You are on page 1of 3

Ilarawan sa pamamagitan ng isang sanaynay ang pagkakaiba ni Maria Makiling at

Mariang Sinukuan.
Buod ng Maria Makiling:
Si Mariang Makiling ay isang diwata na mayroong magandang mukha, mahabang
buhok, at mabuting kalooban. Kahit isa siyang makapangyarihang diwata ay
nakikihalubilo pa rin siya sa mga mortal. Madalas siya nagtutungo sa palengke upang
mamili ng pagkain. Dito ay nakilala niya ang isang magsasakang mortal. Naging kaibigan
niya ito at kalaunan ay nagkapalagayan sila ng loob at nag-ibigan. Lagi siyang dinadalaw
ng lalaki sa kabundukan at doon sila namamasyal. Habang abala si Maria sa kaniyang
minamahal ay panay naman ang kuha ng ilang mortal ng kaniyang mga prutas at gulay na
nagiging ginto. Batid ni Maria ang ginagawa ng mga tao ngunit pinalampas niya ito dahil
sa kaniyang minamahal. Isang araw, isang opisyal ang dumating sa bayan at sinabing
gagawing sundalo ang lahat ng kalalakihang wala pang asawa at ipadadala sa digmaan.
Upang makaiwas sa responsibilidad, ninais ng lalaki na ikasal sa isang mortal na babae.
Sinabi niya ito kay Maria na labis namang nagdamdam. Natuloy ang kasal ng lalaki
ngunit kinagabihan ay umulan nang malakas na sinundan pa ng isang lindol. Nayanig ang
lupa at nawala ang mahihiwagang puno ni Maria. Hindi na rin nakita pa si Maria ng mga

m
mortal at hindi na rin maakyat ang kaniyang kabundukan. Nawala na ang biyayang hatid
sa kanila ni Maria.
er as
co
eH w
Buod ng Mariang Sinukuan: o.
rs e

Si Sinukuan ay ang tagabantay sa Bundok Arayat, isang bundok na may


ou urc

masaganang kagubatan puno ng iba’t ibang mga hayop. Hindi lamang niya binabantayan
ang Bundok Arayat, kundi inaalagaan din niya and mga mamamayang naninirahan
o

malapit dito. Kailanman na nakakaranas ang mga tao ng kahirapan, nag-iiwan si


aC s

Sinukuan ng mga prutas at hayop sa kanilang mga komunidad. Ngunit dahil dito, naging
vi y re

sakim ang mga tao. Nagkaroon ng pagkakataon kung kalian ay sinundan nila si Sinukuan
ng ilang mga lalaki pabalik sa kanyang bahay, at humingi ng mas marami pang pagkain.
Hindi tumangi and diwata, ngunit nagbabala siyang huwag kumuha ng prutas mula sa
ed d

kagubatan nang walang permiso mula sa kanya. Dahil sa kasakiman ng mga lalaki,
ar stu

kumuha pa sila ng mga prutas mula sa mga puno ng walang paalam. Naramdaman nila na
mas bumigat ang kanilang dala, at nang pagtingin nila, nakita nilang naging baton a ang
is

kanilang dala. Tumakbo sila paalis ng kagubatan ng Arayat, ngunit nagpakita si Sinukuan
sa kanila, at bilang parusa, ay ginawa silang mga baboy. Ngunit hindi nagtapos dito ang
Th

kasakiman ng mga tao, at dumami ng dumami ang mga taong nagnanakaw ng pagkain
mula sa kagubatan ng Arayat, dahil dito, nagalit si Sinukuan, inihinto ang pagbigay ng
pagkain sa kanilang komunidad, at kasama ng mga punong nagbubunga ng prutas at mga
sh

hayop, ay naglaho. Hindi na muli nakita ng komunidad si Maria Sinukuan.

Ang alamat ay isa sa mga pinamalaking bahagi ng kultura ng Pilipinas.


Ipinapahayag ng mga alamat kung paano nagsimula o bakit ganoon ang kalagayan ng
isang tao o mundo. Isang uri ng panitikan na nagkukuwento tungkol sa mga pinagmulan
ng mga bagay at nagpapahayag ng kabaitan at katapangan. Ang alamat ay nagpasalin-

This study source was downloaded by 100000832607396 from CourseHero.com on 11-15-2021 07:29:14 GMT -06:00

