You are on page 1of 3

Sira na, Wala na: Bagyo

Isinulat ni: Jemima Francin Navarro

X – Nobel

Noong unang panahon, may isang mayuming babaeng nagngangalang

Maerias. Siya’y may kakayahang kontrolin ang hangin at nagtataglay siya ng

kabutihan na para bang hindi ka mabubuhay pag wala siya. Subalit ayon sa

propesiya, kung pairalin niya ang kaniyang kabutihang loob bago sumapit ang

kaniyang ikalabing-limang kaarawan, ay makakagawa siya ng malagim na

kalamidad na magreresulta sa pagkamatay ng marami. Hindi niya pinansin

ang propesiya dahil alam niya sa kaniyang sarili na hindi niya iyon magagawa.

Dalawang araw na lang at sasapit na ang kaniyang ikalabing-limang

kaarawan, pumunta si Maerias kasama ang kaniyang ina sa palengke upang

mamili ng kasangkapan sa pagluluto. Nakita ni Maerias ang isang matandang

pulubi na nanghihingi ng isandaang pera, kahit sakto lang ang perang

mayroon siya’y ibinigay parin niya ito sa pulubi. Sa pagkamangha ng

matangdang pulubi sa ginawa ni Maerias ay nagpalit ito ng anyo. Ang

matandang pulubi ay ang diyos pala ng lupa na si Edathos, nahulog ang

kalooban nito kay Maerias kung kaya’t inanyayahan niya ito sa isang piging.

Galit na galit si Maerias dahil sa panglilinlang na ginawa niya kung kaya’t

tinanggihan niya ito. Umuwi na sila sa kanilang bahay at nagtanong ang ina
kay Maerias, “Saan ka ba nagpunta kanina iha?”. Sinabi niya na mayroong

isang diyos na nilinlang siya. Pinayuhan siya ng kaniyang ina na palagi siyang

mag-ingat sa mga diyos, dahil sila ay mapanlinlang at ubod ng kasamaan.

Isang araw bago ang kaniyang kaarawan, hinanap ni Edathos kung saan

nakatira si Maerias. Natagpuan niya si Maerias na pawang malungkot, kung

kaya’t siya ay nagtanong kung ano ang dahil ng kaniyang kalungkutan. Ang

tugon ni Maerias ay siya’y nababagabag sa propesiya tungkol sa kaniya dahil

parang magiging totoo ito. Naramdaman ng dalawa ang malakas na pag-ihip

ng hangin at tumulo ang luha ni Maerias. Binigyan ni Edathos si Maerias ng

isang tubig na naglalaman ng pampatulog at nung nakatulog na siya ay idinala

niya ito sa kaniyang palasyo. Isang oras ang nagdaan at nagising si Maerias,

tila ba’y puno siya ng galit at lungkot dahil nakita niya ang palasyo ni Edathos.

Ito’y puno ng mga buto ng mga tao at parang siya ang susunod na kikitilin ni

Edathos. Dumating si Edathos at nagtangkang gahasain si Maerias, nanlaban

si Maerias nang husto. Tatlumpong minuto bago ang kaniyang kaarawan,

lungkot at galit ang nararamdaman ni Maerias. Inabot niya ang isang buto at

malakas na sinaksak si Edathos. Bumugso ang hangin, lumakas ang ulan, ang

kalangitan ay napuno ng kidlat at kulog.

Sumapit ang hatinggabi at sinaksak niya ito ng isangdaang beses,

ngunit siya’y muling bumangon dahil siya’y immortal. “Paano mo ito

nagagawa? Ika’y nakakadiring tao, ako’y nanlulumira sa anyo mo!”, sinigaw ni

Maerias habang siya’y gumagawa ng kidlat. Hindi tumugon si Edathos at


pawang tumawa lamang. Sa galit at lungkot ni Maerias, ito’y tumulo ang luha.

Natamaan si Edathos ng luha, at ito’y naglaho. Pagkatapos ng mga pangyayari

ay tumakbo at umuwi si Maerias sa kaniyang bahay ngunit ito’y giba-giba na.

Nakita niya ang mga sirang bahay at nagtatambak na bangkay ng tao. Sinisi

niya ang kaniyang sarili dahil napagtanto niya na nakagawa siya ng bagyo.

Siya’y nawalan ng pag-asang mabuhay, “Anong silbi ko sa mundong ito? Ako’y

isang halimaw. Hindi porket ako’y nakaranas ng hindi kaaya-ayang pangyayari

ay idadamay ko ang iba. Wala, wala na.”

Ipinasa kay: Ms. Roselyn A. Bulut

You might also like