Noong unang panahon sa bundok ng Makiling ay may nakatirang isang dyosa na
nagngangalang Maria Makiling. Siya ay ubod ng ganda, may mabuting kaloooban, mapagmahal, mayroon siyang makintab at mahabang buhok na napapalibutan ng mga bulaklak, ang damit naman niya ay isang putting bistida na lalong nagpapalutang sa kanyang ganda. Madalas ay pumupunta si Maria Makiling sa palengke na nasa baba ng bundok upang makisalamuha sa mga tao. Doon ay nakilala niya ang isang magsasaka. Madaling nakapalagayan ng loob ni Maria ang mortal na magsasaka at hindi nagtagal ay tuluyang nahulog ang loob ni Maria sa lalaki. Madalas bisitahin ng magsasaka si Maria sa bundok at dahil dito ay napakasaya ng dalaga. Sagana ang bundok Makiling sa mga tanim na prutas at gulay. Madalas ang mga taong nakatira sa bayan ay umaakyat pa ng bundok para lamang mamitas ng mga gulay at prutas. At sa tuwing sila ay bababa ng bundok ang mga gulay at prutas ay nagiging ginto. Lahat ng ito ay pasasalamat ng mga tao kay Maria Makiling. Ngunit hindi naging sapat sa mga taong bayan ang nakukuha nilang gulay at prutas sa kabundukan. Sila ay naghangad ng mas madaming ginto. Ang mga tanim ni Maria na gulay at prutas sa kanyang hardin ay hindi nakaligtas sa kasakiman ng mga tao. Sumama ang loob ni Maria sa ginawa ng mga mortal ngunit dahil sa labis na malasakit niya sa mga tao lalo na sa kanyang minamahal ay pinalagpas niya ang nangyari. Isang araw ay amay dumating sa kanila na isang hukbong opisyal. May digmaang nagaganap sa karatig bayan at kailangan nila ng tulong. Pinapasali nila ang malalakas na lalaki na walang asawa upang maging parte ng kasundaluhan. Upang makaiwas sa gyera, napagpasyahan ng magsasaka na pumasok sa isang kasunduang kasal. Ilang araw bago ikasal ang lalaki ay binisita niya si Maria sa kabundukan. Ipinagtapat niya kay Maria na siya ay malapit nang ikasal ikasal sa isang mortal na dalaga. Labis na nasaktan si Maria makiling sa ginawa ng kanyang minamahal “umasa ako na ikaw ay magiging tapat sa aking, ngunit humanap ka ng pag ibig mula sa kapwa mo mortal. Hindi ka nagtiwala na kaya kitang protektahan at ang iyong pamilya mula sa gyera” matapos sabihin ito ay nawala sim aria sa kakahuyan. (Araw ng kasal) Kinagabihan ay kumidlat at umulan ng malakas, nadinig din ng taong bayan ang boses ni Maria Makiling na nagsasabing “Binigyan ko kayo ng pagkain at kayamanan pero ito ay hindi naging sapat sa inyo. Kaya kong ibigay lahat ng kagustuhan niyo ngunit hindi niyo kayang makontento. Ngayon ay damhin niyo ang galit ko. Simula ngayon ay tatayo kayo sa inyong sariling mga paa, wala kayong makukuhang tulong galing sakin at hindi niyo na ako muling makikita.” Pagkatapos ay lumindol ng malakas. Pagkatapos ng pangyayaring iyon ay hindi na muling nagpakita pa si Maria Makiling, nii ang kanyang sampling damapa ay hindi na muling nadiskubre ng mga moratl na tao ma inabuso ang kanyang kabaitan.