You are on page 1of 124

BAHAY ni MARIA

by Margarita29

One and Only Rule: Bawal pumasok ang magandang babae sa loob ng BAHAY ni MARIA.

=================

Una

Malaki at lumang bahay.

Masangsang na paligid. Amoy Patay na daga

Tapat-tapat na pintuan.

Pabilog na hagdanan.

Malalaking mga bintana na sira sira ang harang.

Matataas na puno sa tapat ng bintana.


Isang basement na ang dulo ay daan papuntang hardin sa likuran na walang nakatubong
halaman.

Sira-sirang bakod na may napakalaking gate.

At Isang Titulo ng Lupa

One and Only Rule: Bawal pumasok ang magandang babae sa loob ng BAHAY ni MARIA.

=================

Pangalawa

**Rosenda**

"Aling bahay ba ang tinutukoy mo Rosenda? Yung bahay ba na nasa kadulo duluhan ng
subdivision malapit sa school natin?" kinakabahang tanong ni Mary.
"Oo Mary. Yung Bahay ni Maria Chua. Yung nakapangasawa ng Intsik."

"Eh diba patay na siya? abandonado na nga yung bahay niya eh" Biglang napakapit sa
isa kong braso si Jiji. Habang kampanteng nagbabasa ang kakambal nitong si Jaja.

"Oo. Pinatay niya yung asawa niyang Intsik at yung magandang kabit nito na mas
maganda daw keysa sa kanya. Tapos saka niya nilibing sa likod bahay. Kaya nga daw
walang tumutubong halaman yung likod bahay nila eh. Saka siya nagpakamatay sa loob
ng kwarto niya. Nagbigti. Naamoy na lang ng mga kapitbahay yung masangsang na amoy
mula sa bahay niya. Nung tinignan, nakita yung katawan niya. Inuuod na. Tapos
nakita niya nakasulat sa pader. BAWAL PUMASOK ANG MGA MAGAGANDANG BABAE"

"Waaaaaaa. Huwag naman ganyan Rosenda! Alam mo namang lagi nating nadadaanan ang
bahay na yun before and after school eh." Sabay hampas ni Jiji sa braso ko.

"May nakakita na ba sa kanya huh? Baka loko loko lang yan" Tanong ni Mary.
"Ang sabi pa nila. Kapag daw nahawakan ka na ni Maria, hindi ka na makakawala pa sa
kanya. Makukulong ka kasama niya sa loob ng bahay niyang malaki. Kung makaalis ka
man sa bahay niya, susundan ka pa rin niya hanggang sa bahay mo."

"Narinig ko na nga rin ang kwentong yan sa mga kapitbahay namin, Ang sabi pa, kung
di mo man daw makita sa Maria sa loob, wag na wag mong kukunin ang titulo ng lupa
niya." sabi ni Jaja

"At bakit?" Tanong namin.

"Kasi ang pamilya mo ang babalikan niya" Dagdag pa niya.

"Ano at bakit?"

"I dont know? Ang di ko lang maintindihan. Bakit may nakasulat sa pader na bawal
ang mga magagandang babae?" Takang tanong ni Jaja.
"Baka dahil dun sa kabit?" Sagot ni Jiji.

"Lahat damay?" Tanong ni Jaja

"Sa kanya lang daw kasi ang lupa niya kaya di pwede kunin yung titulo. What a gold
digger. Tapos galit siya sa magaganda kasi Pangit siya at Insecure. Sobrang Selosa
pa" Biglang pasok ni Britanny sa usapan. " Ibig sabihin, bawal sina Mary, Jaja,
Jiji at Ako sa bahay na yon! Si Rosenda lang ang pwede."

Sabay tingin niya sakin na ngiting ngiti. Ano gusto niyang palabasin? Tinaas ko ang
kilay ko pero nagreact siya. "Oh please Rosenda.Stop raising your eyebrows. Lalo
kang pumapangit" tapos pumunta siya sa may bandang likuran ng classroom.

"Ang kapal naman ng mukha mong sabihan ng hindi maganda si Rosenda. Kakairita ka
ah" Sabi ni Jiji. Naiinis ako. Alam ko hindi ako kagandahan dahil sa malaking
peklat sa mukha ko pero sana naman hindi na niya ipangalandakan pa sa pagmumukha
ko.

" Gumanda ka lang dahil sa make-up, Britanny" dagdag ni Jaja. Inirapan kami ni
Britanny.
"Rosenda, wag mong pansinin yung sinabi ni Britanny. Alam naman nating maganda ka
eh" Nakangiting sabi ni Mary.

"Alam mo bang hindi sinasaktan ni Maria ang mga babaeng hindi kagandahan? Mabait
din siya sa mga yun. Try mo kayang puntahan siya Rosenda. Baka mapaganda ka niya.
Or else magsama kayong dalawa. Pareho kayong creepy at feeling maganda." Pagkatapos
ay tumawa ng malakas si Britanny at lumabas ng classroom.

"Nakakainis talaga yung Britanny na yun noh?" Nakasimangot na sabi ni Mary

"Oo nga! Sana kunin siya ni Maria. Kaso hindi naman siya maganda kaya baka di rin
siya kunin dun" Nakangiting sabi ni Jiji.

"Tara na nga! Umuwi na tayo" Sabi ni Jaja. Pagkatapos ay umuwi na kami.

*kinagabihan*
Hanggang ngayon. Iniisip ko pa rin ang tungkol sa sinabi ni Britanny tungkol kay
Maria.Ganun kaya kasama si Maria na lahat ng magagandang babae ay kinukuha
niya? Kapag maganda ka at pumasok ka sa loob ng bahay niya. Asahan mong hinding
hindi mo na mahahanap ang daan palabas. Dahil nga daw sa galit si Maria sa mga
magaganda. Dahil kaya sa niloko siya ng asawa niya at pinagpalit sa maganda? I
think that's unfair. Hindi lahat ng magaganda ay masasama. Like my friends
(^_____^)

Sa totoo lang nung unang marinig ko ang kwentong iyon, nacurious na talaga ako. Ang
sabi kasi ng karamihan. Kapag pangit ka at pumunta ka sa bahay niya, bigyan mo lang
siya ng puso ng isang magandang babae na punong puno pa ng maraming dugo.

Ang dugong iyong ang siyang paiinumin niya sau saka niya tutuparin ang lahat ng
kahilingan mo. Pero pagkatapos mong humiling sa kanya, lalo na kung ang hiniling mo
ay ang gumanda, wag na wag ka ng papasok pa ulit sa bahay niya dahil hinding hindi
ka na makakalabas pa.

Ang nangyayari naman sa puso ng babaeng inalay sa kanya'y kinakain daw ni Maria
para mas lalong gumanda at bumata ang kanyang itsura. Hindi ko lang alam kung totoo
iyon. Rumor is Rumor

"Gusto kong humiling na gumanda.Pumunta kaya ako at humiling? Pero san ako kukuha
ng puso ng isang magandang babae?"

Gusto kong gumanda pero ayoko maging mamamatay tao noh. Tsk. Ano ba tong iniisip
ko, nababaliw na ko. makatulog na nga lang. Hindi totoo ang Maria na yan! Swear!
Gawa gawa lang iyon ng mga tao dito!

=================

Pangatlo

**Rosenda**
"Rosendaaaaa" Malakas na sumigaw si Jiji at lumapit sakin.

"Bakit Jiji may nangyari ba?"

"Diba absent kahapon si Betty?" Si Betty yung kaklase namin na nerd na isa rin sa
mga binubully nila Britanny. Wala kasi siyang kaibigan. at oo kahapon ko pa nga rin
siya hindi nakikita.

"Oo bakit anong nangyari?"

"Di pa daw kasi siya umuuwi simula kahapon" hindi mapakaling sabi ni Mary.

"Ang balita pa may nakakita daw sa kanya malapit sa bahay ni Maria" dagdag ni Jaja.

"Hind kaya kinuha na siya ni Maria?" nag-aalalang tanong ni Jiji.


"Hindi naman siguro" sabi ko.

"Eh ano naman kung kinuha na siya ni Maria? Mabuti sa kanya yun para mabawas
bawasan na ang mga pangit sa mundo! Try mo na ring sumunod sa kanya PEKLAT" si
Britanny. Sasagutin ko na sana siya ng biglang pumasok sa loob ng classroom ang
teacher namin. Kanya kanya na kaming balik sa kanya kanya naming upuan.

Sa kalagitnaan ng pagtuturo nito inabot ko ang kapirasong papel kay Jaja. Katabi ko
lang kasi siya.

Ako: Sa tingin mo kinuha siya ni Maria?

Jaja: Sa tingin mo?

Ako: Sa tingin ko humiling siya kay Maria. Remember? Ang sabi wag na wag ng
magpapakita pa kay Maria kapag humiling na?

Jaja: So sa tingin mo umalis na siya?


Ako: Oo, ano kayang hiniling niya? Kagandahan kaya?

Jaja: That's nonsense Rosenda, Dati ng maganda si Betty.

Ako: Humiling din kaya ako?

Jaja: Rosenda, hindi ko gusto niyang iniisip mo. Alam mo naman ang kapalit diba?
Puso ng babae! Papatay ka para lang gumanda? Stop that nonsense ok?! At sa tingin
ko hinding hindi magagawa ni Betty ang pumatay ng tao.

Ako: Oo tama ka.

Jaja: Please lang Rosenda ah, Wag mong gagawin ang bagay na pagsisisihan mo sa
bandang huli.

Ako: Sorry Jaja, wag kang mag-alala. Hinding hindi ako pupunta sa bahay ni Maria no
matter what happen.
*Sa tapat ng bahay ni Maria*

Bakit andito ako sa tapat ng bahay ni Maria? Kanina lang sabi ko kay Jaja na
hinding hindi ako pupunta dito. na hinding hindi ko gagawin ang bagay na inaakala
niyang gagawin ko. Hindi ako papatay. Pero gustong gusto kong humiling na gumanda.
Gusto ko ng maalis ang malaking peklat na to sa mukha ko. Ayoko ng lagi akong
tinutukso. Ayoko na ng pinandidirihan ng karamihan. Ayoko ng lagi akong hinahamak.
Sumisikip ang dibdib ko. Ayoko na.

"Anong problema mo?Bakit ka umiiyak?" biglang may nagsalitang babae sa tabi ko. Ng
lingunin ko siya napagmasdan ko ang itsura niya. Mahaba ang kulay itim niyang buhok
at maamo ang maganda niyang mukha. Mas mataas din siya sakin ng bahagya. at
nakasuot siya ng mahaba at itim na damit. Inshort sobrang ganda niya.

"Wala po" saka ko pinunasan ang luha ko. Pero inabutan niya ako ng pulang panyo.

"Ang babae hindi dapat umiiyak"

"Salamat po" kinuha ko ang panyo.


"Maganda ang bahay noh?" Sinundan ko ng tingin ang tinitingnan niya. Ehh? Ang bahay
ni Maria yung tinutukoy niya? Anong maganda dyan? Kinikilabutan nga ako eh.

"Diyan nakatira si Maria, tutuparin niya lahat ng kahilingan mo" dagdag niya

"Kaso may kapalit naman. Ayoko namang pumatay para lang gumanda. Ayokong makulong."
mahina kong sabi habang nakatingin sa bahay.

"Hindi naman masamang bawasan ng mga walang kwentang magagandang babae ang mundo.
Lahat ng magaganda. Masasama"

"Hindi po totoo yan, Alam niyo po ang mga kaibigan ko, magaganda sila. Pero
mabubuting tao."

"Mabait lang sila kasi alam nilang angat sila sayo" di ko na nagugustuhan ang tono
ng pagsasalita ng babaeng ito.
"Ano po bang sinasabi.... " paglingon ko wala na ang babae. Asan na yun? Bakit
bigla na lang siya nawala?

Biglang umihip ng malakas. Napalingon sa bahay na parang may nagsasabing lingunin


ko iyon. Biglang nanlaki ang mga mata ko ng makita ko ang babaeng kausap ko kanina.
Nakatayo na siya sa bintana ng bahay ni Maria. Nakangiti sakin.

Bigla akong kinilabutan. Bakit ganito ang nararamdaman ko? Sino ba ang babaeng yan?
Hindi kaya.. hindi kaya.. hindi kaya.. Siya si Maria??? Hindi ako makapagsalita, ni
makasigaw hindi ko magawa. Hindi ako makagalaw. Hindi ako makatakbo. Pakiramdam ko
nakalubog ang mga paa ko sa simentong kinatatayuan ko at hindi ako makaalis.

Unti-unting lumalabas ang katawan ng babae mula sa bintana at dahan-dahang lumapit


sakin. Kitang kita kong nakalutang ang katawan niya sa lupa. Pilit niya akong
inaabot. Napaupo ako sa semento at napapikit. Naramdaman kong may humawak sa pisngi
ko. Aatakihin na ko sa takot ng maramdaman kung gaano kalamig ang kamay na iyon.
Kasing lamig ng yelo. Sobrang gaspang. At sobrang baho. Amoy lupa at dugo. Hindi ko
na kaya, gusto kong masuka.

"God help me! God help me! God help me!" Paulit ulit kong sinasabi ang salitang
yan. Naramdaman kong unti unting nawala ang pagkakahawak ng kamay na iyon na alam
kong si Maria sa pisngi ko. Akala ko'y tapos na iyon lalo pa't nawawala na rin ang
mabahong amoy na naaamoy ko. Pero biglang may humawak ng sobrang higpit sa braso ko
kaya napadilat ako. Bumungad sakin ang mukha ni Maria. Naagnas ang mukha niyang
punong puno ng uod. Labas ang laman. Nangingitim na ngipin. Luwa ang mata at kitang
kita na ang bungo niya.
"GUSTO MONG GUMANDA? IKUHA MO AKO NG PUSO!" Galit na galit siya base na rin sa
higpit ng hawak niya sakin. Takot na takot na ko.

"Ahhhhhhhhhhhhh" Hinigit ko ng ubod ng lakas ang braso kong hawak hawak niya at
kumaripas na ako ng takbo.

Takbo dito. Takbo doon. Walang lingon lingon.

Halos madapa na ko sa sobrang takot na baka maabutan niya ako. Kunin ako at ikulong
sa loob ng bahay niya. At hindi na ko makakalabas pa. Sa naisip kong iyon mas lalo
ko pang binilisan ang takbo ko. Pagdating ko sa bahay, hingal na hingal ako. Halos
hindi ako makahinga sa sobrang takot. Napalunok ako ng sunod sunod. Hindi ako
makapaniwalang makakaharap ko ang kaluluwa ni Maria.

"Rosenda? Anong nangyari sayo? Ayos ka lang ba? Bakit na namumutla? Tumakbo ka ba?
Bakit? May humahabol ba sayo huh? Bakit ang dumi dumi mo? Rosenda Iha. Rosendaa.."
naramdaman kong may yumuyugyog sakin. Pagangat ko ng tingin, si Mama ang nakita ko
na halata ang pag-aalala sa mukha.
"Mamaaaaaaaaaa" niyakap ko ang mama ko at umiyak ng umiyak.

=================

Pang-apat

**Rosenda**

"ROSENDAAA"

"Aaaaaaaaaaaaaaahhhhh!! Wag pooooo" napaluhod ako ng marinig kong may sumigaw ng


pangalan ko. Ang sunod kong narinig ay ang tawanan ng mga kaklase ko.

"Hala ano daw sabi niya?"

"Makawag po naman tong peklat na to. akala mo naman nirarape"

"Mayron bang mangre-rape sa panget na yan?"


"Shut up Britanny!" Sigaw ni Jaja.

"Hindi naman masamang bawasan ng mga walang kwentang magagandang babae ang
mundo" Naiiyak na apalingon ako sa buong klase. Sino ang nagsalitang yon. Bakit
kaboses ni Maria. Nagtatakang napapatitig sakin sila Jaja, Jiji at Mary.

