You are on page 1of 7

Anak

Malalim na ang gabi, bilog na ang buwan at nakakapangilabot ang katahimikan na


dala ng alon ng tubig sa dagat. Sa isang kubo malapit sa may dalampasigan, nabasag ng
atungal at iyak ng isang babae ang katahimikan. Dahil sa loob ng kubo ay makikita ang isang
nanganganak na misis, kaagapay ng kanyang asawang nasa kanyang tabi, magkahawak ang
kanilang kamay na tila ba’y di –mapaghihiwalay. Habang iniilawan ng isang maliit na
kandila ang kanilang gabi, Tila ba’y walang agos ang tubig sa eksena, tahimik ang hangin at
tensyonado ang lahat ng bagay.

“ Hindi ko na ata kaya Mariano! ” Masakit na isinigaw ng misis sa kanyang asawa

“ Kaya mo yan Maria, sige lang, huwag kang susuko, nandito lang ako sa tabi mo.“
Sagot naman ng lalake sa nanganganak ng babae.

At ayon nanaman ang atungal na bumabasag sa gabing iyo. Tumutulo ang pawis ng
ina mula sa kanyang noo hanggang sa kanyang baba, ilang oras nagtagal ang atungal na iyon,
hanggang sa,

“ Isang malusog na batang lalaki! “ Ang sinigaw ng kumadrona na babae.

Sa pagod ay nakatulog na ang misis ngunit makikita ang ngiti sa kanyang mga mukha.
Galak na galak ang asawa niya, binuhat ang bagong silang na bata gamit ng isang tuwalya,
Nakangiting sinabing.

“ Hmmm, Ano kayang magandang ipangalan sa iyo? Dahil nakuha mo ang mga mata
ng iyong magandang ina, at kagwapuhan naman ng iyong ama tatawagin na lang kitang,
Martin ” Maligalig na sinabi ni Mariano sa kanyang anak.

Habang kinakausap ni Mariano ang kanyang anak, nagising na rin si Maria, at


napangiti sa ginagawa ng kanyang minamahal na asawa sa kanyang anak.

“ Maria! Gising ka na pala mahal ko, Tingnan mo ang unico hijo natin o? Ang
guwapo at ang inosente ng mukha, nakapagisip na din ako ng pangalan para sa kanya,
Martin. Ayos na ba yun sa iyo Mahal? ” Tanong ni Mariano sa kanyang asawa,

“ Bagay na bagay para sa isang bata na mamahalin natin ng lubusan, Oo. Tama na
iyon Mariano. “ Sagot naman ng hihina ngunit masayang si Maria.

At iyon na nga ang simula ang isang kwento ng isang batang makakaranas ng hirap at
sakit, mga leksyon sa buhay at pagkakamali. Sa araw na iyon, pinanganak ang batang
nagngangalang Martin Dela Penyo.

Ilang buwan na din ang nakalipas nang isilang si Martin, lumaki siyang makulit at
malusog na bata. Dahil dito lalong sinipagan ang mag asawang Maria at Mariano. Alas-tres
palang ng umaga ay maaga nang umaalis ang ama ni Martin na si Mariano upang mangisda
gamit ang bangkang kanyang inarkila lamang sa isa sa kanyang mga kaibigan sa halagang
P5.00 kada oras. Bago umalis ay hinalikan na muna niya ang kanyang asawa sa pisngi at
nagpaalam, tapos pinuntahan ang kanyang anak at nagpaalam din. Sumunod ay inayos na
niya lahat ng kanyang mga gamit tulad ng lambat, panuhog, sagwan at iba pa bago pumalaot.
At ilang saglit na lang ay pumalaot na si Mariano daladala sa kanyang isipan ang
kinabukasan ng kanyang mahal na anak at kanyang magandang asawa. Buong araw nasa
dagat si Mariano, nagbabanat buto upang maiahon ang kanyang pamilya, kahit na mahirap at
masakit sa katawan, tinitiis nya lamang ito at nagpapatuloy. Habang nasa laot si Mariano, Si
Maria naman ay gigising na din ng maaga, aayusin ang agahan para sa kanilang dalawa ng
kanyang anak, lilinisin na ang bahay at babantayan ang kanyang anak. Buong araw ganito
ang pumumuhay nila Mariano at Maria para sa kanilang anak na si Martin, Nang gumabi na,
nagsimula nang maghanda ng hapunan si Maria. Ngunit papatulugin muna ang batang
umiiyak dahil sa pagkasabik sa kanyang ama, habang aantayin ang pagbalik ng kanyang
mahal na asawa. Madalas mga alas-siyete na ng gabi nakakabalik si Mariano na
nakakapagdala ng halos P500 piso sa kanyang pangingisda na kakaltasin pa sa kinita niya ang
oras na ginamit nya sa bangka. Kahit na ganoon ang buhay nila, mahirap at halos walang pag-
asa, hindi sumuko sina Mariano at Maria. Namuhay silang masaya at kuntento sa kanilang
buhay sapagkat magkakasama sila. Habang kumakain ng nakakamay sa isang dahon ng
saging ang mag-asawa, na ang ulam ay isang tilapia na sobra sa nahuli ni Mariano, isang
masayang gabi na ito sa kanila, hindi katulad ng ibang gabi kung saan asin lamang ang
kanilang ulam. Masaya na sila sa lahat ng ito. Ito ang naiisip ng mag-asawang Dela Penya sa
bawat gabing silaý naghahapunan. Ngunit alam naman natin na hindi lamang sa pagsasama at
pag-ibig tayo mabubuhay, kaya’t dumating ang punto kung saan nagsimula na silang
mahirapan.

