You are on page 1of 2

"ANG ALAMAT NG MEDYAS"

Itong alamat na ito ay hango sa sarili kong ideya at imahinasyon.

Halina't pasukin at bashin ang aking sariling gawang alamat.

Ang Alamat ng Medyas

Noong unang panahon wala pang ibang panoot sa paa ang mga tao sa sapatos. Sa bayan ng Paahan may
nakatirang mag-asawa na may kaisa-isang anak, ang pangalan niya ay Mediya. Siya ay lumaking maganda
ngunit may di magandang ugali, inggitera at mapagmataas. Wala na itong ginawa kung di ang pintasan
ang ibang tao. Isang araw may dumating silang bagong kapitbahay at may anak itong napakagandang
dalaga, si Mutuum. Kabaliktaran ng ugali ni Mutuum si Mediya, siya ay mabait at mapagkumbaba sa
kabila ng pagiging anak ng isang negosyante. Dahil dito marami siyang naging kaibigan at marami rin mga
nahumaling na kalalakihan sa kanya isa na rito ang matalik na kaibigan ni Mediya na si Commodatum.
Naghatid ito ng matinding inggit at galit sa dibdib ni Mediya, mula noon ay nagkaroon na ng hindi
magandang pakikitungo si Mediya dito. Sa tuwi na lamang ay sinisiraan ni Mediya si Mutuum sa iba
nilang kapitbahay. Sa di inaasahang pangyayari nalugi sa negosyo ang pamilya ni Mutuum at sila ay
naghirap. Ikinatuwa naman ito ni Mediya, ipinagkalat niya na kaya naghirap ang mga ito ay dahil sa
manggagantso at manloloko ang mga ito na hindi naman totoo. Dahil sa kahirapan napilitan ang ina ni
Mutuum na mamasukan kina Mediya. Lagi na lamang inaaway at nilalait ni Mediya ang ina ni Mutuum.
Isang gabi, pinuntahan ni Mutuum ang kanyang ina upang sunduin. Naabutan niya na sinisigawan ni
Mediya ang kanyang ina dahil sa nabasag nito ang salamin. Nakiusap siya na wag ng pagalitan at
babayaran na lamang ang salamin na nabasag ngunit sa halip na tumigil si Mediya ay lalo itong nag
ngitngit sa galit, sinabi pa nito na hampas lupa at manloloko ang mag-ina at hindi na nila mababayaran
ang salamin. Di pa nasiyahan at itinulak pa niya ang mag-ina sa ulanan na siyang ikinasugat ng paa ng ina
ni Mutuum. Lumuluha na naglalakad pauwi ang mag-ina, hindi kinaya ng ina ni Mutuum kaya ito'y
ngkasakit at nagkaroon ng mga paltos sa paa dahil sa sapatos. lumipas ang mga araw ay lalong lumubha
ito at namatay. Naging balita ito sa kanilang bayan. Lubhang nagalit si Mutuum kay Mediya kaya't kanya
itong isinumpa. "Ang isang katulad mong inggitera at mapang-api ay dapat turuan ng leksyon'', iyon ang
huling kataga ni Mutuum at ito'y naglaho na lamang sa kanilang bayan. Nagkibit balikat naman si
Mediya, nasiyahan pa ito at sa wakas wala na siyang karibal sa puso ni Commodatum, wala na rin ang
kinaiinggitan niya. Ganon na lamang ang pagkagulat ng magulang ni Mediya isang umaga ng di nila ito
matagpuan kahit saan. Wala ni isa ang makapagsabi kung nasaan ito, tanging ang nakita na lamang nila
sa higaan nito ang isang kapirasong tela na animo'y isang maliit na sako na sing laki ng kanilang mga paa.
Nabalitaan ito sa kanilang bayan at nagkaroon ng usap usapan na ito'y maaaring si Mediya, bilang parusa
sa kanya dahil sa pagiging mapang-api nito, at upang pagbayaran nito ang nagawang kasalanan sa mag-
ina. Hindi naglaon ginamit nila ito sa paa upang maprotektahan sa paltos at sugat na mula sa
sapatos,tinawag nila ang maliit na tela na Medyas, hango sa pangalang Mediya. Na nagpapa alala sa
kwento ng mag-ina, na kaya isang pares ay sumasagisag sa mag-ina na inapi ni Mediya at naging parusa
kay sa kanya na pangalaagaan ang paa laban sa sugat na dapat ay kanyang ginawa sa mag-ina. Ganun din
ang baho ng paa ay kanyang maamoy, na parusa naman sa pagiging mapanira sa kapwa, ang pagpansin
sa baho ng iba bago ang kanyang sarili.

You might also like