"Rosenda, Anong nangyayari sayo? Bakit parang takot na takot ka?" Nag-aalalang
tanong ni Mary.

"Baka nababaliw na siya" Sigaw ni Britanny. Tapos nagtawanan na naman sila.

Tumakbo ako sa labas ng classroom hanggang marating ko ang likod ng school. Umupo
ako at nag-iiyak. Di maalis sa isip ko ang mukha ni Maria sa malapitan. At nang
hawakan niya ako,

"Ang sabi pa nila. Kapag daw nahawakan ka na ni Maria, hindi ka na makakawala pa sa


kanya. Makukulong ka kasama niya sa loob ng bahay niyang malaki. Kung makaalis ka
man sa bahay niya, susundan ka pa rin niya hanggang sa bahay mo."
Lalo akong napaiyak sa naalala kong nangyari kagabi. Ibig sabihin, hindi na ko
lulubayan pa ni Maria? Halos di ko na nga magawang matulog. Ni ayaw kong pumasok
ng school. Nag-iba pa ako ng daan kahit malayo hindi lang madaanan ang bahay ni
Maria.

"Rosenda!" Nilingon ko ang nagsalita. Si Mary. "Anong nangyayari sayo? Bakit ka ba


ganyan? Ang creepy mo na, nakakatakot" Siniko ni Jaja si Mary. "Sorry"

Di ko siya inimik. "Nanginginig ka!" Hinawakan ni Mary ang kamay ko. "Rosenda,
anong nangyari sa braso mo?" Nang tingna ko ang braso ko, may pasa ako. Bakas ng
kamay. Bakit meron ako nito? Ito ba yung nung hinawakan ako ni Maria?

Tumayo si Jaja sa harap ko. "Rosenda, nahold-up ka ba kagabi?"

"Rosenda, Are you okey?" Nag-aalalang tanog ni Jiji sakin.

Tinitigan ko silang tatlo. "Mabait lang sila kasi alam nilang angat sila sayo" .
Naalala kong sinabi ni Maria kagabi. Mabubuti sila. Nagsisinungaling lang siya. Wag
mong lasunin ang utak ko Maria.
"Okey lang ako." Sabi ko na lang.

"Sigurado ka?"

"Para namang hindi" Nakakunot ang nuong sabi ni Jaja.

Tumango ako at pinunasan ang aking luha saka ako tumayo at nakayukong nagsimulang
maglakad. Habang sila nasa likuran ko. Napalingon ako sa gilid ko ng may mahagip
akong kulay itim sa gilid ng mga mata ko. Pagtingin ko, wala naman. Imahinasyon ko
lang ba iyon?

"May problema ba Rosenda?"

"Wala." Saka kami naglakad pabalik ng classroom. Hinding hindi na ko pupunta pa sa


bahay ng Maria na yan. Hinding hindi na talaga.
*Locker Room*

"Oh my gosh! Kung nakita niyo lang ang itsura ni Rosenda kanina. Nakakatawa! Epic."
Napahinto ako ng marinig ko ang boses ni Britanny sa loob ng Locker Room sa gym.
Nagtago ako sa gilid saka ko pinakinggan ang usapan nila.

"Oo nga! Kadiri siya. Makaganun siya noh Britanny? Graveh! Hindi na siya nahiya!
Sana kasinglaki ng peklat niya sa mukha ang hiya niya. Graveh ah! Dinaig pa ko"
-Lucy. Kabarkada ni Britanny.

"Talaga? Sayang talaga hindi you ako kasection! Pero alam mo ewan ko ba dun kila
Jaja kung bakit pa nila kinakausap ang babaeng iyon! Ang arte arte na nga, ang
pangit pangit pa. Feeling maganda. Sikat naman sila ng kapatid niya na si Jiji. Why
wasting their time to that freak!" -Aya

Nakita ko ang anino ni Britanny na bahagyang lumapit sa kinaroroonan ko. Kaya lalo
ako nagtago para di nila ako makita. Pero bigla silang natahimik. Umalis na kaya
sila? Lalabas na sana ako ng bigla ko ulit narinig ang boses ni Britanny.

"Alam niyo ba girls, Ang sabi sakin ni Jaja nung bumalik sila galing sa kung saan
man tumakbo yung Rosenda na yun, para daw itong baliw na praning. Super nakakatakot
daw talaga kanina. Ang Creepy."

Huh? Sinabi ni Jaja yun? Pero. Impossible. hindi sila close diba? Tsaka never
sasabihin ni Jaja ang mga ganung bagay. Lalo na kaibigan niya ako.

"Ang creepy mo na, nakakatakot" si Mary, sinabi sakin iyon.

"Diba friends sila?"

"Oo, pero sabi sakin nila Mary, napipilitan lang daw silang pakisamahan si Rosenda.
So Freak and Insecure kaya nun"
"But why?"

"Kasi daw kapag kasama nila si Peklat, angat na angat daw ang beauty nila!" Saka
sila nagtawanan.

"As expected. Kung bitch tayo! Mas bitch sila"

"Kadiri naman kasi talaga si Rosenda. Ano bang feeling niya? Concern sa kanya ang
mga kaibigan niya? Asa! Di ba niya alam. ginagamit lang siya ng mga yun for image?"
- Lucy

"Buti na lang di tayo kasingplastik nila noh? Kasi like ewww?"

"Tara na nga! Uwi na nga tayo! Baka gabihin tayo!"

"At saksakin sa likod ni Rosenda!"


Tawanan silang lumabas ng Locker Room. Lumabas ako sa pinagtataguan ko at naupo sa
mahabang upuan. Naramdaman kong unti unting tumutulo ang luha ko. Totoo kaya ang
mga sinabi nila Britanny? Hindi ako makapaniwala. Paano kung totoo ang mga iyon?
Pakitang tao lang kaya sila sakin? Naaawa lang ba sila sakin kasi ang pangit pangit
ko?

Sabi ko sa iyo Rosenda. Mabait lang sayo ang mga kaibigan mo dahil alam nilang
angat sila sayo.

Boses ni Maria?

"Shut up! Sino ka ba? Maria kung ikaw yan. Leave me alone!"

Nandito ako para tulungan ka. Pwede kang maging maganda katulad nila

"Shut up!" tinakpan ko ang tenga ko


Ibigay mo sakin ang puso ng mga kaibigan mo at magiging maganda ka gaya nila

"Hindi ko magagawa yun! Mga kaibigan ko sila!"

Hindi kaibigan ang turing nila sayo. Wag mo silang kaawaan!! Tumingin ka sa kanan
mo Rosenda

Lumingon ako sa kanan at nakita ko ang sarili ko sa salamin. Wala na ang peklat sa
aking mukha. Paanong nangyari yun? Unti unti akong lumapit. Hinawakan ko ang mukha
ko.Kinapa ko kung totoo ba ang nakikita ko ngayon.

"Totoo ba ito? Ang ganda-ganda ko. Ang kinis kinis ng mukha ko. Ang puti puti. Ako
ba ito?" biglang sumulpot si Maria sa likod ni Rosenda at yumakap sa balikat niya.
Hinawakan ang makinis niyang mukha.

Gusto mong gumanda ng ganyan Rosenda? Dalhin mo sakin ang mga kaibigan mo. Wala
silang kwenta. Pinagtatawanan ka nila. Diba naawa sila sayo kasi ampangit mo? Lubus
lubusin na nila ang awa. Ibigay na nila kahit ang kagandahan nila. Diba kaibigan
sila? Dapat isakripisyo nila ang sarili nila para sayo.
=================

Panglima

A/N: Dito magtatapos ang 1st person POV, dahil mula sa kabanata na ito hanggang sa
dulo, 3rd person POV na po ang gagamitin. Maraming Salamat!

*Jaja*

*Sa Daan*

"Antagal tagal mo kasi Jiji. Ayan ginabi na tuloy tayo" Reklamo niya sa Kapatid.

"Sorry na nga Jaja. Di ko naman kasi akalain na late na pala matatapos yung meeting
ng Math Club. Sorry talaga"

"Aynako! May magagawa pa ba yan? Sana nagpasundo na lang tayo kay Papa" Ng hindi
ito sumagot ay nilingon niya ito. Nakita niyang napahinto ito.
"Jiji" Tinawag niya ang kapatid.

"Jaja, diba yan yung bahay ni Maria?"

Paglingon niya andito nga sila sa tapat ng bahay ni Maria. Bigla siyang nakaramdam
ng kilabot ng mapagmasdan ang bahay nito. Wala man lang kailaw ilaw, nakakakilabot.
Ngayon lang niya napagmasdang mabuti ang bahay nito. Ang laki at ang pangit pala sa
malapitan. Nakakatakot.

Nilapitan niya ang kapatid at hinila, "Tara na nga Jiji"

"Teka lang Jaja, tignan mo oh." Tinuro nito ang dalawang pulang rosas na tumutubo
malapit sa bahay nito. "Akala ko ba walang tumutubong halaman sa bahay ni Maria?
Bakit may bulaklak? anong ibig sabihin niyan Jaja?"

"Ibig sabihin niyan, may magandang babaeng papasok sa bahay ni Maria" Napalingon
sila sa nagsalita.
Si Rosenda.

Umaliwalas ang mukha ni Jiji. "Rosenda andito ka pala. Anong ginagawa mo dito?"

Hindi sumagot si Rosenda pero napansin niya ang seryosong mukha nito. Bigla siyang
kinabahan at bumilis ang tibok ng puso niya.

Bakit ganito ang aura ni Rosenda. Laging maaliwalas ang mukha niya huh. Pero
ngayon, para siyang nababalutan ito ng itim na enerhiya.

Bigla niyang napansin ang hawak nitong DosporDos na kahoy.

"Ibig sabihin niyan, may magandang babaeng papasok sa bahay ni Maria"


"Oh my god! ang dalawang bulaklak sa bahay ay-" bulong niya sa sarili.

Tinangkang lapitan ni Jiji si Rosenda pero pinigilan niya ito.

"Jiji, Takbo." Bulong niya sa kapatid.

"Anong sinasabi mo Jaja?" Litong tanong nito sa kapatid.

Ngumiti ng nakakakilabot si Rosenda at bigla itong sumugod sa gawi nila. Tinulak


niya ang kapatid pero siya ang natamaan sa likuran. Bumagsak siya sa semento.Bakas
sa mukha niya ang sakit sa lakas ng pagkakahampas ni Rosenda sa likuran niya.
Nagulat ang kapatid niya sa nangyari at hindi makagalaw. Hindi nito malaman ang
gagawin kung tatakbo o tutulungan siya. Litong lito itong tumingin kay Rosenda.

"Jaja-" tangkang lalapitan siya nito pero pinigilan niya nito.


"Jiji! TAKBO!" hirap na hirap na sigaw niya sa kapatid. Ng tangkang lalapitan ni
Rosenda si Jiji, hinawakan niya ang paa ng una kaya siya ang binalingan nito.
Nakita niyang tumakbo ng mabilis ang kapatid.

"JAJAAAAAAA, BABALIKAN KITA!" narinig pa niyang sigaw nito habang tumatakbo ito
palayo at bago pa siya muling hampasin ni Rosenda sa mukha at tuluyan siyang
nawalan ng malay.

*Sa Loob ng Bahay ni Maria*

Biglang napaubo siyang napaubo nang maramdaman niyang may bumuhos sa kanya ng
napakalamig na tubig. Unti unti niyang minulat ang mga mata at sa nanlalabo at
nahihilong paningin tumambad sa kanya ang mata ni Rosenda. Kulay itim lahat at ang
nakakakilabot na mukha nito na nakatitig sa kanya. Kinilabutan siya at sobrang
natakot. Napansin din niyang nakagapos ang mga paa niya't kamay.

"Rosenda, anong...... nangyayari sayo?" nanginginig na tanong niya dito.

"Jaja, ang ganda ganda mo" Gusto rin niyang masuka sa amoy ng hininga nito.
Sobrang... sobrang baho. Tinangkang hawakan ni Rosenda ang kanyang mukha ngunit
iniwas niya ito sa nakakakilabot na pagmumukha ng kaibigan.Lalong sumama ang
pagmumukha nito ng gawin niya iyon kaya dalawang kamay nito ang inihawak sa kanyang
nagdurugong mukha.

"MAGIGING AKIN ANG MAGANDA MONG MUKHA!" nanggigigil na sabi nito sa kanya.

"WAG MONG GAWIN ITO ROSENDA!" sigaw niya sa kaibigan ngunit hindi siya nito
pinansin. Umalis ito sa harap niya. Saka niya nakita ang nakagapos na si Mary sa
kanyang harapan. Napaiyak siya na nakikita niyang itsura nito. Nakayuko ito ngunit
nakikita pa rin niya ang umaagos na dugo galing sa mukha nito.

"Anong ginawa mo kay Mary?" galit niyang tanong kay Rosenda!

"Ang tigas kasi ng ulo niya. Sabi ko may pupuntahan lang kami, pagkatapos nung
makita niya ang bahay ni Maria ayaw niya pumasok. Kaya ayan pinilit ko na lang
siya." Lumapit ito kay Mary at iniangat ang ulo nito. Walang malay ang kaibigan
ngunit kitang kita sa mukha nito ang paghihirap na pinagdaanan sa kamay ng malupit
na si Rosenda. "Tignan mo Jaja, ang ganda ganda ng buhok niya. Gustong gusto ko
talaga ito mula pa nung una" Saka inamoy ng huli ang buhok ni Mary.

"Nababaliw ka na Rosenda! Isa lang ang kailangan mo diba? Pakawalan mo na si Mary!


Ako na lang ang ialay mo kay Maria. Stop this nonsense Rosenda! Gumising ka nga!"
Pasigaw niyang sabi kay Rosenda. Ngunit parang hindi siya naririnig nito. Nakita
niyang tumayo ito at lumapit sa tapat ng salamin saka pinagmasdan ang sarili.
Nakita niyang unti unting nagbago ang itsura nito. Unti-unting nawala ang malaking
peklat nito sa mukha at kung gaano kaganda si Rosenda. Hindi siya makapagsalita
agad. Hindi siya makapaniwalang posibleng mangyari ang ganoong mga bagay.

"Jaja, tignan mo. Nawala na ang malaking peklat ko sa mukha" hinawakan nito ang
mukha ngunit sa isang iglap lang muli na naman itong tinubuan ng peklat. Nanlumo
itong humarap sa kanya. "Jaja, gusto ko ng gumanda." Nakita niya ang luhang
bumabagsak sa mga mata nito. Saka nito kinuha ang kutsilyo at lumapit kay Mary.

"ROSENDA, WAG MONG GAWIN YAN! KAIBIGAN NATIN SI MARY" pinipilit niyang alisin ang
kanyang kamay mula sa pagkakatali ngunit sobrang higpit niyon.

"Mary, maraming salamat ah" Saka nito sinaksak sa dibdib si Mary.

"Waaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaag" umiiyak niyang sigaw.

Walang pakundangang dinukot ni Rosenda mula sa dibdib ni Mary ang puso nitong
gumagalaw galaw pa. Saka nito ininom ang dugong dumadaloy pa mula sa puso ni Mary.
Ipinikit niya ang kanyang mga mata. Hindi niya makayanan ang mga nangyayari. Hindi
niya akalaing ganito ang kahihinatnan ng lahat. Hindi niya akalaing magagawa ni
Rosenda ang bagay na iyon sa kaibigan nila. Hindi niya akalaing papatay si Rosenda
para lang gumanda. Sobrang sobrang.....
"Jaja, tignan mo. Gumaganda na ako" napamulat siya ng mata.

