You are on page 1of 3

Si Mayari na Magiting (Alamat ng Kagitingan)

Si Mayari, ang diyosa ng lakas, kagandahan at paghihimagsik ay binigyan ng


kanyang ama na si Bathala ng responsibilidad na pangalagaan ang isang bayan na
walang pangalan. Sa bayan na ito, maraming mga taong nagugutom, at naghihirap
dahil ang kanilang pinuno na si Bagwis ay walang ginagawa kung hindi maging
abusado sa taong-bayan. Nang makita ito ni Mayari, siya ay nadismaya at agad
umisip ng paraan upang matanggal ito sa posisyon.

Siya ay nakipagsunduan sa kanyang mga kapatid at sa iba pang mga diyos at


diyosa na siya ay tulungan dito ng palihim dahil ang kanilang ama ay magagalit.
Sumang-ayon naman ang dalawang diyos na kanyang hiningan ng tulong dahil hindi
rin nila mapigilan ang pagkasuklam sa abusado at sakim na pinunong si Bagwis.

Isang araw, nawala ang diyosa ng lakas at kagandahan bigla-biglaan, at ito ay


naging malaking problema sa ama ni Mayari na si Bathala dahil ang diyos ay
nakipagpustahan na magagawang ayusin ng kanyang anak ang problema niyang
ginawa.

Sa bayan na walang pangalan may isang bata na naipanganak ng bulag sa kanyang


kanang mata. Siya ay pinangalanang Mayumi.

Habang tumatanda si Mayumi, maraming tao ang nawalan ng kanilang mga buhay
dahil sa mga sakunang hinayaan ni Bagwis na mangyari.

Maraming taong magsasabi na hindi karapat dapat manatili si Mayumi sa kanilang


bayan dahil ito ay hindi nababagay at siya ay bulag, munit hindi na nila kaya itong
pansinin sa hirap na kanilang dinadanas araw-araw.

Ang ama ni Mayumi na si Balong ay nagtratrabaho para kay Bagwis, at pagsapit ng


ika-labing walong kaarawan ng dalaga, ito ay sinabihan na nakatakda na siyang
ikasal kay Bagwis na masyado na matanda.

Si Mayumi ay nagwala, habang siya ay umiiyak, isang luha ay nagmula sa kanyang


bulag na mata, at ito ay naging kulay ginto. Ang kanyang ina naman na si Diamantes
ay umupo sa kanyang tabi at niyakap ang anak. “Magiging maayos ang lahat
Mayumi, manatili kalang malakas, at alalahanin mo kung sino ka, at ano ang iyong
pakay sa mundong ito.” Tugon ng kanyang ina.

Nang tumigil ang pag-iyak ng dalaga isang malakas na hangin ang rumagasa sa
kanilang bayan ng tatlong buwan. Palapit na rin ang araw kung saan magpapakasal
si Bagwis at Mayumi, munit ang hindi nila alam na sa loob ng tatlong buwan na iyon
unti-unti na naalala ni Mayumi kung sino siya, at bakit siya nandito sa bayan na
kanya dapat binabantayan.

Dumating na sa wakas ang araw ng kasal, sinuot ni Mayumi ang kanyang saya at
naghanda na siya. Hinawakan siya ng kanyang ina sa magkabilang balikat at
nginitian ito at niyakap.

Pumunta ang dalaga sa labas ng kanilang bahay at tinignan diretso sa mata si


Bagwis na nalulunod sa kanyang kinakain habang sinisigawan pa ang mga alipin.

“Mukhang kasing ganda mo ang sikat ng adlaw.” ngiti ng pinuno. Tumayo ito sa
upuan at balak pa sanang bigyan ng halik ang dalaga munit biglang gumuho ang
lupa. Nagilaw ang isang mata ni Mayumi at siya ay lumutang sa ere at nagpalit ng
kanyang kasuotan.

“Bagwis, ang iyong pang-aabuso sa bayang ito ay kailangan na maitigil ngayon. Ikaw
ay nakaistorbo ng balanse sa tulay ng mundo ito at ang mundo ng mga espirito dahil
sa iyong mga gawain. Haharapin mo ang mga bunga ng iyong kasakiman at pagiging
ignorante.” Tugon ni Mayumi sa isang hindi makilalang boses ng mga tao.

Tumingin sa isa’t isa ang ama at ina ni mayumi at bigla na din silang nagbago ng
pananamit. Lahat ng tao ay nagtago sa kanilang mga bahay o sa likod ng puno dahil
sa takot, munit sila ay nagsimula ng maglabasan ng marinig ang boses ni Mayumi
ulit.

“Ang bayang ito ay magkakaroon na ng sarili nitong pangalan. Ang bayan ng


kagitingan, at hindi na muli makakaranas ang mga tao nito ng hirap at abuso ng mga
nasa taas. Lalaki ang panibagong henerasyon na may kakayahang maging
matapang at mapagtiyaga. Wala na muling pipikit at iaalay ang kanilang kamay dahil
wala silang lakas.”

“Ako si Mayari, diyosa ng lakas, inam, at himagsikan. Hindi ako papayag kailan man
upang magdiriwang ang kasamaan sa mundong ito na puno ng pansamantalang
buhay.” Dagdag nito. Inangat ni Mayari ang kanyang kanang kamay at ipinagawi
ang hangin sa kanya upang makabuo ng isang lumulutang na bilog. Ito ay kulay
ginto at hinugot nito gamit ang kamay si Bagwis.

Agad naman napalutang ni Mayari ang lalake at ito ay nagmamakaawa. “Maawa


kayo! Maawa kayo sa akin!” Mangiyakngiyak nitong sabi, munit siya ay pinatahimik
ng isang pitik ni Tala na kanina ay si Diamantes, ang ina ni Mayumi.

Nilagay ni Mayari si Bagwis sa bolang iyon at ibinigay kay Sitan na nagpapanggap


na tatay ni Mayumi. Sinunog ito ni Sitan at ang dalawang diyos ay nag alisan bukod
kay Mayari. Unti-unti niya binalik ang kagandahan ng bayan at tinulungan ang mga
taong makabangon muli sa kanilang kahirapan.

“Salamat, ‘O diyosa ng lakas at kagandahan. Hindi namin ikaw bibiguin, at kami ay


magiging magiting para sa inyo.” Anya ng bagong pinuno sa Bayan ng Kagitingan na
si Magtanggol.

“Ito ay maliit na bagay lamang. Inaasahan ko ang iyong kasipagan Magtanggol. Wag
mo akong bibiguin.” Tumango ang pinuno at nagpaalam na si Mayari upang
makapagpahinga sa kanyang ginawa.

You might also like