You are on page 1of 2

DELOS SANTOS, CARL HARLY

BSBA
Ang Alamat ng Damit
Noong unang panahon wala pang ibang panoot sa katawan ang mga tao. Sa bayan ng
Kataw-kataw may nakatirang mag-asawa na may kaisa-isang anak, ang pangalan niya ay Dam-
dam. Siya ay lumaking maganda ngunit may di magandang ugali, inggitera at mapagmataas.
Wala na itong ginawa kung di ang pintasan ang ibang tao. Isang araw may dumating silang
bagong kapitbahay at may anak itong napakagandang dalaga, si Mutuum. Kabaliktaran ng ugali
ni Mutuum si Dam-dam, siya ay mabait at mapagkumbaba sa kabila ng pagiging anak ng isang
negosyante. Dahil dito marami siyang naging kaibigan at marami rin mga nahumaling na
kalalakihan sa kanya isa na rito ang matalik na kaibigan ni Dam-dam na si Commodatum.
Naghatid ito ng matinding inggit at galit sa dibdib ni Dam-dam, mula noon ay nagkaroon na ng
hindi magandang pakikitungo si Dam-dam dito.
Sa tuwi na lamang ay sinisiraan ni Dam-dam si Mutuum sa iba nilang kapitbahay. Sa di
inaasahang pangyayari nalugi sa negosyo ang pamilya ni Mutuum at sila ay naghirap. Ikinatuwa
naman ito ni Dam-dam, ipinagkalat niya na kaya naghirap ang mga ito ay dahil sa manggagantso
at manloloko ang mga ito na hindi naman totoo. Dahil sa kahirapan napilitan ang ina ni Mutuum
na mamasukan kina Dam-dam. Lagi na lamang inaaway at nilalait ni Dam-dam ang ina ni
Mutuum. Isang gabi, pinuntahan ni Mutuum ang kanyang ina upang sunduin. Naabutan niya na
sinisigawan ni Dam-dam ang kanyang ina dahil sa nabasag nito ang salamin. Nakiusap siya na
wag ng pagalitan at babayaran na lamang ang salamin na nabasag ngunit sa halip na tumigil si
Dam-dam ay lalo itong nag ngitngit sa galit, sinabi pa nito na hampas lupa at manloloko ang
mag-ina at hindi na nila mababayaran ang salamin. Di pa nasiyahan at itinulak pa niya ang mag-
ina sa ulanan na siyang ikinasugat ng katawan ng ina ni Mutuum. Lumuluha na naglalakad pauwi
ang mag-ina, hindi kinaya ng ina ni Mutuum kaya ito'y ngkasakit at nagkaroon ng mga sugat sa
braso, leeg, at baywang, lumipas ang mga araw ay lalong lumubha ito at namatay. Naging balita
ito sa kanilang bayan. Lubhang nagalit si Mutuum kay Dam-dam kaya't kanya itong isinumpa.
"Ang isang katulad mong inggitera at mapang-api ay dapat turuan ng leksyon'', iyon ang huling
kataga ni Mutuum at ito'y naglaho na lamang sa kanilang bayan. Nagkibit balikat naman si Dam-
dam, nasiyahan pa ito at sa wakas wala na siyang karibal sa puso ni Commodatum, wala na rin
ang kinaiinggitan niya. Ganon na lamang ang pagkagulat ng magulang ni Dam-dam isang umaga
ng di nila ito matagpuan kahit saan. Wala ni isa ang makapagsabi kung nasaan ito, tanging ang
nakita na lamang nila sa higaan nito ang isang kapirasong tela na animo'y isang maliit na sako na
sing laki ng kanilang mga katawan. Nabalitaan ito sa kanilang bayan at nagkaroon ng usap
usapan na ito'y maaaring si Dam-dam, bilang parusa sa kanya dahil sa pagiging mapang-api nito,
at upang pagbayaran nito ang nagawang kasalanan sa mag-ina.
Hindi naglaon ginamit nila ito sa katawan upang maprotektahan sa mga sugat na mula sa
gabok, tinawag nila ang maliit na tela na Damit, hango sa pangalang Dam-dam. Na nagpapa alala
sa kwento ng mag-ina, na kaya isang pares ay sumasagisag sa mag-ina na inapi ni Dam-dam at
naging parusa kay sa kanya na pangalaagaan ang paa laban sa sugat na dapat ay kanyang ginawa
sa mag-ina. Ganun din ang baho ng kili-kili at leeg, na parusa naman sa pagiging mapanira sa
kapwa, ang pagpansin sa baho ng iba bago ang kanyang sarili.

You might also like