Professional Documents
Culture Documents
Sa lalawigan ng Laguna, naniniwala ang mga tao na sa bundok ng Makiling ay naninirahan ang isang
magandanga diwatang nag ngangalang Mariang Makiling. Ayon sa kwento ng mga matatanda, ang
Laguna ay pinamumunuan ng dalawang bathala, sina Dayang Makiling at Gat Panahon.
Ang mga bathalang ito raw ay mayroong magandang anak na dalaga na pinangalanan nilang Mariang
Makiling. Dahil sa kanyang angking kagandahan at kabaitan, si Maria ay siyang tanging lakas at ligaya
ng kanyang mga magulang.
Nang pumanaw ang kanyang mga magulang, kay Mariang Makiling naiwan ang pamumuno ng
nasabing lalawigan.
Kaiba sa mga naunang mga bathala, si Mariang Makiling ay nagpapakita sa kanyang mga nasasakupan.
Tuwing umaga ng tiyangge, bumababa siya sa bundok Makiling at nakikihalu-bilo sa mga taumbayan.
Kasama ng dalawang katulong na mga katutubo, namimili sila ng mga kagamitan at ang ipinamamalit
ay mga gintong piraso ng luya.
Totoong napakabuti niya sa mga mamamayan doon. Ang bundok na kanyang tinatahanan, na sagana sa
mga gulay at bungang-kahoy ay bukas para sa ibig mamitas doon. Pati na ang mga ibon at hayup sa
gubat ay siyang paraiso ng mga mangangaso.
Handa rin siyang tumulong sa mga nangangailangan. Tulad ng kanyang ina, namumudmod siya ng mga
ginintuang luya sa bakuran ng mg taong nasa gipit na kalagayan.
Sa mga ikakasal, nagpapahiram siya o nagbibigay ng mga bagay na hindi nila makayang bilhin, tulad
ng mga malasutlang damit pangkasal o mga kasangkapan para sa kasalan. Anupat napakabait ni
Mariang Makiling sa kanyang mga nasasakupan.
Subalit dumating ang panahong ang mga tao ay waring nalimot na ang mga kabutihang ipinagkaloob sa
kanila ni Mariang Makiling. Karamihan sa kanilay di man lamang marunong tumanaw ng utang na
loob. Walang patumangga nilang inabuso ang kagubatan ng bundok Makiling sa pagkakaingin at sa
pagpatay nang walang habas sa mga ibon at hayup na naninirahan doon.
Dahil dito, nagalit si Mariang Makiling at pinagbawalan na ang taong mangaso o mamitas ng mga
gulay at prutas sa naturang bundok.
Sa anumang pagkakamali o pagsuway sa kanyang mga utos, pinadidilim niya ang kalangitan
kaalinsabay ng dumaragundong na kulog at matatalim na kidlat at nagaalimpuyong bagyo.
At higit sa lahat, hindi na siya bumaba ng bundok Makiling para makisalamuha sa mga mamamayan
doon.