You are on page 1of 22

Spread 1/Page 1

Suntok sa Buwang Pangarap


(Ni Diego M. Delotindo)

Masipag, mabait, at magalang. Ganito kung ilarawan ng kaniyang lola, kaibigan at

kaklase ang batang si Bambam. Bata pa lamang siya ay marami na ang pagsubok na

dumating sa kaniyang buhay. At ito ay nagsimula ng mamatay ang kaniyang mga

magulang dahil sa isang aksidente.

Lumaki sa lola si Bambam, kung kaya’t ganun na lamang ang kaniyang pagmamahal

at pag-aalaga rito. Ang kaniyang lola ang siyang nag aruga at pumuno sa maraming

bagay kung kaya’t hindi batid at ramdam ni Bambam ang kawalan ng magulang.
Spread 1/Page 2

Simula nang araw na siya ay nagkamalay, tanging si lola lang, ang kaniyang naging

karamay at kaagapay.

Isang araw, iyak ng iyak ang batang si Bambam.

“huhuhuhuhu, huhuhuhu” Lola ko! Lola ko” wag mo po akong iiwan. Lola! Lola!!!! Ito

ang pasigaw at malakas na iyak ni Bambam.

Bambam, Apo! Gising! Nananaginip ka ata? kasabay ng marahang pagtapik sa mga

paa nito.
Spread 1/Page 3

Unti-unting minulat ni Bambam ang kaniyang mga mata, sinipat-sipat ang paligid at

bumangon. Isang mahigpit na niyakap ang kaniyang ginawa para kay lola.

“Salamat at panaginip lang ang lahat “.

“Lola, wag mo po akong iwan, di ko po kayang mawala kayo, mahal na mahal ko po

kayo lola”.

Araw ng Sabado. Tirik na ang araw ay di pa rin bumabangon ang kaniyang lola.
Spread 1/Page 4

“Aba! alas onse na ng umaga, tulog pa rin si lola?

Tanong ni Bambam sa kaniyang sarili. Biglang nag-alala si Bambam, agad-agad ay

pinuntahan niya ang kwarto ng kaniyang lola. Ngunit siya ay nagulat at hindi

makapagsalita sa kaniyang nakita. Isang malakas na sigaw ang kaniyang ginawa

“Lola!!!!!!!”.

Lumipas ang maraming araw, mag-isang itinaguyod ni Bambam ang kaniyang sarili.
Spread 1/Page 5

Sa murang, halos lahat na ata ng mga pweding pagkakitaan ay kaniya ng ginawa

upang matustusan ang kaniyang mga pangangailangan, kung kaya’t ganun na

lamang ang awa ng kaniyang mga kapit-bahay. Tiniis ni Bambam ang lahat ng hirap

at pagsubok. Wala naman kasi siyang kamag-anak na pweding tumulong sa kaniya.

Hindi mababakas ang hirap at pagod sa mukha ni Bambam. Kaya marami ang

mataong gustong tumulong at hadang magpaaral sa kaniya.


Spread 1/Page 6

Hanggang isang araw.

“Bambam, gusto mo bang ipagpatuloy ang iyong pag-aaral? Ito ang tanong ng

kaniyang kapitbahay na si Aling Linda.

“Naku, Inay Linda nakakahiya naman po, pero gustung gusto ko po talaga sa nang

pumasok sa eskwelahan, kaya lang, wala naman po kasi akong sapat na kita eh, tama

lang po sa aking pagkain at pangangailangan.”

“Ako na ang bahala sa lahat ng gastusin mo sa paaralan Bambam, Basta maag-aral

ka lang.”
Spread 1/Page 7

“Maraming salamat po Aling Linda”

“Walang anuman Bambam, alam kong malayo pa ang mararating mo. Basta ipangako

mo sa aking mag-aaral ka nang Mabuti”. “Opo Aling Linda, nakangiting sabi sabay

taas ng kamay. “Pangako po!”

Sa pag-aaral naging inspirasyon ni Bambam ang naranasang kahirapan. Hindi man

siya nangunguna sa klase ay maayos naman ang kaniyang mga naging grado.