"ROSENDA! BALIW KA! BAKIT MO GINAWA YUN KAY MARY! KAIBIGAN MO SIYA. ISA KANG
MAMAMATAY TAO" sigaw niya sa nababaliw na kaibigan. Lumapit si Rosenda na may
magandang mukha sa kanya. Hindi niya maiwasang umiyak hindi dahil sa takot kundi
dahil sa galit.

"Hindi ko kayo kaibigan. Mga wala kayong kwenta! Ginagamit niyo lang ako para sa
mga image niyo! Akala mo ba hindi ko alam na pinagtatawanan niyo ako kapag
nakatalikod na ako? Mga wala kayong kwenta!" mahina ngunit madiin na sabi nito sa
kanya.

"TINURING KA NAMING KAIBIGAN ROSENDA! HALIMAW KA! PINATAY MO SI MARY"

Nahilo siya nang bigla siya nitong sampalin ng sobrang lakas. "Wala akong kaibigan
na katulad niyo"

"Tama ka.... wala kaming kaibigan.... na gaya mo.. HAYOP!" mahina ngunit madiin
niyang sabi rito.
Kinuha ni Rosenda ang dospordos na ginamit sa kanya kanina at hinampas siya ulit
ito ng ubod ng lakas. Doon na muling nagdilim ang lahat sa kanya.

*Rosenda*

Tinanggal niya ang gapos ni Mary saka dinala sa basement papuntang likod bahay saka
siya naghukay at inilibing ang katawan nito. Lumabas ang imahe ni Maria na
nakayakap sa balikat niya nang may matagumpay na ngiti. Hinawakan nito ang kanyang
mukha saka bumulong ng mahina.

Rosenda, Ang ganda ni Jaja, ialay mo siya sa akin.

Tumawa ito ng malakas nang maglakad siya pabalik sa loob ng kanyang bahay.

"Ikaw naman ngayon... Jaja..."


=================

Pang-anim

Dahan-dahang lumapit si Rosenda sa walang malay na si Jaja. Hawak niya sa kanan


niyang kamay ang kutsilyong ginamit niya sa pagsaksak kay Mary. Tinitigan niya ang
dating kaibigan. Tinaas niya ang kamay para saksakin ito kaya lang biglang may
humampas sa kanyang likuran ng ubod ng lakas. Hindi pa nakuntento'y hinampas ulit
siya ng isa pang beses. Bumagsak siya sa sahig, walang malay.

*Jiji*

"Jajaaaaaa, gumising ka please" umiiyak na tinapik tapik niya ang pisngi ng


kapatid. Nagising ito at napaluha nang makita siya.

"Jiji....." bulong nito.

Niyakap niya ng mahigpit ang kapatid saka niya nagmamadaling kinalag ang lahat ng
tali nito.
"Paano ka nakapasok?" Tanong ni Jaja.

"Hindi na iyon mahalaga pa, Jaja. Kailangan na nating makalabas pa dito"

Tinulungan niya itong makatayo at lalabas sila sa pintuang pinasukan niya kanina
para mailigtas ang kapatid. Hindi niya maiwasang hindi umiyak sa dinanas ng
kapatid. Duguan at hindi halos makalakad.

"Bakit ka umiiyak?" bulong na tanong nito sa kanya. Lalo siyang napaiyak nang
sabihin nito iyon.

"Kasi muntik ka na kanina. Nakakainis ka, you're always there to save me. Ni hindi
mo na naisip kung ano ang mangyayari sayo mailigtas lang ako. I am so weak."
nakayuko siya habang sinasabi ang mga salitang iyon.

"You're my sister. I will do anything for you. Ang stop saying you're weak. Tignan
mo nga, Binalikan mo ko. Maraming Salamat" mahinang sabi nito dahilan.
"Sandali" sabi nito sa kanya. Huminto sila saglit. "Ang titulo ng lupa ni Maria"
Tinuro nito sa kanya ang maliit na puting piraso ng papel na nakasabit sa pader ng
bahay ni Maria. Nagkatinginan silang magkapatid at sa huli'y kinuha niya iyon saka
nirolyo at nilagay sa bulsa ng kanyang palda. At saka sila sabay na pumunta sa
pintuan. Ngunit bago pa sila makarating duon ay may naghihintay na pala sa kanila.

Ang galit na galit na si Rosenda na tila wala na sa katinuan.

"San naman kayo pupunta?" Mahinang sabi nito. Tila hindi dinadaing ang dugong
dumadaloy sa maganda nitong mukha.

"Rosenda-" hindi niya naituloy ang sasabihin nang bumulong sa kanya ang kapatid.

"Hindi na siya ang dating Rosenda" mahinang sabi nito.

Tinignang niyang mabuti ang babae sa harap. Lalong umitim ang aurang bumabalot
dito. Mas lalong tumalim ang mga mata nitong nakatingin sa kanila. Hindi nila
kayang lumagpas sa pintuan sa likuran nito sa kalagayan ng kapatid. Kailangan
niyang mag-isip ng paraan. Kailangan nilang makalabas ng kapatid niya. Malala ang
kalagayan nito at hindi na kayang tumakbo pa. Naaawa siya sa sinapit ng kapatid.
Kailangan na niya itong maipagamot.
"Rosenda, please palabasin mo na kami ni Jaja. Tignan mo siya malala na ang
kalagayan niya. Baka kapag hindi ko pa siya nadala sa ospital, mamatay siya"
umiiyak na pakiusap niya rito.

Ngumiti si Rosenda. "Edi magandang mamatay na siya. Pagkatapos iaalay ko siya kay
Maria. Diba magandang ideya iyon?"

"Tumigil ka nga Rosenda. Bakit mo ba ginagawa samin to? Naging mabuti kaming
kaibigan sayo pero ito pa ang igaganti mo samin! How could you! Wala kang utang na
loob!" sinumbatan niya ito. Sumasama ang kanyang loob ng tila hindi man naaalala
nito ang mga pinagsamahan nila.

"Kaya nga tatanaw na ako ng utang na loob eh. Iaalay ko na kayo kay Maria"
Pagkatapos ay unti unti itong lumapit sa kanila. Nangamba siya sa paglapit nito
lalo pa't nararamdaman niyang unti-unti ng bumibigay ang tuhod niya dahil sa
sobrang takot. Nabibitawan na rin niya ang kapatid na si Jaja na hinang hina na.

Naalala niya ang titulo ng lupa ni Maria. Pinilit niyang kunin ito sa kanyang
bulsa.
"Huwag kang lalapit. Kung ayaw mong mapunit ang pinaka-iingat ingatang titulo ng
lupa ni Maria"

"WAAAAAAAAAAAAAAAGGG. WAG ANG TITULO NG LUPA KO" Tila iyon isang malakas na kulog
ang boses na iyon na kanilang narinig. Lumakas ang hangin at biglang may lumabas na
babae sa likod ni Rosenda. Maganda siya at Mayumi ito pero bakas sa mukha ang labis
na pag-aalala. "Ibigay mo sa akin ang titulo ko!"

Siya si Maria?

Napangiti siya dahil tila Ito na ang pagkakataong pinakahihintay niya. Makakalabas
na sila. "Umalis kayong dalawa diyan." Umalis ang mga ito pero makikita sa mga
mukha ang balak na pagsugod. Hindi siya maaaring maging kampante.

"Jaja, makakalabas na tayo" hindi sumagot ang kapatid niya. Pagkatapos ay bigla na
lamang itong bumitaw sa kanya. "Jajaaa" hindi na talaga kaya ng kanyang kapatid.
Naramdaman niyang gumalaw si Rosenda mula sa kinatatayuan nito. Nilingon niya ito.
"Subukan mong humakbang pa Rosenda, alam mo na ang mangyayari" matapang niyang sabi
rito.

"Ibigay mo na sakin ang titulo at si Jaja at maaari ka ng umalis pa dito."


nakangiting sabi ni Rosenda.

Ang totoo'y nagtatapang tapangan na lamang siya. Ramdam na ramdam niya ang lakas ng
tibok ng kanyang puso at panginginig kanyang buong katawan pero hindi niya maaaring
ibigay dito ang gusto nito. ano ito sinuswerte?. Buhay nilang magkapatid ang
nakataya rito.Marami na ring dugo ang nawala rito kaya siya na lang ang inaasahan
ng kanyang kapatid kaya hindi siya maaaring panghinaan ng loob. Humakbang sila
papunta sa pintuan pero bigla iyong nagsara ng malakas.

"AKIN NA ANG TITULO KO!" sigaw ni Maria. Mula sa maganda nitong mukha'y napalitan
iyon ng tinatago nitong karima-rimarin na anyo. Ang mga mata nito'y naging kulay
pula at sobrang talim. Lumalabas rin ang dugo mula sa mga mata nito. Ang makinig
nitong mukha'y unti unting napalitan ng inaagnas na anyo, labas ang laman, kita ang
buto at tumutulo ang dugo. Ang ngipin nitong kulay puti ay unti unting nalalagas at
nagingitim. Umitim din ang hangin sa paligid nito.

Ngunit kailangan niyang maging malakas. "HINDI! PALABASIN MO KAMI"

"Sa tingin mo ba'y ganun na lamang iyon?" Humakbang si Rosenda palapit sa kanila.

"Wag kang lalapit" nagsimula ng umiyak si Jiji pero unti unti pa ring lumalapit si
Rosenda.
"Jiji" mahinang sabi ni Jaja. Lumingon siya dito.

"Maraming salamat Jiji" Naramdaman niyang kinuha nito ang titulo saka siya tinulak
ng malakas sa pintuan dahilan para mapunta siya sa labas. Nasa labas na siya ng
biglang magsara ang pintuan ng bahay ni Maria. Nanlaki ang kanyang mga mata ng
marealize ang ginawa nito

Tinulak siya nito at naiwan ito sa loob. Kaya pala hindi na umiimik ang kanyang
kapatid dahil nag-iipon ito ng lakas para matulak siya.

"JAJAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAA" lumapit siya sa pintuan. Kinalampag niya iyon pero


ayaw ng mabukas pa. Biglang umihip ng malakas ang hangin. Nahagip siya nito palabas
ng bahay na tila itinulak siya ng malakas. Nasa labas na siya ng biglang magsara ng
malakas ang malaking gate ng bahay.

"JAJAAAAAAAAAAAAA" Sigaw niya ng malakas sa labas ng gate ng bahay ni Maria.

=================

Pang-pito
Alam ko mahihirapan siyang akayin ako palabas lalo pa at nakaabang ang wala sa
katinuan na si Rosenda. Wala na rin akong lakas pa para protektahan ang kapatid ko.
Nanghihina na ako. Maraming dugo na ang nawala sa akin. Magiging pabigat ako kay
Jiji kung sabay kaming lalabas. Kaya naghintay ako ng pagkakataon. Kinuha ko ang
titulo ng bahay ni Maria saka ko inipon ang natitira kong lakas para maitulak
palabas ng pintuan ang kapatid kong si Jiji.

*Jaja*

"Di ko akalaing ganyan ka katanga Jaja" nakangiting sabi ni Rosenda.

Patawad Jiji. Hindi man ako mabuhay sapat na sa akin ang kaalamang buhay ka. Hindi
ko mapapatawad ang sinuman kung may mangyari sayong masama.

"Wag kang matuwa Rosenda. Dahil titiyakin kong isasama kita sa hukay" matalim
niyang sabi rito.

"Sa kalagayan mo?" pasaring nito.


Hindi ako dapat panghinaan ng loob kahit ramdam ko ang pagkahilo. Ilang sandali na
lang ay baka bumagsak na ako ng tuluyan.

"JAJAAA!" Narinig niyang kinalampag ni Jiji ang pintuan mula sa labas.

"Maria, Gusto mo bang makuha ang titulo mo? Palabasin mo si Jiji"

"Sino ka para utusan ako?" sabi nitong tila galing sa ilalim ng lupa ang boses.

"Ako lang naman ang may hawak ng titulo mo" pinakita niya ang titulo ng lupa nito.
Hinawakan niya sa magkabilang gilid saka aakuhing pupunitin. Puno na ng dugo niya
ang papel na iyon. Hindi nya alam kung gaano kahalaga kay Maria ang titulong iyon
pero alam niyang magagamit niya ito laban dito.

Nakita niyang wala ng nagawa pa si Maria kung hindi sundin ang sinabi niya. Narinig
na lamang niya ang malakas na pagihip ng hangin at ang malakas na tili ng kapatid
hanggang sa unti unti'y nawala itong parang bula. Malamang ay malayo na ang
kinaroroonan nito.
"IBIGAY MO SA AKIN ANG TITULO KO!"

Ngumiti siya ng mapakla at tumingin ng nakakaloko kay Maria. "Sa tingin mo ibibigay
ko to ng basta-basta sayo?"

"Graaaarrrrrwww" mabilis pa sa isang sigundong sinugod siya nito Nakita niya ang
sobrang galit sa mga mata ni Maria pero bago pa siya nito mahawakan ay
iniharangniya dito ang titulo ng lupa. Napatitig ito sa titulo. Nakita niya ang
takot sa mga mata nito. Ngayon siya naghihinala kung gaano iyon kahalaga.

Paano kaya kung..

Pinunit niya ng konti ang titulo. Narinig niya ang malakas na pagsigaw ni Maria.
Sigaw. pero ang pinagtataka niya'y nang slipin niya si Rosenda'y nagsisisigaw din
ito sa sakit.

"AKIN NA YAN!" Sinubukan siyang hawakan ni Maria kaya pinunit niya ulit ng bahagya
ang titulo.
Lalo itong naghuhumiyaw sa sobrang sakit.

Ngayon niya napagtantong sa titulo nanggagaling ang lakas ni Maria. Pinapahalagahan


nito iyon ng sobra kaya mabilis nitong sinusunod ang mga sinabi niya. Naisip niyang
marahil ay ito rin ang kumokontrol sa isipan ni Rosenda.

"ROSENDA!" Tinawag ni Maria si Rosenda. Binato ni Rosenda ang hawak hawak nitong
kutsilyo sa direksyon niya.

"Urgghh" Sapol siya sa kaliwang balikat. Napaupo siya sa sobrang sakit.

Lumapit si Rosenda sa kanya. Hinigit nito ang titulo pero dahil hawak hawak pa rin
iyon niya iyo'y tuluyan itong napunit. Doon niya narinig ang mas malakas na sigaw
ni Maria at Rosenda. Dahil malapit sa kanya si Rosenda'y nasagi siya nito at
nagkukumisay sa kanyang harapan.

Mula sa nanlalabo niyang mga mata'y nakita niya kung paanong nayanig at unti unting
bumubuka ang ng sahig ng bahay. Nangilabot siya makitang unti-unting hinila ng mga
kamay mula sa ilalim ang kaluluwa ni Maria. Wala itong nagawa hanggang sa tuluyan
mawala at kainin ng lupa. Pagkawala ni Maria'y biglang tumigil si Rosenda sa
pangingisay saka siya nawalan ng malay tao.

"JAJA" narinig niya ang malakas na pagtawag na iyon sa kanya kaya dahan dahan
siyang nagmulat ng mga mata. Doon niya nakita ang malabong imah ni Jiji.

"JAJA! GUMISING KA PLEASE NAMAN OH!" narinig niyang sinisigaw nito.


Sa lakas ng boses niya talagang magigising ako.

"JAJA! TAPOS NA JAJA! WALA NA SI MARIA"

Nakita ko nga Jiji. nakita ko kung paanong lamunin ng lupa si Maria. Malaya na ba
kami? Kamusta na kaya si Rosenda? Si Rosenda. Asan na siya?

Bumangon siya at umupo.

Ang sakit ng likod at batok ko. Ang sakit talaga.

"IKAW!" sigaw ni Jiji.

Napatingin siya rito.


"KASALANAN MONG LAHAT ITO!" galit at umiiyak na turo nito sa kanya.

"Ano?" litong tanong niya rito.