Isang araw habang kumakain sila ng hapunan, tahimik ang lahat, isang di ordinaryong
pangyayari para sa kanilang pamilya na noon naman ay masaya at masigla parati. Mga
dalawang taong gulang na si Martin, malikot at masigla pa din ang bata, nakakaintindi na ng
mga sitwasyon sa kanyang paligid at nakakapagsalita na ng konti.

“ Mariano ” Sabi ni Maria sa isang malumanay at malungkot na boses.

Ito ang sumira ng katahimikan sa lamesa.

“ Bakit? ” sinagot ni Mariano,

“ Di ko na alam kung ano ang gagawin ko, kulang na ang pera na naibibigay mo
para sa atin. Wala nang gatas si Martin at wala na din tayong bigas, hindi ko alam kung ano
ang uunahin, ang bigas para sa atin o ang gatas para sa ating anak. Ang hirap pala
Mariano, makakaya pa kaya natin ito? ” Sabi ni Maria sa isang naluluhang tono ng boses.

Hindi alam ni Maria na hirap at mainit ang ulo ni Mariano noong araw na iyon,
sapagkat magkaaway sila ng kaibigan niya sa renta ng bangka at hindi na sya pagagamitin
nito.
“ Ano?! ” Malakas na sigaw at padabog na sinabi ni Mariano.

“ Buong araw na nga akong nagtatrabaho sa dagat at di nakakasama ang anak ko


tapos kulang pa din ang lahat ng iyon?! Di ka ba marunong magbalanse Maria?! Ano ba
naman yan!! “

Napaluha si Maria, sapagkat ngayon lang nagkaganito si Mariano. Galit na galit


siyang sumbat ng sumbat.

“ Baka naman me pinaggagastusan kang iba dyan! Kaya siguro nauubos ang pera
natin no?! “

Galit na galit si Mariano at patuloy pa ding lumuluha si Maria na ngayon ay


nagmumukmok na sa may bintana sa sobrang takot.

Nang magsalita bigla si Martin.

“ Papa! Wag na wayway Mama, yakyak na sya o? Batibati na po kayo! “

Sa pagsasabi nito napaiyak na din si Martin. Nagulat si Mariano at napaisip sa


kanyang inaasal, biglang napatigil si Mariano sa pagsasalita, lumapit sa kanyang umiiyak na
asawa at niyakap ito ng mahigpit, tila bang kapit tuko na sila at magkaharap na ang kanilang
mga mukha.

“ Maria, Patawarin mo na ako, Sorry kung napagsalitaan kita ng ganoon. Masama


lang talaga ang aking naging araw sa pangingisda, nagaway kami ni Jobert dahil sa renta
na kanyang tinaasan ng P5.00. Sorry na, tumahan ka naman na o? Alam mo namang di ako
ganito eh, nadala lang talaga ako ng hirap. Sorry, alam mo namang mahal na mahal kita
dba? ” Nanlalambing at nagmamakaawang sinabi ni Mariano ito kay Maria.

“ Eh, ikaw naman kasi eh, Natakot tuloy ako sa iyo, pinaiyak mo pa ako, Hmm, ayus
lang yan. Magkakaayos din naman kayo ni Pareng Jobert eh, Magkainuman lang kayo ay
itatawa nyo lang lahat ng iyon eh. Oo naman, mahal na mahal din kaya kita.“ Nagkaayos na
nga ang magasawa, naghalikan sila at itinawa nalang ang nangyari.