Samantala, tuwang-tuwa namang si Aling Linda, dahil hindi sila binugo ni Bambam,

bagkus ay sinuklian nito ang lahat ng tulong na kanilang ibinibigay.


Spread 1/Page 8

Pagtungtong ng hayskul, ay mas lalo pang pinag-igihan ni Bambam ang kaniyang

pag-aaral. Sa gabi naman, siya ay tumutulong sa isang pagawaan ng mga sasakyan

na pag-aari ni Mang Carlos, ang asawa ni Aling Linda. Walang anak ang mag-asawa

kung kaya’t ganun na lamang ang pag-aalaga at pagmamahal na kanilang

ipinapararamdam sa batang si Bambam na animo’y tunay na nilang anak.


Spread 1/Page 9

Nagdaan pa ang maraming mga araw. Sa bawat oras at araw na lumilipas ay walang

sinasayang na pagkakataon si Bambam, pilit niyang nilalabanan ang hirap at lungkot

sa tuwing naaalala niya ang kaniyang pinakamamahal na lola, ganun pa man siya ay

lubos na nagpapasalamat dahil may mga taong kumupkop at nagparamdam nang

pagmamahal at pagpapahalaga na kung saan ay itinuring na siyang kapamilya.


Spread 1/Page 10

Nang mga oras na iyon, walang ka malay-malay si Bambam na siya na pala ang

ginawang tagapagmana ng mag-asawang Aling Linda at Mang Carlos. Lubos ang

tiwalang ibinigay nila sa batang si Bambam dahil alam nilang maiingatan at lalo pang

mapapalago ang kanilang negosyo pag dating ng panahon. Kaya’t habang maaga pa,

ay gumawa na sila nang isang kasulatang magpapatunay na si Bambam ang kanilang

tagapagmana.
Spread 1/Page 11

Araw ng Linggo at napagpasyahan ng mag-asawa na pumunta ng El Nido para mag

island hopping. Ibinilin nila kay Bambam na bantayan ang kanilang bahay at ang

pamunuan pansamantala ang kanilang negosyo. “Bambam, ikaw na muna ang bahala

dito sa bahay, pakitingnan tingnan na rin ang ating shop at kung may mga iba pang

mga kakailanganin eh tumawag ka lang sa amin”. Ito ang bilin ni Aling Linda bago

umalis. “Opo, Aling Linda, ako na po muna ang bahala dito, mag-ingat po kayo at mag

enjoy sa inyo pong pamamasyal.


Spread 1/Page 12

Makalipas ang isang oras ay tumunog ang selpon ni Bambam. “Kringgggg! Kringggg!

Kringggg!”. Nagtatakang kinuha ni Bambam ang kaniyang selpon, iniisip kung sino ba

ang tumatawag sa kaniya. Sabay bulong sa kaniyang sarili, “Si Aling Linda, bakit kaya

siya tumatawag?

“Hello po Aling Linda, napatawag po kayo? Nakarating na po ba kayo ng El Nido?

Maganda po ba riyan?” Ito ang magkakasunod na tanong ni Bambam ngunit bigla

siyang natahimik nang marinig ang wang-wang ng ambulansya sa kabilang linya.

Spread 1/Page 13
Bigla siyang kinabahan, ngunit pilit na tinatagan ang kaniyang sarili at muling

tinanong ang nasa kabilang linya.

“Hello po! Ano po ang nangyari? Ito ang malakas niyang tanong.

“Kapamilya po ba ito nang may ari ng selpon? Ito naman ang ganti ng kaniyang

kausap.

Garalgal ang boses ay pilit na nagpakatatag si Bambam. “Hindi po, pero kasama po

nila ako sa bahay” Bakit po?

Spread 1/Page 14
May nangyari po ba? Buong lakas na tanong ni Bambam.

“Wag kang mabibigla, may masamang nangyari sa may ari ng selpon na ito”

“Ho! Ano po ang nangyari sa kanila?

“Nadisgrasya sila, at sa kasalukuyan ay papunta na nang ospital” Halos binuhusan ng

langit at lupa si Bambam ng mga oras na iyon at hindi alam kung ano ang kaniyang

gagawin.