Bakit ako ang may kasalanan? Sandali.. Ano daw?

"KASALANAN MONG LAHAT ITO! AYAW NG MAGISING NI JAJA DAHIL SAYO" Napanganga siya sa
sinabi nita. Tinalikuran siya nito saka pilit na ginigising ang isang babaeng
nakahiga sa lupa, walang malay.

Napatayo siya dahil hindi lang iyon basta basta babae. Siya iyon!

SIYA!
Napasalat sya sa kanyang mukha. Magaspang iyon sa bandang kaliwa pababa ng leeg.

Wag mo sabihing....

"KASALANAN MONG LAHAT ITO ROSENDA!" umiiyak na sabi ni Jiji.

Sandali lang....

*CRACK*

Napatingin siya sa natapakan niyang bagay. Basag na salamin.

Pero hindi iyon ang nakahindik balahibo sa kanya dahil...


Si Rosenda. Nasa salamin..

"ROSENDA! KASALANAN MONG LAHAT ITO!"

Humakbang siya paatras..

Hindi maari ito.

Hindi maaaring..

Nasa katawan ako ni Rosenda!

=================

Pang-walo
Dalawang araw ng comatose ang katawan ni Jaja. Dalawang araw na rin siyang
nagtatago sa mga pulis. Tinakbuhan niya si Jiji ng gabing iyon dahil hindi niya
alam kung ano ang gagawin. Kahit kasi anong paliwanag at pagsasabing niyang siya
ang kapatid nito'y hindi man lang siya nito magawang paniwalaan. She even called
her crazy. Sino ba naman ang maniniwala sa kanya?Kasalukuyan siyang nasa katawan ni
Rosenda. Kailangan niyang alamin kung ano ba itong nangyayari iyon sa kanya kaya
ngayo'y malapit siya bahay ni Maria at nagmamasid masid.

*Jaja*

Siguradong nasa loob ng bahay ang solusyon sa problema. Pero paano ako makakapasok
kung madaming pulis ang nagbabantay sa paligid ng bahay. Kailangan kong makahanap
ng daan papasok sa bahay na iyon.

Napansin niya ang isang batang babaeng nakasuot ng puting uniform sa gilid ng bahay
kung saan walang nagbabantay na pulis dahil madilim at walang ilaw ang paligid.
Napatingin ito sa kanya saka kumaway at sumenyas na lumapit siya.

Sobrang pamilyar sakin ang batang ito. Hind ko alam kung saan ko siya nakita pero
alam kong nakita ko na siya.

Humakbang siya papalapit sa bata. "Anong ginawa mo dito bata?"


"Gusto kong pumasok sa bahay" sabay turo sa bahay ni Maria.

"Bakit?"

Hindi sinagot ng bata ang tanong niya bagkus ay hinila siya sa bandang likuran.
Pumasok sila sa madlim na lagusang iyon. Napatingin siya sa paligid at namangha
nang marealize na ang lagusang iyon ay ang lagusan papunta sa likod bahay kung saan
walang nakatanim na kahit anong halaman.

Ito marahil ang sinasabi nilang bakurang walang tanim. Dito marahil nilibing yung
Instik at yung kabit.

"Ate" napalingon siya sa tumawag na iyon pero wala siyang nakita. Pati ang bata
nawala na rin.

Asan na yon?
"Psst!"

lumingon ulit siya pero wala na naman.

"Psst!"

Isa pang lingon ang ginawa niya pero wala pa ring tao.

Sino ba yun? Nanloloko. Nakakairita. Dinadagdagan yung problema ko eh.

"Psst"

Weird~
Hindi na niya nilingon at pinansin pa iyon. Humakbang na siya papunta sa bahay pero
napatigil nang mapansin walang backdoor ang bahay.

San ako papasok?

Iikot na dapat siya nang may humawak sa kamay niya. Bigla siyang Kinilabutan nang
maramdamang sobrang lamig ng kamay na iyon. Tumaas ang lahat ng balahibo sa kanyang
katawan. Dahan dahan siyang lumingon at saka napahawak sa dibdib ng makita kung
sino yun.

"Hayss! Ikaw lang pala" yung bata kanina.

"San ka pupunta?" tanong nito.

"Hahanap ng daan papasok" kaswal niyang sabi


"Wala kang makikita dyan! Dito tayo" Hinila siya nito pabalik sa likod bahay.
Nakapagtatakang tila alam na alam ng batang to ang daan papasok pero hindi na siya
nagtanong pa. Ang mahalaga makapasok siya sa loob.

Hinawi ng bata ang mga dahon sa lupa hanggang sa bumungad sa kanila ang isang
pintuang kahoy sa ilalim. Napakunot siya ng noo.

Bakit alam ng batang yan ang pintuan?

"Bata bakit alam mo yan?"

Ngumiti lang ang bata at pumasok sa loob. Sinundan ito niya ito. Madilim at mabaho
ang paligid pero nakita niyang nagsindi ng kandila ang bata, Nagtataka man kung san
iyon nakuha ng bata'y sinundan pa rin niya ito. Nang marating nila ang dulo'y
binuksan nito ang pintuan.

"Mauna ka na" sabi nito sa kanya. Papasok na sana siya kaso tinulak siya ng malakas
ng bata. Napahiga siya sa sahig. Paglingon niya sa likod wala na naman ang bata.
Asan naman kaya yun? Itulak daw ba ako? Asan ba ako?

Di na niya napagaksayahang hanapin ang bata dahil bigla siyang namangha sa


nakikita. Ang dulo ng lagusan ay isang silid-aklatan. Kaso mabaho ang paligid. Amoy
lupa at dugo. Tinakpan niya na lang ang ilong niya at pinagmasdan ang paligid. Sa
sobrang laki ng silid na iyo'y hindi niya alam kung saang bahagi nito siya
titingin. Papunta siya sa isang shelve ng mga libro pero hindi pa siya nakakalapit
ay may napansin siya naglakad sa gilid. Nilingon niya ang bahaging iyon ng silid
ngunit wala siyang nakita.

Pinaglalaruan ba ako ng mga mata ko? Hmmm. Baka namalikmata lang ako.

Sinimulan niya ang pagtitingin tingin sa mga libro. Kumunot ang noo niya ng
makitang puro tungkol sa witchcraft, sorcery, sapi, barang, paranormals, Engkanto,
Aswang, Maligno at marami pang iba ang mga andito.

Tsk! Mangkukulam din pala yung Maria na yun.

Awooooooooooo
Napalingon siya sa bintana ng marinig ang alulong na iyon.

Awooooooooooo

Aso ba yun? Nakakapangilabot ang tunog.

Humakbang siya papunta sa bintana pero hindi pa siya nakakalapit ay may mahagip na
naman ang mga mata niya na parang isang puting tela. Paglingon niya wala naman.
Imposible ring may puting tela sa silid aklatan. Walang kurtina o kahit na anong
telang puti sa loob ng silid. Pagkatapos ay biglang may umihip na hangin sa kanyang
batok. Tumaas bigla ang mga balahibo sa buo niyang pagkatao. May nagsasabing
lingunin niya iyon kaya dahan dahan niya iyong nilingon.

Hmp!

Napapikit siya at huminga ng maiksi ng sunod sunod. Saka siya umusal ng dasal.

Our Father, Who art in heaven

Hallowed be Thy Name;

Thy kingdom come,


Thy will be done,

on earth as it is in heaven.

Give us-

Napadilat siya ng maramdaman niya ang paghawak nito ng mahigpit sa magkabila


niyang braso gamit ang kamay nitong kulubot na.

This day our daily bread, and forgive us our trespasses, as we forgive those
tresspass against us; and lead us not into temptation, but deliver us from
EViiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiL. (read it fast)

Hindi siya makagalaw habang mabilis nitong sinasabi ang dasal na kanyang nasimulan.
Basta lang siya nakatitig sa matandang babaeng nasa harapan niya habang unti-unti
nitong nilalapit ang nakapangingilabot na mukha sa kanyang mukha. Kitang kita niya
ang pagdilat ng malaki at puti nitong matang matalim ang pagkakatitig sa kanya at
ang pagbukas ng malaki nitong bibig na tila kakainin siya ng buo. Pero bago pa
sumayad ang mukha ng matanda'y may humila sa kwelyo sa likod ng kanyang damit.

"AAAAAAAAAAAAAAAAHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHH"
Napatili siya sa sobrang gulat lalo pa at malakas ang paghatak ng sinuman na iyon
sa kanya. Kinaladkad siya palabas ng malaking silid na iyon pero sa harapan niya'y
sumusugod pa rin sa kanya ang matandang babae. Ngunit bago pa siya nito maabot ay
biglang nagsara ng malakas ang pintuan ng silid na iyon at binalibag siya ng
humihila sa kanya sa may dingding.

"ARAAAY"

Malakas niyang sigaw sabay tayo mula sa pagkakabalibag saka hinarap ang kung
sinuman ang humila sa kanya. Natigilan siya. Isang babaeng maganda na nasuot ng
kulay puti.

"Buti na lang nahila kita agad" Nakangiti nitong sabi.

Paanong nahila niya ako ng ganuon kalakas?

"Sino ka?" mangha niyang tanong rito.

"Hindi mo ba ako nakikilala?" Balik na tanong nito. Pinagmasdan niya mula ulo
hanggang paa ang babae. Napansin niyang nakakulay puting damit ito at mahaba ang
maitim nitong buhok.

Maputing damit? Sandali.. Wag mo sabihing...

"Ikaw ba yung babae sa loob na kanina pa daan ng daan sa gilid ko?"

Tumawa ang babae sa mayuming paraan. "Oo! Ako nga! Sabi ko na nga ba nakita mo ako
kanina eh"

"MULTO KA?" tila wala sa linyang tanong niya sa babae sa harap.

"Oo. May bago ba doon?" sagot ng babae na tila akala mo'y normal ang bagay na iyon.

"Sandali? Wala akong maintindihan! Eh bakit kita nakikita?"


"Ma..lay?"

"Eh? Sino ba yung matandang iyon sa loob?" Sabay turo niya sa pintuang nilabasan
nila.

Nakita niyang nawala ang ngiti nito sa mga mata. "Yun ang tagabantay ng Silid
aklatan na iyan. Nagising siya noong mawala ng tuluyan si Maria."

Ano daw?

"Alam ko naguguluhan ka pero iyon ang nangyari" dagdag pa nito.

"Pero bakit niya ako sinugod?"


Tuluyan nang sumeryoso ang mukha ng babae. "Wag tayo dito. Sumunod ka sa akin."

Naglakad ang babae papunta sa silid sa dulo ng hallway ng bahay na iyon. Sumunod
siya sa babae hanggang sa pumasok ito sa loob ng isang silid. Namangha siya sa
linis ng silid na iyon. Ito lang ata ang pinakamalinis na parte sa loob ng bahay
kahit hindi pa siya nakakarating sa iba pang bahagi ng bahay. Naupo ang babae sa
kama paharap sa kanya.

"Sinugod ka niya kasi ikaw ang dahilan ng pagkawala ni Maria"

"Ahhh. Nung pinunit ko yung titulo?"

"Oo! Kaya siya galit sayo"

Kung galit sakin ang matandang iyon diba dapat galit din sakin tong babaeng ito? Eh
bakit niya ko iniligtas?
"Eh bakit mo ko iniligtas? Diba dapat galit ka sakin?"

"Bakit ako magagalit sayo? Pinalaya mo ako" Tila tuwang tuwang sabi nito sabay higa
sa kama.

"Wala akong maintindihan! Paano kita pinalaya? Tsaka Ano ba talagang meron sa bahay
na to huh?"

"Sige! Ipapaliwanag ko sayo" Pagkatapos ay muling umupo ang babae. "Pero sa isang
kundisyon"

"Ano?"

"Bitawan mo ang aklat na yan" Sabay turo nito sa bagay na hawak hawak niya. Nagulat
siya ng makitang hawak hawak niya ang isa sa mga libro galing sa silid aklatan.
Iyon ang librong binubuklat niya bago siya sugurin ng matanda.
"Nadala ko pala ito?" Napatingin siya sa babae dahil nakatitig ito sa kanya.
"Bakit?"

"Iyan ang paboritong libro ni Maria?" Inilapag niya sa lamesa sa tabi ng kama ang
librong hawak.

Kaya pala... Sandali.. Bakit parang andami atang alam ng babaeng ito?

"Sino ka ba talaga? Bakit andami mo atang alam huh? Sabihin mo nga sakin!"

Tiningnan siya ng babae. "Ako si Carmela. Kapatid ni Maria."

Ahhhh kaya naman pala ang daming alam!

"Ako ang kabit ng asawa niya"


Napatingin ako sa babae. Lumungkot ang mukha nito.

Seriously? (o.O)

=================

Pang-siyam

Totoo ba ang narinig ko? Ang kabit ng asawa ni Maria ang babaeng ito na nasa harap
ko? And worst! Kapatid pa?

*Jaja*

"Galit na galit si Maria ng malaman niya na ako ang tinatagong babae ng asawa niya"
napansin niya na lumungkot ang mukha ni Carmela ng banggitin nito ang salitang
"asawa niya".

"Ano bang nangyari nun?" dahil sa mga sinasabi nito'y lumawig ang interes niya sa
kwento nito.
"Ako ang dahilan ng pagkakaganun ni Maria. Sobrang bait ni Maria sakin, binigay
niya lahat ng gusto ko kahit magkapatid lang kami sa ama, hindi niya ako tinuring
na iba. Pinatira pa niya ako sa bahay niya nung lumuwas ako galing sa probinsiya.
Dun ko nakilala si Ben Chua, ang asawa ni Maria." Napansin niyang namula ng konti
si Carmela nung binanggit ang pangalan ng lalaki. "Mabait ang asawa ni Maria,
nahulog ako sa kanya at ganun din siya sa akin. Nagkaroon kami ng lihim na relasyon
pero nalaman iyon ni Maria at doon na nagsimula ang galit niya. Hindi ko
sinasadyang umibig sa asawa niya pero kahit anong paliwanag ko'y di niya
pinakinggan. Galit na galit talaga siya sakin. Sobrang pinagsisisihan ko ang bagay
na yon" pagkatapos ay nakita niya ang mumunting luha na pumapatak sa mata nito.

"Kaya ba pinatay ka niya?"

Tumango ang babae. "Oo! Pinatay niya ang katawan ko pagkatapos ay kinulong niya ang
kaluluwa ko." Kumunot ang noo niya sa sinabi nito. "Kinulong niya ang kaluluwa ko
sa loob ng titulo ng lupa ng bahay. Hindi ako makalabas dahil nilagyan niya yun ng
sumpa. Dahil dun hindi ko nakasama si Ben"

So that's explain kung bakit takot na takot si Maria na punitin ko ang titulo at
kung bakit sobrang pagpapahalaga niya dito.

"Anong nangyari kay Ben Chua?"


Umiling si Carmela "Hindi ko na alam kung ano pa ang nangyari sa kanya. Isa lang
ang kaya kong ipaliwanag." Bunumtung hininga ito. "Sa pagpunit mo ng titulo,
bumaligtad ang sumpa at bumalik kay Maria kaya nakita mong nilamon siya ng lupa.
Tapos nakalaya ako! Malaki ang utang na loob ko sayo." nakangiting sabi nito pero
andun pa rin ang lungkot sa mga mata.

Kumunot ang noo niya "Eh yung matanda? Ang sabi mo nagising siya nung nawala si
Maria?"

"Ah yung matanda?" Huminga ng malalim si Carmela. "Oo! Sinumpa din siya na kapag
nawala si Maria, gigising siya mula sa hukay at babantayan lahat ng libro sa loob
ng silid aklatan."

"Bakit?"