Pumunta si Maria at Mariano kay Martin na patuloy pa din sa pag-iyak sa may kainan,
binuhat ito at sabay na niyakap.

“ O, ayan na anak ah? Bati na kami ng maganda mong ina, kaya dapat ikaw tumahan
ka na! “ Masiglang sinabi ni Mariano.

“ Oo nga naman anak, ngiti ka na, bati na kami o? “ At pinagpatuloy ni Maria.

Ngumiti at tumawa na nga si Martin habang pinapakita ang kanyang makulit at


masiglang mukha. Tinapos na nga ng pamilya ang pagkain nila, Nagyakapan at nanahimik ng
ilang minuto, pinapahalagahan ang mga oras na iyon dahil humahantong na sila sa isang
mahirap na parte ng buhay.
“ Mariano, malapit nang pumasok sa iskwela si Martin, ano ang ipangtutustos natin
sa kanya? Ngayong hirap na tayo sa ating pagkain at gatas pa lamang niya? “ Nag-
aalalalang sinabi ni Maria habang magkayakap pa din sila.

“ Naku! Maria, huwag mo na munang alalahanin ‘yan. Malalampasan din natin ‘yan,
basta’t tayo’y magkasama, basta’t tayo’y nagmamahalan. Makakaisip din tayo ng paraan. “
Kabado pero matatag na sinabi ni Mariano.

Nakuntento na nga din si Maria sa sagot ng kanyang asawa, at sa pagtapos ng


kanilang mga gawain sa bahay. Sabay-sabay silang humiga sa kawayan nilang papag,
masaya, kuntento at nagmamahalan. Eto na nga ang nangyari sa pamilyang Dela Penya,
tumibay na lalo ang kanilang pagsasama, nagkaroon man ng mga hirap, ang mga ito ang
nagpatibay dito. Ngunit makakaya kaya ng pamilya na ito ang isa pang dagok ng buhay sa
kanila kung ang problema ay isa sa kanila?

Lumipas ang halos labing limang taon, Matanda na parehas si Maria at Mariano,
uugod-ugod na sila kung maglakad, malabo ang mga mata, mabagal kumilos at mahina na
ang mga pandinig, ngunit kahit ganoon, di pa din nawawala ang kanilang pagmamahalan at
patuloy pa din silang nagtatrabaho, dahil kulang sa pera, si Maria ay pinasok ang trabahong
pagaasin habang si Mariano ay nangingisda pa rin sa bangkang inaarkila nya pa din kay
Jobert. Mahirap pa rin ang buhay nila at halos walang pinagbago, ngunit di pa din sila
nawawalan ng pagasa na maiaahon ng kanilang anak ang kanilang buhay. Anak, asan na nga
pala si Martin? Di kalayuan sa may dalampasigan, ay ang bayan. Marumi, mausok at malaki
ang bayang ito. Malapit sa may simbahan ay makikita si Martin, kasama ang kanyang mga
kaibigan. Sa paglipas ng labing limang taon lumaking suwail at mapanghamak ang anak na si
Martin dala ng kahirapan at estado nila sa buhay, Tumigil na din sya sa pagaaral sapagkat
napatalsik sya dito, malaki na nga ang naging impluwensya ng kanyang mga kaibigan para
makapagbago agad ang kanyang pag-uugali. Mukhang hindi yata naging sapat ang
pagmamahal ng pamilya para lumaki syang matino at masunurin sa kanyang mga magulang.
Sino nga naman ang masisi sa isang batang wala pa talagang nalalaman tungkol sa marahas at
mahirap na buhay na ito? Magaalas-nuebe na ng gabi, di pa din umuuwi si Martin

“ Mariano, ayus lang kaya si Martin? Gabi na at di pa din sya umuuwi. “


Nagaaalalang tanong ni Maria.

“ Hm, kasama nanaman nya siguro yung mga batang rugby dyan sa may simbahan,
sana nga’y ayus lang sya. “ Nagaalalang sinagot ni Mariano.

Habang nagaalala’t nangangamba, biglang dumating si Martin, pumasok bigla sa


pintuan, lasing, marumi, at tila ba’y wala sa katinuan.