Spread 1/Page 15
“Lakasan mo ang loob mo iho at taimtim na magdasal na sana ay ligtas ang iyong mga

kasama sa bahay.

Agad na pumunta ng ospital si Bambam. Pagdating doon ay agad niyang hinanap ang

emergency room kung saan sinasabing dinala ang mag-asawang Aling Linda at Mang

Carlos. Ngunit, laking gulat niya ng makita ang mag-asawang nakatakip na ng puting

tila.

Spread 1/Page 15
Wala nang nagawa si Bambam kundi ang umiyak ng umiyak habang hawak-hawak

ang mga labi nang mag-asawang itinuring na niyang mga magulang.

Pagkalipas ng Isang linggo, pagkatapos na maihatid sa huling hantungan ang mag-

asawa. Tahimik ng mga oras na iyon si Bambam habang nanonood ng telebisyon ay

may biglang kumatok.

“Tao po! Tao po!” Marahang binuksan ni Bambam ang pintuan at bumungad sa

kaniya ang lalaking maayos ang pagkakabihis.

Spread 1/Page 16
“Ano po iyon? Sino po ang hanap nila?

“Kayo ba si Bambam? Ito ang tanong ng kaniyang kausap.

“Opo, ako nga po, Bakit po? Maypagtatakang tanong ni Bambam. Niyaya niyang

pumasok ang kaniyang kausap at magalang na inalok na mauupuan.

“Ako si Atorney Miguel, naparito ako para sabihin saiyo ang bilin nang mag-asawang

Aling Linda at Mang Carlos”. “Matagal ko na silang kleyente at matalik kong kaibigan

si Mang Carlos.

Spread 1/Page 17
Bago pa man sila pumunta ng El NIdo ay mayroon silang ibinilin sa akin at iniwang

mga papelis”. Agad na inabot ni Atorney Miguel ang enbelop kay Bambam. Nangingig

pa ang mga kamay ng kaniya itong abutin.

“Para saan po ito? Ito na may pagtataka. Agad na binukasan ni Bambam ang

nasabing enbelop at nagulat siya sa kaniyang nabasa.


Spread 1/Page 18

Malinaw na nakasaad dito na siya ang taga pagmana ng lahat ng mga naiwang ari-

arian ng mag-asawa.

“Totoo po ba ang lahat ng ito atorney? “Totoo ang iyong nabasa Bambam, Ikaw ang

tagapagmana ng lahat ng mga ari-arian nina Aling Linda at Mang Carlos.” “Mahal na

mahal ka nila. Sa katunayan nakahanda na ang lahat para sayo Bambam.”


Spread 1/Page 19

Kaniya pa itong inulit “Ikaw ang nag-iisang tagapagmana ng mag-asawa kong

kaibigan.

Sa kabila ng lahat, buong pusong pinagsikapan ni Bambam na makapagtapos ng

kaniyang pag-aaral. At sa bawat araw na lumipas, wala siyang hinangad kundi ang

mapabuti at maingatan ang yamang iniwan ng mag asawang Aling Linda at Mang

Carlos. Sa kasuluyan ay mayroon ng limang sangay at lumago na rin ang kanilang

negosyo.
Spread 1/Page 20

“Walang hanggang pasasalamat o Diyos, Salamat sa lahat ng mga biyaya at pagsubok,

Alam kong napakabuti ninyo, salamat at hindi nyo po ako binigo, salamat o Diyos” Ito

ang taimtim na panalangin ni Bambam.

Bago matapos ang araw na iyon ay bumisita si Bambam sa himlayan ng mag asawang

Aling Linda at Mang Carlos. Gayundin ang pagpunta sa puntod ng kaniyang Lola.
Spread 1/Page 21

Dito ay kaniyang ibinulong ang walang hanggang pasasalamat, mga pagsubok na

nagpatatag ng kaniyang pagkatao. “Babaunin ko hanggang sa aking pagtanda ang

lahat ng magaganda at mabubuting aral na aking natutunan sa buhay. Suntok man

sa buwan ang aking mga pangarap ngunit heto, maliwanag pa sa sikat ng araw ang

magandang kinabukasan na aking hinahangad.

You might also like