"Mahalaga ang laman ng mga librong iyon. Siguro naman nakita mo na ang iba doon
diba? Mga libro yun ng isang mangkukulam. Konti pa dun ang nakita mo. Mas marami pa
sa ibang bahagi. At yang librong kinuha mo-" sabay turo nito sa libro sa lamesa. "-
ang magiging sagot sa mga katanungan mo"
Umaliwalas ang mukha niya. "So, andyan ang sagot kung bakit nagkapalit kami ng
katawan ni Rosenda?"

"Oo"

"Pero bakit kanina gusto mong bitawan ko ang libro?"

"Masyadong makapangyarihan ang librong iyan. Kapag hinawakan mo ulit ito at binasa,
Kailangan mong maging mangkukulam. Yun ang kasunduan."

"Ayokong maging mangkukulam!"

"Kung ayaw mo, edi wag mong babasahin" nakangiting sabi ng babae.

Nag-isip siya habang nakatingin sa libro.


Nasa librong iyan ang sagot kung paano kami nagkapalit ni Rosenda at ang magiging
solusyon para makabalik ako sa dati kong katawan. Kaya lang, magiging mangkukulam
ako. Ayokong maging mangkukulam.

"May katumbas ang pagiging mangkukulam." Napatingin siya kay Carmela nang magsalita
itong muli. "Kapangyarihan. Kapag nabasa mo ang laman niyan, mapapasa-iyo ang lahat
ng kapangyarihan sa loob ng libro."

"Pero syempre may kapalit diba?"

"Oo.. Dahil kapag nasimulan mo na, hindi mo na pwede pang tigilan." Malalim na sabi
ng babae.

"Anong ibig mong sabihin?"

"Kailangan mong mangulam ng ibang tao para lumakas ka. Yun ang magiging pagkain
mo."
"Paano kapag ayaw ko mangulam ng iba?"

"Simple lang. Manghihina ka, hanggang sa mamatay ka! Kaya dapat mangulam ka! Mas
maganda kapag napatay mo sila!"

"Hindi pa ako pumapayag na maging mangkukulam noh! Paano pa kaya ang pumatay?!"

"Well wala kang mapagpipilian. Gusto mo ng solusyon sa problema mo? Iyon ang
kapalit. Pag-isipan mo" nahiga ang babae patalikod sa kanya.

Pinag-isipan niyang mabuti ang lahat nang biglang may kumatok sa may pintuan.
Bubuksan na sana niya ito ng biglang magsalita ang babae.

"Kapag binuksan mo yan, hihilahin ka ng matanda pabalik sa silid aklatan at duon ka


niya ikukulong habangbuhay" napaatras siya. Patuloy lang ang pagkatok ng
kungsinuman sa pintuan hanggang sa naging marahas ang pagkatok na naging kalabog.
Lumilikha rin ito ng ingay na katakot-takot. Tila gusto nitong gibain ang pintuan
at kainin ng buong buo.
"Ano bang kailangan ng matandang yan?"

"Kinuha mo kasi yung libro"

So ganun pala kahalaga ang libro.

"Kaano-ano ba ni Maria ang matanda?"

"Wala"

"Katulong?"
"Hindi"

"Eh ano?"

"Siya ang aking ina. Kaya nga nagagawa kong maglabas masok sa library na iyon
kanina. NAng makalaya ako'y nais ko ng tumawid sa kabilang mundo ngunit nakita ko
siya rito at nakakulong. Kaya di ako makaalis. "

Ramdam na ramdam sa bawat salita nito ang sobra sobrang lungkot at pagsisisi.
Naisip niyang masyadong malaki ang parusang natanggap nito.

Kailangang gumawa ako ng paraan para makalaya kaming lahat sa sumpa ng bruhang si
Maria. Tsk! Wala na nga siya pero andami namang iniwan na problema samin.

"Sige payag na ako" pagkatapos ay kinuha niya ang libro. Tumigl sa pagkalabog ng
pintuan ang magtanda sa labas. Dahil doon ay nagkaroon ng malaking pagtataka sa
kanyang mukha.

"Bumalik na siya sa silid-aklatan dahil tinannggap mo ang kasunduan sa libro nang


hawakan mo itong muli." Binuksan niya ang libro ngunit wala siyang nakitang kahit
anong nakasulat.

"Walang laman?" takang tanong niya rito.

"Pumikit ka" Sinunod niya ang sinabi ng babae. Pumikit siya, pero sa pagpikit niya
may nakikita siyang iba't ibang imahe.

"Ngayon tumingin ka sa libro" Tumingin siya sa libro.

Namangha siya sa nakikita. May nakasulat na sa libro. Bigla siyang napadilat pero
wala na namang laman ang libro kaya pumikit ulit siya. Meron ulit.

"Mababasa mo lang ang librong yan kapag nakapikit ka. Pero dahil nakipagkasundo ka
sa kanya, tanging ikaw lang ang makakakita sa laman niyan. Kailangan matapos mo ang
pagbabasa sa loob ng isang linggo dahil kusa iyang maglalaho sa mga kamay mo."

Binasa niya ng binasa ang laman ng libro. Lumipas ang mga araw pero hindi pa rin
niya natatapos ang pagbabasa at ang pagkabisa sa bawat salita. Mabuti na lamang at
andyan si Carmela para ituro sa kanya ang mga nakasulat sa libro na hindi
maintindihan. Kaya nagkaroon siya ng pagtataka kung bakit andami dami atang alam
nito sa bawat nilalaman ng libro.

"Bakit andami mong alam tungkol sa libro Carmela?" tanong niya ng sumapit ang ika-
apat na araw ng kanilang pag-aaral. Malapit nang maglaho ang libro kaya dapat na
niya itong matapos agad.

"Mangkukulam kasi kaming lahat. Nahawakan na namin ang librong iyan. Kapag natapos
na namin ang pagbabasa'y hinding hindi na namin mahahawakan pa iyang muli. Tanging
si Maria lang ang nakakahawak niyan kahit tapos na ang isang linggo"

"Bakit?"

"Hindi ko rin alam. Pero sobrang lakas ni Maria, kaya ng magkaharap kami'y natalo
niya ako't nakulong. Nakatutuwang natalo mo siya agad agad. Kaya karapat dapat ka
sa paghahawak ng librong iyan."

Yeah Right! As if gusto kong ako ang susunod na henerasyon ng librong ito. Ayokong
matulad kay Maria na isang masamang mangkukulam. Pati mga kaibigan ko dinamay.
Natigilan siya sa naisip. "Nakapatay ka na din ba Carmela?"

"Oo!.." biglang lumikot ang mga mata nito. "Pero ang mga kinukulam ko lang ay yong
masasamang tao."

Ganun din yun eh! Nakapatay pa rin siya masama man yung tao o hindi. Hays! Kamusta
na kaya ang katawan ko at ang kapatid ko. Gusto ko na siyang makita at kamustahin
pero sigurado akong hindi pa rin siya maniniwala na ako si Jaja at hindi si
Rosenda. Kasalanan lahat ito ni Maria.

Natigil sya sa pag-iisip ng biglang magsalita si Carmela. "Yung mag-ari ng katawang


iyan-" Napatingin siya dito. "Alam ko kung ano ang hiniling niya kay Maria"

Speaking!

MAGIGING AKIN ANG MAGANDA MONG MUKHA!

Iyon ang saktong salitang sinabi ni Rosenda sa kanya.


"Syempre ang magkapalit kami ng katawan!"

Umiling ito. Doon napakunot ang noo ni Jaja.

"Hiniling niya na magdusa kayo kagaya niya"

Nagulat siya sa narinig.

Hiniling talaga ni Rosenda ang bagay na iyon? Pero bakit?

=================

Pang-sampu

"Isang linggo nang comatose ang anak ko pero wala pa ring kayong lead kung nasaan
ang Rosendang iyan?!" pagalit na sabi ng papa ni Jiji sa mga pulis.
*Jiji*

Tahimik lang siyang nakaupo sa labas ng kwarto sa ospital na iyon kung saan
comatose ang katawan ni Jaja. Hanggang ngayon kasi'y hindi pa rin nahahanap ang
kriminal na si Rosenda. Ni hindi niya magawang sabihin sa mga magulang nila ang
tungkol kay Maria, sino ba kasi ang maniniwalang lahat ng iyon ay pakana lang ng
multo nito. Ang tangi na lamang niyang nasabi sa mga magulang ay kasalanan lahat
iyon ni Rosenda. Naaawa talaga siya sa kapatid. Dalawang beses nitong niligtas ang
buhay niya. Samantalang siya, walang magawa habang nakahiga ang kapatid at hindi
alam kung magigising pa ba o hindi na.

Wala akong kwentang kapatid pinabayaan ko siya!

Umiiyak na usal niya sa sarili habang makayuko siya. Naramdaman na lamang niyang
may tumabi sa kanyang isang babae. Nung una'y hindi niya ito pinansin pero
napatingin siya sa paanan nito. May tumutulong dugo. Kinilabutan siya, hindi siya
makatingin sa kung sino man ang tumabi sa kanya, basta lang tumutulo ang dugo nito.
Lalo siyang napaiyak sa nakita lalo na nung bigla itong bumulong sa kanya.

"Tulungan mo ako"

Bigla siyang napatingin dito pero paglingon niya'y wala siyang nakita. Naglumikot
ang mga mata niya sa iba't-ibang sulok ng hallway na yon pero wala talaga siyang
katabi. Sobrang lakas ng kabog ng kanyang dibdib.

Imposible! Sino yun?

"Jiji!" napalingon siya sa kanyang mama. Halata sa mukha niya ang sobrang
pagkagulat at takot.

"Kanina pa kita tinatawag iha, ano bang nangyayari sa iyo?" nag-aalalang tanong ng
kanilang mama.

"Wala po" Nagtataka man kung sino ang babaeng iyon ay hindi na lamang niya
pinagtuunan ng pansin. Baka namamalikmata lang siya.

"Uuwi muna kami ng Papa mo para kumuha ng gamit ng kapatid mo. Gusto mo bang sumama
sa amin iha?" Tanong ng kanyang mama habang nag-aayos ng gamit sa bag.

"Hindi na po, babantayan ko na lang po si Jaja"


Hinalikan siya ng kanyang mama. "O sige. Kukuha na lang kami ng gamit para sa iyo.
Babalik kami ng papa mo bukas. Maraming pulis ang magbabantay sa inyo para safe
kayo ng kapatid mo. Magiging maayos din ang lahat" Malungkot nitong sabi saka sila
iniwan ng mga ito. Mukha mang mahinahon ang kanilang mama sa panlabas ay alam niya
ang bawat gabing umiiyak ito dahil sa sinapit ng kapatid.

Kasalanan mong lahat ito Rosenda!

Bigla niyang naalala ang mga sinabi ni Rosenda ng gabing iyon na natagpuan niya ang
dalawa na nakahiga sa labas ng bahay ni Maria.

======o======

"Jiji! Ako ang kapatid mo! Ako si Jaja!"

"Baliw ka na nga Rosenda!Ang kapal ng mukha mong sabihin yan!" Hinablot niya ang
dalawang braso nito. "Magbabayad ka sa ginawa mo Rosenda! Magbabayad ka! Gusto mo
talaga kaming patayin ano?" Umiiyak na sigaw niya.

"Ano ka ba! Ako nga si Jaja!"


"Stop it you FREAK!" Bigla silang may narinig na nagsisidatingan na mga pulis.
"Makukulong kang baliw ka!"

"NO!" Isang iglap ay tinulak siya nito ng sobrang lakas kaya nabitawan niya ito at
saka ito nagtatatakbo. Sinundan niya ito pero hindi na niya naabutan pa.

======o======

Tinitigan niya ang kapatid habang nakahiga ito. Ayon sa mga nakikita niya sa mga
makinang nakakabit dito'y hindi maganda ang kalagayan nito. May posibilidad na
hindi na ito magising pa. Hinawakan niya ang kamay nito.

"Lumaban ka Jaja, please naman oh!"

Binantayan niya ang kapatid hanggang sa makatulog siya. Pero bigla siyang
naalimpungatan ng tila may narinig siyang kumakatok sa pintuan. Sa pag-aakalang mga
pulis iyon ay tumayo siya at binuksan iyon. Ngunit wala siyang nakita, pagdungaw
niya'y wala na rin ang apat na pulis na dapat ay magbabantay sa kanila.

"Asan na yung mga yun?" Sinara niya ang pintuan. Pero natigilan siya dahil pagsara
niya ng pintua'y may naramdaman siyang kakaiba, biglang uminit ang paligid gayong
imposibleng mangyari iyon dahil nakaaircon ang buong kwarto.
Bakit biglang uminit dito?

Nilingon niya ang kapatid sa kama nito. Maayos naman itong nakahiga. Inobserbahan
niya ang buong kwarto. Wala naman siyang nakita o napansing kakaiba.

Napaparanoid na ako!

*Message alert Tone*

Kinuha niya ang cellphone niya sa bag na nasa mahabang sofa at patalikod na binasa
ang mensahe ng kung sino mang nagtext na iyon.

From: 0943*******

Jiji, mag-iingat ka please!

Sino to?

Wala sa loob na lumingon siya sa direksyon ng kama ni Jaja. Bigla niyang nabitawan
ang hawak na cellphone ng makitang dahan dahang lumulutang sa kama ang kanyang
kapatid.
"Ja...jaja?"

Hindi siya makagalaw bagkus ay bigla na lamang tumulo ang kanyang luha at kumabog
ng malakas ang kanyang dibdib. Tinangka niyang lapitan ito ngunit dahan dahang
lumingon sa direksyon niya ang ulo nito. Lalo siyang napaiyak dahil sa pagdilat
nito'y nakita niyang may lumalabas na mumunting dugo sa mga mata nito. Pagkatapos
ay umikot ng maraming beses ang ulo ng kanyang kapatid bago muling tumingin ng
masama, tinuro siya at sumigaw ng,

"SUSUNOD KA NA!"

"AHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHH"
Marahas siyang napadilat at pinagmasdan ang loob ng kwarto. Tinignan din niya ang
kapatid sa kama nito. Nakahiga pa rin at hindi kakikitaan ng palatandaan na gumalaw
ito. Sobrang bilis ng tibok ng kanyang puso. Ngayon lang siya binangungot ng ganoon
katindi. Tinignan niya kung anong oras na.

Alas-onse na ng gabi? Ibig sabihin apat na oras akong nakatulog? Pero bakit
pakiramdam ko saglit lang iyon? Tsaka ano bang klaseng bangungot iyon! Nakakatakot!

"JIJI!"

Napalingon siya sa buong kwarto dahil sa tumawag na iyon sa kanya pero wala siyang
nakitang sinuman. Naisip niyang baka mali lang siya ng dinig.

"Jiji, Mag-iingat ka sa kasama mo"

"SINO KA?" Sigaw niya sa loob ng kwarto. Ngayon, sigurado na siyang hindi iyon
guni-guni lang. May tumatawag nga sa kanya. Hindi niya makita kung sino ang
nagsasalitang iyon pero pamilyar sa kanya ang boses nito.
"Wag kang lalapit sa kanya Jiji"

"KANINO? SINO KA BA?"

"Hintayin mo ako Jiji, Isang araw na lang"

"SINO KA BA HUH?" Tumingin siya sa bawat sulok ng kwarto pero wala talaga siyang
makita. Tanging boses lang nito ang naririnig niya.

Biglang bumukas ang pintuan at bumungad ang nagbabantay na pulis sa kanila.

"Tawag niyo po ako Ma'am?"


"Hindi po, pasensiya na"

Sinarang muli ng pulis ang pintuan at naiwan siyang nag-iisip. Hindi niya mawari
kung guni-guni lang niya ang mga naririnig. Pakiramdam niya hindi man siya ang
comatose, mamamatay naman siya sa sobrang takot. Pinagmasdan niyang muli ang
kapatid.