“ Inay! Itay! Kamusta naman po? Ang bata bata ng itsura nyo ngayon ah? “ lasing na
sinabi ni Martin sa kanyang mga magulang.
“ Saan ka nanaman ba nanggaling anak? Kanina pa kami nagaalala ng tatay mo sa
iyo. “ Malumanay na sinabi ni Maria sa kanyang anak, habang nakakapit sa braso ni Mariano.

Malaki na nga talaga si Martin, labing pitong taong gulang na siya at mas malaki na
sa kanyang ama.

“ Wala kang pakialam! Wala kayong kwenta! Di ko kayo kilala! “ Bastos at galit na
sinabi ni Martin ito.

Kaya agad-agad na napaluha ang kanyang ina. Ano nga ba naman ang nagawa ng
kanyang mga magulang para sa kanya? Nagsipag ng nagsipag para lamang magkaroon sya ng
magandang buhay.

“ Eh bastos ka palang bata ka eh! Hoy! Di mo ba alam kung ano na ang iyong
ginawa?! Pinaiyak mo na ang iyong ina! Wala ka pa din bang puso?! “

Galit at umiiyak na sinabi ni Mariano ito, at dahil sa emosyon nagawa nyang saktan
ang kanyang anak sa unang pagkakataon. Sinapak ni Mariano si Martin sa mukha, gamit ng
kanyang kaliwang kamao na malakas dahil sa kanyang pangingisda, galit lamang ang namuo
sa puso ni Martin na agad agad di’y sinaktan ang kanyang ama.

“ Wala ka talagang kwenta! Sasaktan mo pa ko?! O ano napala mo? Sa tingin nyo ay
kaya nyo akong kontrolin? Paano? Wala naman kayong nagawa para sa akin dba?! Di nyo
nga ako pinagtapos ng pagaaral! Malaking ebidensya lang iyon na wala kayong kwentang
mga magulang! “ Galit at walang modong sinabi ni Martin ito sa kanyang mga magulang, na
nagdulot upang lumuha pa lalo ang kanyang ama at ina.

“ Lalayas na ako mga walang kwenta! Di ko kayo magulang! Dun nalang ako sa mga
kaibigan ko. Doon masaya ako! “ Padabog na lumabas kasama ng kanyang mga gamit si
Martin.

“ Anak, wag, dito ka lang, wag kang aalis, wag, anak, anak, anak! “

Ilang ulit sinabi ni Mariano iyon, habang hindi sya makagalaw sa kanyang
pagkakabagsak, dahil sa pagsapak ni Martin sa kanya. Dahil mahina at ugod ugod na, Hindi
din sya matulungan ni Maria upang makatayo, parehas silang bumuhos ang pagluha nang
lumabas na ng pintuan si Martin. Tila ba’y nawasak na ang kanilang mundo, ang kanilang
pinaghirapang anak, ay ganun ganun na lamang ay aalis na. Hindi sila makatigil sa pagiyak,
sa sakit na kanilang naramdaman kaya’t naisip nalamang nila ang kabataan ni Martin kung
saan masaya pa silang lahat, kung pwede lamang ibalik ang panahon at gawin ang nararapat,
upang mapanatili ang kasiyahan na iyon, gagawin nila ang lahat. Ngunit, ang buhay nga
naman ay masaklap. Ang noo’y taga tigil ng mga away nilang magasawa ngayon naman ay
siyang nangaaway sa kanila. Ang mahapdi doon ay tuluyan na talaga silang iniwan ng
kanilang nag-iisang anak. Masakit mang isipin ay ganun talaga. Sa kaiisip ng magasawa ay
hindi nila napansin na natabig ni Martin ang gasera sa mesa sa paglabas niya ng pinto.
Lumiyab ang buong bahay, kinakailangang nang makalabas nila Mariano at Maria.
“ Mariano! Mariano! Ang gasera! Umaapoy na ang bahay! Kelangan nating
makalabas! “ Natatarantang sinabi ni Maria kay Mariano.

Agad-agad ay pinilit nyang itinayo si Mariano ngunit di niya ito magawa, masyadong
mabigat si Mariano para sa kanya, dala na din ng katandaan, di na makatayo si Mariano.

“ Maria! Iligtas mo na ang sarili mo, bayaan mo na ako! “ Sinigaw ni Mariano sa


kanyang asawa habang unti unting nilalamon ng apoy ang kanilang bahay.

“ Hindi! Ayoko! Mariano! Mahal na mahal kita, ayaw kitang iwan dito! Magkasama
tayo habang buhay diba?! “ Lumuluhang sinasabi ni Maria ito.

