalimutan ko ang aking tungkulin nang dahil sa iyo. Dapat na akong
umuwi sapagkat bukas ay kaarawan ng mga patay.

You might also like