"Hintayin mo ako Jiji, Isang araw na lang"

"Sino ba yun Jaja?, Gumising ka na kasi!" Bulong niya na hindi niya tiyak kung
narinig ba siya nito o hindi.

==========o===========

*Jaja*

*Sa Bahay ni Maria*


"Nakausap mo ba ang kapatid mo?" tanong nito sa kanya.

Umiling siya saka napabuntong hininga. Nagpadala siya ng babala kay Jiji pero hindi
niya tiyak kung narinig ba siya nito o hindi. Ginamit niya ang isa sa mga mahika sa
libro ni Maria pero hindi pa iyon ganun kalakas. Marami-rami na rin siyang nabasa
sa mga iyon at malapit ng matapos. Bukas na ang huling araw na mababasa niya ang
libro. Kapag lumubog nang muli ang araw ay mawawala na ang libro. Unti-unti na rin
niyang naiintindihan ang paraan para muli niyang mabawi ang kanyang katawan. Pero
sana'y hindi pa huli ang lahat. Kailangan niyang mabawi ang kanyang katawan.
kailangan na! Sa lalong madaling panahon.

"Isang araw na lang Jiji, Isang araw na lang" mahina niyang usal sa hangin...

=================

Pang-labing isa

Tik.Tak.Tik.Tak.Tik.Tak
Sa sobrang tahimik sa loob ng silid kung saan nahuhulog sa malalim na pagkakatulog
ang katawan ni Jaja'y tanging orasan lang ang maririnig mo. Pumasok sa paaralan si
Jiji at nasa baba ng ospital ang mga magulang nila. Walang taong nagbabantay sa
kanya sa loob ng kwarto sa ospital na iyon maliban sa apat na pulis na nasa labas.

Tik.Tak.Tik.Tak.Tik.Tak

Tahimik na pumasok ang itim na usok na sa di malamang dahilan ay hindi napansin ng


mga nagbabantay na pulis. Lumibot, Umikot ng umikot, at tila dinadasalan ang
nakahigang katawan ni Jaja. Parang may sariling buhay na gumagawa ng isang kahindik
hindik na ritwal. At dahan-dahang pumasok sa kanyang katawan, pabilis ng pabilis
hanggang sa maubos at kasabay niyon ang pagmulat ng kanyang mga mata. Nanlilisik at
pulang pula. Punong puno ng galit at sobrang pagkamuhi.

Tik.Tak.Tik.Tak.Tik.Tak

Bumuhos ang malalaking patak ng ulan, umihip ng malakas ang hangin at nagpakawala
ang langit ng malalakas na kulog na sinundan ng malalakas na kidlat. Sa sobrang
sama ng panahon ay biglang nawalan ng kuryente ang buong hospital. Natabunan na ang
tunog ng orasan na kanina lang ay sobrang ingay. Nabahala ang mga magulang ni Jaja
at dali daling tumakbo paakyat sa kwarto. Pag-akyat ay nakitang kampanteng
nagbabantay ang apat na pulis. Sinenyasan ang mga itong tumabi pagkatapos ay dali
dali silang pumasok. Sa pagbukas ng pintua'y biglang kumidlat ng sobrang lakas
ngunit hindi iyon ang nagpahindik sa kanilang lahat.
"Diyos ko! Lorenzo! anong nangyari dito? asan ang anak natin!?!"

Tila binagyo ang buong kwarto sa sobrang gulo at nagkalat ang dugo sa lahat ng
sulok. Lumapit sila sa kama ng may mapansing litrato sa gitna niyon. Ang litrato ng
kambal. Napabulalas ng iyak ang ginang ng mabasa ang mga salitang natagpuang
nakaukit dito.

"SUSUNOD KA NA!"

==========0==========

*Jiji*

"Jiji, kamusta naman ang kapatid mo sa ospital? Humihinga pa ba?" nakatawang tanong
ni Britanny sa kanya nang makapasok siya sa classroom nila.
"Anong sinabi mo?" galit niya itong hinarap.

"Chill, ok?" nakataas ang kilay nito. Tiningnan niya ito ng masama saka tumalikod.

"Balita ko si Rosenda daw ang may gawa? Ayan napapala niyo sa pagsama sama sa freak
na yon!" Dagdag nito. Ang akmang pagpalit niyang muli kay Britanny ay hindi natuloy
nang hilahin siya ng isa sa mga kaklase nila palayo dito. Nagpahila siya pero hindi
pa pala duon natatapos ang pagpaparinig nito.

"But nga sa inyo" mahina pero dinig na dinig ng dalawa niyang tenga.

Hindi na siya nakapagpigil, sinugod niya ito. Napatili ang ilan sa kanilang mga
kaklase ngunit walang nagtangkang pigilan sila. Ang iba'y natakot at tumawag ng
guro, ang iba nama'y natuwa pa at nagpustahan kung sino ang mananalo.

"GET OFF ME, BITCH!" malakas na sigaw nito pro hindi niya ito binatawan.
Binuhos niya rito ang lahat ng galit niya kay Rosenda. Sinabunutan niya ito,
kinalmot at pinagsasampal. Galit na galit siya hanggang sa hinawakan niya ito sa
leeg at sinakal. Kitang kita niya sa mukha nito ang sobrang takot at hirap sa
paghinga. Nagulantang din ang mga kaklase nila at mabilis siyang hinila palayo.
Pero hindi siya nagpaawat bagkus ay lalo niyang hinigpitan ang pagkakahawak dito.
Pinagtulung tulungan na siyang hilahin ng mga kaklase nilang lalaki hanggang sa
nagtagumpay ang mga itong ilayo siya kay Britanny.

"ULITIN MO LANG ANG MGA SINABI MO BRITANNY AT AKO MISMO ANG MAGDADALA SAYO SA
OSPITAL!" galit na galit niyang sigaw kay Britanny pagkatapos ay kinuha niya ang
kanyang gamit at lumabas ng kanilang silid-aralan.

Sinalubong siya ng mga estudyanteng nag-uusisa sa tapat ng pintuan. Maraming


nakasaksi ng ginawa niyang pananakal kay Britanny kaya nang dumaan siya sa mga
ito'y takot na takot na nagsiiwas sa kanya. Wala siyang pakialam kung ganuon man
ang mga naging reaksyon ng mga ito.

Galit siya, galit na galit siya sa mga pinagsasasabi ni Britanny. Galit na galit
siya sa mga ginawa ni Rosenda. Higit sa lahat, sinisisi niya ang sarili dahil wala
man lang siyang nagawa sa paghihirap ng kanyang kapatid.

"Jaja, I need you"

Patakbong niyang nilisan ang paaralan kahit sobrang lakas ng ulan papunta sa
ospital kung nasaan ang kapatid.

==========0==========

*Britanny*

"What a bitch! Gusto ba niya akong patayin! Hinawaan na sila ng kabaliwan ng


mamamatay taong Rosenda na yon!" nanggagalaiting niyang sabi sa mga kaibigan niya
habang pauwi sila. Tumigil na rin ang ulan na kanina lang sobrang lakas.

"Oh my god girl!, magmamark pa ata yung kamay ng Jiji na yon sa neck mo!" sabi ni
Lucy sa kanya sabay haplos ng marahan sa kanyang leeg. Hinampas niya ang kamay nito
saka nagpatiunang naglakad.

"So freak ng magkaka-ibigan na yon ah!" narinig niyang maarteng sabi ni aya.

"I swear! Kapag nakita ko ang isa sa kanila, gagantihan ko talaga!" Hinaplos niya
ang kanyang magandang leeg na sinakal ng bruhang si Jiji. "Nakakainis! Kailangan ko
pa atang magpa-DERMA para lang maalis ang marka na ito!"
"Pero nakakatakot yung Rosenda na yan ah! Biruin mo yung ginawa kay Jaja?" sabi ni
Aya na binilisan ang lakad upang masabayan silang dalawa ni Lucy.

"Oh my god Britanny, baka malaman nila yung ginawa natin kay Rosenda sa Locker
Room, balikan tayo" Nilingon niya si Lucy. Tama ito, baka may maka-alam sa ginawa
nilang trip sa freak na si Rosenda.

"Shut up Lucy! Di nila malalaman kung di ka magsasalita dyan! Napakaingay- Aray


Aya! Ano ba? Bakit ba tatanga tanga ka dyan?" napahawak siya sa kanyang balikat
nang mabangga siya sa likuran ni Aya nang bigla itong huminto.

"Brit, tignan mo" sabay turo nito sa babae sa harap.

Sobrang dilim ng paligid kaya hindi nila maaninag kung sino ang babaeng nasa
harapan nila na nakatayo lang at tila may hinihintay kaya bigla siyang kinabahan.
Tila kasi sila ang hinihintay nito. Humawak silang dalawa ni Lucy sa mga braso ni
Aya.
"Brit! Ano ba yan, nakakatakot siya, bakit ba nakatayo lang siya dyan! Paano tayo
dadaan?" nanginginig na tanong ni Lucy.

"Shit! Tumahimik ka nga Lucy" bulong niya rito. Kahit kailan talaga sobrang
matatakutin ng kaibigan niyang ito. Ang lakas ng loob magmaldita tapos duwag pala.

Nakita niyang dahan dahang lumalapit ang babae sa kanila. Ramdam nila ang bigat sa
bawat hakbang nito. Naririnig din niya ang tibok ng puso ng isa't isa.

"Brit, lumalapit na!" nanginginig na sabi ni Aya.

Pagkatapos ay bigla na lamang itong tumakbo palapit sa kanila

"SHIT! TAKBO!" sigaw ni Lucy.

Sabay-sabay silang tumakbo. Halos magkanda dapa na sila kakatakbo. Bahagyang niyang
sinilip ang kanyang likuran pero wala na siyang maaninang na sumusunod sa kanila.
Pagkatapos ay nakita na lamang niya na napatigil sa pagtakbo sina Lucy at Aya at
takot na takot na nakatingin sa harapan kaya napatigil din siya. Pero sa paglingon
niya'y tumambad sa kanya ang galit na galit na mukha ng humahabol sa kanila,
nanlilisik ang mga mata nitong nakatingin sa kanya sabay hablot ang kanyang leeg
saka siya sinakal ng sobrang higpit.Unti unti siyang inangat nito hanggang sa hindi
na niya masayad ang paa sa lupa. Bakas sa mukha ni Britanny ang sobrang takot at
paghihirap habang nagpupumiglas pero hindi siya nito binitawan hanggang sa
malagutan siya ng hininga.

==========o==========

Nahintakutan sina Lucy at Aya at sabay na tumakbo palayo sa dalawa ngunit hindi na
sila pinag-aksayahan pang habulin ng babae.

"Susunod ka na!" mahina nitong sabi saka tumalikod at naglakad sa direksyon kung
saan nakatayo ang bahay ni Maria.

==========0==========

*Jaja*

"Carmela! Bakit ganito ang nararamdaman ko sa panahon ngayon? Bigla akong


kinukutuban ng masama" ramdam na ramdam niya ang kaba sa kanyang dibdib habang
nakatingin siya sa labas ng bahay ni Maria.
Kanina'y biglang umulan ng malakas kahit tirik na tirik ang araw saka kumulog
pagkatapos ay kumidlat. Pagkalipas ng ilang sandali'y tumigil na naman ang ulan.
saka ulit bumuhos. Nakakapagtaka ang pagpapalit palit ng panahon. Ramdam niyang
kakaiba ang araw na ito sa iba pang araw na lumipas. Marahil dahil iyon na ang
huling gabi ng libro. Hinanda na rin niya ang mga gagamitin niya para makabalik sa
dati niyang katawan.

"Carmela-" napatigil siya sa pagtawag kay Carmela ng mapansing wala ang babae sa
kanyang likuran. Nilibot niya ang kanyang paningin sa loob ng silid nito ngunit
hindi niya makita. Bagkus ay napansin niyang nakadungaw sa pintuan ng kwarto ang
isang batang babae na nakatingin sa kanya.

Napatayo siya ng makilala ito. Nakita niya ang gulat sa mukha ng bata at akmang
tatakbo palayo pero pinigilan niya ito.

"Sandali" tawag niya.

Lumingon ng dahan dahan ang bata.

"Bakit?" tanong nito.


"Ikaw yung tumulong sakin makapasok dito diba? Anong pangalan mo?" ito ang batang
tumulong sa kanya makapasok. Nakaligtaan niyang itanong kay Carmela kung sino ang
batang ito dahil napunan na ng ibang bagay ang kanyang isipan. Pero ngayong nakita
na niya ang bata'y ito na ang pagkakataon para malaman niya kung sino ito.

Pero tulad ng una nilang pagkikita'y nginitian lang siya nito at hindi sinagot ang
kanyang tanong. Tumalikod ito at biglang nagsalita.

"Maghanda ka na. Andyan na siya" pagkatapos ay bigla itong tumakbo papalayo sa


kanya.

Sino ba talaga ang batang iyon? At sino ang tinutukoy niyang paparating?

(A/N: Abangan ang Huling Kabanata sa kwento ng bahay ni Maria dahil darating na
"SIYA" sa August 10,2012.)

=================

Pang-wakas
Nang nasa tapat na ng ospital si Jiji'y nagbagong bigla ang kanyang isip, hindi
siya tumuloy sa loob at naglakad sa ibang direksyon. Hindi niya alam kung saan siya
dadalhin ng kanyang mga paa. Maraming pumapasok sa kanyang isipan dahil sa dami ng
kanyang iniisip. Pagkatapos ay natagpuan na lamang niya ang kanyang sarili na
nakatayo sa paboritong park na madalas nilang puntahan ng kapatid. Umupo siya sa
isang bench doon at niyakap niya ang kanyang sarili ng umihip ng malakas ang
hangin.

*Jiji*

"Bakit ka umiiyak?" nagulat siya sa batang biglang sumulpot sa kanyang harapan.

Sobrang pamilyar ang mukha nito ngunit hindi niya alam kung saan niya nakita. Saka
lamang niya napansing umiiyak pala siya nang punasan nito ang kanyang luha.
Pagkatapos ay bigla itong umiyak.

"Bata, wag ka ng umiyak" pag-aalo niya dito.

Sa isang iglap ay hinawakan nito ang kanyang braso ng sobrang higpit. Kinabahan
siya sa paraan ng paghawak nito sa kanya. Inangat ng bata ang ulo nito mula sa
pagkakayuko. Hindi siya makapaniwala sa kanyang nakita. Nagbago ang anyo ng bata,
mula sa maamo nitong mukha'y tumutubo ang kakaibang sugat. Lumobo iyon hanggang sa
tuluyang pumutok. Ramdam niya ang pagtalsik ng kulay dilaw na malagkit na mabaho sa
kanyang mukha. Nanlaki ang kanyang mga mata ng unti-unti iyong natuyo at naging
peklat mulang sa kaliwang mata pababa sa leeg.

Bumagsak siya sa kinauupuan ngunit hawak pa rin siya ng bata, hindi niya magawang
sumigaw sa sobrang takot. Inilapit ng bata ang mukha nito sa kanya at may ibinulong
dito. Inabot nito ang isang bagay sa kanya at sa pagkurap ng kanyang mga mata'y
wala na ang bata. Napahawak siya kanyang mukha ngunit wala siyang nakapang kung
anong malapot at malagkit. Tinignan niya ang kanyang braso. Nag-iwan ang mahigpit
nitong pagkakahawak ng marka ng kamay. Napatingin din siya sa hawak hawak saka niya
naalala ang sinabi nito sa kanya. Dali-dali niyang tinago iyon sa bulsa ng kanyang
palda saka tumayo at tumakbo papunta sa bahay ni Maria.