“ Maria, pakawalan mo na ako, kapag nawala tayong dalawa, paano na si Martin?


Matanda man ang kanyang edad, bata pa rin ang kanyang isip. Tulungan mo sya Maria,
nabuhay na ako ng matagal para katakutan pa ang kamatayan, humayo ka na at mabuhay
kayo ng masagana. Makakaya ninyo iyon, gagabayan ko kayo habang nasa kabilang buhay
ako. “ Mahinahon na sinabi ni Mariano ito kay Maria.

Hinde Mariano ayoko! ayoko! “

hindi talaga mapigil si Maria upang lumabas na sa bahay na nagmistulan nang kubon
ng impyerno, kaya’t sa huling lakas ni Mariano, itinulak nya si Maria palabas ng bahay.
Hindi na nagawang bumalik papasok ni Maria, sapagkat nabagsakan na ng mga nagliliyab na
mga kawayan ang pasukan ng pinto.

“ Mariano! “

Isang napakalakas na sigaw iyon, katulad ng atungal sa parehas na lugar labing pitong
taon na ang nakakraan, patay nanaman ang hangin, tensyonado ang paligid, at ang naririnig
lang ay ang alon sa dagat. Sa di kalayuan, ang binatang si Martin, na naglalakad papuntang
bayan, ay narinig ang sigaw na iyon, at nakita ang kanilang bahay. Nagliliyab at nilalamon ng
apoy dahil sa kanyang katangahan at pagiging suwail, nagising at bumalik sa katinuan si
Martin.

“ Ama! Ina! “

Napaluha kaagad si Martin, Binagsak ang kanyang gamit upang mapabilis ang
kanyang mga galaw, tumakbo papunta ng kanilang bahay.

“ Tulong! Tulong! Nasusunog ang aming bahay! Tulong! “

Sa pagdating ni Martin sa kanilang bahay, ginawa nya kaagad ang kanyang


makakaya, naghukay sya pakamay at itinapon ang buhangin sa nagliliyap na apoy, napansin
niya ang kanyang nakaluhod na ina, umiiyak at wala nang lakas.

“ Ina! Tulungan mo ako! “ Nagising na din si Maria, lumapit sa kanyang anak,


hinawakan ang kanyang braso at sinabi.
“Tama na anak, marami ka nang nagawa.“ lumuluhang sinasabi niya ito sa kanyang
anak.

“ Ama, ama, ama! “ Nagluluksang sigaw ni Mariano.

Bigla biglang nanumbalik sa kanyang isipan ang lahat ng mga alaala ng kanyang mga
magulang sa kanya, simula noong bata siya. Naisip na niya ang hirap na kanilang dinanas,
ang pagtitiis sa kanyang mga kasalanan sa iskwelahan at ang sakit na kanilang naramdaman
sa kanilang pagaaway. Napaluhod si Martin, at sa sobrang lungkot ng damdamin sa
pagkakatanto ng kanyang mga kasalanan, hinawakan ang kanyang ulo ng dalawa niyang
kamay, hinampas ang ulo sa malambot na buhangin, lumuluha, nagsisisi.

“ Ina, ina, Ina! Patawarin ninyo ako! Ang tanga tanga ko! Andami kong
pagkakamali! Patawarin ninyo ako! “

Nagluluksang gumapang si Martin palapit sa kanyang nakatulalang ina. Lumuluhang


sinabi ang mga katagang iyon at dinikdik ang lupa sa sobrang pagsisisi. Yumuko si Maria sa
kanyang anak, hinawakan ang kanyang balika’t sinabi.

“ Anak, bakit ka ba nagkaganyan? “ Eto nanaman ang katahimikang lumalamon ng


kaluluwa, sa harap ng isang mainit at nagbabagang apoy, sa kislap ng mga ito at pagkasira ng
mundo nila, maririnig lamang ang pagaspas ng alon sa dalampasigan, tahimik nanaman ang
hangin, katulad na katulad ng gabing ipinanganak si Martin, puno ng ligaya at pagasa,
pinagkaiba lamang ngayon, ay puno ng hinagpis at kalungkutan, kasing tahimik ng hangin
ang mga emosyon na kanilang ipinakikita, sa nakaluhod at lumuluha na si Martin, at kay
Mariang nakatulala sa langit. Maiisip mo na lamang, kamusta na kaya ang aking mga
magulang?

You might also like