You are on page 1of 2

Alamat ni Maria Makiling

Sa lalawigan ng Laguna, naniniwala ang mga tao na sa bundok ng Makiling ay


naninirahan ang isang

magandanga diwatang nag ngangalang Mariang Makiling. Ayon sa kwento


ng mga matatanda, ang Laguna ay pinamumunuan ng dalawang bathala, sina
Dayang Makiling at Gat Panahon. Ang mga bathalang ito raw ay mayroong
magandang anak na dalaga na pinangalanan nilang Mariang Makiling. Dahil sa
kanyang angking kagandahan at kabaitan, si Maria ay siyang tanging lakas at
ligaya ng kanyang mga magulang. Nang pumanaw ang kanyang mga magulang,
kay Mariang Makiling naiwan ang pamumuno ng nasabing lalawigan. Kaiba sa mga
naunang mga bathala, si Mariang Makiling ay nagpapakita sa kanyang mga
nasasakupan. Tuwing umaga ng tiyangge, bumababa siya sa bundok Makiling at
nakikihalu-bilo sa mga taumbayan. Kasama ng dalawang katulong na mga
katutubo, namimili sila ng mga kagamitan at ang ipinamamalit ay mga gintong
piraso ng luya. Totoong napakabuti niya sa mga mamamayan doon. Ang bundok
na kanyang tinatahanan, na sagana sa mga gulay at bungang-kahoy ay bukas para
sa ibig mamitas doon. Pati na ang mga ibon at hayup sa gubat ay siyang paraiso ng
mga mangangaso. Handa rin siyang tumulong sa mga nangangailangan. Tulad ng
kanyang ina, namumudmod siya ng mga ginintuang luya sa bakuran ng mg taong
nasa gipit na kalagayan. Sa mga ikakasal, nagpapahiram siya o nagbibigay ng mga
bagay na hindi nila makayang bilhin, tulad ng mga malasutlang damit pangkasal o
mga kasangkapan para sa kasalan. Anupat napakabait ni Mariang Makiling sa
kanyang mga nasasakupan. Subalit dumating ang panahong ang mga tao ay
waring nalimot na ang mga kabutihang ipinagkaloob sa kanila ni Mariang
Makiling. Karamihan sa kanilay di man lamang marunong tumanaw ng utang na
loob. Walang patumangga nilang inabuso ang kagubatan ng bundok Makiling sa
pagkakaingin at sa pagpatay nang walang habas sa mga ibon at hayup na
naninirahan doon. Dahil dito, nagalit si Mariang Makiling at pinagbawalan na ang
taong mangaso o mamitas ng mga gulay at prutas sa naturang bundok. Sa
anumang pagkakamali o pagsuway sa kanyang mga utos, pinadidilim niya ang
kalangitan kaalinsabay ng dumaragundong na kulog at matatalim na kidlat at
nagaalimpuyong bagyo. At higit sa lahat, hindi na siya bumaba ng bundok
Makiling para makisalamuha sa mga mamamayan doon. Sa ngayon, ang tanging
matatamis na alaala na lamang ng panahong si Mariang Makiling ay nagpapakita
sa tao ang naiwan sa mga taumbayan ng Laguna.
Subalit may ilan pa rin ang nagsasabing, kapag kabilugan ng buwan,
makikita raw ang isang napakagandang babaing may mahabat maitim na buhok at
matamis na umaawit sa madawag na kagubatan ng bundok Makiling.

You might also like