Noong unang panahon, maraming hayop at makahoy pa ang mga
bundok. Isang araw, isang mangangaso ang pumunta sa bundok. Mangangahoy siya at manghuhuli ng usa upang may makain ang kaniyang pamilya. Tuwang-tuwa ang mangangaso. Nakita rin niya ang hinahanap niyang usa. Ngunit mabilis na nakatakbo ang usa. Sinundan ito ng mangangaso. Naligaw siya at hindi na niya matagpuan ang daan pabalik sa kanila. Nagpatuloy sa paghahanap ng daan ang mangangaso. Isang kubo ang natanaw niya sa gitna ng gubat. At siya ay humanga sa kanyang nakita. Bumukas ang pinto at isang napakagandang babae ang nakita ng mangangaso. Nagpakilala ang babae sa mangangaso, dahil pagod na pagod na ito pinaupo niya at binigyan ng ma-iinom at pagkain mangangaso. At binigyan niya ito ng isang basket na punong-puno ng gulay at prutas para sa kanyang pamilya. Pagdating sa bahay nila iniabot niya ito sa kanyang asawa at laking gulat niya, na ang isang basket ng prutas at gulay ay naging ginto. Ganito din raw ang nangyari sa kanilang kanayon na binigyan din ni Maria Makiling ng tulong. Lumipas ang ilang taon. Isang araw, nabalitaan nila na may dalawang masamang taong nagnakaw sa kubo sa gitna ng gubat. Nagalit si Maria. Mula noon, hindi na siya nagpakita sa tao. Gayunman, hindi nila malilimutan ang kabutihang ginawa ni Maria sa kanila. Tinawag nilang bundok ng Maria Makiling ang bundok na tirahan ni Maria bilang alaala sa minamahal nilang magandang diwata.