Kawa - Kawa-WPS Office

You might also like

You are on page 1of 2

Kawa - Kawa

Noong unang panahon sa malayong kabundukan ng Isarog may mag-asawang mahilig magluto. Ang
mag-asawa ay wala pang anak sapagkat si Maria ay may deperensya sa kanyang matres. Si Maria ang
siyang naiiwan sa bahay nila dahil si Mario ay nagtatrabaho sa lungsod. Ang tanging ginagawa lamang ni
Maria kapag siya ay naiiwan ay magluto dahil yun lamang ang tanging hilig nilang mag-asawa. Nang
magtrabaho si Mario sa lungsod mag-isa na lamang si Maria nagluluto walang kasama sapagkat walang
ibang tao sa bundok ng Isarog. Marami siya kagamitan sa bahay nila sapagkat balak ng mag-asawa na
magtatayo sana sila ng kainan ngunit hindi sila makaalis sa bundok sapagkat iyon ang tugon ng
namayapang ina ni Maria. Kahit mahirap man para sa dalawa na sundin ito ginawa parin at sinunod.
Hindi alam ni Maria at Mario ang dahilan kung bakit pilit sila pinapatira sa bundok Isarog ganung walang
katao- tao sa lugar na iyon. Pinilit na lamang kundi ng dalawa ang bilin sapagkat masaya naman sila na
naninirahan doon. Noong una ay masaya sila ngunit kalaunan ay tila hindi na natutuwa si Mario sa
paninirahan sa bundok. "Hanggang dito nalamang ba tayo Maria?" Tanong ni Mario, "Gusto ko man
lumabas at pumunta sa lungsod ay hindi pwede." Ani ni Maria. "Hindi ka ba nalulungkot, walang tao ni
hindi ko alam kung makakakita pa ba ako muli ng tao maliban sayo" galit na pagkakasabi ni Mario. "Kung
ganun, sige pinapayagan kita na pumunta sa lungsod ngunit uuwi ka dito tuwing linggo." Sabi ni Maria.
At iyon nga ay natupad, habang masaya si Mario na nagtatrabaho sa lungsod si Maria naman ay
malungkot at mag-isa sa bundok. Upang hindi niya maisip na mag-isa siya gumawa siya ng sobrang laking
Kawa. "Ito ang gagamitin ko sa pagluluto." Masayang tugon ni Maria sa kanyang sarili. Makalipas ang
isang linggo umuwi si Mario at nabigla sa kanyang nakita. Isang napakalaking kawa ang kanyang nakita. "
Napakalaki naman nito Maria, ano ang balak lutuin mo dito?" Manghang tanong ni Mario sa abalang si
Maria. "Balak ko magluto ng paborito mong pansit" siyang sagot ni Maria. " Sa ganitong kalaking lutuan
Maria?" manghang tanong ni Mario. "Oo, Mahal diyan mismo sa kawa na iyan." Kaunti nalang at
matatapos na ni Maria mabuo ang kawa, gamit ang lupang malagkit na galing sa bundok Isarog
pinormang kawa ni Maria ang mga ito at nilagyan ni maria ang kawa ng mga marmol para hindi
madumihan ang mga ilalagay na sangkap ni Maria. Umalis muli si Mario at si Maria naman ay
pinagptuloy ang paggawa. Isang gabi naalimpungatan si Maria ng makarinig ng mga yapak ng kabayo at
paguusap ng ilang mga tao. Nakita niya ang mag ito na nasa loob ng kawa na ginawa niya. "Anong
ginagawa niyo sa lutuan ko!" Sigaw at galit na tanong ni Maria. Walang sinagot ang mga lalaki at patuloy
na nagmasid sa napakalaking kawa ni Maria. Hanggang sa umalis ang mga ito ng hindi maintindihan ni
Maria kung ano ang ginawa nito. Bumalik si Maria sa pagkakatulog at kinaumagahan ay nagising siya sa
tawa, sigaw at mga halakhak ng maraming tao. Pag labas niya ay samo't saring mga tao ang bumisita sa
kawa na gawa niya halos hindi niya na makita ang kawa n ginawa niya sa sobrang daming tao ang
nakatayo ang naglalaro. Hindi alam ni Maria kung ano ang nangyayari ngunit pati siya ay namangha
sapagkat kailan man ay hindi pumunta o walang pumupunta sa Bundok Isarog na tao. Imbes na magalit
ay natuwa siya dahil hindi niya na kailangan pumunta sa lungsod dahil marami ng tao sa bundok.
Makalipas ang isang linggo na halos puro tao doon ay masayang hinintay ni Maria ang kanyang asawa
