You are on page 1of 1

Alamat ni Maria Makiling

Sa lalawigan ng Laguna, naniniwala ang mga tao na sa bundok ng Makiling ay naninirahan ang isang
magandang diwatang nagngangalang Mariang Makiling. Ayon sa kwento ng mga matatanda, ang Laguna ay
pinamumunuan ng dalawang bathala, sina Dayang Makiling at Gat Panahon.

Ang mga bathalang ito raw ay mayroong magandang anak na


dalaga na pinangalanan nilang Mariang Makiling. Siya ay may
mahabang buhok at kulay kayumangging kaligatan. Siya rin
ay may mabuting puso.
Dahil sa kanyang angking kagandahan at kabaitan, si Maria ay siyang
tanging lakas at ligaya ng kanyang mga magulang.

Nang pumanaw ang kanyang mga magulang, kay Mariang Makiling


naiwan ang pamumuno ng nasabing lalawigan.

Kaiba sa mga naunang mga bathala, si Mariang Makiling ay nagpapakita sa kanyang mga nasasakupan.
Tuwing umaga sa tiyangge, bumababa siya sa bundok Makiling at nakikihalubilo sa mga taumbayan. Kasama
ng dalawang katulong na mga katutubo, namimili sila ng mga kagamitan at ang ipinamamalit ay mga gintong
piraso ng luya.

Totoong napakabuti niya sa mga mamamayan doon. Ang bundok na kanyang tinatahanan, na sagana sa mga
gulay at bungang-kahoy ay bukas para sa ibig mamitas doon. Pati na ang mga ibon at hayup sa gubat ay
siyang paraiso ng mga mangangaso.

Handa rin siyang tumulong sa mga nangangailangan. Tulad ng kanyang ina, namumudmod siya ng mga
ginintuang luya sa bakuran ng mg taong nasa gipit na kalagayan.

Sa mga ikakasal, nagpapahiram siya o nagbibigay ng mga bagay na hindi nila makayang bilhin, tulad ng mga
malasutlang damit pangkasal o mga kasangkapan para sa kasalan. Anupat napakabait ni Mariang Makiling sa
kanyang mga nasasakupan.

Subalit dumating ang panahong ang mga tao ay waring nalimot na ang mga kabutihang ipinagkaloob sa kanila
ni Mariang Makiling. Karamihan sa kanilay di man lamang marunong tumanaw ng utang na loob. Walang
patumangga nilang inabuso ang kagubatan ng bundok Makiling sa pagkakaingin at sa pagpatay nang walang
habas sa mga ibon at hayup na naninirahan doon.

Dahil dito, nagalit si Mariang Makiling at pinagbawalan na ang taong mangaso o mamitas ng mga gulay at
prutas sa naturang bundok.

Sa anumang pagkakamali o pagsuway sa kanyang mga utos, pinadidilim niya ang kalangitan kaalinsabay ng
dumaragundong na kulog at matatalim na kidlat at nagaalimpuyong bagyo.

At higit sa lahat, hindi na siya bumaba ng bundok Makiling para makisalamuha sa mga mamamayan doon.

Sa ngayon, ang tanging matatamis na alaala na lamang ng panahong si Mariang Makiling ay nagpapakita sa
tao ang naiwan sa mga taumbayan ng Laguna.

Subalit may ilan pa rin ang nagsasabing, kapag kabilugan ng buwan, makikita raw ang isang napakagandang
babaing may mahaba’t maitim na buhok at matamis na umaawit sa madawag na kagubatan ng bundok
Makiling

You might also like