Biglang bumuhos ang napakalakas na ulan ngunit hindi siya tumigil sa pagtakbo
ngunit sa kanyang pagtakbo'y bigla siyang nakaramdam ng hindi maganda. Yung
pakiramdam na may nakatitig sa kanya. Huminto siya at lumingon pero wala siyang
nakita. Pagharap niya'y dumaan ang lamig sa kanyang katawan ng biglang may babaeng
biglang sumulpot sa kanyang harapan. Sobrang lapit ng mukha nito ngunit nang
kanyang makilala'y napaiyak siya sa sobrang galak sabay yakap dito ng mahigpit.

"Gising ka na.." naiiyak niyang bulong dito habang hinahagod niya ang buhok nito.
Pero sa gitna ng paghagod niya'y napansin niya ang maraming hibla ng buhok nito na
sumasama sa kamay niya. Nanginginig na tinitigan niya ang mga kamay. Unti unting
nasasama ng patak ng ulan ang ilang hibla na nakuha niya. Pagkatapos ay bigla
siyang niyakap nito. Halos hindi na siya makahinga sa sobrang higpit. Napapangiwi
na rin siya sa sobrang sakit.

"Susunod ka na..." bulong nito.


Pagkatapos ay unti-unti siyang nanghina. Naramdaman nyang binuhat siya ng babae at
nagpatuloy sa paglalakad. Mula sa nanlalabong mga mata'y nakita pa niya na bawat
madaanan ng babae na halaman at hayop ay unti-unting natutuyo't namamatay hanggang
sa tuluyan siyang mawalan ng malay tao.

==========o==========

*Carmela*

Umihip ng malakas ang hangin. Kumalampag ang bubong ng bahay at bumuhos ang
napakalakas na ulan. Kinutuban ng kakaiba siya ng kakaiba saka lumapit sa
nahihimbing na si Jaja sa kanyang kama. Pagkatapos nilang gawin ang unang ritwal ay
nawalan ito ng malay tao.

"Gumising ka na!" mahina niyang usal.

Ngunit hindi ito natinag. Bakas sa mukha ang sobrang kapaguran at kawalan ng lakas.
Hindi niya talaga mawari kung bakit ganoon na lang ang kanyang nararamdaman. Bakit
siya kinakabahan tulad ng kaba na kanyang naramdaman kapag andyan ang kapatid na si
Maria. Hindi niya maunawaan ang sarili.
Hindi mapakaling lumabas siya ng bahay. Nagitla siya ng makita ang nakatayong babae
sa harap ng bahay. Tila lalamunin siya ng lupa sa sobrang talim ng pagtitig nito sa
kanya. Napatingin siya sa isa pang babaeng buhat buhat nito. Tinangka niyang
tumalikod ngunit hindi niya naituloy ng biglang umusal ito ng kakaibang dasal.
Dasal na pamilyar na pamilyar sa kanya. Nanigas ang buo niyang katawan at hindi
siya makagalaw. Inilapag ng babae ang buhat buhat at lumakad saka huminto sa
kanyang harapan. Tinitigan siya nito ng ubod ng sama. Kitang kita niya ang paglabas
ng ugat nito sa paligid ng mga kulay pulang mata at ang pag-ngiti nito ng ubod ng
laki.

"Kamusta ka na....... Carmela" bulong nito na kanyang ikinagulat.

Bakit alam ng babaeng ito ang aking pangalan?

"Ako to" Tinitigan niyang mabuti ang mga mata nito. Saka nanlaki ang kanyang mga
mata.

Hindi maaari ito...

Nakakakilabot na tawa ang pinakawalan ng babaeng kaharap saka sumigaw ng sobrang


lakas. Umihip ang malakas na hangin at lalong dumilim ang gabi. Nakita niya kung
paanong ang inilabas nitong sigaw ay tila galing sa ilalim ng lupa, puno ng taghoy
at galit. Inuntog nito ng malakas ang ulo sa lupa hanggang sa makita na lamang niya
ang maraming dugo na naglalandas sa mukha nito. Tila hindi dinadaing ang sakit mula
sa pagkakauntog. Pagkatapos ay muli itong tumayo sa kanyang harapan.

"OPSLUITEN" narinig niyang sigaw ng kung sino sa kanilang likuran. Pagkatapos ay


biglang nanigas ang babae sa kanyang harapan. Sa isang kurap niya'y nakita niyang
sinasakal na ito ni Jaja.

"Príďte betwixt nás, dobré telo odkladacieho priestoru, má záchvaty waint. Swits og
sporer, Twits og splurts, eller jeg gråte en nisje. Ne, jei mūsų Ratio paleisti
likvidavimo riebaus sūrio, aš padaryti. In the name of holy five, give me the power
to switch our body he generously gave me, ROSENDA" sigaw ni Jaja ngunit hindi
natinag ang babae. Inangat nito ang tingin kay Jaja saka tumawa ng tumawa.

"Príďte betwixt nás, dobré telo odkladacieho priestoru, má záchvaty waint. Swits og
sporer, Twits og splurts, eller jeg gråte en nisje. Ne, jei mūsų Ratio paleisti
likvidavimo riebaus sūrio, aš padaryti. In the name of holy five, give me the power
to switch our body he generously gave me" Inulit ni Jaja ang dasal ngunit napatigil
ito ng sabayan nito ang dasal. Nakita niayng napatulala ang una sa ginawa ng babae.

Jaja! Hindi siya si Rosenda!

Gusto niya iyong isigaw rito.


Tumitig ang babae. "Sa tingin mo ba'y magagapi ako ng sarili kong aklat?
NAGKAKAMALI KA!" sigaw nito kay Jaja dahilan upang tumalsik ito palayo. Narinig
niya ang malakas na daing nito. Nakita rin niya ang maraming dugong umaagos sa
braso nito.

Mabilis itong nilapitan ng babae at sinakal. Napalunok siya, sinubukan niyang


gumalaw ngunit hindi siya makaalis sa kinatatayuan. Naiinis siya sa sarili dahil
wala siyang magawa, nakulong na naman siya, ni sumigaw at magsalita hindi niya
magawa. Paano niyang sasabihin ang dapat ay nasabi na niya kanina pa.

Napatingin siya sa babaeng nakahiga sa lupa. Unti-unti itong tumatayo. May


pagtatanong sa mga mata nito nang mapatingin sa kanya.

"Sino ka!" napatingin sila ng sumigaw si Jaja.

Narinig din niyang tumawa ang babaeng may hawak dito. Tawang tila wala ng bukas.
Pagkatapos ay lalong hinigpitan ang pagkakahawak sa leeg nito.
"Mi nombre es MARIAAAA" saka biglang kumidlat at natamaan ang dalawa sa di kalayuan

Napapikit siya sa sobrang lakas ng kidlat. Nang mawala ang matinding liwanag ay
nakita niyang tatlo na sila sa kanyang harapan. Napalingon siya sa babaeng
bumangon, wala na ito sa pwesto nito.

Oh! Hindi! anong nangyari?

==========o==========

*Jaja*

Kitang kita niya ang mumunting dugo na lumalabas sa dibdib nito. Napatingin siya sa
nakayuko nitong mukha. Naramdaman din niyang lumuwang ang pagkakahawak nito sa
kanyang leeg hanggang sa mabitawan siya nito. Nauubo siyang napadukdok sa lupa sa
sobrang sakit. Nakita niyang napaluhod si Maria na nasa kanyang katawan.

"NGAYON NA JAJA!" narinig niyang sigaw ni Jiji sa kanya. Napatulala siya dahil sa
kanya ito nakatingin.
Ibig bang sabihin ay kinikilala na ko ni Jiji bilang kapatid niya?

"ANO PANG GINAGAWA MO? GAWIN MO NA"

Dali dali siyang kumilos at hinawakan sa leeg si Maria pero nanatili pa rin itong
nakayuko.

"Príďte betwixt nás, dobré telo odkladacieho priestoru, má záchvaty waint. Swits og
sporer, Twits og splurts, eller jeg gråte en nisje. Ne, jei mūsų Ratio paleisti
likvidavimo riebaus sūrio, aš padaryti. In the name of holy five, give me the power
to switch our body he generously gave me, MARIA" sigaw niya

At sa isang iglap ay bumagsak silang dalawa.

Ramdam niya ang hilo at pakiramdam na tila gusto niyang sumuka. Nalalasahan din
niya ang dugo sa kanyang bibig, nakakangiwi. Nararamdaman din niya ang sakit sa
kanyang likod hanggang sa kanyang dibdib at ang tila pagbiyak sa kanyang ulo na
tila inuntog siya ng maraming beses. Dahan-dahan siyang nagmulat ng mata. Sa
nanlalabong paningin ay kitang kita niya ang dalawang tao sa kanyang harapan.
Napamulat siya ng marahas ng makita niyang sinasakal ang kapatid niya ng kung sino.
Tatayo sana siya pero hindi siya makagalaw dahil bigla siyang nahilo at sumakit ang
kanyang dibdib. Tila tinusok ng napakalaking bakal. Nararamdaman na rin niya ang
unti-unting pagkawala ng kanyang hininga.
"Jiji.." bulong niya.. Saka siya muling nawalan ng malay tao.

==========o==========

*Jiji*

Kitang kita niya ang galit sa mga mata ni Maria na ngayon ay nasa katawan ni
Rosenda matapos makipagpalit sa kanyang kapatid. Tinitigan niya si Jaja na ngayon
ay nakabalik na sa dati nitong katawan. Nakahandusay ito sa lupa. Alam niyang
iniinda nito ang sakit ng pagkakasaksak niya sa katawan nito kanina. Tiyak niyang
naging malalim ang natamo nitong sugat ngunit iyon lamang ang paraan upang
makabalik ito sa dati.

Saksakin mo ang katawang gamit niya para mailigtas mo ang kapatid mo.

Naalala niya ang sinabi ng bata sa kanya. Noong una'y nalilito siya sa sinabi nito
ngunit ng magtagpi-tagpi sa kanyang isipan.
Ibig sabihin, sa buong linggong walang malay tao ang katawan ni ay hindi si Rosenda
ang nasa loob niyon kundi si Maria. At ang nasa katawan ni Rosenda ay si Jaja. Kung
ganoon, nasaan si Rosenda? Paanong si Maria ang nandito?

"SA HARAP MO" narinig niya ang sigaw ng kung sino.

Pagkalingon niya'y tumambad sa kanyang harapan ang mukha ni Maria na nasa katawan
ni Rosenda. Hindi niya namalayan ang presensiya nito. Napahawak siya sa kamay nito
nang sakalin siya nito. Napatitig siya sa mga mata nito.

"Príďte betwixt nás, dobré telo odkladacieho priestoru, -" narinig niyang mahinang
dasal ni Maria. Ito ang dasal na ginamit ng kanyang kapatid para maibalik ang
sarili nitong katawan.

Oh hindi,balak niyang kunin ang katawan ko

"má záchvaty waint. Swits og sporer. Twits og splurts, eller jeg gråte en
nisje.-" narinig niyang patuloy ni Maria sa dasal. Pilit siyang nagpupumiglas pero
unti-unti na siyang nawawalan ng lakas. Lumalabo na rin ang kanyang paningin,
nakakaramdam na rin siya ng sakit na tila hinihiwa siya ng paulit ulit.
Jaja, Patawad...

Ne, jei mūsų Ratio paleisti likvidavimo riebaus sūrio, aš padaryti - huh!" Napansin
niyang napatigil ito at unti-unting lumuluwag ang pagkakasakal nito sa kanya.

Bumagsak ito sa lupa.

"AAAAAHHHHHHH"

Narinig niya ang malakas na panaghoy nito. Nang iangat niya ang kanyang mukha'y
nakita niya ang pagbabagong anyo nito. Ang pulang mata nito ay napalitan ng kulay
itim. Tumulo na din ang laway nitong kulay itim, kumulubot ang balat nito tulad sa
isang matanda.Pilit siya nitong inaabot ngunit agad siyang lumayo dito at lumapit
sa kanyang kapatid. Saka biglang nabiyak ang lupa at unti-unti itong nilamon ng mga
kamay mula sa ilalim ng lupa.

Ngunit tila hindi lang ganuon nagtatapos ang lahat. Lumalaban ito sa paghila sa
kanya pababa. Humaba ang itim nitong dila at pinulupot iyon sa leeg ng kanyang
kapatid. Mahigpit niyang hinawakan ang kapatid.

"Hindi! Wag ang kapatid ko!" pilit niyang hinihila pabalik si Jaja ngunit sadyang
malakas si Maria. Hindi niya kaya. Dalawa silang nahihila nito pababa. Ganito lang
ba ang magiging katapusan nilang magkapatid? Nagsimula na siyang maiyak. Ang lahat
ng paghihirap ng kanyang kapatid para iligtas sila'y bigla na lamang maglalaho. At
mawawalan ng saysay.

Hindi!

Patuloy pa rin niyang hinihila ang kapatid ngunit dumudulas talaga ang kanyang mga
kamay.

Biglang sumulpot ang isang bata sa kanilang harapan. Walang hirap nitong inalis ang
dila ni Maria at pinulupot sa sarili nitong leeg. Nakita niya ang mapaklang ngiti
mula dito. Saka nagpahila kay Maria. Sabay silang bumulusok pailalim hanggang sa
mga pulang apoy na lumabas sa lupa.

Patawad mga kaibigan..


Nanlaki ang kanyang mga mata ng marinig ang mga katagang iyon. Biglang lumabas ang
imahe ng mukha nito sa kanyang isipan na nakita niya sa parke. Naalala niya ang
paglobo ng mukha nito hanggang sa pumutok at maging peklat mula sa kaliwang mata
pababa sa leeg. Iyon ang kaparehong peklat ni...

Rosenda...

Dali-dali siyang tumakbo sa lupa kung saan nahila ang mga ito Hinukay niya iyon
habang umiiyak.

"Rosenda!" Patuloy lang ang paghukay niya ngunit wala na, kahit anong hukay niya'y
hindi na niya maibabalik pa si Rosenda. Nang mapagod ay umiyak na lamang siya ng
umiyak. Sigurado siya.. Sigurado siyang iyon si Rosenda.

Si Rosenda na kahit pinagtangkaan sila ng masama'y nagawa pa rin silang iligtas sa


huli.

"Rosenda" bulong niya sa hangin.


=================

Bagong Simula

Pagkatapos ng gabing iyon, dali daling dinala sa ospital si Jaja, Comatose ang
kalagayan nito. Kaya habang nasa ganuong sitwasyon ang kapatid ay inayos ni Jiji
ang lahat ng dapat ayusin. Nahukay na rin ang bangkay ni Mary at ng iba pa sa likod
ng bahay ni Maria. Nabalitaan na rin nila ang pagkawala ni Britanny at ng mga
kaibigan nito na hanggang ngayon ay hindi pa rin nahahanap, sina Lucy at Aya.
Iniisip niya kung ano ang nangyari sa tatlo ngunit wala siyang maisip na dahilan sa
pagkawala ng mga ito. Nakausap na rin niya si Carmela at naipaliwanag na nito ang
lahat lahat mula sa simula.

Bago lamunin ng lupa sa unang beses ni Maria'y nagawa daw nitong pumasok sa katawan
ni Jaja at paalisin ito sa sarili nitong katawan. Hindi na nagtaka pa si Jiji kung
paanong nangyari iyon, the bitch is a witch. She can do whatever she wants to do.
Baka nga kaya pa nitong muling bumalik sa lupa sa isa pang pagkakataon.

==========o==========

*Jiji*

"Pero paanong napunta si Jaja sa katawan ni Rosenda? " takang tanong niya
Narito siya ngayon sa Bahay ni Maria. Nuon, natatakot siyang pumasok ngunit
pagkatapos ng mga nangyari'y parang wala na sa kanya ang lahat.