ngunit buong araw siya naghintay. Umiyak ng umiyak si Maria at hiniling na basagin ang kawa na gawa
niya ngunit hindi ito masira sira. Umiyak ng umiyak si Maria, ngunit hindi na bumalik si Mario, nagpasya
siyang pumunta sa lungsod para hanapin ang asawa, hindi pa man siya lumalayo ay nakadama siya ng
malakas na lindol at unti unting gumuho ang bundok. Si Maria pala ang Diyosa ng bundok Isarog at
kapag siya ay nawala wala na rin ang bundok. Umiiyak na nagpatuloy si Maria sa paglalakbay at
nakarating na nga siya sa lungsod, nagulat ang lahat sa itsura ni Maria, sapagkat siya ay punong puno ng
putik ang buong katawan niya. Nagtanong tanong siya at makalipas ang ilang araw na paghahanap niya
nakita niya si Mario na masaya sa loob ng isang tahanan at balak niya sanang kausapin ngunit natigilan
siya dahil nakakita siya ng babae. Nagsasayaw ang dalawa at masayang naghalikan. Hindi kinaya ni Maria
ang kanyang nakita, sa sobrang galit niya ay umiyak siya ng umiyak at nagdesisyon na bumulik sa lugar
kung saan siya nagmula. Ngunit hindi niya na alam kung paano siya makakabalik gawa ng mga nasirang
daan papunta sa tuktok. Sa hindi kalayuan, nakakita siya ng isang bundok na halos kaparehong kapareho
ng bundok Isarog. Pumunta siya doon at nakita ang ganda nito. Bagamat malungkot ay tumira siya ng
magisa sa bundok. Tuwing siya ay nagluluto palagi niyang naiisip si Mario. Si Mario ang una at huling
minahal niya. Upang patuloy na maalala si Mario gamit ang panghukay naghukay siya ng naghukay
hanggang sa makaporm siya ng isang malaking kawa ng tuktok ng bundok ay nawala at isang malalim na
hukay nalamang ito. Lumipas ang ilang taon may mga taong naglalakbay sa bundok, at naabutan nila si
Maria na naghuhukay. Si Maria ay may katandaan na ngunit pinangako niya sa sarili niya na hanggat
hindi siya nakakagawa ng mas malaking kawa hindi siya maaaring tumigil. "Lola maaari po ba kaming
magtanong?" Tanong ng isang naglalakbay. "Aba oo naman, teka saan ba kayo galing at paano kayo
nakapunta dito?" Sagot ni Maria. " Kami po ay galing sa lungsod, gusto lang po sana namin tanungin
kung anong budok ito? At bakit po kayo naghuhukay?" Sagot ng isang babaeng manglalakbay, walang
maisip si Maria na sagot at tanging nabanggit niya ay "Kawa, ito ang Bundok Kawa" napansin nga ng mga
manglalakbay na halos parang ito ay isang malaking kawa. Nasiyahan ang mga manglalakbay sa Bundok
Kawa sapagkat bagamat ito ay hindi kasing taas ng ibang budok makikita mo parin ang buong lungsod
kapag ikaw ay naririto. Ang mga manglalakbay ay bumalik sa lungsod at sinabing may magandang hugis
lutuan silang nakita. Narinig ito ni Mario at pinuntahan ang budok na Kawa sa hindi niya maipaliwanag
na pakiramdam siya ay nanghina at nawalan ng malay sa kanyang pagmulat nasa gitna na siya ng
bundok. Nakakita siya ng isang matandang babae, at ito ay nakilala niya. Nagusap sila at nalaman niyang
ginawa ito ni Maria bilang alaala sa kanya. Napahagulgol si Mario sa narinig niya at niyakap si Maria
ngunit siya ay nagising at bilang pagalala, bumalik siya sa lungsod at pinakilala niya ang bundok kawa sa
mga tao. "Alam kong masaya ka na may mga tao sa lugar mo, masaya ka dahil masaya silang bumubuo
ng relasyon sa kawang gawa mo. Katulad ng masarap mong luto ang masarap na relasyong nabubuo sa
bundok na iyo." Saad ni Mario. Lahat ng magkasintahan na naglalakbay doon ay tumatagal, at sa
pagdaan ng maraming taon naging isa itong pasyalan, at sa pasalin salin na mga istorya ang bundok
kawa ay naging bundok Kawa kawa at hangang sa ngayon marami paring tao ang pumupunta roon dahil
sa ganda, gandang katulad ni maria. Ang Bundok Kawa kawa ay naging Kawa kawa nalang.

You might also like