https://www.coursehero.com/file/94510305/MARIANG-SINUKUAN-AT-MARIA-MAKILINGdocx/
salin na sa mga bibig ng ating mga ninuno kung kaya’t hindi malaman kung sino ang may
akda ng mga iyon. Nakakalungkot lamang na hindi na masyadong napapagusapan ang
mga ganitong uri ng panitikan upang marinig ng mga bata. Kung kaya naman ay halos
naglalaho na ang yaman ng ating alamat dahil sa mga modernong teknolohiya sa panahon
ngayon.
Ilan sa mga kilalang alamat ay ang dalawang diwata na si Maria Makiling at
Mariang Sinukuan. Ang pinangyarihan ng kwento ni Maria Makiling ay sa pagitan ng
Quezon at Laguna na kung saan ay makikita ang bundok ng Makiling. Ayon sa mga
alamat, ang bundok Makiling at ang lawa ng Laguna ay ang kanyang kaharian. Sinasabi
rin ng marami na siya ay napakagandang babae na naninirahan sa ibabang bahagi ng
kagubatan. Samantalang ang kanyang paboritong kasuotan naman ay ang mga
kumikinang na pananamit. Inilalarawan si Maria Makiling bilang isang diwata na
mayroong magandang mukha, mahabang buhok, at mabuting kalooban. Gayunpaman, si
Mariang Sinukuan ay isang diwata sa bundok ng Arayat sa Pampanga. Inilalarawan siya
na may maitim na buhok na nakakulot hanggang sa kanyang mga paa. Ang kanyang mga
mata ay nakabalangkas ng maitim na pilikmata. Ang kanyang ilong ay maganda, sapagkat
ito’y hindi masyadong matulis o malapad. Ang kanyang mga labi ay may magandang
hugis, habang ang kulay ng kanyang balat ay kayumanggi. Siya ay napakabait na diwata

m
er as
sapagkat binibiyayaan niya ang mga taong nakatira malapit sa kanyang kabundukan.

co
eH w
Si Maria Makiling ay mahilig mamalengke ng pagkain o ano pa man sa bayan
o.
kaya naman ay nakilala niya ang isang lalaki na nagpatibok ng kanyang puso. Hindi tulad
rs e

ni Mariang Sinukuan na namamalagi lamang sa kanyang kabundukan, si Maria Makiling


ou urc

ay mahilig lumabas kaya naman ay natagpuan niya si Gat Dula, ang panginoon sa nayon
ng Bai. Bukod pa rito, si Maria Makiling ay mapagpatawad hindi tulad ni Mariang
o

Sinukuan sapagkat kahit alam na niyang ninanakawan at inaabuso na siya ng mga tao ay
aC s

hinahayaan at pinababayaan niya lamang ito. Samantala, ang ginagawa naman ni


vi y re

Mariang Sinukuan sa mapang-abusong tao ay pinaruruhasan niya ang mga ito. Lubos na
nasaktan si Maria Makiling sa kanyang minamahal kaya naman ay hindi na ito
nagparamdam at nagpakita pa sa mga tao. Ayon sa mga alamat, ang bundok Makiling ay
ed d

maihahambing sa wangis ng diwata. Bukod pa rito, ang mga lalaking nagtatangkang


ar stu

umakyat sa Bundok ng Makiling ay nawawala. Sa kadahilanan na rin siguro na siya ay


sinaktan ng isang lalaki na kanyang pinakamamahal at sa sagradong pinagbabawal na
pagsasama ng isang mortal at diwata. Samantala, si Mariang Sinukuan naman ay
is

nasaktan dahil sa mga pang-aabusong nagawa ng mga taong naninirahan malapit sa


Th

kabundukan. Unti-unting napuno ng galit ang diwata kaya naman pinarusahan niya ang
mga ito at hindi na binigyan pa ng biyaya mula sa kanyang bundok.
sh

Maraming gintong aral na maaaring matutunan sa alamat ni Maria Makiling at


Mariang Sinukuan. Ipinapahiwatig lamang ng alamat ni Maria Makiling ang mataas na
respeto na ibinibigay ng mga Pilipino sa mga kababaihan. Si Maria ay isang malakas na
diyosa na hindi kailangan ng isang lalaki upang mamuhay ng tunay. Siya rin ay
mapagbigay at matulungin sa mga nangangailangan, isang modelo na kailangan tularan
ng nakararami. Ang alamat ni Mariang Sinukuan naman ay nagpapahayag na maging
matimpi at patas ang isang tao. Maraming beses na pinatawad ni Mariang Sinukuan ang
mga mapangabusong tao na iyon ngunit ito’y hindi nakatiis dahil sa paulit-ulit na
ginagawa sa kanya kaya pinarusahan niya ang mga ito. Naging Patas parin ang kanyang
parusa sapagkat hindi kaagad kamatayan ang kinahantungan ng mga taong iyon.

“Ang mabuting tao ay naglalabas ng mabuti mula sa kanyang pusong sagana sa


kabutihan, samantalang ang masamang tao naman ay naglalabas ng masama mula sa

This study source was downloaded by 100000832607396 from CourseHero.com on 11-15-2021 07:29:14 GMT -06:00

https://www.coursehero.com/file/94510305/MARIANG-SINUKUAN-AT-MARIA-MAKILINGdocx/
kanyang pusong tigib ng kasamaan. Sapagkat kung ano ang nag-uumapaw sa puso ay
siyang sinasabi ng labi.” (Lucas 6:45)

m
er as
co
eH w
o.
rs e
ou urc
o
aC s
vi y re
ed d
ar stu
is
Th
sh

This study source was downloaded by 100000832607396 from CourseHero.com on 11-15-2021 07:29:14 GMT -06:00

https://www.coursehero.com/file/94510305/MARIANG-SINUKUAN-AT-MARIA-MAKILINGdocx/

Powered by TCPDF (www.tcpdf.org)

You might also like