"Iyon ang isang bagay na labis kong ipinagtataka. Paanong napunta si Jaja sa
katawan ni Rosenda gayong hindi naman siya marunong makipagpalit ng katawan noon
dahil hindi wala pa siyang kakayahang gawin iyon"

Hindi niya maunawaan ang mga sinasabi ng babae sa kanyang harapan na nagpakilala
bilang si Carmela, kaya binago na lamang niya ang kanyang tanong.

"Bakit kami niligtas ni Rosenda?"

"Hmmm... Ang kanyang kahilingan ay ang magdusa kayo..." nagulat siya sa sinabi
nito. Hingi niya akalaing iyon ang hiniling ni Rosenda. " Pero sa tingin ko, nasabi
niya lamang iyon dahil sa sobrang galit kaya niligtas niya kayo"

"Bakit niya hiniling ang ganoong klaseng bagay? Magka-ibigan kami!" Hindi ito
sumagot kaya nagtanong ulit siya. "Hays... Bakit anyong bata siya?"
"Hindi ko alam na bumalik ang kaibigan niyo bilang isang espirito ng isag bata. Ang
totoo'y hindi nagpapakita sa akin ang bata, tanging sa inyo lang, marahil dahil sa
malakas na samahan ninyo." mahaba nitong paliwanag.

Tumango lamang siya sa mga sinabi nito.

"Carmela..."

Napatingin ito sa kanya.

"Bakit nuong gawin ni Maria ang dasal ng pagpapalit ng katawan sa akin ay hindi
iyon gumana?"

Ngumiti ito. "Dahil ang unang ritwal na aming ginawa bago kayo dumating ng gabing
iyon ay ang pagkulong kay Maria sa katawan pagkatapos ng muling pagpapalit. Ibig
sabihin, hindi na siya maaari pang makipagpalit sa ibang katawan."
Tumango tango siya sa sinabi nito.

"Jiji-" Ngayon ay siya naman ang napatingin kay Carmela

"Ang kapatid mo ay ganap ng mangkukulam." Nagulat siya sa narinig. Kaya ba


nalabanan nito si Maria at marami itong alam na dasal dahil isa na rin itong
mangkukulam?

"Bantayan mo sana siya" Natahimik siya sa narinig.

Ilang sandaling katahimikan pa saka siya nagpaalam kay Carmela. Dadalawin na niya
ang kanyang kapatid sa ospital. Bigla niyang naalala ang napanaginipan niya tungkol
sa kanyang kapatid.

Mangyayari kaya iyon? Mangkukulam na ang kanyang kapatid. Matutulad kaya ito kay
Maria?
Syempre hindi! Mabuti ang kapatid ko!

Naglalakad siya sa pasilyo ng ospital ng bigla siyang makaramdam ng kakaiba. Bigla


siyang kinilabutan. Napatingin siya sa ilaw sa kisame, ang ilaw nito'y tila malapit
nang mapundi at paputol putol.

Bakit kasi ganito sa mga hospital. Nakakatakot. Nakakakilabot

Napatingin siya sa kanyang likuran ng maramdaman niyang tila may dumaan. Ngunit
wala siyang nakita. Kaya nagpatuloy siya sa paglalakad. Pero muli siyang napatingin
sa kanyang likuran ng maramdaman niyang may dumaan ulit.

Nakakainis na ospital!

Psst!

Wala akong naririnig! Wala akong naririnig

Psst!
Hindi niya pinansin ang pagsitsit ng kung sinuman sa kanyang likuran at nagpatuloy
siya sa kanyang paglakad.

Psst!

Iyon na ang hudyat niya at tumakbo na siya papunta sa kwarto ng kanyang kapatid.
Pagpasok niya'y wala na ito sa kwarto. Magulo ang kamang pinaghihigaan nito ngunit
hindi niya makita saan mang parte ang kanyang kapatid.

Ang kapatid mo ay ganap ng mangkukulam...Bantayan mo sana siya

Naalala niya ang sinabi ni Carmela. Dali-dali siyang lumabas ng silid ng kapatid.
Tinakbo niya ang buong pasilyo. kung kanina'y mabagal pa siya at pinapansin ang
sinumang sumisitsit sa kanya'y ngayon ay dire diretso siya sa pagtakbo.

Hindi maari ito! Hindi gagawa ng masama si Jaja

Napasilip siya sa isang bintana ng ospital ng biglang may mahagip ang kanyang
paningin sa bandang ibaba. Nanlaki ang kanyang mga mata. Ang kanyang kapatid.
Tumakbo siya dito. Nang makababa siya'y nakita niyang may kausap na ito na
matandang babae.

Inilapat ng kanyang kapatid ang kamay nito sa mata ng matanda. Lumapit siya at
pinagmasdan ang ginawa nito. Umusal ito ng dasal na hindi niya maunawaan at
pagkatapos ay tinanggal nito ang kamay sa mga mata ng matanda.

Minulat ng matanda ang mga mata. Bigla itong umiyak. Nagtaka siya mga nangyayari.

"Lola! Bakit po kayo andyan? Tara na po, kailangan niyo pong ipahinga ang inyong
mga mata para sa operasyon niyo bukas" Sabi ng lumapit na nurse.

"Nakakakita na ako" bulalas ng matanda

Nagitla ang nurse. "Diyos ko!" Natutop nito ang kamay. Nakita niyang lumingon ang
matanda sa kanyang kapatid na sinenyasan ng kanyang kapatid na tumahimik lamang.
Tumakbo palayo ang nurse sa loob ng ospital saka tila may tinawag sa loob. Lumayo
ang matanda saka masayang sumunod sa nurse.
"Jiji, mangkukulam na ako" simula ng kanyang kapatid. Tumingin ito sa kanya ng may
ngiti sa labi. "Habang natutulog ako, lumiwanag ang isipan ko na hindi lamang
masasamang bagay ang maaaring gawin ng isang mangkukulam. Maaari rin silang
makatulong at makaligtas ng iba"

Napangiti siya ng maluwang. Ngayon niya napatunayan kung gaano kabuti ang kapatid.
Hindi nito umisip ng masasamang bagay para lang mabuhay. kundi, gumawa ito ng
paraan upang mabago ang dapat ay mabago sa buhay ng isang mangkukulam. Hinawakan
niya ang kamay ng kapatid.

"Pinagmamalaki kita Jaja"

Ngumiti sila pareho sa isa't isa. Pagkatapos ay lumingon muli sa kalangitan.

"Jiji, tanggapin mo na rin ang nangyayari sa iyo" biglang sabi nito sa kanya.

"Anong ibig mong sabihin?"


"Bumukas na ang ikatlo mong mata."

So iyon ang dahilan kung bakit nakakaramdam ako ng ganito

Hinigpitan nito ang pagkakahawak sa kanyang kamay.

"Magtutulungan tayo. Dahil magkapatid tayo" pagkatapos ay niyakap niya ito ng


mahigpit.

Sa di kalayuan ay naaninag niya ang pamilyar na mukhang nakangiti sa kanya.


Napaiyak siya sa galak.

Si Mary. Nakangiti sa kanila.. Bigla niyang naalala si Rosenda. Malungkot siyang


ngumiti.
Mga kaibigan ko...

Maging mabuti sana kayo sa lugar na inyong pupuntahan. Maraming salamat.

Saka niya sinuklian ng isang ngiti si Mary sa di kalayuan.

=================

Pasasalamat

Bago niyo ito basahin ay magdasal muna kayo :)


Maraming salamat! Hahaha! Pinagdasal ko kayo para naman maprotektahan kayo laban sa
mga masasamang imahinasyon na nabuo sa inyong lahat.

Nais ko nga pala kayong pasalamatan sa pagbabasa ng unang story ko sa


horror/paranormal.. Sobrang thankful ako kasi tinangkilik niyo ang una kong story,
nagustuhan man o hindi, nagpapasalamat ako sa inyo. Sa totoo lang nuong mga
panahong sinusulat ko ito nakakaranas na ako ng mga masasamang pangitan!
Wahahahaha! What a word, "masasamang pangitain". xDD Bawat sinusulat ko dito'y
pawang likha lamang ng malikot kong imahinasyon pero kumuha naman ako ng mga
inspirasyon. Nais ko kasi na kahit ako matatakot. Kaya ganun! Hahahaha!

Kung nagkaroon man po ng pagkakapareho sa mga pangalan, lugar, pangyayari sa aking


mga karakter sa ibang kaganapan ng buhay, Pasensiya na po. Wala po akong intensiyon
na magkaroon ng similarities sa ibang kwento. Pawang mga likhang isip lamang sila,
gusto ko kasi matatakot ako sa kanila kaya ganuon. Kinuha ko rin ang inspirasyon ko
sa isang haunted house sa isang subdibisyon malapit samin. Doon ko din kinuha ang
mga lugar at pangyayari. Masyado kasing tahimik dun! Nakakatakot talaga! Try niyo!
Hahahaha! Marami ring kwentong katatakutan sa lugar na iyon. Creepy talaga!

Maraming maraming salamat po sa mga taong nagbibigay ng ideya sakin kung paano sila
tatakutin! Dami kong nakausap sa ilan sa mga nagbabasa, silent reader, yung
nagshashare, at yung nagvovote and comments, na ginawa kong inspirasyon. Maraming
salamat sa inyo nakaisip ako ng mga plots na ginamit ko sa kwento. Napaka-
cooperative ninyo.

Kaya guys, PLEASE VOTE AND COMMENT po kayo para naman po malaman ko ang mga gusto
niyong sabihin. Kayo kasi inspirasyon ko! Yes! ME ganon? Hahaha! Malaking tulong
talaga kayo ng sobra sobra! SHARE niyo na rin yung story para masaya..
Nagtataka kayo kung bakit parang ang ligalig ko dito sa A/N ko. Pagbigyan niyo na
ako! Dalawang linggo rin akong nagseryoso sa bawat kabanata ng story! Ngayon lang
ako naging ganito! Hahahaha! At kung nagtataka kayo kung bakit masyadong bold ang
mga statements ko, masyado akong nagshashare, para aware kayo. Hindi po ako malihim
na tao, hindi rin ako madaling maoffend pero watch lang yung words niyo, gumaganti
po ako sa pamamagitan ng RESPECT.

Maraming salamat nga pala kay Puti na asawa ko, charot! Lande! Hahaha! Hindi joke
lang. Bestfriend ko yan! Hahahaha! Maraming thank you sa kanya kasi isa siya sa
nagbigay ng plot sa isang chapter, inedit ko lang! Haha! Thank you sayo beybi!
Pakiss nga.xD

Maraming thank you sa mga kapamilya ko sa XAT , kung di niyo alam yun, wag niyo na
alamin pero nagddj ako dun,xD haha nagpromote kaloka? , andun yung iba kong readers
na talagang todo support sakin, actually dalawa lang sinabihan ko tapos kinalat
nila,si mylabs at ang inay ko, lab talaga nila ako! Madalas naglalatag pa sila ng
mga plots sakin! Hahaha! Kakaloka kayo guys.xD Nagugulat na lang ako madami na
nagppc sakin about sa kwento ko, gusto ng link, gusto ng ganito! Hahaha! Salamat!
Di ko kasi nishashare talaga kasi na-shy ako sa totoo lang.xD

Marami ring salamat sa kapatid kong si Jaja na kahit ayaw niya tong basahin kasi
nakakatakot daw eh binigay niya pa rin ang pahintulot na gamitin ko ang pangalan
niya! Hahaha! Totoo po si Jaja pero ibang katauhan nga lang.

First story kasi nagkaroon ako ng mga bad feelings na baka hindi magustuhan
something like that na nangyari nga sa iba. Pero naisip ko kahit pala ganuon,
nagiging inspirasyon ko din sila! Dahil sa kanila napatay ko si Britanny! (evil
laugh) Bwhahahahahahha! Aminin niyo guys, may mga ganitong karakter talaga sa
totoong buhay, kahit nga samin meron din noh! Kaya wag kayo magtaka kung super
harsh siya! Sabi nga nila, may REASON lahat! Wag na english! My bleeding is nose.xD
Haha

Maraming thank you din po sa mga readers ng BNM dito sa wattpad na todong support
din at nag-abang sa story! Nakakatuwa po kayo, maganda man ang feedback o hindi,
nakakatuwa pa rin. At salamat sa mga naglagay sa READING LIST nila ng BNM! Thank
you ng sobra sobra! Para sa inyo muah muah tsup tsup! At sa mga authors na naging
inspirasyon ko, maraming salamat sa inyo. LAB ko kayo! The best!

MORE FEEDBACKS AND VOTE. SHARE niyo na rin para masaya! Maraming salamat guys..
Pagbubutihin ko pa po sa next! Oo! Dont worry may next pa! Hahaha! Maraming thank
you din po sa mga nagfan sakin! Nakakataba ng heart.

Pray lang tayo guys, alam niyo kasi hindi naman lahat masama. Minsan nakakagawa
lang tayo ng masama dahil sa mga bad experience, memories at environment natin pero
wag na wag nating hahayaang sila ang mamuno sa ating mga isipan at gawain. Ang
temptation normal lang yun pero ang mahulog sa temptation, ibang usapan na iyon!
Dapat pairalin natin ang ating mabuting puso. Hindi lahat ng masama, masama na,
minsan yung iba kahit iniisipan natin ng masama tinutulungan pa rin tayo. Kaya dont
judge the book by its cover. Bigyan pa rin natin sila ng Respeto. Respeto lang
guys, masaya na sila! Pero kung hinayaan nilang kainin sila ng masasamang emotions,
problema na nila yun! Ipagpray na lamang natin. Tandaan natin guys, kung may
nangyari mang masama sa past natin, wag tayong panghinaan ng loob, gamitin natin
iyon para mas lalo tayong tumibay at ipakita nating kahit ganuon man ang nangyari'y
hinding hindi tayu susuko. Kasi pagsubok lang lahat ito! Binigay satin ito kasi
alam niyang kakayanin natin!! Drama much? Hahaha Pizz

Tandaan niyo ito, ang pagmamahalan ng mga tunay na magkakaibigan ay parang


pagmamahal ng panginoon sa atin, wagas at dalisay.

NEVER DO THIS AT HOME! Lalong lalo na sa bahay ni Maria! (BRUTAL SCENES)

THANK YOU KAY PAPA GOD SA PAGSUPPORT NIYA SAKIN NA ISULAT TO! NAGSOSORRY NGA AKO SA
KANYA KASI FEELING KO MAY BRUTAL AND DEMONIC(KUNG MERON MAN) D2!..
PS. Tarang ihashtag #WPBahayniMaria

Also add me on my twitter account @afuya29

I'm excited to read all of your comments and feedbacks about this story.

Again! Maraming maraming salamat. GRACIAS!

=================

ABANGAN

Nais kong magpasalamat

sa taos puso ninyong pagsuporta sa BAHAY ni MARIA.

Kaya bilang Regalo, Markahan na ninyo ang inyong Kalendaryo.

JULY 25th...
Dahil sa araw na iyan, hindi na niyo babalakin pang pumasok

sa muling pagbubukas ng BAGONG BAHAY ni MARIA..

Ito ngayon ang aking hamon sa inyong lahat..

Bakit "July 25th"?

Simpleng tanong na sana'y inyong masagot.

Ang PINAKA-MAINAM na KASAGUTAN

sa kanya "Ihahandog" ang Unang pahina.

Kasagutan? Nasa loob ng Kwento :)

Ibinibigay ko sa inyo ang PATNUBAY sa PAGSAGOT :D

Kung may nais rin kayong malaman

Tungkol sa kwentong ito'y

Maaari kayong magtanong..

Sasagutin ko naman. Hehe :)


Tandaan rin ang ilang bagay na aking sasabihin:

> May magbabalik

> May mawawala

> May papalit

Ituwid natin ang kwentong ito sa Ikalawang Pagkakataon

Again! Maraming maraming salamat.

PS. Tarang ihashtag #WPBahayniMaria

Also add me on my twitter account @afuya29

SHALOM!

You might also like